Adrianna's POV:
Hay nako! Pigilan nyo ko! Masasapak ko tong pangit na nilalang na toh! Kanina pa kasi nagrereklamo eh! Ayaw nya daw kasing magpamigay ng invitations sa buong SU. Eh hindi naman kasi buong SU ang pagbibigyan nya eh. 3rd year at 4th year highschool lang naman eh!
"Ano ba?! Ang kulit kulit mo ha! Kanina pa ako naiinis sayo! Pag ako Hindi nakapag pigil, mawawala ka sa mundong ibabaw!" - inis na sabi ko
"Ikaw nalang kasi yung magbigay! Kaya mo na yan!" - reklamo nya
"Eh bakit ba ayaw mo? Hmmm..... Siguro, nandun yung mga flings mo noh. At natatakot ka kasi baka dumugin ka nila" - sabi ko at nahihiya naman syang tumango
"Alam mo, ganun din naman ako eh. Atsaka bakit ka naman matatakot? They're just your flings" - sabi ko at nauna ng maglakad
Naramdaman ko namang sumabay sakin sa paglalakad si Ethan at pumasok na kami sa isang classroom ng 3rd year highschool. Nang makita nila kami ay tumayo ang mga babae at lumapit Kay Ethan. Samantalang tumayo din naman yung mga lalaki at lumapit sakin.
"Adrianna! Diba sabi ko magdadate tayo!" - sabi ng isang lalaki
"Ah eh... Busy kasi ako sa school works eh. Ahm... Pwede bang humingi ng favor sayo?" - tanong ko
"Oo naman. Basta para sayo. Ano ba yun?" - tanong nya
"Pwede mo bang ipamigay itong mga invitations para sa acquaintance party?" - tanong ko at tumango naman ito.
Binigay ko na iyon sakanya at nagmadaling lumabas. Nakita ko naman si Ethan sa labas na naghihintay.
"Yuck! Kadiri! Eww!" - sabi ko ng makalabas ako.
Bago kasi ako makalabas dun sa room na yun, may isang humalik sa pisngi ko. Eww lang!
"Tara na! Bago ko pa mapatay yung bwisit na lalaking yun!" - sabi ko at naglakad na papunta sa isa pang classroom.
*****
Hay salamat!!! Natapos na din kaming magpamigay!!! Grabe! Ang hirap palang maging maganda! Hehehe. Nakakagutom palang maglabas pasok sa mga classroom. Aish! Makakain nga muna.
Lumakad na ako papuntang canteen at Hindi pinansin si Ethan na nakatayo lang dun. Bahala sya dyan! Basta ako, gutom na! Umorder ako ng burger, fries, pizza, chocolate cake at coke in can.
Umupo ako sa isa sa mga vacant table dito at isusubo ko na sana yung pizza ngunit may pumigil sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino ang bwisit na nilalang ang nagmamay ari ng kamay na iyon at nakita ko si Ethan na nakangiti ng nakakaloko sakin.
"Bitawan mo nga yung kamay ko!" - inis na sabi ko at binawi ang kamay ko sakanya
"Sayo lang lahat yan?!" - Hindi makapaniwalang tanong nya
Hindi ko nalang sya pinansin at kumain nalang ako ng kumain. Hay! Ang sarap! Heaven!!
Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Ethan at tinitigan lang ako habang kumakain.
"Staring is rude" - sabi ko
"Ang ganda mo pala kahit maamos ka" - natatawa nyang sambit
Nagulat nalang ako ng punasan nya bigla ang pisngi ko. Waaaaaah!!!! Kasing pula na siguro ako ng katamis ngayon!!!!
"Ayan! Wala na" - sabi nya
"T-thank you" - nauutal na sabi ko
Ngumiti lang naman sya sakin kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" - tanong nya sakin
"Pupunta ako sa hotel nila Princess eh. Tutulungan ko nalang sila dun" - sagot ko
"Okay lang ba kung sumama ako?" - tanong nya
"Sige. Ikaw bahala" - sabi ko
Maxine's POV:
"Hoy Nat nat!" - tawag ko Kay Nathan
Buti nalang at nagagawa ko pa ding maging close sakanya kahit na naiilang ako. Teka. Bakit naman ako maiilang? Hindi naman nya alam na may feelings ako sakanya diba? Diba?!
