Codename: Princess Trigger (C...

By MCMendoza21

601K 9.3K 402

A woman with a cold-hearted persona. A guy with a positive disposition in life, but secretly in love with the... More

SIMULA
Trigger 01 - New mission
Trigger 02 - Her best friends
Trigger 03 - Decision
Trigger 04 - Almost
Trigger 05 - You are not alone
Trigger 06 - Man-to-man talk
Trigger 07 - One and only
Trigger 08 - Catching-up
Trigger 09 - Her lowest point
Trigger 10 - I think I like..
Trigger 11 - I'm home, finally.
Trigger 12 - The meeting
Trigger 13 - The visitor
Trigger 14 - Just the two of them
Trigger 15 - The training
Trigger 16 - What they were thinking
Trigger 17 - The truth
Trigger 18 - He's a friend
Trigger 19 - The start
Trigger 20 - The Mastermind
Trigger 21 - The decision
Trigger 22 - She knows
Trigger 23 - Part of the deal
Trigger 24 - The drop-out letter
Trigger 25 - The introduction
Trigger 26 - Two women
Trigger 27 - The intense fight
Trigger 28 - Physically and mentally
Trigger 29 - Strong vs strong
Trigger 30 - The revelation
Trigger 31 - The deal
Trigger 32 - The conversation
Trigger 33 - It happened so fast
Trigger 34 - Unknown pain
Trigger 35 - Sudden outburst
Trigger 36 - The request
Trigger 37 - The accident
Trigger 38 - How she feels
Trigger 39 - Secret mission
Trigger 40 - The Spy
Trigger 41 - We finally meet
Trigger 42 - Moving on is never an easy thing to do.
Trigger 43 - Life after 6 years
Trigger 44 - Broaden his horizon
Trigger 46 - Because I'm weird
Trigger 47 - How to move on from you?
Trigger 48 - To clear off her mind
Trigger 49 - It's time.
Trigger 50 - The secret
Trigger 51 - Little by little..
Trigger 52 - A new threat is on the way
Trigger 53 - Lost Princess no more.
Trigger 54 - And she's finally here!
Trigger 55 - A lot of catching-up to do.
Trigger 56 - Simple and subtle way..
Trigger 57 - Threat!
Trigger 58 - The shocking truth
Trigger 59 - The aftermath
Trigger 60 - Last Mission
Trigger 61 - Last Training
Epilogue

Trigger 45 - The bonding

7.3K 108 2
By MCMendoza21

[Edited Ver.]

The bonding



Therbie's PoV :

It's been a week since I've known Athena and so far, I was really enjoying when I am with her. Isang linggo kaming nagkaka-text at minsan tawagan at pangalawang beses kong makita siya ngayon. Nagkukuwento siya ng kahit ano at nakikinig lang naman ako.

Athena: "Hindi ka masyadong ma-salita no?"

Therbie: "I'm boring you out, ain't I?"

Umiling-iling ito na parang bata.

Athena: "Hindi naman. Mas gusto ko nga iyang nakatahimik ka lang kasi ako namang bahala sa kwento e. Basta ba..."

Therbie: "Ako ang sagot sa fishball? Game."

Nagpapapalakpak ito at talagang natutuwa siya sa simpleng bagay na katulad noon at dahil sa pagiging masayahin niya ay napapangiti na rin ako. Hinila niya ako bigla sa fishball cart at napatawa nalang ako sa ginawi niya. Nakigaya nalang rin ako sa ginawa niyang pag kain ng fishball.

Therbie: "Paano mo nalaman ang place na ito?"

Athena: "Malapit lang ito sa bahay namin ng kuya ko. Alam mo kasi, John, dalawa nalang kami ni Kuya ever since I was a kid. Namatay raw kasi ang mga magulang namin sa isang aksidente, nawalan raw ng brake ang sasakyan hanggang sa mabunggo sa isang malaking puno. Iyon ang kwento ng mga relatives namin."

Napatingin ako sa kanya pero imbes na makita kong malungkot siya, kabaliktaran noon ang nakita ko dahil habang nagkukwento siya ay nakangiti pa siya habang nakain ng fishball. Gusto ko siyang patigilin sa pagkukwento dahil baka ayaw niya naman at napipilitan lang, pero habang tinitingnan ko siya, nawawala ang intensyon kong patigilan siya.

