The Untamed Beauty and The Ha...

By cofitwiin

2K 37 8

Disney's Classic fairy tale with a twist: Mayroon tayong kasabihan na LOVE CONQUERS ALL. But will love conque... More

Prologue
Chapter 1: Meet Ana Fonetier
Chapter 2: Date With The Stranger
Chapter 3: Travis the Traitor
Chapter 4: The First Time I Saw You
Chapter 5: Bahay Mo Bahay Ko
Chapter 6: Bisita To Yaya
Chapter 7: Meet the Most Special Girls in My Life
Chapter 8: Household Chores Blues
Chapter 9: All New...
Chapter 10: Painful Past
Chapter 11: Rest-Oh-Rant
Chapter 13: The Announcement
Chapter 14: Hi! I'm Mr. Confused
Chapter 15: His Parents
Chapter 16: Ana or Angela
Chapter 17: Two Halves
Chapter 18: My Angel
Chapter 19: Ana vs. Angela

Chapter 12: Angela

53 2 0
By cofitwiin

And as I promise, this chapter is dedicated to sweet skieelolz02, i love you hunny! Mwah! Kahit pano may nagpakilalang isa haha, walang problem, mababaw lang naman kaligayahan ko akalain mo nagpakilala lang masayang masaya na haha, dae kong silent readers, mag-ingay naman kayo...

Kahit di gaanong kagandahan yung story ko, I just want to ask for your insights kasi makakatulong sa kin yun kung pano ko pa mapapaganda yung story ko kahit alam ko na gagawin ko sa ending niya.

Hay madami pa kong sinasabi, ang story ko, BOW!!!

--------------------------------------------------------------------

Chapter  12: Angela

Ivo's POV

15 minutes past 5pm na. I guess kailangan ko nang magready for Angela's birthday party. At syempre kailangan ko na din pagayakin si Ana. :-)

"Knock knock!!" sabi ko na lang kahit di pa ako kumakatok sa pinto ng kwarto ni Ana.

"Who's there?" mahinang sagot niya.

"Gumayak ka na. Pag hindi ka pa tapos after 30 minutes iiwanan kita" pagkatapos ay tumalikod na ako, pero sumagot pa siya. "Ha? bakit san tayo pupunta?" bumukas ang pintuan niya. "Sa birthday party ni Angela" seryosong sagot ko, "Ha?? TALAGA!? Isasama mo ko??? Ahaha! YES!!! Saglit lang ha, bihis lang ako" ano kaya ang nginingiti-ngiti ng babaeng to?

---------------------------------------------------

Nakaready na ako, with black tuxedo, formal attire daw kasi. Inilabas ko na din yung white thingies na binili ko kahapon sa Robinson's para kay Ana at inilagay ko sa kwarto niya.

"Ivo! Tapos na ko!" at nakita ko siyang pababa ng hagdan.

What the--!!!! Ano't nakat-shirt at jeans ang babaeng to? Ano na lang kaya ang iisipin ng mga tao kapag nakita siya dun? Isang ligaw na pusa sa isang palasyo. Hay naku! Napahawak na lang ako sa ulo ko.

"Halika nga," hinila ko siya pabalik sa kwarto niya. "Ha? Hindi ba maganda suot ko?" at nagtanong pa, anak ng tuyo talaga.

"Hindi, ang pangit ng damit mo" binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at itinuro ang box sa ibabaw ng bed niya

"Hindi mo ba nakita yan? Kaya ko inilagay yan jan e para suotin mo, hindi para deadmahin mo lang. SIge magpalit ka na." iniwan ko siya at lumabas. Alangan namang panoorin ko siyang magbihis. Tss, baka kung anong kababalaghan lang ang makita ko. Pero di nagtagal ay narinig ko siyang sumigaw. Napatalon ako at dali dali kong binuksan ang pintuan.

