Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

IV.

194K 7.7K 3.9K
By CloudMeadows

'Risk is part of the game.' -Victoria Aveyard

Gemma

After two weeks...

"Gemma? Hindi ka ba sasama? Diba ngayon yung last funeral ni Jack?" Umiling ako at nagpatuloy sa paghalo ng drinks.

"Sure ka?"

Umiling ulit ako at napahigpit ang hawak ko sa glass. "Mauna ka na."

Mag a-alas sais na at paparating na si Raven. Kanina pa ako pinipilit ni Rose na sabay kaming pumunta sa burol ni Jack.

Jack.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi nagsasalita ang mga police kung ano ba talaga ang nangyari at isa pa wala na rin yung mga magulang ni Jack kaya mga kaibigan niya lang daw ang nasa burol niya at maging sila hindi nila alam kung ano ba talaga ang nangyari.

Saktong pumasok si Raven, siya na ang pumalit sa akin. Nakiusap na ako sa boss namin, starting tomorrow mag s-switch kami ng shift ni Raven, ako na ang mag mo-morning shift at siya naman ang panggabi.

"Condolence pala Gems." Bati ni Raven. Ngumiti ako ng mapakla bago umalis ng tuluyan.

Pakiramdam ko kahit na anong oras, tuluyan ng bibigay 'tong katawan ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila namamatay. Hindi sila nabibigyan ng sapat na hustisya dahil alam kong hindi basta bastang tao ang nasa likod ng mga ito. Yung mga police na dapat nag iimbestiga ng mga kaso ng mga kamatayan nila, lahat sila nananahimik. Pati yung may ari ng club na pinagtratrabahuan ko, pagkatapos nung insidente ng pamamaril kinabukasan ay parang walang nangyari. Parang walang nabaril.

Alam kong hindi ko sila gusto na tao pero hindi yung puntong gusto ko na silang mamatay.

At ako naman 'tong tanga, lagi akong nagtatapang-tapangan. Kung sana hindi ko yun sinabi kay Jack, sana buhay pa siya ngayon. Mas pinangunahan ako ng takot.

Umuwi ako ng bahay at as usual wala na naman si mama. May nakita lang ako sa lamesa na isang simpleng cake at simpleng note.

Happy Birthday anak. Sorry magagabihan ako ng uwi. Ingat ka anak ha? I love you.

Napangiti ako. Hindi ko namalayan na birthday ko na pala ngayon. Pumunta ako sa kwarto at nagkulong, pagkabagsak ko palang ng katawan ko sa kama agad na akong hinila ng antok.

"N-No! D-Don't leave me Nicca!"

Isang lalaki na nakatalikod sa akin ang umiiyak habang may yakap yakap siyang katawan ng babae. Napatingin ako sa paligid at nasa isang puting kwarto kami. Sa tingin ko panaginip 'to. Kaso hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Sino ba sila? At bakit siya umiiyak?

"No...no...no...no....Nicca! Please fight for your life. I-I'm here, I won't leave you again. Nicca please, I-I'm begging you."

Biglang nag ingay yung monitor sa gilid ng kama nung babae.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako para sa kanya kahit hindi ko siya kilala.

"Nicca!"

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko, paulit ulit pa rin na naglalaro sa isipan ko yung panaginip na 'yon.

Napatingin ako sa oras at wala pa palang isang oras ang tulog ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at muli na naman akong hinila ng antok.

Napatingin ako sa mapupula niyang mata. Gusto kong lumayo pero parang nang aakit ito. Paunti unti akong lumapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot, pakiramdam ko hindi niya ako sasaktan.

Nakita ko siyang ngumisi at doon nagpakita ang matutulis niyang pangil. Sakto akong napatigil sa harapan niya. Naramdaman ko ang daliri niya sa labi ko.

Inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko at naramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko. Pakiramdam ko inaamoy niya ako, pataas hanggang sa tenga ko at doon siya mahinang bumulong.

"My wife."

Hinapit niya ang bewang ko at isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya na nilalaro laro ang dulo ng buhok ko at bahagya itong hinila kaya napatinghaya ang ulo ko.

"Tell me you're mine, kitten."

Ang lapit na ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kaso kusa na lamang lumabas ang mga salitang ito sa bibig ko.

