The Way He Smashes Her Heart

By AngelaMiyogawa4869

7.6K 946 154

Elnor Caspor, a high school student, lived in a simple life on the land of Derona. Nosebleed! Change to Tagal... More

Chapter 1: Bagong Simula
Chapter 2: Who Is She?
Chapter 3: Ang Pagkikita
Chapter 4: Time Travel?
Chapter 5: On The First Day
Chapter 6: Siya Na Ba?
Chapter 7: Nang Ika'y Minamasdan
Chapter 8: Soon To Arrive
Chapter 9: A Mysterious Letter
Chapter 10: A Trip To Damonca
Chapter 11: Isang Araw, Isang Iglap
Chapter 12: Changes In Time
Chapter 13: Operation Cookery: Kian's Problem
Chapter 14: Ito Na, Paparating Na!
Chapter 15: 'Da Arrangement
Chapter 16: The Joker
Chapter 17: Si Inis at Si Galit
Chapter 18: The Disaster Goes On
Chapter 19: The Way Out
Chapter 20: Their Song
Chapter 21: May Hahadlang?!
Chapter 22: A Love Team named Elian; Sino si El?
Chapter 23: Pre-Intramurals: Battle of Two El's
Chapter 24: The Dramatic Entrance
Chapter 25: A Girl Who Loves
Chapter 26: Patuloy Ang Laban
Chapter 27: Way Back To Meitan
Chapter 28: The Second Intramurals
Chapter 29: Kian and Elnor's Challenge
Chapter 30: Red Encounter
Chapter 31: What's Gonna Happen Next?
Chapter 32: White Celebration
Chapter 33: The Cake Contest
Chapter 34: Intrams Ever After?
Chapter 35: Sa Muling Pagtapak sa Badminton Court
Chapter 36: Tunay Na Damdamin
Chapter 37: A New Door
Chapter 38: Sweet as Candy
Chapter 39: Turning Back The Time
Chapter 40: Back When You Were Mine
Chapter 41: Siya Nga Ba Talaga?
Chapter 42: A Message Of Sadness
Chapter 43: Paghahanda
Chapter 44: The Return, The Present
Chapter 45: Elnor's Win and Loss
Chapter 46: Kung Ako Ay Siya...
Chapter 47: Why Kian? Why Tristian?
Chapter 48: Deserving
Chapter 49: Suspicious Act
Chapter 50: Decoding NHL
Chapter 51: Tikbalang's Identity
Chapter 52: Ang Nakasulat Sa Kanyang Notebook
Chapter 53: The Truth Revealed
Chapter 54: Behind Those Scenes
Chapter 55: Elnor, Elevator, Lots of Visitors
Chapter 56: The Cliff-Hanger; Kristel's Return
Chapter 57: Tumingin Ka Sa Akin
Chapter 58: Tristian's Farewell
Chapter 59: Saan Talaga Siya Nanggaling?
Chapter 60: Family Reunion
Chapter 61: Trip After Party
Chapter 62: Wish Finally Granted!
Chapter 63: White Celebration One ó Two
Chapter 65: Huling Yakap
Chapter 66: New Pages
Chapter 67: Friends' Good Luck
Chapter 68: A Big Day Has Come
Chapter 69: Ang Muling Pagkikita
Finale Chapter: Goodbye Is Not The End
Credits

Chapter 64: His and Her Message

66 12 4
By AngelaMiyogawa4869


<Elnor's point of view>

"Dear beloved friends and visitors, we are gathered here today to celebrate the union of Kian John Dela Rosa and Elnor Caspor." inumpisahan na ni Sir Cris ang kanyang opening speech para sa amin ni Kian na nakatayo sa harapan niya. Well, masasabi ko na may skill din siya sa pagpapari. May konting preaching muna siya.

I looked at my back, andoon sila Allen, Angie and Kristel and..... andaming tao! Jusme, nagpipicture pa sila baka mamaya paggising ko, viral na yung wedding-weddingan namin. Yung iba ay nakita ko sa may badminton court kanina.

"Elnor, Kian, humarap kayong dalawa and message para sa isa't-isa." Sir Cris said and we faced each other. We look at each other's eyes. Una, ay nag-bato-bato pik muna kami para malaman kung sino ang mauuna sa message. Scissors ako at Bato naman si Kian so siya ang mauuna. Hiniram ni Kian ang mic kay Sir Cris.

