My Playboy Boss

By paujhoe

8.6M 141K 2.3K

Sexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified pla... More

Prologue ***
One***
Two***
Three***
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty (Final)
Epilogue
Married Life of Mr. Playboy

Forty-six

114K 1.7K 7
By paujhoe

Forty-six

Malik's POV

Flash back

Napag-usapan nila ng mga kaibigan niya at ni Zach na magkikita kita sila sa isang mall. Ang bilin sa kanya ni Zach isama niya si Naomi sa lakad na iyon. Hindi naman niya alam kung para saan ang pagsama ni Naomi sa lakad nilang ito.

Kahit pa nga sabihin na tutulong daw si Zach sa kanila para layuan siya ni Naomi hindi naman nito dinetalye ang plano nito.

Naisip niya kahit naman layuan na siya ni Naomi, hindi pa din titigil ang tatay nito sa panggugulo sa kanya. Kasi hindi lang ang pagiging manugang niya ang habol ng matandang Lopez, pati ang kayaman niya.

"Baby, what are we doing here?"tanong sa kanya ni Naomi.

Hindi niya din alam kung ano ang dahilan nila kung bakit sila nandito ngayon. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nandito sila ngayon kasi may plano si Zach sa kanya.

Dinaan nalang niya sa ngiti ito.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad lakad nila hanggang sa natanaw na niya ang kapatid ni Issay.

Zach is holding a child in his arm. Mukhang nasa limang taong gulang na ang bata lalaki. Pero hindi niya kilala ang batang kasama nito.

Napansin nalang niyang biglang kumalas ang pagkakayapos ni Naomi sa kanya ng makita ang bata at si Zach. Nagtataka man siya pero hindi niya pinahalata it okay Naomi.

"Hey Malik, I didn't know your here"masayang bati sa kanya ni Zach.

Start na ba ng arte nila, alam naman nito na andito talaga siya kasi ito ang nagsabi na pumunta sila dito.

"Yeah, were just unwinding"sagot nalang niya.

"Mommy"tawag ng bata.

Nang bumaling ang mata niya sa bata nakita niya itong nakatitig kay Naomi. Kaya naman napatingin din siya kay Naomi, na ngayon ay naiiyak na habang nakatitig sa bata.

"Jasper"bulong ni Naomi.

Sa pagtataka niya minabuti niyang magtanong kay Zach kung ano ang nagyayari.

"Whose this kid?"tanong niya sa kapatid ni Issay.

"I just saw him, I think he is missing or something"sagot naman sa kanya ni Zach.

"Where did you find him?"si Naomi ang nagtanong para sa kanya.

"Somewhere"makahulugang sagot naman ni Zach.

Tuluyan ng napahagulgul naman si Naomi at sinugod ng yakap ang batang kasama ni Zach.

Nagtataka man siya mas pinili na niyang manahimik nalang at pagmasdan ang dalawa na ngayon ay parehas ng umiiyak.

Nang matapos ang iyakan nila Naomi at ng batang kasama ni Zach nagpasya silang umalis na sa mall. Nagkita kita na din kasi silang magkakaibigan sa mall na iyon.

Dinala sila ni Zach sa isang resthouse nito sa Antipolo.

"Now Naomi, you have your child are you still after Malik as your husband"simula ni Zach.

Seryoso silang nakikinig sa pag-uusap ni Zach at ni Naomi. Unti-unti na niyang napagtatahi ang mga nangyayari ngayon.

"Parker"tawag naman ni Naomi dito.

"I know everything, and my name is Zachary Wilson. Parker is just my pen name way back when I'm still in the band"sagot ni Zach kay Naomi.

Nanlalaki ang mata ni Naomi na nakatingin lang kay Zach. Alam na marahil nito na kamag-anak ito ni Issay.

"I'm Avery's brother. Friend of Tyler. Did I ring the bell now?"muling pagsasalita ni Zach.

"I know that you knew Tyler, your part of his band. You're his lead vocalist Parker"sarcastic na sagot naman ni Naomi.

