Kabit

By jaysanj

838K 30.5K 9.9K

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. GXG More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 6

24.9K 945 240
By jaysanj




Maru's POV

"Nandyan na!" sigaw ko sa taong doorbell ng doorbell sa condo unit ko. Hindi ko na tinignan pa sa pinhole kung sino 'yon dahil bubuksan ko na rin naman ang pinto at asar na asar ako sa kaka-doorbell nya.

Hawak ko na ang doorknob at ipipihit na lang pero biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa coffee table lang ng sala.

"Really?!" napahilot ako sa sentido ko dahil sabay na nagri-ring ang cellphone ko at doorbell ng doorbell ang taong nasa labas.

Pinili kong unahin ang nasa labas dahil ayaw nyang tantanan ang doorbell ng condo unit ko. Napakunot ang noo ko nang malaman kung sino ang lapastangang kinawawa ang doorbell ko. Paano nya nalaman na nandito ako? ni isa sa mga pamilya ko ay hindi ko sinabi na may condo unit ako, kahit kay Kevin. Dito ako na nanatili kapag hindi kami okay ni Lorenzo, at least dito ay hindi nya ako kukulitin dahil hindi nya naman alam 'to.

"What?" mataray na bungad ko sa kanya.

"Umuwi ka na." sabi nya at inirapan pa ako. Tumaas ng kilay ko.

"Anong akala mo susundin kita?" napa-smirk lang sya.

"Oo kung ayaw mong magtampo sayo lalo ang anak mo." napabuntong hininga ako at napahilot ang sentido ko. 

"Nakausap ko na si Kevin. Sinabihan ko na sya ng ilang araw akong mawawala sa bahay." sabi ko at tumingin sa kanya. Tinaasan sya ako ng kilay. Letche 'tong kabit na 'to. lakas talagang makaangas, sabagay sinong kabit ba ang hindi sumusuko?

"So, hahayaan mo syang maiwan sakin na mag-isa?" napakunot ang noo ko. Napa-smirk naman sya. Sarap lang sapakin ang labi nya. "Ilang beses ka ng sinubukan tawagan o tinext ni Lorenzo, puntahan ka sa shop mo pero wala ka naman don. Paano nya masasabi na may business trip sya sa Singapore ng isang buwan kung hindi mo man lang sya pinapansin?" sabi nya at inirapan pa ako. Tusukin ko mata nito eh.

"What?! isang buwan? tapos iiwan nya ang anak ko sayo?! mygod wala na talaga sa katinuan 'yang lalaking 'yan." sabi ko at pumasok sa loob para kunin ang mga gamit ko.

"Sinasabi mo bang hindi ko kayang alagaan ang anak nyo?" hindi ko sya pinansin. Nang makuha ko ang mga gamit ko ay humarap ako sa likuran pero nagulat ako na nasa likuran ko pala sya. Akala ko nasa labas ito?

"Hindi dahil baka lasunin mo pa utak ng anak ko." tinulak ko sya palabas ng condo unit ko.

Nang mai-lock ko na ang unit ko tsaka ako nagmadaling tumungo sa elevator. Agad kong pinindot ang ground floor. Pasara na ang pinto ng elevator nang may kamay na humarang. Napakunot ang noo ko na si Acey ang pumasok. Inirapan nya ako at tumingin sa harap. Psh. Hindi ko na lang sya pinansin.

Nagmadali akong lumabas ng elevator nang makarating ng ground floor. Tumungo ako sa parking lot at hinanap ang sasakyan ko. Madali ko naman nakita 'yon kaya agad akong sumakay. Paandarin ko na sana na may lapastangang sumakay ng sasakyan ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin. Napa-smirk sya at biglang lumapit sakin, agad akong lumayo sakanya. "What the?" anong problema ng isang 'to? "Lumayo ka nga!" tinulak ko sya palayo, masyado syang malapit ah?

"Paandarin mo na ang sasakyan. Siguradong gising na ang anak mo sa inyo." umayos sya ng upo pero hindi pa rin nawawala sa mga labi nya ang ngisi.

"What?! iniwanan mo ang anak ko ng tulog? paano kung may pumasok sa bahay? hindi ka talaga pwedeng pagkatiwalaan, mapapahamak sayo ang anak ko." agad kong pinaandar ang sasakyan. Hindi ko na inisip pa na kasama ko sya, ang mahalaga sakin ay mapuntahan ko ang anak ko bago pa may mangyari sa kanya.

"For your information, ako ang nag-alaga sa anak mo ng dalawang araw at walang nangyaring masama sa kanya. Magpasalamat ka pa nga na inalagaan ko pa ang anak mo." aba't nanumbat pa. Hindi ko na lang sya pinansin pa.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ni Lorenzo. Tumingin ako sa kanya at nagtataka naman syang tumingin sakin.