"Una sa lahat, gusto kong kumustahin ka Elnor." he started at tumingin ako sa kanya, raising my eyebrow.

"Umm... mukhang matatalo ka yata sa tournament dahil natalo kita kanina." he continued and I gave him a threat by showing my fist. He backed away dahil akala siya siguro ay susuntukin ko siya. Hindi ko naman kayang gawin iyon dahil nga may sakit siya.

"Kulang pa yata ang practice mo kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." he said jokingly at nakita ko ang mga reaction ng mga taong nanonood. They are wondering why ganoon ang mga sinasabi ng "groom-kuno". "Sa lahat ng hindi nakakaalam, I was diagnosed for three years. I am experiencing a type of a cancer called Non-Hodgkin's Lymphoma."

I am certain na may mga tao na na-shock sa sinabi ni Kian. Yung iba ay jaw-dropped, yung iba ay naluluha, yung iba ay nagvivideo pa rin. Then, may naririnig akong may nagbubulungan. Pinag-chi-chismisan kami! C'mon people!

"Sinabi ng doktor na one month na lamang ang buhay ko. Actually, hindi ko na iniisip ang mga bagay na iyon pero gusto ko lang na... na.... yung mga huling araw ko ay maging masaya kasama ang special someone ko, at ito nga, kasama ko siya nagyon." he said at inakbayan niya ako. The crowd gave an "Awwwww" in chorus. Ako naman ay hindi ko maitago ang aking ngiti. Tila ako kay nilalamon na ng kilig. Then, Kian faced me again.

"Elnor..." he said at napatigil lang siya dahil siya'y umiiyak. Nilabas ko yung pamunas sa may bulsa ng dress at pinunasan ko ang mga luha niya pati na rin ang pawis niya. I motioned him to try his best to stop crying dahil masama ito sa puso.

"Basta isipin mo na lang na mananatili ka sa heart ko. Tandaan mo lang na bahagi ka ng buhay ko. Salamat sa... sa lahat.... mula sa una nating pagkikita noong elementary pa tayo hanggang sa kung saan na tayo ngayon, salamat at andito ka pa rin sa tabi ko. Kahit kalbo na ako, pumangit at nang-hina na ako, salamat dahil hindi mo ako pinabayaan at iniwan. You're so special to me, Elnor at alam mo iyon." he said at niyakap niya ako.

Nagiging horror booth na yata ang marriage booth dahil sa dami ng nagsisigawan dito. Then, it's my turn. Binigay sa akin ni Kian ang mic and I braced myself. Warm-up ka muna, Elnor. Inheyl, hexeyl...

"Noon ay lagi kong kinukwento sa mga kaklase ko sa DCJC ang love story nating dalawa. Pati mga period, coma, exclamation point ay nakwento ko din sa kanila. For me, parang hindi sa badminton nag-umpisa ang lahat eh." pag-uumpisa ko.

"Saan?" Kian asked pero hindi nila narinig dahil hindi iyon nahagip ng mic.

"Sa katangahan ko nagmula. Paano kung hindi tayo nabangga sa gym noong araw na iyon edi sana walang 'tayo' ngayon." I said at nag-"Aiyeeee" ang crowd, including sila Angie. Pinagpatuloy ko yung speech.

"To be honest, I don't want you to die. Kaya lang, hindi ko naman makokontrol ang buhay mo. Pero Kian, napaka-strong mong tao..... parang balewala lahat sayo ang sakit mo. Nung sinabi mo na one month na lang ang buhay mo, maraming tao ang nagulat dahil hindi nila nahalata." I looked at the crowd, "Hindi po, ba?"

"Opo." they said pero hindi gaanong sabay-sabay. Bumalik ako kay Kian.

"Stay strong for me... for us.... for all who loves you. Yan lang ang tanging hiling ko sa'yo. Once na huminto ang pagtibok ng puso mo, hindi na ako magpapakita sa libingan mo."

Kian was shocked at my statement, "B-Bakit naman?"

"Baka tumibok ulit. Magkaka-zombie apocalypse pa dito sa Pilipinas." I said jokingly and people also laughed at my joke. Nahawa na rin ako sa mga kabaliwan ni Tristian.