"HA!!! BAKIT!!! ANONG NANGYARI!!!" gulat na gulat na tanong ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" what? sumigaw, afterwards tumawa? Does she really think she always do amazing things?? Probably not! What she did just now is absurd! Bakit ba siya sumigaw, natutulig pa naman ang tenga ko sa tuwing sisigaw siya.

"Bakit! A-ano ba nangyayari sa yo!" naiinis na ako kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa braso niya. "Eh, panong hindi ako magugulat, ito? ito ang ipapasuot mo sa kin don? Haha, kala ko pa naman ay yan yung ireregalo mo sa Angela na yun, kaya napasigaw ako." aw! So that's why...kaso nakakainis pa din. Napansin ko na lang na yumuko siya.

"Salamat Ivo" yun ang narinig kong lumabas sa bibig niya at nakita kong parang maiiyak na naman siya. Siguro ay dahil sa napagkwentuhan namin kagabi.

Kaya bago pa siya ulit malungkot (which is ayaw na ayaw kong nakikita), niyakap ko na lang siya. "It's ok now, para sa yo talaga yan. Magbihis ka na. And I will wait for you outside ok?" mahinahong sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay lumabas din ako.

--------------------------------------

"Maganda ba?Ha Ivo? Haha, salamat nga pala. Pano mo nalaman ang favorite color ko?" tuwang tuwang tanong niya sa kin habang titig na titig s salamin at umiikot pa. Hay Ana.

"Tinatanong pa ba naman kung pano ko nalaman? Just by looking at the shirts that we bought last week, napaghahalatang favorite mo ang white. Tsaka bagay mo din naman" sinusubukan kong iiwas ang mata ko sa kanya, because she's damn captivating. Baka hindi kami tumuloy at baka may makapansin sa beauty niya, at sa harap ko pa ligawan. Please naman, ayokong may ibang lumalapit na lalaki sa kanya.

"Wow, salamat Ivo! The best ka talaga!!!" napangiti naman daw yung halimaw sa pagkatuwa. "O ano, tapos ka na bang tumitig sa mukha mo? Pwede na ba tayong umalis?" tanong ko na lang sa kanya. She just nodded kaya bumaba na din kami papuntang sala.

Palabas na siya ng bahay kaya naman pinigilan ko siya agad. "Wait a minute Ana. May kulang pa" i told her, at tumingin sa akin na parang nagtataka. "Ha? Ano pang kulang?" hinila ko siya palapit sa akin at itinalikod. At mula dun ay ipinasuot ko sa kanya ang silver-plated necklace with a heart pendant.

"Ayan. O tapos eto pa isabit mo sa shoulder mo" iniabot ko sa kanya ang white shoulder bag, pati na din ang sandals na white. What a fair lady!

"Oh my Ivo. Wala akong pambayad sa yo" seryoso siyang tumingin sa akin. "Ana, para yan sa pagtira mo dito sa bahay at pagpapaamo sa mga spoiled sisters ko. Pero if you think na sobra sobra yan..." ngumiti ako.

"...a hug is enough for me" yun ang hiningi ko sa kanyang kapalit. Akala ko ay mag-aalangan siya sa sinabi ko, but to my surprise, she really hugged me.

"Hay naku Ivo, kahit habang buhay pa kitang yakapin kung yun lang ang kapalit sa lahat ng mga bagay na to, ok lang sa kin" she said habang yakap niya pa din ako.

"You're welcome" and I hugged her back.

"Ehem, ehem, ehem..." and the five devils arrived--Alex, Bryan, Kelvin, Darren, and Travis. Kaya naman bumitiw din si Ana sa hug. Those devils are really annoying. Ang ganda ganda na ng nangyayari eh. This is what they call 'WRONG TIMING'

"Wow, tol, what's the meaning of this?" mapang-asar na tanong ni Alex sa kin. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Lumapit si Ana sa kanila.

"Thank you hug yun para sa kanya, para sa mga damit na to. haha, sabi kasi niya, enough na daw ang...kdlaskfgnabmcbvryetroknflkmciv" tinakpan ko ang bibig niya. Akalain mo ba namang i-blurt out  niya yun. Naku naku!!!