"Wag mo nga akong tawaging Nat nat!" - asar na sabi nya kaya napapout ako
"Bakit ayaw mo? Ang cute kaya!" - nakapout na sabi ko
"Aish!" - sabi nya nalang at tinalikuran na ako
Nagsimula na syang maglakad palayo sakin kaya hinabol ko sya.
"Nat nat!" - tawag ko sakanya ngunit Hindi nya ako pinansin
"Huy!" - tawag ko ulit pero wala parin.
Waaaaaah!!!! Nagalit ata! Huhuhuhu!
"Hmm.... Sige iwan na kita. May kailangan pa akong puntahan eh. Bye" - sabi ko at nakayukong iniwan sya dun. Ano ba yan! Hindi ko dala yung sasakyan ko! Sinundo kasi ako ni Nathan kanina eh. Ano ba yan! Kailangan ko pa tuloy magcommute!
Nathan's POV:
Bakit ba kasi tinatawag nya akong Nat nat eh. Hindi naman ako galit. Naiinis lang. Pero saan kaya sya pupunta?
0-------------------0
Wala nga pala syang dalang sasakyan! Edi kailangan nya pang magcommute!
Agad akong tumakbo sa main gate at nakita dun si Max na naghihintay ng taxi.
"Tara. Hatid na kita" - sabi ko at nakita ko naman na nagulat sya
"H-hindi na. K-kaya ko na" - nauutal na sabi nya
"Ihahatid na nga kita. Saan ka ba pupunta?" - tanong ko
"Sa hotel nila Princess" - sagot nya
"Okay. Hintayin mo ko dito. Kunin ko lang yung kotse ko" - sabi ko at kinuha na yung kotse ko sa parking lot
Bumalik ako sa main gate at sumakay naman agad si Max. Tahimik lang kami sa buong byahe at wala ni isang nagsasalita saming dalawa hanggang sa magsalita na ako.
"Hindi naman ako galit eh. Naiinis lang" - sabi ko pero Hindi pa din ito umiimik
"Hey Max" - sabi ko pa pero wala pa rin.
Itinigil ko ang sasakyan at tiningnan sya. Ihinarap ko ang mukha nya sakin at nagulat ako ng makita Kong umiiyak ito.
"Why are you crying?" - alalang tanong ko
"A-ang s-sakit" - nauutal na sabi nya habang umiiyak
"Anong masakit?" - tanong ko
"A-akala ko naka move on na ako. A-akala ko nakalimutan k-ko na sya. Pero akala ko lang pala lahat" - umiiyak na sabi nya
Niyakap ko nalang sya at hinayaan syang ilabas ang ang sakit nararamdaman nya. Damn! Its still him. Alam ko naman na si Jiro yung tinutukoy nya eh. Fvck! Bakit ang sakit! Sya na naman ang laman ng isip nya!
Nang mahimasmasan na sya ng konti ay bumitaw na ako sa yakap at tumingin sakanya.
"Naalala mo ba sya kaya nagkaganyan ka na naman?" - tanong ko
"Hindi. I just saw him happy with another girl" - sabi nya kaya napabuntong hininga nalang ako
"Promise me. You're not gonna cry again. Okay? Please. Promise me" - sabi ko at dahan dahan naman syang tumango.
Napangiti nalang ako at nagsimula ng magmaneho ulit. Nang makarating kami sa hotel ay dumiretso kami sa pag gaganapan ng party. Nakita namin silang walo dun na busy sa mga ginagawa nila. Lumapit kami sakanila at tumulong na din sa iba pang gawain dito. May mga nag seset na ng mga tables. May mga nag aayos na ng audio. At inaayos naman namin ang stage. Gabi na ng makauwi kami. Hinatid na namin sila Max sa bahay nila at nagpaalam na din agad dahil 8:00 na ng gabi. Humilata ako sa kama ng makarating ako sa bahay. Nakakapagod ang araw na toh. Sobra......
-
Hi Readers! Thank you po talaga sa mga nag comment, nag vote at sa mga nagbasa ng story ko. Thank you so much! 😘😘😘