You and Me against Reality (K...

By itsmeeNayumi

114K 1.6K 345

You and Me against Reality...Dalawang puso na kahit anong tago ng nararamdaman mo ay hindi mo pa rin ito maik... More

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)
Chapter 1 Ang unang pagkikita nila
Chapter 2 Ang pangalawang Pagkikita (disaster)
Chapter 3 Charming Attack
Chapter 4 Be my Secretary
Chapter 5 First Day as Secretary
Chapter 6 No Choice
Chapter 7 Jealousy attack
Chapter 8 Pretending
Chapter 9 Coincidence?
Chapter 10 Date?
Chapter 11 Jogging Together
Chapter 12 Beginning of LOVE
Chapter 13 Movie Date with LOVE
Chapter 14 True Feelings
Chapter 15 Official GF and BF
Chapter 16 Sweet Gesture
Chapter 17 Problem
Chapter 18 Forgive My Love
Chapter 19 THE PAST
Chapter 21 Getting To know Parents Part 1
Chapter 21 Getting To know Parents Part 2
Chapter 22 The Reality
Chapter 23 Locks of LOVE
Chapter 24 Getting Back Together
Chapter 25 Prank Boyfriend
The Final Chapter 26

Chapter 20 Saying Sorry

2.4K 48 9
By itsmeeNayumi

Chapter 20

Vincent's POV

               4th Death Anniversary na pala ni ate Kianne. Subrang tagal na pala mula ng mamatay siya. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun.

"ate sabi ni mommy maaga ka daw umuwi dahil may maganda siyang ibabalita sayo. Naku tiyak magugustuhan mo." sabi ko sa kabilang linya habang siya tawa lang ng tawa. "naku Michael alam na alam ko na yan, Hindi mo ba alam na mas nauna akong nakaalam kesa kay mommy."

 

"Hala ang daya daya mo ate, basta umuwi ka ng maaga, darating si daddy galing france. Tsaka sabi ni mommy dalhin mo daw yang bagong boyfriend mo dito sa bahay para makilala daw namin. Ano nga ba ang pangalan. Franco Hernandez ba?ahahah"

 

"ikaw talga nakapatsismuso mo. Sige na paalis na rin kami ihahatid na daw ako ni Franco i love you bunso mueah..."

 

"yuck ate nakakadiri ka. baka magselos jowa mo sa akin eh."

 

"hindi kaya mas love ko namn itong nasa tabi ko........FRANCO!!!!!-------"

"ate...ate...Anong nangyayari. Ate sumagot ka.." naiyak ako ng marinig ko ang sigaw ng ate ko.

 

Yun na ang huling paguusap namin ni Ate kianne.

"Dad darating po ako jan sa sunday." sabi ko kay Dad bago ko binaba ang phone.

Agad kung tinawagan si Lucille para sabihing darating ako sa Cebu bukas ng hapon.

"Babe sorry kung di ko nasagot ang tawag mo nagkakagulo lang kasi kanina dito sa opisina." sabi ko. "bakit anong nangyari.? kailangan na ba ako jan."

"Hindi okay lang dito, tsaka kaya ako tumawag darating ako jan bukas ng hapon."

"Gusto mo bang sunduin kita?" tanong nito habang papasok ako sa loob ng opisina ko. "hindi na dadaan nalang ako sa bahay ninyo nasa akin na ang Address mo. Pero okay na ba ang parents mo?"

Biglang natahimik sa kabilang linya. "why whats wrong babe?" bumuntong hininga siya. "Something wrong ba?" ulit ko. "Sabihin ko nalang sayo bukas, total maaga ka namng darating dito diba. sunduin mo nalang ako, magpapasama rin kasi ako sayo kung okay lang."

"okay sige ako rin samahan mo ako may dadalawin din kasi ako..." pagkasabi ko ay binaba na nya ang phone.

"Bernard paki book ako ng flight to Cebu tomorrow." sabi ko sa intercom at nagfocus an akong muli sa ginagawa ko.

******

 Nasa hapag kainan kami kasama ang parents ko pero wala pa rin kaming imikan. Patingin tingin ako sa daddy ko pero wala pa rin itong reaction sa pagbabalik ko.

"Hindi nyo man lang ba ako kukumustahin?"  i whispered.

Napatingin sa akin ang mama ko. Uminom namn ng tubig ang daddy ko at tatangkaing tumayo pero nagsalita akong muli.

"Hindi na ba talaga importante sa inyo ang nararamdaman ko. Kaya ko lang namn nagawa iyon dahil sa ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko mahal. At alam ninyong ayaw ko na nadidiktahan." i bit my lower lip and sighed.

Bigla nalang bumuhos ang luha ko. Mula kasi nong nawala ang kuya ko. Naging isang anino nalang ako sa bahay na ito. Hindi nila ako pinapakinggan. naging busy sila sa kani-kanilang mga trabaho.

