THE KILLER SPIRIT

By ALEX_ASC

11.3K 276 5

Isang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
FINALLE:CHAPTER 19

CHAPTER 18

513 14 0
By ALEX_ASC

Nakahinga nang maluwag si Lito Mendoza nang mapansin nitong nailigaw niya ang ibang policecar na humahabol sa kanya.

Sa isang left-turn na daan papunta sa malaking highway ay natunton na naman siya ng iba pang police car. Pinasibat nang mabilis ang kotse niya, hanggang sa masalubong ang isa pang mobile car ng mga pulis.

Pinaulanan niya iyon ng bala, hanggang sa matamaan ang driver at dire-diretsong sumalpok sa poste.

Mendoza: Lintik! Buti nga sa inyo! Bakit pa kasi hindi n'yo pa ako hayaan... -at tinitigan sa side mirror si Jumary.

Wala pa rin itong lakas, at tuloy-tuloy pa din ang pag-agos ng dugo mula sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.

Patuloy sa mabilis na pagtakbo ang sasakyan ni Mendoza, hanggang sa dumami ang humahabol na police car sa kanya.

Hanggang sa humantong siya sa hangganan, 'pagka't natanaw niya ang maraming police car na nakaparada sa gitna ng malaking highway. Nakaporma ang bawat pulis, at nakahanda sa pagpigil kay Mendoza.

Bigla siyang nag-break, at wala na siyang malilikuan na iba pang kalsada. Bum-reak din ang ilang car ng police na humahabol sa kanya at pumorma ang mga ito.

Hanggang sa unti-unting nagwawala at sumisigaw si Jumary. Sinasaniban na naman siya, at tuluyang nagbago ulit ang kaanyuan niya.

Itinutok ni Mendoza sa kanya ang baril upang tuluyang tapusin ito, pero nasipa ito ng nakaupong si Jumary. Malakas ang pagkakasipa nito na naging dahilan upang tumilapon tungo sa harapan at bago pa mabitawan ni Mendoza ay nakalabit niya ito. Pumutok iyon papunta sa mga pulis na naging dahilan upang pagbabarilin sila. Pero hindi sila natamaan, 'pagka't pareho silang nakadapa sa loob ng kotse. Bumuwelo si Mendoza at hinawakan ang manibela. Inapakan ang clutch at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa mga pulis na iyon.

Sunod-sunod naman na pinaulanan ng bala ang sasakyan at natamaan si Mendoza at nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng sasakyan sa malalim na bangin.

BBBbbooonggg...sumabog ang sasakyan...

---

KINABUKASAN...

Balitang-balita sa lahat ng istasyon sa radyo at TV ang nangyari.

Nagsisisigaw si Aling Joselyn na 'di matanggap ang nangyari sa anak.

Pero isa lang ang natagpuang bangkay. Halos 'di makilala ang hitsura nito 'pagkat nagkahiwa-hiwalay ang parte ng katawan at sunog na sunog pa ito.

Police: Hindi po namin sigurado kung kaninong bangkay ito. Kung sa killer ba o kay SPO4 Mendoza.    -pahayag ng pulis sa mga reporter na nagkakagulo sa pinangyarihan na aksidente.

Nabuhayan ng pag-asa si Aling Joselyn na buhay pa rin ang anak niya.

----

Iginalaw ni Jumary ang hintuturo. Unti-unting idinilat ang mga mata, at tumambad sa mga mata niya ang bughaw na langit.

Liwanag ng araw, at mapuputing ulap sa kalangitan. Umupo siya at iginala ang mga mata at mukha sa paligid.

Malalakas na usok ng tambutso ng mga jeep na humaharurot ang ingay sa daan na 'di kalayuan sa kanya. Maingay na paligid. Sunod-sunod na mga taong naglalakad at dumaraan sa kanya.

Nasa malaking siyudad siya. Iginala pa ang mga mata sa palibot. Malalaking building, mga iba't ibang nagtitinda, sa mga pwesto man ito o sa may bangketa. At nabasa nito ang malaking nakasulat sa may overpass, Manila City.

Jumary: Huhh! Nasa maynila ako? Ba't ako napunta rito?        -at tinitigan ang kinauupuan niya.