"I'm yours. Only yours." Naramdaman ko ang pagngisi niya bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ko.

Napabalikwas ulit ako at napahawak sa ulo ko. Bakit pakiramdam ko totoong totoo yung panaginip na 'yon? At tanging pulang mata niya lang ang nakikita ko.

Hindi ko alam pero otomatiko akong napahawak sa labi ko.

"Hindi. Gemma hindi yun totoo. Panaginip lang lahat 'yon at walang tao na may pulang mata. Nananaginip ka lang." Iniling iling ko yung ulo ko. Napahawak ako sa tiyan ko na kumukulo na. Nitong nakaraang araw hindi na ako nakakakain ng masyado.

Aalis na sana ako sa kama kaso ngayon ko lang napansin ang suot ko. Kailan pa ako nagsuot ng pulang cocktail dress bago matulog?

Napatingin ako sa mini table ko sa gitna at may nakalapag doon na isang bagong iPhone, tatlong pulang rosas at isang note. Nilapitan ko

You have the greatest body, my kitten. I can't stop looking at your curves while changing you into that red-fvcking-dress. Soon, I'm gonna make you mine---in bed. For now, enjoy my birthday gift, 'wife'.
-H

Naramdaman ko ulit yung malambot niyang labi sa panaginip ko. Bigla akong nangilabot. Nanginginig kong kinuha ang phone at pagbukas ko agad na bumungad sa akin ang isang picture. Picture ito ng maliit kong drawer. Nagtaka ako kung bakit may ganitong litrato pero pinuntahan ko pa rin yung maliit na drawer at pagkabukas ko, may isang susi na nakalapag doon na hindi sa akin.

Ibinalik ko yung tingin ko sa phone at pagkaswipe ko may litrato nun ng isang mamahaling kotse at mukhang kuha itong litrato na 'to sa harapan ng bahay namin. Napalabas ako at halos bumagsak ang panga ko. Ito yung kotse sa larawan!

Saktong nag vibrate yung iPhone.

From: Unknown
Time received: 8:59 A.M.
You look good in that dress.

To: Unknown
Time sent: 9:00 A.M.
You f*cking pyscho! Lubayan mo na ako! Sa tingin mo madadala mo ako sa mga ganito?

From: Unknown
Time received: 9:00 A.M.
I love you that's why I'm doing this. Don't you love me kitty?

To: Unknown
Time sent: 9:00 A.M.
You killed Jack! I'm not going to fall for you a$$hole!

From: Unknown
Time received: 9:01 A.M.
You wished for him to die. And babe, you WILL eventually fall for me.

To: Unknown
Time sent: 9:01 A.M.
Pero hindi ko sinabi na gawin mo! Get lost! Or else I'm going to call the cops!

From: Unknown
Time received: 9:02 A.M
Getting feisty huh? I like it. Go ahead and call the cops. One...

To: Unknown
Time sent: 9:02 A.M.
Tantanan mo na ako!

From: Unknown
Time received: 9:03 A.M.
Two...

Naalala ko yung nangyari sa club, yung pagkamatay ni Jack at hindi lang yun, pati yung iba na nadamay. Walang nagawa ang mga police---walang GINAWA ang mga police.

From: Unknown
Time received: 9:04 A.M.
Three. I dare you to call the cops right now kitty. Be a bad kitten and call the cops.

I remained silent.

From: Unknown
Time received: 9:05 A.M.
Cat got your tongue?

To: Unknown
Time sent: 9:05 A.M.
I f*cking hate you.

From: Unknown
Time received: 9:05 A.M.
Your word.

To: Unknown
Time sent: 9:06 A.M.
I don't give a f*ck! Stop making my life miserable! Ano bang gusto mo ha?!

From: Unknown
Time received: 9:06 A.M.
You.

To: Unknown
Time sent: 9:06 A.M.
Stop playing games!

From: Unknown
Time received: 9:06 A.M.
I won't.

To: Unknown
Time sent: 9:07 A.M.
You know what?! THIS IS THE WORST BIRTHDAY EVER! Since you came into my life, it was never been the same! Kung may problema ka man, wag mo akong idamay!

From: Unknown
Time received: 9:07 A.M.
You're hurting my feelings.