"Paki kuha na ang gamit ko sa taas hon. aalis na ako." malamig na sabi ng daddy ko.

"Kung hindi nyo ako kakausapin ngayun, bukas na bukas luluwas na ako ng maynila at hindi na ako babalik pa dito. Hindi ko kayo pinapipili pero yun ang lumalabas. Naging masama ba akong anak sa inyo. Dahil lang po ba sa pagkakamaling iyon dad."

"tama na yan hija.." saway sa akin ng mommy ko pero sa puntong iyon wala na akong pinapakinggan. Parang naglalaho na lahat sa paningin ko. Bastos na kung bastos ang pakikitungo ko sa magulang ko pero, hindi sapat iyon para i shut down nila ako ng ganon ganon lang.

Tumayo ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko.

Bumalik lang pala ako sa wala. Siguro nga nagsasayang lang ako ng oras dito. Siguro nga hindi na dapat ako bumalik.

******

            Nasa Airport na ako ng makita ko ang daddy at mommy ko na nag aabang sa akin sa labas.

"Mom,Dad." bumati ako sa kanila at sila rin sa akin na parang hindi kami nagkita last year at panay ang halik sa akin ng mommy ko.

"Mom tama na tignan mo ang daming nakatingin sa atin baka kung ano pa sabihin nila." saway ko sa mommy ko na hindi pa rin tumitigil sa kakahalik sa pisngi ko. akala kasi nya ako pa ring yung batang makulit at laging nagpapahalik sa pisngi..

"Oo nga namn hon, itigil mo na nga yan ako nalang ang halikan mo ng ganyan mamaya." pabiro namng sabi ng dad ko.


"So kamusta ang manila.. i heard from you tito na nakapagclose ka na ng deal from our Japanese investor. That's achievement hijo."

"Dad, about don sa kinuha ni tito...." bigla nya akong pinigilan.

"i don't want to ruin your Vacation anak, ang intindihin mo eh yung kasama kami, at mayroon akong ipapakilala sayo, tiyak magugustuhan mo siya." Nagsimula na namn ang pagrereto ng magulang ko. Hindi na ba sila titigil sa kakareto, kasi ako sawang sawa na. Mas mabuting makilala na nila ang tamang babae sa puso ko. Ang babaeng papakasalan ko at mamahalin habang buhay. Ang taong hindi ako iiwan at ipagpapalit sa kahit na sino. at ganon din ang gagawin ko. Dahil mahal na mahal ko si Lucille. Walang makakapaghiwalay sa amin.

"Lets go na po." pag aya ko sa kanilang dalawa. Kumain kaming tatlo sa Restuarant na pinatayo ng daddy ko dito sa Cebu dahil sa nag retire na nga ang daddy ko at dito sa bayan namin sila gustong tumanda at sana daw magalaga ng kanilang mga apo.

"Dad aalis lang po ako may kailangan lang akong puntahan." Paalam ko sa kanila. susunduin ko pa kasi si Lucille dahil nagpapasama ito.

                         Nasa harap na ako ng bahay nila ng makita ko ang Mama nya nagdidilig ng mga halaman sa labas. Pinagbuksan ako ng Yaya ng bahay tsaka tinawag ang Amo nito.

"Ma'am may bisita po si Senorita Lucille." sabi nito tsaka lumingon sa akin ang mama nya.

   "Hello." bati ng ginang sa akin.

"Magandang Hapon po Ma'am. Nanjan po ba si Lucille?" tanong ko. Medyo ilang ako dahil hindi ko alam na ganito pala kaganda ang mommy ni lucille, alam ko na kung saan siya nagmana.

"Nasa taas ang anak ko. May kailangan ka ba sa kanya. Sandali at ipapatawag ko siya." sabi ng mama nya ng biglang may nagsalita palabas ng Pinto.

"no need mom, nandito na ako. Mom alis na po kami. baka late na po ako bumalik." humalik lang ito at lumabas na kami hila hila ako sa kamay.

"Wait babe, why so cold to your mom?" bigla kung natanong sa kanya ng nasa loob na kami ng kotse.

"Ayoko lang na ginawa nila akong tanga. Pinauwi nila ako dito para ano ikulong ulit sa bahay na yun. Hindi ayaw ko."

"Okay calm down," hinawakan ko ang kamay nya. "Saan ba tayo pupunta."

"Pwede ka ba talaga? i mean hindi ka ba mapapagod?" tanong nito sa akin.


"Hindi ako mapapagod pag ikaw ang kasama ko. Kaya okay lang sa akin kahit sa dulo pa ng cebu yan magdrive ako para lang sayo." Pero mukhang mapapasubo ako sa sinabi ko.

"Sa Talisay tayo. may dadalawin lang sana ako." nagulat ako ng sabihin nyang talisay. Dahil yun ang bayan namin.