"Aha, let's go mga pre" at hinila ko si Ana palabas. Baka kung ano pa ang masabi nito, tsss.

Hindi naman sa natatakot akong sabihan na bumababa ang taste ko sa girls. It's just that hindi pa time, kasi mismo sa sarili ko, hindi ako sure sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Ivo, I guess you forgot something" nakita kong itinuro ni Travis ang isang pink box sa ibabaw ng table. Oh God! Yung gift ko kay Angela. Hindi naman talaga yun gift. Mga damit lang niya na naiwan sa bahay nung nag-stay siya dito kasama ako. Ibinalot ko sa gift wrapper, para mukha namang malinis. Tutal ay nilabhan naman ni Yaya ang mga yun.

"Oh yeah, gift ko yan kay Angela" iniabot naman kaagad sa akin ni Kelvin.

"It's already 6pm, tara na" at pagkatapos non ay nagpunta na din kami. As for my two sisters, may cellphones naman sila, kaya I sent them a message na nagsasabing  kila Tita Grizelda muna sila uuwi.

-----------------------------------------------------

"Wow! Ito ba yung bahay nung Angela? Ahaha, eh palasyo to eh! Siguro ay prinsesa ang buhay niya" inosenteng sabi ni Ana. Nasa labas na kami ng bahay nila Angela.

Nagtataka tuloy ako kung gaano kalaki ang bahay nila Ana bago siya naulila. Hay, buhay!

"Oo, tama ka, prinsesa nga siya. Kaya tumahimik ka na diyan" dahil sa sagot ko ay inirapan niya ako.

"Bryan, pwede mo ba ako ipakilala mamaya kay Angela? Para kasing makakasundo ko siya eh, hehe! Tsaka kahit paano, baka pwede ko siyang puntahan dito para makipagkwentuhan! Baka kasi maburo ako sa bahay kapag wala yung Primate Person diyan" sabi ni Ana habang excited na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.

"Sure! Sa pagkakakilala ko sa yo so far, matitiis mo si Angela para kaibiganin" humagalpak ng tawa sina Darren.

"Oo nga Ana, wag kang mag-alala, sabihin mo sa min pag magkaibigan na kayo, pakakainin ko ang buong Pilipinas." inakbayan pa siya ni Alex.

"Haha, kayo ha, niloloko niyo ko. Tignan mo nga siya mukha naman siyang mabait oh" sabi niya sabay turo sa malaking tarpaulin sa harap ng bahay.

At ito namang si Kelvin ang lumapit sa kanya, "Tama ka diyan, mukha nga siyang mabait, pero hanggang mukha na lang, hahaha" at naghi-5 pa ang mga siraulong to.

That time, may narinig na kaming nagsalita sa loob.

"Good evening ladies and gentlemen. I request everyone to be inside, because in five minutes, we're going to start the program" sa tingin ko ay emcee ang nagsalita. Kaya naman, nag-ayos na kami bago pumasok.

Grabe! Very crowded ang sala ng bahay, hindi na kami makadaan. Pero pag step namin sa loob ay, humawi ang daan at nagkaroon ng mga bulung-bulungan, and I'm sure kay Ana sila nakatingin. Maybe they are astounded by her beauty. Nakarinig ako ng ilang comments.

"Di ba boyfriend ni Angela yan?"

"Ang ganda naman nung girl. Mukhang princess"

"Yeah, gusto ko yung damit niya"

"Haha, ano bang sinasabi niyo? Maganda talaga siya hindi dahil sa kung ano'ng suot niya" tumingin ako sa banda nila at nakita kong matandang babae ang nagsalita.

"At sino ka? Kasama ka ba dito sa party? O baka naman katulong ka dito kaya ka nandiyan? Pwedeng tumabi ka!" sabi ng isang babaeng mukhang payaso dahil sa kapal ng make-up. Itinulak ang matanda kaya naman natumba siya.