To: Unknown
Time sent: 9:07 A.M.
At sa tingin mo hindi ako nasasaktan dito sa pinaggawa mo? Madaming nadadamay na iba! Ang mas mabuti pa, lubayan mo na ako.

From: Unknown
Time received: 9:08 A.M.
No.

To: Unknown
Time sent: 9:08 A.M.
I'm not receiving your gift. Goodbye.

From: Unknown
Time received: 9:09 A.M.
Don't test my temper. Go inside that car.

Tinignan ko lang yung message kaso hindi ko sinagot. Bumalik ako sa kwarto upang magpalit ng damit, napapikit tuloy ako habang iniisip ko kung paano niya ako pinalitan ng damit.

■■■■

"Boss? Akala ko ba ako na ang magmomorning shift?"

"Gusto mo ba ng trabaho? Bakit ka pa tanong nang tanong?"

"P-Pero boss may usapan tayo..."

"Mas maganda kung sa night shift ka. Wala ng pero pero. Palitan mo na si Raven doon."

Oh well. Mas lalo lang nasira ang araw ko. Wala na akong nagawa kundi palitan si Raven doon. Abala ako sa paggawa ng inumin nang bigla nalang may umakyat sa stage na isang lalaki at tinap-tap pa yung microphone bago nagsalita.

"Hello? Um, goodevening everyone!" Tumigil yung DJ at lahat sila nakatingin sa stage.

"So tonight I was asked to sing this beautiful song for a birthday celebrant. Well it was a request from an anonymous person---oh well he or she left a codename, so whoever is that lucky celebrant today this song is requested for you from this person named H."

Napatigil ako sa ginagawa ko. Lumapit yung lalaki sa piano at nagsimulang tumugtog. Humigpit ang hawak ko sa apron ko, kailan ba niya ako tatantanan?

"Every breath you take..."

Napakunot noo ako. I know this song pero hindi ba ang weird? Dedicating a song like this to a birthday celebrant is very weird.

"Every move you make
Every bond you break
Every step you take
I'll be watching you..."

"Every single day
Every word you say
Every game you play
Every night you stay
I'll be watching you..."

Napatingin ako sa mga nanonood. Nakangiti pa sila, hindi ba sila nagtataka kung bakit yan yung kanta? What is wrong with these people?

"Oh, can't you see
You belong to me
How my poor heart aches with every step you take..."

Huwag kang lilingon Gemma. You know he's watching you from afar. Deep breath, huwag kang magpapa apekto.

"Every move you make
Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake
I'll be watching you..."

I tried my best to act nothing through out the song. Maraming nagpalakpakan pagkatapos ng kanta at hinahanap hanap pa nila yung 'celebrant' sa paligid. Nakahinga naman ako ng maluwag at nagpatuloy sa ginagawa ko kaso hindi rin yun nagtagal, muntikan ko pang mabitawan 'tong drinks na ginagawa ko dahil bigla nalang nanggulat si Rose. Tinamaan ng!

"Nakashabu ka ba? Anong trip mo ngayon?"

"Omygoodnessgracious! Bes two shots of bloody mary for VIP!"

Hinintay ko siyang magsalita pa.

"Bes narinig mo ako?"

"Oo. Kaso anong VIP number?"

"VIP."

"Number?"

"VIP nga lang! Walang number!"

"Teka ibig mong sabihin...."

Pinaghahampas ako ni Rose sa balikat at pabulong na pasigaw na tumili.

"Oo bes! Yung 8th floor! For private person and chuchuness wala na akong pakealam basta ang sabi nila lalaki daw at bilyonaryo! Shete bes kinikilig pwet ko kaya bilis bilisan mo diyan!"

"Billionare huh? Then why settle for bloody mary? I'm sure may mga iba tayong drinks na mas mahal so bakit bloody mary?"

"Dami mong alam, bilis! Bes ito na! Magkaka lovelife na ako!"

"Whatever." Napairap nalang ako kaso may napansin ako sa mukha niya.

"Oh anong nangyayari sa'yo?"

"B-Bes?"

"Bakit?"

"Naco-constipate ako." Anytime parang magpapasabog na siya dito sa bar counter.

"S-Sorry bes di ko kaya! Ikaw na muna magdala ha? Hindi-Hindi ko na talaga kaya, a-aray whoo!" Napatakbo siya sa banyo at naiwan ako ditong nakatakip ang ilong.