Isang kapirasong karton, sa may bangketa, nakahiga kasama ng ilang bata na kasama niya. Mga batang kalye na natutulog.

Jumary: Bakit nandito ako?!

At nagising at bumangon ang isa pang bata na katabi niya.

Bata: Kuya, nakita ka namin kagabi na lumulutang-lutang sa ilog, kaya't tinulungan ka naming iahon at pinalitan ng damit.         -paliwanag ng batang ito.

Tumayo si Jumary, naglakad-lakad sa paligid.

Jumary: Nasa malaking pamilihan ako? Paano na 'yan kapag nagbago ulit ang anyo ko? Mahuhuli nila kaagad ako dito.            -wika nito sa sarili.

---

KINAGABIHAN...

Tinungo ni Jumary ang tabing ilog, doon sa may kalayuan sa mga bahay-bahay, at unti-unti na namang nagbabago ng anyo dahil sa sumasanib sa kanya.

Jumary: Tigilan n'yo na ako, maawa kayo...   -pero walang sumagot sa kanyang pagmamakaawa.

Tuluyan na nga itong nagbago ng anyo, at nag-umpisang maglakad sa 'di alam kung saan patungo. Pero batid niyang mayroon siyang gustong hanapin na tao, pero 'di nya ito matunton.

Bawat makasalubong na tao ay tinataga gamit ang palakol na iyon, pero hindi siya naglalakad sa kinaroroonan nang may marami o iilang tao, bagkus pinapakiramdaman niya 'yung lugar na iisa lang ang naglalakad, at 'yon nga, pinapatay nito ang bawat nasasalubong.

---

Hanggang kinabukasan ay kumalat sa buong Maynila ang malagim na pangyayari. Maraming taong nakahandusay at putol-putol ang bahagi ng katawan na natagpuan sa magkakasunod na daan. Tantiya nila'y kagagawan ng isang halimaw, pero nagkaisa ang kutob nila na ang taong serial killer ang may kinalaman.

Kinilabutan ang lahat ng naninirahan sa lugar na ito, at nagsanib puwersa ang kapulisan at army mahuli lamang ang taong salarin sa karumal-dumal na krimen.

Joselyn: Sabi ko na nga ba! Buhay si Jumary.      -habang pinapanood ng apat ang balita.

Joshua: So, kailangan na nating pumunta ngayon din sa Maynila.     -at agad gumalaw ang apat papunta sa owner ni Mico. Sumakay sila at mabilis na humaharurot ang sasakyang ito papuntang Maynila sa pagnanais na mahanap si Jumary bago pa mahuli ang lahat.

Teddy: Alam kong si Jumary ang may kagagawan ng lahat ng ito.     -habang pinapanood ang balita sa kinakainan niyang karenderya.

Agad tinapos ang kinakain, at pumunta sa kinaroroonan ng bahay ng kanyang kaibigan sa baranggay na 'yon. Sa kanyang tinutuluyan, pumasok sa kuwarto at tinanggal ang anting-anting na suot at pinagmasdan ito.

Teddy: Nang dahil sa bagay na ito ay 'di niya ako matunton, at dahil sa 'di niya ako matunton ay idinamay niya ang iba pang mga taong inosente. Hindi tama ito, ilang tao pa ang madadamay habang patuloy akong nagtatago. Kailangan kong harapin si Jumary...

Samantala, dumating ang lima sa metro manila, pero hindi nila mahanap si Jumary,

---

Sumapit ang gabi.

Nakatanggap ng tawag si Aling Joselyn.

Joselyn: Hello? Sino 'to?

Teddy: Tita, si Teddy po ito. Puntahan po n'yo ako rito, dahil alam kong darating dito si Jumary ngayon din.     -at ibinigay nito ang eksaktong address.

Wala namang pinalampas na oras ang lima at mabilis na tinungo ang lugar na kinaroroonan ni Teddy.

Samantala, hating-gabi na, at naglalakad si Teddy sa gitna ng kalsada habang tila wala sa sarili.

"Sige, maglakad-lakad ka lang at paparating na ako sa 'yo," wika ng boses na naririnig niya sa 'di niya matukoy kung saan nagmumula.