"Napaka-espesyal mo sa akin, Kian at alam mo iyan." I endded my speech and he nodded. Then, binigay ko ang mic kay Sir Cris na kilig na kilig.

Nasa main event na kami at ito na yung part na hindi ko pinakahihintay. May iniabot na volunteer na dalawang blue na tali kay Father Cris at iyon ang mga singsing namin.

"If there be anyone present that may present just and lawful cause why these two individuals may not be lawfully wed, let him speak now or forever hold his peace." he said.

No one answered. Allen broke the silence by shouting, "WALA!" then, andito na yung tanong na pinakahihintay ng lahat.

"Ikaw, Kian Dela Rosa. Tinatanggap mo ba si Elnor bilang iyong kabiyak?"

Kian smiled at me, "Opo, Father." then, the crowd started screaming again. Hindi po ito horror movie or fan meeting ng isang artista aneh?

"Ikaw, Elnor Caspor. Tinatanggap mo ba si Kian bilang iyong kabiyak?"

Hindi na ako nag-think twice. I answered, "Opo, Father."

Tapos, nag-sigawan ulit ang mga tao. Alah, c'mon mabibingi na ako mga 'teh. Tapos, yung exchange of rings este ribbons, we tied each other's ring fingers with a blue ribbon. Hindi daw nila kasi afford na bumili ng singsing eh.

"I now pronounce you husband and wife. Kiss the bride na dis!" Sir Cris said. Dati sa forehead niya ako hinalikan. Ngayon, saan naman? Kian leaned closer to me. Looks like he knows what I am thinking right now.

"Saan mo gusto?" He whispered.

"Ikaw bahala."

Suddenly, I felt a peck on my lips. Naging statwa ako sa nangyari and I just realized what did just happened. He kissed me on the lips! Waaah! Hindi ko na kaya! Kahit 0.00002 seconds lang iyon, parang may nagda-drum and lyre sa puso ko. Nag-ingay ang crowd pati na rin sila Allen.

"Sabi mo, akong bahala." Kian said.

"Oo na, you won." I deadpanned him para maitago ko yung kilig inside me. So, can I say na this is the best day so far?

Minutes after the kasal-kasalan, pumunta kami sa Seven-Eleven at dun daw yung 'nuptial'. Si Kian kasi ang nag-alok ng libreng snack kaya ayan, non-stop kain yung iba. I am also happy for Sir Cris dahil natupad na yung wish niya on that very moment. Pero may question sa pumasok sa mind ko, "Bakit parang perfect ang araw na ito? Hindi naman as in perfect pero yung happy talaga ang araw mo ngayon? Isa ba itong sign na—"

"Elnor? Gusto mo ng slurpee?" Kian asked.

I gestured him a "No." Hindi ako kasi mahilig sa malalamig at bawal daw iyon dahil nga may laban ako sa badminton. I did a time check, it is now three o'clock.

"Guys, ayoko munang umuwi." sabi ni Kian telling that na papasyal pa kami. Gusto kong mag-object kaya lang nag-text si Sir Cris kila Tita Jolina na pwede pa kaming mamasayal and pumayag naman siya dahil hindi pa daw tapos yung meeting ng mga parents ko with them

"Saan tayo pupunta garud ay?" tanong ni Kristel.

The whole group was waiting for Kian's response. Ako naman parang bad idea na papasyal ulit kami baka mamaya mapagod itong si Kian. Well, my other mind kept on telling me na maaga pa at may time pa kami na magpasyal.

"Sa alma mater natin." he answered.

"Meitan Montessori School?" Allen asked.

"Yep. May gusto lang akong makita."

Habang nag-uusap sila, I knew what place Kian wants to see sa dati naming elementary school: The cliff itself.

Wala munang Elnor's hint!
Stay tuned!

Continue Reading

You'll Also Like

810 112 23
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time?Will you accept it? This is a story of a triplets who transmigrated into the fanta...
3.5K 410 59
Isang babaeng pinanganak na may malaking responsibilidad dahil na rin sa taglay niyang lakas, mawawalay sa pamilya pero babalik para iligtas ang mund...
22.1K 598 22
Sa Game pagmagaling ka lalapitan ka ng iba pang Gamers pagmalakas ka marami kang Kaibigan Pag marami kang alam maraming kang magiging Kaibigan pagmag...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...