"Ay,jusko lola. Ok ka lang ba? Miss ano ba yang mga ugali niyo, mas bulok pa sa basura!" agad na saklolo ni Ana sa matanda. Napagtaasan niya ng boses ang mga babaeng yun kaya naman tumahimik sila habang hindi napapansin ng iba ang eskandalong nangyari dahil tuloy sa  party ang iba.

Tinuluyan niyang makatayo ang lola. "Salamat anak, bukod sa maganda ka na'y mas maputi pa sa damit mo ang ugali mo. Sige tutuloy na ko" paalam ng matanda habang nagwe-wave ng hands si Ana at nakangiti pa. Wow! That was amazing. Mabait naman pala ang anghel na to eh.

At ang mga babae namang mapang-api, hindi na sumagot. Siguro ay dahil sa presensya ko, nakakahiya naman pong magpakita ng bad na ugali sa harap ng mga gwapong nilalang. At kahit alam kong labag sa loob nila, nag-sorry sila sa matanda. At  yung mga kabigan ko naman, tuwang tuwa sa atensyong natatanggap nila. At bakit hindi, kilala sila sa lugar namin.

"Ivo!!!" narinig kong may tumawag sa likod namin. That's Angela.

"Hi guys! O Darren kumusta ka naman? Bryan! Long time no see! Hindi mo na ko dinadalaw! Nakakainis kayo! I miss you! Group hug tayo!!!" at naggroup hug kaming lahat. Tuwang tuwa naman sila dahil nagkita ulit sila.

That's right! Sila lang ang masaya. Except me. Sino naman ang magiging masaya kapag nakita mo ang babaeng nangloko sa yo ng ilang beses! Tae lang!

"Gel, this is my gift! Happy birthday!" bati nitong si Kelvin, ang pinakaclose ni Angela sa group.

"Ako din Angela, this is my present for you!!" iniabot ni Alex ang regalo niya. Kilala ko na ang mga taong ito. Kahit maliliit na box ang lalagyan ng mga gifts nila, I know na matataas ang presyo ng mga yun.

Sumunod naman si Darren. "Gelly, my little sis, eto ang gift ko sayo, Happy birthday!" and he hugged her at hinalikan niya sa cheeks. Well, that's how they greet each other.

"Angela, baka akala mo nakalimutan ko. Here's my gift" singit naman nitong si Bryan. Kahit kailan ang mga taong to matagal tagal din ang pinagsamahan kaya hindi ko sila masisisi kung ganyan na sila kaclose ngayon, kahit naiipit sila sa pagitan namin.

"Angela, my gift. Happy birthday!" lumapit ako at iniabot ang box, malaking box. Pero gaya ng sabi ko kanina, hindi siya gift. Isinoli ko lang yung mga damit niya na naiwan sa bahay. I greeted her and kissed her cheeks.

"Oops, Angela, please accept this. My gift can't wait to be in your precious hands. Hahaha" pagbibiro naman nitong si Travis.

"Salamat! Salamat sa inyong lahat..." blah blah blah blah. Madami pang sinabi si Angela pero wala na akong pakialam at nakita ko si Ana sa likod namin.

Nilapitan ko siya. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko siya. Nakakainis!!! I'm so sorry pero kailangan kong aminin na hindi pa ako nakakamove-on kay Angela kaya naman ganito ang reaction ko nang makita ko siya.

"Ana, are you ok?" I approached her, baka kasi naboboring na din siya. Ngumiti naman siya sa kin.

"Halika ipapakilala kita kay Angela" in-offer ko ang kamay ko sa kanya at inabot naman niya yun.

"Sure!!!" malaking ngiti ang sinagot niya sa kin.

Lumapit ako sa mga friends ko at kay Angela.

"Ahm excuse me..." napatingin naman sa kin sina Alex. "Angela, meet Ana, friend namin".

----------------------------------------------

^_^  .vote.like.comment.  ^_^

Salamat kay dearest skieelolz02 madaming thank you's talaga!!!

Continue Reading