Hanggang sa masalubong niya ang lima na lulan sa owner na minamaneho ni Mico.

Joshua: Hoy, Teddy!       -at tinapik ito nang malakas, at nagising naman siya.

Teddy: Bakit naririto ako sa labas?!      -pagtataka niya.

Louie: Tinatawagan ka ng demonyo, 'pagka't nais ka niyang patayin.

Mico: Joshua, isakay mo na 'yan.

Teddy: Ikaw?       -habang nagtataka, kung bakit kakilala nila si Mico.

Joshua: Halika na, Teddy.       -at sumakay na nga ito.

Louie: Huminto kayo kapag nakita natin siya. Dahil gusto ko siyang kausapin.

Aling Joselyn: Sa palagay mo ba, maiaalis ng sumpa kung makakausap mo siya?       -habang naluluha pa rin ito sa lahat ng nangyayari.

Louie: Hindi ko alam, pero susubukan natin...

At pinaharurot na ni Mico ang sasakyan. 'Di katagalan ay nakita nila ito na bumungad mula sa kakahuyan. Bumaba agad si Aling Joselyn at patakbong papunta sa anak habang naluluha. Hinabol siya agad ni Joshua at pinigilan.

Joselyn: Joshua, bitawan mo ako. Gusto kong lumapit sa anak ko...

Joshua: Ate, hindi 'yan si Jumary. Inaangkin na siya ng kaluluwa at masamang demonyo.       -habang gapos-gapos ang kapatid.

At bumaba naman si Louie at Cathy. Samantalang si Mico ay nakaupo pa rin sa kanyang sasakyan, at nasa likuran naman nakatayo si Teddy.

Samantala, bumungad sa kanila ang kakaibang kaanyuan ni Jumary. Sa kanang kamay nito'y hawak-hawak ang matulis na bakal na ballpen at tumutulo pa ang tintang dugo mula rito at sa kaliwa naman ay ang maliit na duguang palakol. Huminto ito sa paglalakad habang nakatingin sa kanila.

Samantala, inabot naman ni Mico ang patalim kay Teddy.

Teddy: Ano'ng ibig sabihin nito?!

Mico: Gusto mo bang ikaw ang mamatay o siya?!

At naintindihan ni Teddy ang ipinapahiwatig ni Mico, at 'di na nagsalita ulit, bagkus ibinulsa ang patalim na iyon.

Samantalang, unti-unting lumalapit si Louie kay Jumary.

Louie: Tumigil ka na! Itigil mo na ang kasamaang ginagawa mo!

Jumary: Pinatay nila ako! Kaya't papatayin ko rin silang lahat!!!

Louie: Pero wala na silang lahat! Napatay mo na sila! Kaya't manahimik ka na!

Jumary: Hindi! Hawak ko ang kaluluwa ni Samuel! Bumitaw siya ng sumpa kasama ako, kaya't 'di n'yo ako mapipigilan sa paghahasik ko ng lagim!

Sa narinig ni Louie ay kumulo bigla ang dugo niya. Kinapa nya ang 38 Pistol na nakasiksik sa likuran niya upang barilin ang demonyong ito.

Nakita iyon ni Aling Joselyn at sinigawan bigla ang anak.

Joselyn: Anak, babarilin ka niya!    -at tuluyang nahugot ni Louie ang pistol at naitutok kay Jumary pero naunahan siya ni Jumary.

Bumagsak, habang biyak ang ulo ni Loue mula sa palakol na inihagis sa kanya ni Jumary.

Napasigaw naman ang lahat, lalong-lalo na si Cathy na biglang nanginig at bumuhos ang luha dahil sa sinapit ng kapatid.

Akma itong tatakbo palapit doon, pero napigil siya ni Joshua at nayakap dahil humahakbang din papalapit si Jumary kay Louie. Hinugot ang palakol sa noo ni Louie, habang natulala naman si Aling Joselyn sa nangyari.

Biglang kinilabutan si Teddy dahil sa sinapit ni Louie, at agad itong bumaba at mabilis na tumakbo sa kahabaan ng kalyeng iyon. At hinabol naman sya ni Jumary.

Pina-start naman ni Mico ang sasakyan para habulin ang dalawa pero ayaw mag-start.