Ano ba bang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng ipadala 'to sa iba dahil lahat sila mukhang abala.

Bitbit ang tray ng drinks, pumasok ako sa elevator at pinindot ang 8 button.

Naalala ko na naman yung nangyari dito kaso sinisikap kong alisin yun sa utak ko.

Habang papalapit, hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan na ewan. Sino kaya yung nasa 8th floor? Artista? Negosyante? I don't know. What if drug dealers? Napailing ako. Naprapraning na naman ako.

Saktong bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napakalawak na 8th floor. Ito ang unang beses na makikita ko 'tong floor na 'to. Nakanganga lang ako at wala akong masabi kung gaano kaganda dito.

Napalingon lingon ako kaso nagtaka ako kung bakit walang katao tao.

Asan na yung customer na sinasabi ni Rose?

"Um, excuse me? Sir your drinks are already here." Walang nagsalita.

"Sir?"

Wala pa rin.

"Si---" Napapikit ako at bahagyang napahawak sa sofa para kumuha ng balanse. Hindi ko alam pero medyo nahihilo ako. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod at puyat, hindi rin ako masyadong nakakakain ng maayos.

Inilapag ko muna saglit yung order sa mesa at huminga ng malalim.

"Sir?"

Wala pa rin.

Napagdesisyunan kong iwan nalang dito yung order. Sakto naman akong napatingin sa orasan at napamura ng mahina. Sana lang wala siyang gawin ngayong saktong alas dose na.

Tumayo ako ng maayos kaso sakto namang namatay yung ilaw. Napamura ulit ako kaso ngayon mas malakas na.

Napahimas ako sa noo ko, mas lalo lang itong kumikirot at hindi pa ako nakakaisang hakbang bumigay na agad ang katawan ko.

Akala ko babagsak ako sa sahig kaso may naramdaman akong malalakas na kamay na pumulupot sa bewang ko bago pa ako tuluyang bumagsak.

I can smell his perfume.

Hindi ako halos makapagsalita. Gusto kong tanungin kung sino siya kaso nanuyo ang lalamunan ko.
Naramdaman ko nalang ang ilong niya sa batok ko na para bang inaamoy ako hanggang sa papunta ito sa leeg ko. Hindi ko alam kung bakit pero hinahayaan ko lang siya. Para bang hindi sumusunod sa akin ang katawan ko.

Sunod kong naramdaman ang daliri niya sa labi ko.

Bigla nalang nagbukas yung ilaw at bigla nalang siya nawala. Para ba akong binuhasan ng malamig na tubig. Sino yung humawak sa akin kanina? What the heck was that? Guni guni ko lang ba ulit yun?

Pumikit muna ako ng ilang minuto at sinubukan kong ibalanse ang katawan ko. Napatingin ako sa drinks na inilipag ko kanina at tuluyan na akong tinakasan ng dugo. Halos mamutla ako.

Wala ng laman yung isang shot doon ng bloody mary at sa tabi 'non ay may nakalapag na itim na note. Kinuha ko yun at binasa.

'Roses are red and so are blood
This is my game I want you to play
Before the clock struck 12:00 in the midnight, I want you to bring my ring back.'

I told you not to test my temper but you never listen.
-H

P.S. The time is ticking kitty. You only have 12 days to find me.

Napatingin ako sa singsing na nakalapag sa gilid ng note. Kaparehong kapareho nito yung singsing ko kaso medyo mas malaki.

Pero hindi yun yung problema ko.

Kung si H yung lalaki kanina, paano siya nawala ng parang bula ng ganun kabilis?

END OF CHAPTER IV





Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 64.4K 54
[Daddy Series 1]: Book 1 of 2 ng Daddy? Published na po under LIB. Php129.75 Book 2 of 2 is also published already. Please do support. Thank you! [T...
508K 27.2K 45
Deanery Mortel was a single woman with fat pocket. But despite of wealth and success, she was secretly empty inside because of a man she let go. Her...
2.5K 165 16
Angat sa buhay ni Josh, isa siyang manunulat ng kuwento kung san ang kaniyang gawa ay hango sa unang buhay niya, na alala niya ang lahat kaya't nais...
212K 7.6K 97
Sabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa...