Married to Unknown

بواسطة CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... المزيد

Married to Unknown
PROLOGUE
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

I.

329K 10.2K 5.4K
بواسطة CloudMeadows

"There are vampires, they are of our time, and they are here close by, stalking us as we sleep." -Nicky Raven

Gemma's POV

Napaiwas ako ng tingin nang magsimulang maghubad 'yung babae sa stage.

"Uy hala siya, ang tagal mo ng nagtratrabaho dito tapos hindi ka pa nasanay? Oo pala dalawang bloody mary for VIP room 6," sabi ni Rose, ang co-worker ko ngayong gabi.

Hindi na lang ako nagsalita at ginawa 'yung order. Shift ko ngayon as a bartender at hindi pang ordinaryong club ang pinagtratrabahuan ko. 8 floor ang club na 'to, 1st floor ay para sa mid-middle class, 2nd to 3rd floor ay para sa middle class, 4th to 7th ay para sa mga upper class at sa 8th floor ay mga pribadong tao lamang ang nakakagamit nun at mangilan-ngilan lamang ang nakakapasok doon.

Binigay ko na 'yung order kay Rose.

"Thanks, Gems!" Kinuha niya 'yung order mula sa kamay ko kaso napatigil siya."Kaninong singsing naman 'yan, aber?" 

Mabilis kong itinago ang kamay ko. Pakiramdam ko may nakatingin ulit sa gawi ko. Napalingon-lingon ako kaso tinapik-tapik ako ni Rose sa pisngi.

"Uy, Gems, okay ka lang? May hinahanap ka ba?" palingon-lingon pa niyang sabi habang nakakunot-noo.

"W-Wala. Sige ipunta mo na 'yang order."

"Okay?" Nagtataka niyang tiningnan ang singsing ko saka umalis.

Bumalik na lang ako sa ginagawa ko, nandoon ulit 'yung pakiramdam na parang may nakamasid sa bawat kilos ko.

"Hey, miss, one bottle of Bacardi, please."

Napailing -iling na lang ako at nag-focus sa trabaho.

"Here you go, sir." 

"Thanks." Kinindatan niya ako kaso hindi ko na lang pinansin.

Napatingin ako sa orasan ko, mag a-alas dose na ng gabi. Bigla ulit akong napalingon sa paligid, unti-unti na namang bumabalik ang kaba ko.

"Miss, ayos ka lang?" tanong nung lalaki na nag-order kanina.

"H-Ha?" Namataan ko si Rose na pabalik kaya sinenyasan ko siya na siya muna magbantay. Dali-dali akong pumasok sa banyo at tumingin sa salamin.

Matagal kong tinitigan ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at kung bakit may laging nakasunod sa akin. Magmula no'ng nakita ko 'tong singsing pagkagising ko no'ng umagang 'yon apat na buwan na ang nakaraan, hindi na ako tinatantanan ng kung sino mang may pakana nito.

Napatingin ako sa singsing ko, pinilit ko 'yun tanggalin kaso kahit na anong gawin ko ay ayaw talaga.

"Argh!" Napamura ako dahil sa inis. Ipatanggal ko na lang kaya 'tong daliri ko? Ano bang ginamit nung may pakana nito? Super glue? Semento? Sh*t naman.

"Stupid ring!" Halos mamula-mula na 'yung daliri ko kaso ayaw pa rin matanggal.

Sakto naman napatingin ako sa wrist watch ko at saktong nag 12:00 kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

Bigla na lang namatay ang ilaw dito sa banyo. Napatakbo agad ako sa pinto kaso ayaw nitong magbukas.

Oh sh*t.

Wala ding saysay kung sisigaw ako ng tulong dahil masyadong maingay sa labas. Hindi na lang ako nagsalita at nanatiling kalmado. Pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa dito sa banyo.

Kinuha ko 'yung phone ko para sana may pang ilaw dito at para na rin tingnan kung may kasama ba talaga ako rito sa loob kaso parang may sariling buhay 'tong phone ko dahil ayaw magbukas. Sa pagkakaalam ko full charged pa 'to.

Napabuntong hininga ako at lakas loob na nagsalita.

"Hoy! Kung sino ka mang nilalang ka, pwede ba? Tigil-tigilan mo ako! Akala mo ba nakakatuwa na 'tong ginagawa mo?! Kung gusto mong mang-trip o mang-asar, 'wag mo akong idamay diyan sa kabaliwan mo! Siraulo ka! G*go!"

Wala. Wala akong narinig na nagsalita. Para bang nag e-echo lang 'yung boses ko rito sa malaking banyo na 'to. Para tuloy akong baliw.

Sinubukan ko ulit buksan 'yung pinto kaso bigla na lang bumalik 'yung ilaw. Napahinga ako nang maluwag kaso may napansin akong kakaiba. 'Yung salamin kanina na sobrang linis, ngayo'y nasulatan gamit ang pulang likido.

Hindi na ako nagulat. Kaya ayokong sumasapit ang alas-dose ng gabi, may mga bagay na lalong nagpapatayo ng mga balahibo ko tulad na lang ngayon. Mas lalo akong nanlamig nang tuluyan kong mabasa kung anong nakasulat sa salamin.

Bad kitty, please don't remove your ring. I'm watching you.

-H

Kumuha ako ng maraming napkin at spray bottle sa maintenance cabinet at mabilis na binura ang nakalagay sa salamin. Sakto namang bumukas 'yung pinto at may babaeng mukhang lasing na lasing. Buti na lang nabura ko agad.

"Excuse b*tch. Haharang-harang sa salamin, ugh!" 

Tumabi naman agad ako. Lasing lang 'tong babae kaya hinayaan ko lang.

"Ang sakit ng ulo k— Ano 'to papel?"

Aalis sana ako kaso napatigil ako.

"Bwisit ba't ba ang labo ng mata ko?" Mabilis kong kinuha sa kamay ng babae yung hawak hawak niya.

"Miss, kalat lang po 'to. Pasensya na."

"Whatever."

Ikinuyom ko 'yung polaroid sa kamay ko. Bumalik ako sa counter at tiningnan 'yun ng palihim.

Litrato ko 'yung nakalagay doon habang kausap ko 'yung lalaki kanina na umorder. Binaliktad ko 'yun at hindi ako nagkakamali, may nakasulat doon.

Kitty, very bad kitty. I'm not happy with what I'm seeing.
-H

Itinapon ko 'yun agad at bumalik sa trabaho. Kailan pa ako naging pusa? Lakas ng amats ng H na 'to, ah.

"Uy, babae! Tagal mong nag-C.R., ha? Na-constipate ka ba? Putla-putla mo, oh."

"Wala, biglang nawalan ng ilaw sa banyo e." Huli na nang napagtanto ko ang sinabi ko.

"Ha? Hindi naman nag-brown out kanina at isa pa hindi naman sira 'yung light bulb sa C.R?"

"Hindi ko rin alam, e. Bigla na lang nawala. Hayaan mo na, pinatawag ko na 'yung maintenance team doon," pagsisinungaling ko.

Nagkibit-balikat na lang siya at kumuha ng order sa table 4.

Napalingon ulit ako sa paligid, hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin na may pares ng mga mata na nagmamasid sa bawat galaw ko. Muling bumalik sa 'kin 'yung nangyari noon kung saan nagsimula ang lahat.

Flashback (4 months ago)

"Mama, ikaw ba 'yung pumasok sa kwarto ko kagabi?" 

Napakunot noo si mama sa sinabi ko. "Anong pumasok? 'Di ba nagpaalam ako sa'yo kahapon na mag o-overtime ako sa trabaho? Gemma, baka guni-guni mo lang 'yan."

Napatigil ako. Alam ko sa sarili ko na hindi 'yun panaginip. Kitang kita ko mismo na nagbukas 'yung pinto ng kwarto ko kaso wala akong nakita na pumasok.

At mas lalong hindi 'yun guni-guni dahil may polaroid na nakalapag sa bed side table ko.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" nag-aalalang tanong ni mama. "Ni-lock mo ba 'yung pinto mo?"

Ngumiti na lang ako kahit nagtataka na."Opo, ma. Baka guni-guni ko nga lang 'yun."

At sana guni-guni ko lang din 'tong singsing sa daliri ko.

End of flashback

Alam kong gising ako no'ng gabing may nagbukas sa pinto ng kwarto ko kaso wala na akong maalala kasunod no'n. Naalala ko na naman 'yung unang polaroid na natanggap ko sa kanya. Litrato 'yun ng babae na kamukhang kamukha ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako 'yun. 

"Gemma! Gemma! 2 bottles of whiskey for table 9!"