"Baka gusto mong buksan ang gate para maipasok ko itong sasakyan sa garahe?" sabi ko sa kanya. Napataas kilay nya at nag-cross arms.

"At bakit naman ako?" napairap ako.

"So, ako pa ang gagawa kung pwede naman ikaw?" napa-smirk sya. Nakakaasar talaga ang labi nito sarap sapakin para magdugo at magkasugat eh.

Lumabas sya ng sasakyan at pumasok sa loob. Hinintay ko syang buksan ang gate pero ilang minuto na nakakalipas ay hindi pa rin nya binubuksan ang gate. Napatingin ako sa terrace nang makita ko syang nandoon kasama si Kevin na tuwang tuwa nung makita ako. Matutuwa na sana ako dahil nakita ko si Kevin pero nang makita ang babaeng kanina ko pa hinihintay pagbuksan ako ng gate ay nandon na nakangiting nakakaasar.

"Bwisit kang kabit ka!" gigil na sigaw ko kahit na hindi nya naman maririnig.


"Mommy!" sigaw ni Kevin at nagmamadaling lumapit sakin. Pinagsantabi ko muna ang pagkabwisit ko sa kabit ng asawa ko na nakakaasar na nakangiti saking pababa ng hagdan. Sinamaan ko sya ng tingin bago bumaling kay Kevin.

"Hey handsome. Kamusta ka rito? bakit hindi mo man lang ako sinabihan na umalis pala ang Daddy mo?" yumuko ako na kapantay nya. "Kumakain ka ba ng maayos? anong klaseng pagkain ang pinapakain nya sayo?" tukoy ko sa babaeng nakasandal sa pader habang nakatingin saming mag-ina.

"Hotdogs, puro hotdogs." napataas ang kilay ko tapos tumingin kay Acey. Hindi sya nakatingin samin ni Kevin. "Minsan hilaw, minsan sunog." pagpapatuloy na sabi ni Kevin.

"Huh?! kumakain ka ng sunog at hilaw na hotdog? Acey, ano ba itong pinapakain mo sa anak ko?! baka magkasakit sya dahil sa pinaggagawa mo!" sasakit ang ulo ko sa taong 'to sa totoo lang.

"Buti pa nga pinagluluto ko pa sya." sagot nya pa.

"Na sunog at hilaw?! mygod!" naiiling na sabi ko. Pambihira naman ang babae na 'to, hindi man lang marunong magluto. "Mapapahamak talaga ang anak ko sayo."

"Tsk..." rinig ko sa kanya. May gana pa syang gumanyan pagkatapos nyang pakainin na hilaw at sunog na hotdog ang anak ko?

"Mommy, I'm hungry. Miss ko na ang luto mo." sabi ni Kevin. Napangiti naman agad ako sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya.

"Ipagluluto kita ng MAAYOS na pagkain." diniin ko talaga ang salitang maayos para tamaan naman ang isa dyan. Napa-smirk naman ako na tignan nya ako ng masama. Inirapan ko sya at hinila sa kusina ang anak ko.

"Mommy rito ka na po ulit matutulog?" tanong nya. Tumingin ako sa kanya.

"Opo at sorry kung wala ako nung nagdaang araw ah? don't worry babawi si Mommy sayo." napangiti sya ng malapad sa sinabi ko. "So, anong gusto ng pinakapaborito kong anak?"

"Mommy, ako lang po anak ninyo pero pancakes, eggs, bacon and pandesal!" masiglang sabi nya.

"Walang hotdogs?" tanong ko dahil tuwing almusal ay hindi nawawala ang hotdog. Napasimangot sya kaya natawa ako.

"Sawa na ako roon, Mommy." nailing ako sa anak ko at inilabas ang mga lulutuin ko. "Mommy saan po kayo natutulog? wala po kayo kanila Ninang Jelly pati kanila Popsy."

"Hmm...sa condo unit ko." sabi ko. Bigla akong napaisip, paano pala nalaman ni Acey na may condo unit ako?

"Bakit hindi nyo po sinabi sakin?" nagtatampong sabi nya. Tumingin ako sa kanya at nakabusangot ang mukha nya.

"Kasi love mo ang Daddy mo. Sasabihin mo sa kanya kung nasaan ako kapag nag-away kami." nagseryoso ang mukha nya. Ito na ang matanong ko anak.

"Mommy, bakit po kayo nag-away ni Daddy?" tinignan ko sya at nakatingin rin lang sya sakin. Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy na lang sa pagluto. "Mommy..."

"Bata ka pa para sa ganitong problema, Kevin. Don't worry about us, okay?" sabi ko sa kanya. Tumango sya at nanatiling tahimik na lang.