"Okay lets go straight to the point Naomi, now that you have your child stay away from Malik. let my sister have this asshole"medyo nagtaas na ng boses si Zach.

"Do you think I want to marry Malik, I'm just doing this for Jasper"maluha luhang sagot naman ni Naomi.

Doon na siya sumingit sa usapan ng dalawa.

"What do you mean Naomi?"nagtatangis ang bagang niyang tanong dito.

"I'm sorry Malik, nagawa ko lang ito kasi hawak ni daddy ang anak ko. I know everything that my dad did to you. Kaya lang wala akong magawa kasi natatakot ako nab aka kung ano ang gawin ni daddy sa anak ko. I saw my dad kill the father of my child Malik. pinatay ng daddy ko sa harapan ko mismo si Tyler. He doesn't want Tyler for me, nang malaman niyang buntis ako pinatay niya si Tyler. Sa takot k okay daddy lahat ng utos niya ginawa ko Malik. after kong manganak tinago niya ang anak ko Malik"humagulgol pa si Naomi sa kanya.

Naikuyom niya ang kamay niya sa mga natuklasan niya.

"Galing naman masyado ng tatay mo Naomi"tuya ni Jake sa dalaga.

"He doesn't care about us. Kahit si mommy hindi na niya mapigilan si daddy. All he wants is to become rich"puno ng hinanakit ito sa pagsasalita.

"we'll help you Naomi but you have have to help us as well"ani Zach.

"Zach I'm scared to my father. You don't know what his capable to do"

"Wag kang mag-alala Naomi, ilan kami ditto, si Malik, ako, si Benjamin, si Jake at Zach. Kasama pa ang mga NBI at pulis sa tingin mo hindi pa natin masusugpo ang tatay mo"sabi pa ni Marco.

Nakumbinsi din nilang tulungan sila ni Naomi, kinailangan nilang magpanggap na walang nangyari sa araw na ito.

Umalis din sila sa resthouse ni Zach, iniwan nila ang anak ni Naomi doon. Tinawagan na niya si Owen para pabantayan ang resthouse ni Zach para sa anak ni Naomi.

Dumiretso sila sa bahay ng ama ni Naomi para makausap ito ng tungkol sa kasal nila.

Napag-usapan na nila ang gagawin nila. Dalawang araw bago ang kasal nila ni Naomi gagawin ang entrapment operation para mahuli na ang ama ni Naomi.

"Ready?"tanong nya kay Naomi ng nasa tapat na sila ng bahay ng ama nito.

Tinanguan lang siya nito at bumaba na sila sa sasakyan. Sinalubong sila ng mga katulong ng mga ito.

"Si daddy?"hanap ni Naomi sa ama sa mga katulong ng mga ito.

"Nasa study room po niya ma'am"magalang nasagot ng katulong.

Nagderetso silang dalawa doon sa loob ng study room ng tatay nito. nakita nilang busy sa kung ano ang ama ni Naomi.

"Dad"tawag sa kanya ni Naomi.

"Oh what brings you here?"nakangiting tanong naman nito sa kanila.

"Well we just want to invite you for a dinner sa makalawa dad. Dadating na kasi ang parent ni Malik so gusto naman niyang magkaharap muna kayo ng mga parents niya before the wedding"masiglang turan ni Naomi sa ama.

"Okay then, pupunta ako iyon lang ba Hijo?"masayang tanong pa nito sa kanya.

"I want to talk to you, privately"simula niya.

Sinenyasan nito si Naomi na lumabas muna, nang maiwan naman silang dalawa ng ama nito naupo siya sa harapan nito.

"Ano ang pag-uusapan natin Malik?"seryosong tanong nito sa kanya.

"Tungkol sa gusto niyong mangyari after ng kasal namin ni Naomi"nakangiting sagot naman niya.

Gusto kasi nito na bumaba siyang CEO ng kumpanya niya at ilipat ang kanyang pwesto ditto. ang idinadahilan nito ay para makapagfocus muna siya sa anak nito.