Wala akong ginawa buong magdamag kundi magtrabaho hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Mag a-alas sais na ng umaga at saktong dumating si Raven, 'yung papalit sa 'kin.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at umuwi pagkatapos. Bigla na lang nag-beep 'yung cellphone ko. Binuksan ko 'yun at napahinto ako sa paglalakad.

From: Unknown number
Time received: 6:17 A.M.

Bad kitty, ain't you?

[Image attached]

Yung imahe na nakalagay doon ay yung polaroid na gusot-gusot na itinapon ko kanina. Agad kong binura 'yung message saka tuluyang pumasok sa bahay. Walang silbi kung rereply-an ko pa. Ilang beses ko ng ni-block 'yung number niya at ilang beses na rin akong nagpalit ng sim card kaso nakukuha pa rin niya 'yung numero ko. 

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapa-apekto sa mga sunod-sunod na natatanggap ko kaso hindi ko maiwasang mangilabot. May mga bagay siyang nagagawa na hindi kaya ng isang normal na tao.

Biglang nag-ring' yung phone ko at napahinga ako nang maluwag nang makita ko kung sino 'yung caller.

"Rose, napatawag ka?"

"Gemma! May malaki tayong problema dito sa club! Umuwi ka kasi agad kaya hindi mo naabutan! Pota, bes, hindi ko alam kung anong gagawin ko!" 

Inilapag ko saglit 'yung bag ko at kumuha ng tubig.

"Huminahon ka nga. Ano bang nangyari?" tanong ko sabay inom ng tubig.

"Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko kaso kanina kasi may dalawang bangkay na natagpuan dito!"

Muntik na akong masamid sa narinig ko.

"Ano?! Paano? Sino? Bakit? A—"

"Chill, bes, hindi ko rin alam pero 'yung isang bangkay ay natagpuan siya sa female comfort room, ang putla 'di ko kinaya at 'yung isa naman ay overdose daw. Suicide raw ang dahilan ngunit 'di pa sila sigurado kung may naganap bang foul play. Gems, kinikilabutan na ako rito!"

Nabitawan ko bigla 'yung hawak kong baso. Mukhang alam ko na kung sino 'yung mga namatay. Naalala ko yung babae na pumasok sa banyo habang nililinisan ko 'yung salamin at yung lalaking nag order sa akin.

Alam kong hindi na 'to bago sa 'kin pero kinikilabutan pa rin ako.

Sa apat na buwan na pangsusunod niya sa 'kin, sa pagkakaalam ko, pumapatay lang siya kapag galit siya. Nangyari na 'to sa akin noon, ilang beses akong minura nung kapit bahay namin at kinabukasan ay natagpuan siyang patay sa kinahihigaan niya. 

Gusto kong magsumbong sa pulis ngunit wala akong sapat na ebidensya. At isa pa, kaya ko nasabi na siya ang may kagagawan ay dahil lahat ng mga taong umaaway sa akin ay kalimitang natatagpuang patay o 'di kaya may sugat kinabukasan.

Sh*t. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Napatakip ako sa bibig ko.

"Uy! Ano 'yung nabasag? Gemma, ayos ka lang ba diyan?"

"O-Oo, tawagan ulit kita mamaya." Ibinaba ko na 'yung tawag. Napahilamos ako sa aking mukha. Pakiramdam ko ay kasalanan ko na naman 'to kahit na alam kong wala akong ginagawa. Pakiramdam ko nadadamay sila dahil sa 'kin. 'Di naman maiiwasang may magagalit o maiinis sa akin sa trabaho at kahit saan pa man 'yan. 

Ngunit bakit kailangan niya silang saktan o patayin? 

This person is a psychopath.

Yumuko ako para ligpitin 'yung mga bubog na dulot ng pagkakabasag ng baso kaso napangiwi ako nang masugatan ang daliri ko sa kamamadali. Dumanak ang dugo sa sahig kaya dali-dali kong binuksan ang gripo at ibinabad sa tubig ang dumudugo kong daliri.

Nag-ring ulit 'yung phone ko. Kinuha ko 'yung malinis na tela sa drawer at saka ito ipinulupot sa daliri ko bago ko pinulot 'yong phone na iniwan ko saglit sa mesa at binasa ang laman ng mensahe.

From: Unknown number
Time received: 6:47 A.M.

Oh, your blood is such a f*cking tease, kitty.

END OF CHAPTER I


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

15.3K 1.4K 53
Teach Me How to Alpha follows the life of Caelen San Rafael, an office girl who mysteriously became a Werewolf. Her life turns upside down when she f...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...