Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (K...

ForcingLaughter01 tarafından

4.7K 200 56

A self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That... Daha Fazla

Nasaan Ang Ibon Ni Yvonne?
Wan
Tu
Tri
Payb
Siks
Seben
Eyt
Nayn
Ten
Eleben
Tuwelb
Tertin
Portin
Piptin
Sikstin
Sebentin
Eytin
Nayntin
Tuwenti
Tuwenti-Wan
Tuwenti-Tu
Tuwenti-Tri
Tuwenti-Por
Tuwenti-Payb
Tuwenti-Siks
Tuwenti-Seben
Tuwenti-Eyt
Tuwenti-Nayn
Terti

Por

197 9 7
ForcingLaughter01 tarafından


Busy akong tumitingin ng mga paint brush nung tumunog yung phone ko. Nangiti ako ng bongga nung makita ko kung sino yung nag-text.



From: Eurisse
Message: Hi, Yvonne. Free ka ba ngayon? Wanna have some lunch together? Dito sa apartment ko? I have something to show you.




This is it! Gusto talaga ako nito ni Eurisse eh. As in. Kasi naman. Simula nung ibigay ko sa kanya yung number ko last week, text siya ng text. At hindi ako ang nauuna! Siya palagi ang nagte-text!


Nararamdaman ko na ang salitang "love" sa life ko. Eto na yun!


Ni-reply-an ko siya. Sige. Sakto dahil pauwi na ako. See ya :-)



Binili ko yung mga paint brush at dali-daling umuwi ng bahay. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng dress. Tapos nagmake-up ako ng konti. Tapos nagpabango at nag-tooth brush.


Tumunog uli yung phone ko.


"Hello? Ahm, paakyat na ako wait lang. Sorry ha ang tagal ko ba---"


"Huh?" Boses ni Tyrone yung narinig ko.



"W-wala. Bakit ka tumawag?" Sabi ko. Sobrang na-badtrip ako sa kanya nung nakaraang linggo.


"Buksan mo yung pinto."


Yung magandang araw ko tuluyan nang nasira. Pinagbuksan ko siya at nagulat sa nakita ko.



Isang boquet ng white roses at may isang malaking box ng Kisses. As in box talaga!



"Anong drama yan?" Sabi ko.


"I wanted to thank you the last time you... went to my house and...." Napakamot siya ng ulo. "I'm sorry. I went too far."


"A for the effort. D for the sincerity." Sabi ko. Kinuha ko yung roses tapos yung box ng chocolates. "Thank you pa din. Sige na alis na--"



"May lakad ka?"



"Oo. Niyaya ako mag-lunch ni Eurisse sa apartment niya."


"Saan?"


"Sa third floor lang."


"Ngayon na? Wala pang tanghali ah."


I rolled my eyes at him. "Wag mong umpisahan, Tyrone." Sabi ko.


Ngumiti lang siya. "Okay. Papakainin ko muna si Junior. Sige na alis na."


"Behave. Wag mong galawin yung laptop ko." Sabi ko. Tapos nun umakyat na ako ng third floor. Kumatok ako sa room 305.


Pinagbuksan kaagad ako ni Eurisse. Ngumiti siya at tinignan ako simula paa hanggang ulo. "Wow. You look perfect."


I smiled. Eto na talaga yun. "Salamat. Naghintay ka ba ng matagal?"


"No, it's okay. May ipapakita ako sa'yo." Sabi niya. Tuluyan niya akong pinapasok sa apartment niya.


Ang ganda at ang linis. Umupo ako sa couch. "Ano bang naisip mo at niyaya mo kong mag-lunch?" Tanong ko.


Syempre I need to know kung friendly date lang ba ito or date na date talaga!


"I am so glad that you are here to celebrate with me, Yvonne." Sabi niya. Inabutan niya ako ng wine. "Cheers."


Uminom ako ng konti. "Ano bang meron? Na-promote ka? What?" Sabi ko.


Ngumiti siya ng sobrang laki and raised his right hand. "Look, Yvonne."



Tinignan ko yung palasing-singan niya na may nakasuot na singsing. "Wow. Ang laki ng diamond. Magkano bili mo?"



"No. It's not that." He laughed. "Sorry kung hindi ko nasabi sayo pero may boyfriend ako. 5 years na kami and last night was soooo awesome. Jordan proposed to me. I said yes!"


Nanlaki yung mata ko. Then I gave him my awkward smile.



"I know! I was also shocked last night! I'm just so happy right now!"


Disappointment slapped my face. Hard.


"W-wow..." sabi ko. "C-congratulations!" Tumawa ako at itinaas ang wine na hawak ko. "Tara celebrate tayo!"


Alas-tres na ng hapon nung nakababa ako ng apartment ko. Biruin mo yun, natagalan ko ng tatlong oras yung pag-ngiti at pagpanggap na wala lang sakin yung nakakalokang balita ni Eurisse.


Pagpasok ko sa apartment ko, nadatnan ko si Tyrone na nanonood ng tv habang kumakain ng chocolate.


"Had fun?" Sabi niya.