"What about that?"makahulugang ngumiti naman ito sa kanya.

"I just think about it, medyo nag-aalangan kasi ako na bumaba na CEO ng company. kaya ko naman magfocus sa company as well as husband of Naomi at the sametime I guest."sagot niya.

Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi.

"Oh, ang akala ko ibibigay mo na saakin ang trabaho mo. I can take good care your company Malik kung iyan ang iniisip mo"tumayo pa ito at lumapit sa kanya.

"Ayaw mo naman siguro na biguin ang father-in-law mo kung magkataon"bulong panito sa kanya ng makalapit ito sa kanya.

"I will think it more further. Magkita nalang tayo siguro before the dinner."sagot naman niya.

Nagpaalam na siyang aalis, tumayo na siya kahit hindi pa niya nahihintay ang sagot nito.

Tiniyak niyang mapipikon sa kanya ito ngayong araw para naman gamitin na nito ang mga tauhan niya. iyon ang nasa plano nila, kapag nangyari na inilabas nito ang pagiging drug lord nito at pinagbantaan siya nito ng harapan doon na ito huhulihin ng mga pulis.

"Baka kailangan mo pa ng tulong ko para makapagdesisyon ka na ng mabuti"turan pa sa kanya nito ng nasa pintuan na siya.

"Makikita natin"sagot na lang niya ditto.

Tuluyan na siyang umalis sa tanggapan nito. nagderetso lang siyang lumabas ng bahay ng mga ito. nakita niya si Naomi pero hindi niya ito isinama pauwi. Kasama sa plano nila ang iwanan niya doon ang dalaga para mas lalong maprovoke ang matandang Lopez sa kanya.

..............

Dumating ang araw ng usapan nila ni Lopez para sa pag-uusap nila tungkol sa pagbaba niya sa pwesto niya bilang CEO ng company niya.

Nagkita lang sila sa isang restaurant para kumain ng dinner. Hindi naman nagsasalita ang kaharap niya, tuloy lang ito sa pagkain.

Kinakabahan man siya hindi niya nalang pinahalata. Ang alam ni Arnold Lopez mag-isa lang siya na nakipagkita ditto. samantalang hayagan na may mga kasama itong mga tauhan nito na makikita sa paligid nila.

"Ehem... so lets talk"simula niya ng matapos sila sa pagkain.

"Lets talk about it in some other place. More private Perez. I have place"tumayo na ito at nagsimulang maglakad palabas ng restaurant na iyon.

Sinundan lang niya ito hanggang sa parking lot, hindi na siya pinasakay nito sa sasakyan niya. pinilit siya nitong sumabay nalang sa sasakyan nito.

Hindi naman niya pinahalata ang pagkabalisa niya sa harapan nito. habang nasa biyahe sila hindi niya maiwasan na magpalinga linga para hanapin ang mga kasama niya. nakahinga lang siya ng maliwag ng may mapansin siyang isang pamilyar na kotseng nakasunod sa kanila.

Nakarating sila sa isang abandunadong gusali sa dulo na halos ng Manila. Wala na nga nagagawi sa lugar na pinuntahan nila ngayon.

"Why did you bring me here?"hindi niya naiwasan na tanungin ang kasama niya.

"Were here to talk"nakangisi namang sagot nito sa kanya.

Hinarap niya ito at nakita niyang may nakatutuk ng mga baril sa kanya ang mga kasama nito. ilang sandali pa naglabasan na ang mga tauhan nito sa lungga ng mga ito. hindi lang pala ang mga kasama nito ang naroon ng mga oras na iyon.

Hindi na siya nagulat sa nangyayari ngayon sa kanila.

"Mag-uusap lang tayo bakit kailangan pang may baril"pinilit niyang maging maangas sa pagsasalita sa harapan nito.

"Tinutulungan na nga kitang nagdesisyon ngayon Malik"nakangising sagot nito sa kanya.

"Sa pananakot"ganting ngumisi din niya ditto.

"Alam mo Malik, gusto ko 'yang tapang mo"nagsimula na itong lumapit sa kanya.