Nalulungkot ako dahil hindi dapat nararanasan ni Kevin ang ganito. Dapat masaya lang sya na buo ang pamilya nya, hindi ganito na may problema. Sana nga maayos pa itong gulong ginusot ni Lorenzo.

Matapos akong magluto ay hinain ko lahat ng pagkain sa lamesa. Pinagtimpla ko ng paboritong Milo si Kevin habang ako ay coffee lang.

"Mommy, si tita Acey paborito rin ang Milo. Ipagtimpla ninyo rin po sya." sabi ng anak ko. Napataas kilay ko. At bakit ko naman pagsisilbihan ang kabit na 'yon?

Nagtaka ako na kumuha ng extra plate si Kevin.

"Para kanino 'yan Kevin? wala naman ang Daddy mo dito." tanong ko sakanya.

"Kay Tita Acey." napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi na ako umangal sa kanya dahil baka magtanong pa sya ng kung ano samin ni Acey. Nagtataka lang ako kung bakit kasama pa sya.

Umalis saglit si Kevin para tawagin si Acey. Naiiling na lang ako. Baka nalason na ni Acey ang utak ng anak ko. Inilapag ko sa lamesa ang Milo ni Kevin at ang coffee ko. Naalala ko ang sinabi ni Kevin na ipagtimpla ko rin ng Milo si Acey. Well, nagdadalawang isip ako kung gagawin ko 'yon o hindi. Hindi naman kami magkasundo ng babaeng 'yon, bakit ko sya ipagtitimpla 'di ba? kaso utos 'yon ng anak ko, baka magtaka talaga 'yon.

Sa huli ay pinagtimpla ko ang mahal na kabit. Nailing ako sa naisip ko. Saktong pagbalik nila nailapag ko na sa lamesa ang Milo ni Acey. Nagtataka pa sya na pinagtimpla ko sya ng Milo pero hindi maipagkakait na natuwa sya sa Milo. Tsk...

Nagsimula na kaming kumain na tatlo. Nasa harap naming dalawa ni Kevin si Acey. Habang kumakain, panay ang kwento ni Kevin kung anong nangyari nung nawala ako. At nagpapasalamat naman ako ng kaonti kay Acey dahil hindi nya pinapabayaan ang anak ko pero hindi ako makapaniwala minsan sa taong 'to. Hindi ko alam kung anong meron sa childhood nito para makipaglaro kay Kevin ng magbatuhang putik, mag-doorbell sa kapitbahay sabay takbo, magtawag ng kung sinong sino sabay tago at mag-wrestling silang dalawa. 

Tapos malala pang hindi pa sya marunong magluto kaya yung pinapakain nya sa anak ko, kundi sunog at hilaw, fastfood naman ang binibili. Ayoko naman na puro fastfood kinakain ni Kevin, dapat kumakain rin sya ng mga gulay, hindi puro karne. Bakit kasi hindi sya marunong magluto eh.

Nagawi ang tingin ko sa mga kamay nya. Doon ko lang napansin na may mga band aid pala sya mga daliri nya. Parang ang sarap lang magmura, parang ang sama kong tao dahil sinisisi ko sya dahil sa pagkain nya ng sunog at hilaw na hotdog kay Kevin pero hindi ko man lang naisip na pinaghirapan nya 'yon para makakain si Kevin dahil hindi sya magkakasugat ng ganon kung hindi. 

Kahit naman na naiinis ako sa letcheng babaeng 'to, hindi ko maiwasan mag-alala sa kanya. Siguro nga hindi sya marunong magluto pero pinilit nya pa ring magluto para kay Kevin at nagkasugat sya dahil doon. Hindi ko dapat sya sinisisi ng ganon, dapat pa nga akong magpasalamat dahil napapakain nya si Kevin na wala kaming dalawa ni Lorenzo.

Napabuntong hininga ako. Napatingin sakin si Acey at nakataas kilay. Minsan rin talaga naiinis ako sa pagtaas ng kilay nya sakin. Inirapan ko na lang sya pero nginisian nya lang ako. Ano na naman ba?

Hindi ko na lang sya pinansin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Nanahimik na rin si Kevin sa pagkwento, naubusan na ata ng maikwe-kwento.

"So...Maru." what the? bakit ganon yung pagkasabi nya sa pangalan ko? para syang...para syang bagong gising! napa-facepalm ako mentally. Okay, nang-aakit. Bakit ba kasi ganon ang boses nya?!

"What?" mataray na sabi ko. Kinagat nya ang labi nya habang nakatingin sakin. Bakit ganyan sya makatingin?!

"Cute." nahulog ata yung panga ko sa sinabi nya.

Kroo...kroo...

"Anong bang problema mo huh?!"





----------------------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
41.5K 822 68
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
1.2M 49.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.6M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...