Athena: "Si kuya Lloyd na ang tumayong magulang sa akin. At the age of 17, natuto na siyang patakbuhin ang kumpanya na naiwan ni Papa sa amin habang nag-aaral siya. Napag-sabay niya iyon kaya super proud ako sa kanya! At talagang masaya ako kasi magiging masaya na rin siya dahil nahanap na niya ang magiging better half niya."

Therbie: "You must like your future sister-in-law. Lagi mo siyang binibida sa akin everytime we talked."

Athena: "Oo naman! Mabait si ate at tsaka gustong-gusto ko talaga siya at tanggap ko rin ang anak niya!"

Therbie: "May anak na ang magiging hipag mo?"

Tumango siya at masaya pa.

Athena: "Yep! ang cute ng batang iyon at gustong-gusto kong kinukurot ang pisngi niyang chubby! Hihi."

Pagkatapos naming kumain at mag-usap ng tungkol sa pamilya niya, nanahimik na naman kami habang naglalakad. Hanggang sa mapahinto siya bigla kaya huminto rin ako at kinuha niya ang cellphone niya sa bag na dala at sinagot ang tumatawag. 

Hindi naman siya masyadong malayo kaya naririnig ko ang sinasabi niya, at ini-loud speaker niya pa ang tawag kaya naririnig ko rin ang kausap niya.

Athena: "Hello, ate!"

???: *I'm already here, Nana. Pinapauwi ka na ni Lloyd at nami-miss ka na rin ni Sabrienne.*

Natulos ako sa kinatatayuan noong marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya na kausap ni Athena. Her voice is familiar. Parang narinig ko na noon pa ang boses nito. Sino ang babaeng iyon? Bakit ganoon nalang ang bilis ng tibok ng puso ko?

Athena: "Ok ate punta na ako dyan. Byee!"

Natauhan lang ako noong lumapit na si Athena sa akin at kinalbit ako. Nagpaalam lang ito na aalis na at sinusundo na raw siya. Gusto ko pa siyang tanungin tungkol sa magiging hipag niya pero bigla na itong tumakbo papalayo habang kumakaway sa akin.

I need to calm my nerves. Impossible ang iniisip ko. Impossible talaga.

End of PoV

Athena's PoV :

Hindi rin nagtagal at nakita ko ang sasakyan ni Ate Bella at siya rin na nakatayo sa harap ng pinto ng driver's seat. Noong tiningnan ako nito ay para bang nangilabot ako sa walang emosyon niyang mukha pero napakalma rin naman ako agad dahil nginitian niya rin ako. Mabait talaga si Ate Bella, pero kapag seryoso siya talagang natatakot ako.

Bella: "How's your date?"

Athena: "Date? Who says that i'm on a date?"

Bella: "Hindi ba? Akala ko nakikipag-date ka e."

Sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula na ring paandarin ang sasakyan ni ate.

Athena: "Hindi iyon date.. hm, friendly date siguro. New friend ko siya at na-meet ko rin sa beach. Kamusta pala ang isang week niyo sa Pilipinas ate? Ok naman ba?"

Bella: "Maayos naman. Nakaka-adjust naman ako. Si Sab hindi lumalabas ng room namin dahil naiinitan raw. Gusto niya sa room kasi may aircon."

Natawa nalang kami ni ate sa kinuwento niya. Nagtuluy-tuloy pa ang usapan namin hanggang sa makarating sa bahay at sinalubong agad kami ni Sab at kasama si Kuya Lloyd. Mataman akong tinitigan nito. Nako, sermonan na naman.

Ate Bella patted my back, like she's telling me to be a good girl and to listen to my brother. 

Lloyd: "Hey, love."

Bella: "Love. Kanina pa ba kayo naghintay dito sa labas?"

Lloyd: "Not really. Alam mo naman na ayaw ni Sab sa labas kasi naiinitan e. Tignan mo nga inunahan na tayo sa pagpasok."

Athena: "Ako kuya talagang wallflower lang ang peg? Walang hug? Walang kiss?"

Lloyd: "Of course not. I love you, sis."

