You're Still The One (COMPLET...

By Elsha_Rain

20.5K 1.9K 240

Nathalie Moon Monterial is the only child in a wealthy and well-known family, her birthday came at the age of... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Epilogue
*AUTHOR NOTES*

Chapter 9

260 58 4
By Elsha_Rain

Yumi Pov

Kakatapos ko lang maggrocerry at kasama ko ngayon si Kryzelle,
habang naglalakad kami sa may sidewalk.

"Ang bilis ng panahon noh?magpapasukan na uli tas puro assignment at project na naman" aniya.

"Oo nga" tipid kong sagot.

"Nakapag-enroll kana ba?"

"Hindi pa"

"Eh papasukan mong school meron na ba?"

"Wala pa din eh, ikaw?"

"Meron na, baka gusto mo Yumi dun na lang sa papasukan kong school ka pumasok, para same school ulit tayo, diba?"

Hindi ko alam kung haggang kailan kami magtatagal na magkasama ni Kryzelle, dahil lagi ko siyang nakakasama san mang lupalop ng mundo, eh lagi siyang nandiyan sa tabi ko, para nga talaga kaming magkapatid eh. Hindi mapaghiwalay ng landas pero syempre ayoko din naman mangyari yon, kasi bestfriend ko siya kaya nga BFF, diba? Bestfriend forever at walang iwanan, kaya nga nagpapasalamat ako dahil nagkaron ako ng kaibigang tulad niya na mabait at tapat na kaibigan.

"Sige" sagot ko.

"Bess"

"Hm?"

"CR muna ako ah"

"Ok, sige hintayin na lang kita dito" aniko.

Umalis na si Kryzelle, habang ako ay nanatili lang nakatayo at tumitingin sa mga nagdadaanang sasakyan.

Biglang nag red yung stop light kaya nakatigil ngayon ang mga sasakyan ng biglang may lalaking tumigil sa tapat ko na nakabig bike habang nakablack leather suit ngunit binaliwala ko lang iyon, pero ang hindi ko babaliwalain ay ang pagdumi niya sa damit ko.

Bigla kasi naggreen ang stop light kaya nung aandar na ang mga sasakyan ay bigla niya agad pinaharurot ang motor niya, kaya natilamsikan ang puting damit ko ng putik. Umulan kasi kanina kaya medyo basa at maputik pa yung daan.

Pagtingin ko sa damit ko ay nagulat na lamang ako na puro putik. Haish!Ang dumi ko na para tuloy akong bata ngayon na ang dumi-dumi ng damit, nakakahiya. Grabe!Ang yabang ng lalaking yon akala mo kung sino! Aaargh!Nakakainis talaga.

"Hoy!!" sigaw ko don sa lalaki at napansin kong napatingin sakin yung mga tao sa paligid ko at yung mga sasakyang dumadaan.

"Grabe! Ang yabang non ah" sabe ko sa sarili at sabay hinawakan ang damit ko.

"Sinong mayabang?" biglang sulpot ni Kryzelle. "Oh anong nanyari diyan sa damit mo at ang dumi?"

"Pa'no ba naman kasi yung mayabang na lalaki na yon pinaharurot yung motor niya, kaya ito natalamsikan ng putik ang damit ko, kainis!"

"Hayaan mo na, tara"

"San naman tayo pupunta?"

"San pa ba? Edi bibili ng pang-itaas mo para mapaltan yang nadumihan mong damit"

"Huh?A e wag na! Hindi na kailangan, ayos lang tsaka isa pa wala rin naman akong pambiling damit"

"Ano ka ba? Hindi na mahalaga yon tsaka nakakahiya kaya tas magiging pansinin pa, sabihin naman ay para kang bata na naglaro sa putikan tsaka 'wag mo ng alalahanin kung wala kang pambili, ako ng bahala" sabay hila niya sa braso ko at ng makabili ay nagpalit na ako ng damit.

"Salamat bess ah. Nagkautang pa tuloy ako sayo"

"Sus wala yon. Saka mo na lang ako bayaran kapag may pangbayad kana?" nagnod lang ako.

Nag-aayos ako ng kama ng bigla may kumatok sa pinto, pero bukas naman yung pinto kaya napatingin ako at nakita ko si Manang Luz.

"Manang Luz" nginitian niya ko.

"Ok lang ba na maistorbo saglit?"

"Bakit po?"

"Ipinatatawag ka ni Ma'am, kaya hayaan mo na yan, dahil ang ibang maids na ang gagawa niyan"

"Opo"

Hm? Ba't kaya ko pinapatawag ni Miss Christine? Baka naman may ipag-uutos siya sakin. Pagkarating ko ay agad akong kumatok sa pinto ng opisina ni Miss Christine. Pinatuloy niya ko at pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa single sofa, habang nakadikwatro. Nginitian niya ako at ginantihan ko naman siya.

"Maupo ka" sabay lahad niya ng kaniyang kamay senyas na umupo ako sa mahabang sofa, kaya umupo na ko.

"May kailangan po ba kayo?"

"Wala naman. Actualy kaya talaga kita pinapunta dito ay gusto kong makausap ka" mahinahon niyang sabe.

"Maaari ko bang malaman kung ilang taon ka na ngayon"

"17 po"

"17? So ibig sabihin magkasing-edad lang pala kayo ngayon ng anak ko"

"Talaga po?"

"Hm, 17 na rin kasi siya ngayon gaya mo. Anong date ka ba pinanganak?"

"April 17, 2000 po"

"Ah... Ang anak ko naman March 21, 2000" aniya at nagnod lang ako. "Anyway, magpapasukan na rin this month, right?"

"Opo"

"Sa ngayon ba... Anong grade mo na?"

"Grade 12 po"

"So senior highschool ka na pala"

"Opo"

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kakausapin ako ni Miss Christine ay puro mga tanong na lang ang naririnig ko sa kanya. Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sa 'kin?

"Maari ko bang malaman kung anong standards mo?"

"Always honor and top student po sa klase"

Oo ganyan talaga ko ka pursigido sa pag-aaral kahit na medyo busy ako sa trabaho ay hindi ko pa rin napababayaan ang pag-aaral ko.

"Wow!Napaka galing at napakatalino mo pala. I'm so proud of you"

Napangiti naman ako. "Thank you po"

"Kahit na medyo abala ka sa trabaho ay hindi mo parin napababayaan ang pag-aaral mo, kung ganon mabuti pala na ipasok kita sa paaralang yon. Sa foundation kasi namin ay mayroon kaming private school at masmaganda siguro kung ipapasok kita don sa Monterial University"

Tama ba ang narinig ko? Ako ipapasok ni Miss Christine sa school na 'yon.

"Talaga po, Ma'am?"

"Oo"

"Maraming salamat po, Miss Christine"

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya agad.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 4.5K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
528 65 27
the more you hate the more you love
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
1.2M 57.4K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...