"Sa talisay. Doon ang bayan namin." gulat kung sabi. "baka namn ako lang ang Dadalawin mo." pabiro ko pang sabi.

"Sa talisay Cemetery tayo."

Pagkasabi nito ay tumahimik na ako. Doon din kasi ang gusto kung puntahan.

Nakarating kami sa Talisay Cemetery. Pagbaba naming dalawa sa kotse ay nagsimula ng maglakad si Lucille. Hindi ko alam kung weird pero parang Tinahak nya ang gusto ko ring tahakin papunta sa puntod ng kapatid ko.

Bigla siyang huminto sa harap ng musiliyo ng Kapatid ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

Pumasok ito at nagalay ng bulaklak sa kapatid ko.

"Ito si ate kianne." sabi nito tsaka nilinis nang kaunti ang tomb ni ate.

"Kaano ano mo ang taong ito?" tanong ko ulit sa kanya. Umupo kami dahil pinagawan namin ng mini chapel ang ate dito sa loob nito.

"Alam mo ba, ako ang may kasalanan kung bakit namatay si ate kianne. Ako ang dahilan kaya namatay sila ng kuya Franco ko." bigla akong nagulat ng banggitin nya ang pangalang franco. Kapatid pala siya ni kuya Franco.

"Alam mo ba sinisi ako ng daddy ko mula nong namatay ang kuya ko at si ate Kianne. Lagi nalang bukang bibig ni daddy na sana ako nalang ang namatay at hindi ang kuya ko. Dahil wala daw akong alam na gawin kundi mag bulakbol at gumala tuwing gabi. Nong araw bago sila mamatay nasa isang bar ako non. Hindi ko naman alam na sa bar palang iyon may makakaalitan kami. Hindi namin mapigilan ang isa naming kasama. Kaya tinawagan ko ang kuya ko. Pa..pauwi" bigla siyang tumigil sa pagkukwento, maski ako parang di ko mapigilan ang emotion ko sa mga narinig ko sa kanya. Pero tinuloy nya pa rin ang pagkwento.

"Pauwi na daw sila ng kuya ko ng tawagan ko sila. Sabi nila Sunduin muna daw ako dahil nga yung nangyari sa bar."

"Pero wala pang 15 minutes tumawag ulit sila. Pero hindi na sila ang kausap ko kundi isang taong nagsabing. Naaksidente ang  taong nagmamaneho nito kasama ng girlfriend nya." Bigla siyang naiyak. Inabutan ko siya ng panyo.

"Alam ko vincent kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat ng ito."

"sshh..Don't say that, wala kang kasalanan."

"Paano mo nasabi yun." tanong nya sa akin.

"Dahil...Dahil bago sila maaksidente kausap pa ako ni ate." tumingin ako sa puntod nito. Nakita ko siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang  lahat.

"Kausap ko pa si ate nong bago sila mamatay. Alam kung hindi mo kasalanan iyon. Alam kung hindi ka sinisisi ng ate at ni ng kuya mo. Dahil alam nila na responsibilidad ka nila kung ano man ang mangyari sayo. ginawa lang ng kuya mo at kaya nya, na sunduin ka. Hindi nga lang sila pinalad na makarating."

"Kaya wag mo ng isipin ang lahat ng ito. wala kang kasalan okay." agad kung sabi pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Paano mo nasasabi yan, kung ako sa puso ko kasalanan ko ang lahat." humagol-gol siya ulit.

kinuha ko ang kamay nito. tsaka ko hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Dahil alam ko ang katotohanan babe. At sinasabi ko na sayo. Wala kang kasalan okay. Halika." hinila ko siya sa palapit sa puntod ni ate.

"Ate look who's here..Binibisita ka ng Paborito mong kapatid at may dala pa ako sayo. Si Lucille pala kapatid ni kuya Franco. Diba maganda siya." nagkatinginan kaming dalawa. Ngumingiti na siya ng kunti.

"Ate kianne.. nakakasama mo ba jan si kuya franco. Pakisabi namn sa kanya. Sorry..Sorry kasi hindi ko ata matutupad ang pangarap nya sa akin na maging stewardess.."

Pagkatapos namin pumunta sa puntod ni ate ay dinala ko siya sa bahay.

************

Pagkagaling namin ni Vincent sa puntod ng ate nya ay dumiretso kami sa bahay ng magulang nya. Gusto ko sanang tumanggi dahil alam kung nakakahiya pero gusto ko rin makilala ang mga magulang ni Vincent at ni ate Kianne. Gusto ko na rin  humingi ng tawad sa kanila na sana ay mapatawad nila ako.

***********

Thank you for READING

(C)Itsmeenayumi

Please Let me know kung nagustuhan ninyo...

Follow me on twitter @itsmeenayumi 

Please Do like our Fan Page KimXiTV

Continue Reading

You'll Also Like

169K 9.3K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
529K 19.4K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...