"Kaso, sa sobrang tapang mo, napapatagal ang pagyaman ko."dagdag pa nito.

"Mayaman ka na"sagot naman niya ditto.

"Mayaman?! Huh...kulang pa ang yaman ko. Kasi may mas mayaman pa saakin ngayon. Kilala mo ba kung sino?"tanong nito sa kanya.

Hindi niya ito sinagot.

"Ikaw"tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Kapag naibigay mo na sakin ang lahat ng meron ka wala ka ng kwenta saakin. Kahit wag mo ng pakasalan ang anak ko. Wala na akong pakialam sa babaeng iyon"para ng nababaliw ito sa pagsasalita.

Napailing naman siya sa paraan ng pagsasalita nito.

"Dapat noon ko pa naisip ang ganitong plano,pasalamat ka nalang at pinatagal ko pa ang buhay mo"dagdag pa nito.

"Hindi ko ibibigay sayo ang kumanya ko. Pinaghirapan ng magulang ko ang kumpanyang iyon kaya malabong ibigay ko sayo iyon. Kahit patayin mo ako ngayon hinding hindi mo makukuha iyon saakin"matigas niyang tanggi ditto.

"Matigas ka ah, paano kung ipapatay ko ngayon ang mag-iina mo. Magmamatigas ka pa din ba"sagot naman nito.

Kampante naman siyang hindi nito magagawa ang binabalak nito. nasa probinsya na sila Issay mag-iisang linggo na ang nakakaraan. Kahit pa nasa malayo ang mga ito kompleto naman siya sa mga tauhan na nagbabantay ditto

"Sa tingin mo kapag binigay ko sayo ang meron ako walang papansin sayo.May mga maghahabol sayo kung sakaling mawala ako ngayon ditto at mapunta sayo ang lahat"panghahamon naman niya ditto.

Tumawa lang naman ito ng malakas.

"Sa tingin mo hindi ko naisip 'yan."sagot naman nito at binalingan ang tauhan nito.

Mayroon inabot ang tauhan nito na isang folder.

"Syempre naayos ko na ang mga bagay na iyan. Pipirmahan mo nalang ito at maayos na ang lahat. Wag kang mag-alala kung pipirma ka na agad baka pag-isipan ko pang wag ka ng patayin"paliwanag pa nito.

Iniabot sa kanyang ang folder, pagbuklat pa lang niya nakita na niya ang nilalaman nito.

Deed of absolute sale and transfer of ownership

Iyon agad ang nakita niyang bumungad sa kanya. Sinarado niya ito at ibinalibag sa harapan ni Arnold. Wala siyang balak na pirmahan ang mga papeles na ibinibigay sa kanya nito. hindi pa siya nahihibang para gawin iyon.

"Hindi ko pipirmahan iyan"matigas niyang tanggi ditto.

Bago pa man makapagsalita si Arnold nagsidatingan na ang mga pulis na kausap niya. nagkaroon ng palitan ng mga putok sa pagitan ng mga pulis at sa tauhan ni Lopez.

Agad siyang naghanap ng matataguan niya. wala naman kasi siyang alam sa pakikipagbarilan. Wala din naman siyang dala na baril para ipagtanggol ang sarili niya.

Nakita niyang dumating na si Owen sa lugar ng barilan.

Agad niyang hinanap si Lopez kung nasaan ang kanilang pakay na mahuli ng mga oras na iyon.

Nakita niyang papatakas na ang mga ito, sa dami ng tauhan ni Lopez nagawa ng mga ito na pagtakpan ang boss ng mga ito.

Kumpara sa mga pulis na naroon ngayon di hamak na mas marami pa din ang mga tauhan ni Lopez kaya naman walang kahirap hirap na maitatakas ng mga ito ang amo ng mga ito.

"Owen!!!"pahiyaw niyang tawag sa pulis na kaibigan.

Nilingon naman siya nito at itinuro niya ang papatakas ng si Lopez ngayon tinanguan lang siya nito at tumakbo na para habulin ang papaalis ng kalaban nila.