Feeling ko pag sinabi ko sa kanya yung nalaman ko, pagtatawanan niya lang ako at aasarin hanggang mapatay ko siya.


"Bakit mo kinain yung chocolates ko? Bigay mo yan sakin diba?" Sabi ko. Hinablot ko sa kanya yung isang pack tapos nilagay ko sa ref. Ganun din yung ginawa ko sa ibang chocolates sa box.


"Bad date?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. "What happened? Kayo na?"


"Gusto mong chop-chop-in kita?" Sabi ko. "Lubayan mo ko kahit ngayon lang." Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.


Hindi ko mapigilang umiyak. Niyakap ko yung malaki kong unan.


Magiging matandang dalaga na ba talaga ako? Ano bang malas meron ako?


Bakit ganito?


Narinig kong bumukas yung pinto at alam kong si Tyrone ang pumasok.


"Kung mambu-bwisit ka lang, lumayas ka na dito. Mapapatay talaga kita." Sabi ko habang nagpupunas ng luha gamit yung kumot ko.


I heard him sigh. "Let me guess... may girlfriend na siya?" Naramdaman ko na hindi siya mang-aasar ngayon kaya hinayaan ko.


"Wala." Sabi ko habang umiiyak.


"Wag ka ngang umiiyak dyan. Para kang teenager." Sabi niya. Naramdaman ko siyang umupo sa higaan ko.


"Ikakasal na sila ni Jordan." Sabi ko at di ko na napigil yung iyak ko.


Matagal na hindi nakapagsalita si Tyrone.



"So pinakilala sayo yung fiance niya? Tapos nagselos yung babae at inaway ka?"



"Hindi siya babae." Sabi ko. "Jordan nga yung fiance niya. Hindi ako inaway."


"Then why the hell are you crying?"


"Kasi nga BADING SIYA!" Sabi ko. Napaupo ako. "Paminta. Pogay. Baklurr! At nag-propose sa kanya si Jordan!"


"Baka naman namali ka ng intindi. May babae din kasing Jordan ang pangalan." Sabi niya.


"Pinakita niya sakin yung picture! May balbas! Lalaki yon! Lalaki!" Sigaw ko. "Akala ko straight yung siraulo! Akala ko... nakakairita talaga!" Iyak ko.


Hinintay kong pagtawanan ako ni Tyrone. "So ayun yung iniiyak mo?"


"Wag mo kong inisin, Tyrone. Baka magdilim paningin ko sayo." Sabi ko.


"But you're so stupid. I can't help it." Tapos nun tumawa na siya.


Tumayo ako at kinuha yung bag ko. Lumabas ako ng kwarto. Sumunod siya.


"Saan ka pupunta?" Sabi niya.


"Sumama ka kung gusto mo." Sagot ko.


--


"Hoy. Nakaka-apat na bote ka na. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya.


"Fuck you. Fuck everybody. Fuck the waiter, fuck the bottle, fuck this bar." Natatawa ako. Tinignan ko si Tyrone na nagsusungit. "Don't be sad. Inom tayo!"


Tinungga ko yung isang bote at tumawa pagtapos. Nababaliw na ako. Nakita ko kung paano umiling si Tyrone.


"Remember the last time you did this?" Tanong niya sakin.


"Huh?"


"Nagwala ka sa bar kasi gusto mong maghubad." Sabi niya. Natawa ako sa joke niya.


"Gago ka ha. Hindi ako ganon!" Sabi ko. "Saka fiiiiirst time ko kayang uminom."


"Lasing ka na." Sabi niya. Naramdaman kong binuhat niya ako.


"Gusto ko pa ehhh... nauuhaw kaya ako. Bitawan mo ko, Tyrone..."


"Uuwi ka na." Pinikit ko yung mata ko.


Nagulat ako nung biglang may naglapag saakin sa kama. "Sino ka? Rapist ka ba?"


"Si Tyrone 'to." Sabi niya tapos tinanggal niya yung sapatos ko. "Matulog ka na."


"Tyrone? Baka Tyra Banks?" Tumawa ako. "Hindi ako re-rape-in ni Tyrone bakla yon."


"Try me." Sabi niya.


Tumawa ako ng malakas. "Bakla. Bading. Malandi. Maharot. Maarte. Ma---"


Then I felt someone's lips against mine.



----
#IyakTawa #BeerPa

~FL01


Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

5.4K 162 31
He grew up to be a cold-hearted, ruthless guy. Everyone feared him inside the company, including her. Will things work out for them after he finds ou...
31.2K 1K 22
SAYANG ANG KAHAPON Genre:EROTICA Author:Jhyne Juntilla ANO NGA BA ang kayang magagawa ng pag-ibig? PAANO kung magising kanalang sa katutuhanan na ang...
45.8K 952 24
Redderick Alleje. A very well known Attorney in Asia, One of the top 10 in the list, actually, and a Bachelor. Ngunit sa kanyang tinatamasang tagumpa...
108K 2.5K 22
Leilany Gonzales, yan ang pangalan alam niya mula ng magising siya sa isang mahabang pagkakakacomatose. Pero pano na lang kung isang araw ay malaman...