Nag-flying kiss pa ito sa direksyon ko at dahil sa ka-kornihan nito kaya napabunghalit kami ni Ate Bella ng tawa. Pumasok na rin kami kalaunan.

End of PoV

Therbie's PoV :

Ngayon ang representative na iyon ang nagtetext at nakiki-usap na makipag-meet sa kanya para sa meeting na dapat noong nakaraang linggo pa dapat ginanap? Pero kung tatanggihan ko naman ngayon, nakakahiya rin kay Tita Annalise at siguradong magagalit sina Mom sa akin. Nagtext naman kasi si Tita Annalise sa Mom ko na kaya raw hindi nakarating ang representative na anak niya dahil raw sa sumama ang pakiramdam nito.

Siguro kailangan ko munang kalimutan iyong una. Kung makikipag-meet ako ngayon baka malaman ko pa ang tunay niyang rason.

I told to my secretary that I accepted the invitation for a meeting today, that's why I readied myself.

Yasmine: "Sir John, nag-message si Ms. Bella--"

Napaghahalataan talaga akong baliw na baliw kay Belle, narinig ko palang iyong unang syllable sa pangalang 'Bella' bumilis agad ang tibok ng puso ko at parang nasiyahan ako. Pero bumaba rin agad ang naramdaman kong saya noong marinig ko ang buong pangalan nito.

Tsk! Dahil sa similarity ng pangalan nagiging tanga na naman ako. I need to get this out of my system because I am currently working right now. I shouldn't mix business to my personal issues.

Yasmine: "--sir John, narinig niyo po ba? Sir?"

Therbie: "Oh, sorry, Yas. Paki-ulit nga hindi ako masyadong naka-focus e."

Yasmine: "Ang sabi ko sir, sabi sa message na ipinadala ni Ms. Bella Marice Anderson, mag-meet raw kayo sa Herminia Restaurant at nandoon na raw po siya."

Malapit lang pala ang lugar makakarating na rin agad ako. Nagpaalam na ako sa sekretarya ko ay agad pumunta sa parking lot. Pero bago pa man ako makasakay ay narinig ko nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko kaya't kinuha ko ito at tiningnan ang caller.

It's Selene. What's the problem now?

Therbie: "Hello--"

Selene: *Kuya Therbie! Huhuhu..*

Umiiyak itong sumagot sa akin kaya't bigla akong kinabahan.

Therbie: "Selene, selene! Calm down, please. Tell me what happened."

Selene: *Kuya kasi, si Lawrence..*

Mas dumoble ang kabang naramdaman ko noong marinig ang pangalan ng kapatid ko. Sumakay na ako sa sasakyan at ini-start ang kotse.

Therbie: "Selene? Selene.. what happened to my brother?"

Selene: *Si Lawrence kasi, naaksidente. Nandito kami sa Hospital na malapit sa RU! Kuya puntahan mo kami dito.*

Ibinaba ko na agad ang phone at mabilis na humarurot sa kung saan ang sinabi ni Selene na ospital. Kailangan ko pa palang sabihan ang mga magulang ko.

Therbie: "Shit! The meeting."

Mamaya ko na nga aalalahanin ang meeting na iyon! Ipapa-message ko nalang kay Yasmine na hindi ako makakapunta sa meeting namin noong si Bella Anderson.

My family needs me.

End of PoV



#EditedVersion #Therbie'sConfused #Bella&Lloyd #AthenaTherbie

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 62.9K 67
She's Rich,Beautiful,and Popular.Pero ang puso..magkaka sipon ka dahil sa kalamigan.MATARAY AT PALABAN.Walang awang mang bugbog.Siya ay kinakatakutan...
62.9K 2K 31
When it comes to my enemy, I am brutal, merciless and heartless Assassin and a Mafia boss. When it comes to my daughter, I am a plain mother who want...
973K 15.7K 56
A thousand lies have made her colder and made her think that she can't look the world the same. A tragic fantasy is how she describes her life. "The...
400K 10.6K 68
Feel free to read this story highest rank #2 {Sep.30,2017} Ipinasok nila ako sa kwartong puno ng kadiliman. Wala! Wala akong makitang kahit na anu ku...