Mico: Joshua! Habulin mo si Jumary, dahil mapapatay niya si Teddy.

Nabaling ang atensyon ni Joshua kay Mico at sinundan ng mata ang dalawa na si Jumary at Teddy at mabilis na hinabol.

Bumaba na rin ng sasakyan si Mico, at nakipaghabulan din.

Si Cathy naman ay nawala sa sarili habang nakaupong lumuluha habang nakatanaw sa bangkay ng kapatid mula sa 'di kalayuan.

Joselyn: Hah! Napatay siya ni Jumary dahil sa akin.       -habang lumuluha na unti-unting nilalapitan ang nakahigang bangkay ni Louie.

Samantala, tuloy ang apat sa takbuhan, hanggang sa maabutan ni Joshua si Jumary. Hinawakan ito sa may braso upang patigilin pero siya naman ang tinaga nito.

Joshua: Huhh!              -at hinugot ni Jumary ang palakol sa binti ni Joshua, at nagpatuloy sa kakahabol kay Teddy.

Naabutan naman ni Mico si Joshua at inakay patayo dahil sa bumagsak mula sa natamong malalim na sugat.
At tuloy ang mabilis na paghahabulan ni Jumary at Teddy, hanggang sa matisod at nadapa si Teddy.
Naabutan naman siya ni Jumary... Humarap si Teddy rito...

Teddy: Jumary, 'wag! Ako ito! Ang matalik mong kaibigan... -habang unti-unting umaatras habang nakaupo.

Pero walang naririnig si Jumary sa pagmamakaawa ni Teddy.

Isinunggab ni Jumary mula sa kaliwang kamay niya ang palakol sa ulo ni Teddy upang pugutan, pero nasangga ni Teddy at mabilis na kinapa ang patalim at isinunggab sa tagiliran ni Jumary. Butas ang gilid ng kawawang bata, at umagos ang dugo palabas.

Nanghina si Jumary at unti-unting natutumba, pero pinilt ang sariling 'wag bumagsak. Lumingon sya sa likuran dulot ng pagkahilo't hapdi ng nararamdaman. At doo'y kanyang nakita si Mico, Joshua, at nakilala niyang ito 'yung kinukuya niya lagi. Inilinga ang mga mata sa kasunod na nakatayong babae na humahagulgol at umaapaw ang luha nito dahil sa nangyari sa anak.

Nakilala niyang ito 'yung ina niya, ang taong pinakamamahal niya. Biglang namuo ang luha sa mga mata niya at nagtuloy-tuloy ang pag-agos nito.

Hinarap niya ng tingin ang nakaupong takot na takot na nasa harapan niya, ito 'yung matalik niyang kaibigan.

Nahalata naman ni Teddy na nakikilala siya ni Jumary, napaluha na rin si Teddy dahil sa ginawang pagsaksak sa binatilyong kinakapatid niya.

Sumunod na naramdaman ni Jumary ang pag-angat ng dalawang kamay niya habang hawak-hawak ang palakol na iyon.

Pumikit naman si Teddy upang tanggapin ang kamatayan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasunod nito ang malakas na putok na biglang umalingawngaw kung saan.

boongg...

Nang idilat ni Teddy ang mga mata, ay unti-unting natutumba habang nanginginig si Jumary, kasunod na tuluyang bumagsak sa sahig.

Diretso ang mga mata ni Teddy, at hindi sinabayan ng kanyang paningin ang pagbagsak ng kaibigan, bagkus ninais niyang makita kung sino ang bumaril dito.

At tumambad sa mga mata niya, ang ina ni Jumary na hawak-hawak ang pistol ni Louie habang nakatutok pa rin ito sa kinaroroonan ng anak na walang tigil ang pagluha...

***

Author's Note:

Sundan na lang po ang pagtatapos sa next chapter. Thanks po sa lahat ng nag-like and nagcomment. Nagbasa sa istoryang ito...

ITUTULOY>>>

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
18.2K 302 14
Hindi lahat ng maganda ay maganda. Alamin ang tinatagong lihim sa tinuturing nyang 'kagandahan'
123K 3.8K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
2.4M 88.1K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016