Hindi pa din magkamayaw sa palitan ng mga putok ang mga baril sa loob ng building kung nasaan sila ngayon. Hindi siya makaalis sa pinagtataguan niya dahil sa putukan ng mga baril.

"Sir tayo na po"aya sa kanya ng isang pulis.

Agad naman siyang tumayo at sumunod ditto para naman makalabas na siya doon. Patakbo ang ginawa nilang paglisan sa loob ng building. Madami pa din kasi ang mga tauhan ni Lopez na gumaganti ng putok ng baril.

Nang makalabas na sila ng tuluyan naroon naman si Naomi at ang mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya sa labas. Hindi niya inaasahan na naroon ang mga kaibigan niya.

"Where's my Dad?"nag-aalalang tanong ni Naomi sa kanya.

"Tumatakas sila ngayon pero hinabol nila Owen"sagot niya.

Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Naomi. Kahit anong sama ng ama nito hindi pa din maiaalis na magulang pa din ni Naomi si Arnold kaya naman nag-aalala ito sa kalagayan ng ama nito.

Ilang sandali pa natapos na ang palitan ng putok sa loob ng gusali. Isa isa ng lumalabas ang mga tauhan ni Owen kasama ang mga nahuling tauhan naman ni Lopez.

Nanghintay pa sila ng ilang sandali sa labas, may nakita silang nilalabas na mga bangkay nan g mga tauhan ni Lopez. Pero wala pa din ang kaibigan niya o kahit si Lopez ay hindi pa din niya matanawan.

"May mga tao pa bas a loob?"tanong niya sa isang pulis na kakalabas lang galing sa gusali.

"Meron pa po"sagot naman nito.

Ilang minuto pa ang lumipas nakita na niya si Owen na papalapit sa kanila. May tama ito ng bala sa balikat pero mukhang okay naman ito.

"Nakatakas si Lopez"turan nito ng makalapit na sa kanila.

"Shit may sa palos naman pala ang Lopez na iyan."gigil na turan naman ni Jake.

"We better inform our men na doblehin ang pagbabantay sa mag-iina mo ngayon"baling naman sa kanya ni Owen.

"Yeah, ganoon din sa anak ni Naomi at kay Naomi na din."sagot naman niya.

Si Naomi kasi ang nagturo sa mga laboratory ni Lopez na pagawaan ng mga pinagbabawal na gamut. Kasabay na sinalakay ngayon gabi ang mga ito ng iba pang tauhan ng mga NBI at PDEA ang mga itinuro ni Naomi.

Kapag nalaman ito ngayon ng ama ni Naomi na si Arnold malamang malalagay sa panganib ang buhay nito at ang anak nito kaya naman kailangan din nilang magdoble ingat.

"Kailan ang balik nila Issay sa Manila?"tanong niya kay Benjamin.

"Sa isang linggo ko pa sila pababalikin"saad naman ni Benjamin.

"No, pabalikin na natin sila bukas. Mas mapapanatag ako kung kasama ko na sila ngayon"sagot naman niya sa kaibigan.

"Mas maganda pa nga. Bukas tatawagan ko sila na bumalik na sila ditto."sagot sa kaya ni Benjamin.

Sa mga ganitong pangyayari si Issay at ang mga anak lang nila ang kailangan niyang protektahan. Kailangan na niyang maibalik ngayon sa poder niya ang mga ito. lalo pa ngayon na nakatakas pala si Lopez, hindi pa tapos ang problema niya hanggang hindi pa niya naipapakulong ang lalakig iyon. 

Continue Reading

You'll Also Like

3K 82 12
Masipag, strikto at competent si Kayla sa trabaho, 'yung tipong doon na lang umiikot ang kanyang mundo. Sa edad na trenta, wala pa sa isipan niya ang...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.8M 48.2K 46
R-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to...
1.3M 17K 29
Makakalayo ka pa ba sa tukso kung masarap palang trumabaho ang iyong ka-trabaho?