Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

39. Prince of Tulsa

19.2K 966 90
By iamrurumonster

Nagpalipas kami ng gabi sa masukal na kagubatan ng Owassu. Napagpasyahan naming bukas na kami maglalakbay pabalik ng Claremur dahil masyado nang delikado ang sitwasyon sa buong Delta ngayong nagsimula na ang quarterly clash. Nakahanap si Quattro ng isang mayabong na puno ng oak tree sa gitna ng kagubatan kung saan kami magpapalipas ng gabi. 

Ipinagbawal ang paggawa ng bonfire dahil baka matunton kami ng mga kalabang posibleng umaaligid lang. Nakapalibot sa malaking puno ang lahat. Nasa tabi ko si Pea at sa kanan ko naman ang magkakambal na Russell at Rachelle. Halos ikubli kami ng malalaking ugat ng puno na sa tingin ko'y ilang daang taon nang narito sa kagubatan. Napapaligiran din ng malalaking ferns at heliconia ang paligid nito kaya hindi kami kaaagad makikita kapag nagkataong may maligaw doon. 

Maingat na sumandal ang isang channel na si Rachelle sa nakausling malaking ugat ng punong-kahoy. Mukhang maselan ito sa katawan. Bago pa niya tuluyang maipikit ang mga mata'y tila nagitla ito  at may naramdaman sa paligid. Napalingon ito sa kakambal na si Russell na parang may naramdaman ding kakaiba. 

"Russell, I-I can feel someone's around!" Rachelle whimpered in the dark. I can hear her inner voice trembling. Napansin kong napakapit ito sa braso ng kapatid at tila may pinapasang mensahe na hindi na kayang sabihin. 

Bumaling saakin si Russell, seryoso ang mga titig nito na parang may nakaambang panganib sa paligid. "Alison, somebody needs our help. Please run your chains!"

Napalakas ang sabi ng lalaki dahilan para mabahala ang iba pa naming mga kasama. Mukhang naramdaman ng kambal na channel na may nangangailangan ng tulong. Ilang segundo ang pinalagpas ko bago napagpasyahang hanapin ang kung sino mang nasa panganib. 

Bago pa makalabas ang mga chains sa aking katawan ay nagsalita na si Quattro. "He's 700 meters North East away from here. I have tracked the alius the moment the twins felt him."

Allen spoke from the other side of the trunk, "This might be a trap. Huwag tayong padalos-dalos."

"Allen is right. This might be a trap," sang-ayon ni Pea na nakakapit na sa braso ko. "Alison, lahat ng kaharian ay kalaban natin dahil ikaw at ang iba pang channels ay ang mga living trophies sa quarterly clash na 'to. Anyone can pretend as our ally. Don't take the bait!"

"This is either fish or cut bait guys, you decide. I can always throw bombs just in case," Reid commented. 

"Alison, that bait you are referring is someone very important. Nararamdaman kong malaki ang maitutulong niya saatin. We should save him!" mahinang sambit ni Rachelle na nakadikit pa rin sa kakambal. 

"Him, so this bait is a guy! Now, coming from a channel, I don't know what to say anymore." Naupo na si Allen sa kanina'y tinutulugan. Halatang alerto pa rin ito at nakikinig sa usapan. 

"I think it's safe to take the kid in here." muling nagsalita si Quattro. Mukhang may naisip na itong plano sa tono ng kanyang pananalita. "Pea, the twins and Reid should  come with me and rescue him."

Walang tumutol kay Quattro. Naisip ko ding kailangang maghati ang grupo sakaling may panganib. I could always run my chains around them para masigurong mas ligtas sila kapag may kalaban. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa plano ni Quattro. Sumang-ayon naman ang iba pa naming kasamahan. 

Ilang minuto lang ay nakaalis na sina Quattro, ang kambal at si Reid. Naiwan kaming naghihintay nina Pea at Allen sa higanteng puno. Nagkalat naman ang mga kadena ko sa paligid para bantayan sina Quattro. Hindi mapakali sa kinauupuan si Pea samantalang panay ang buntong hininga ni Allen sa isang sulok. 

"How much longer?" Pea asked nang lumipas na ang dalawampong minuto at hindi pa nakakabalik ang iba. 

"Hold your horses Pea," sagot ko habang pinapakiramdaman ang paligid. I cannot feel any danger around so far. "They're coming back. The kid is in critical danger at kakailanganin niya ang tulong mo. Ready your needles." 

Tumango ng paulit-ulit si Pea. Sa itsura nito'y parang naging mas kalmado nang marinig na pabalik na sina Quattro at ang niligtas nilang lalaki. Napakapa ito sa dala-dalang bag na naglalaman ng mga gamot pero bahagya itong tumigil at napatitig saakin. 

"Anything wrong Pea?" awtomatiko kong tinanong. Hindi namalayan ng babaeng mabilis kong pinagapang ang kadena ko patungo sa utak niya. Babasahin na sana ng chains ko ang iniisip ng babae nang maputol ito dahil sa pagdating nina Quattro at Reid na may inaalalayang binatilyo. Nasa likuran ng mga ito ang gulat na gulat na kambal. Maluha-luha si Rachelle na parang hindi sanay na makakita ng ganitong eksena.  

Namumutla ang lalaking kanina'y tinawag na pain. Nanghihina na  ito at hindi magawang maglakad kaya nakaangkla na lang ang mga braso niya kina Quattro. Sa itsura ng kasuotan nito'y mukhang galing siya sa isa sa mga kaharian ng Delta. Basa ng pawis ang hanggang balikat nitong buhok at bugbog sarado ang makinis nitong mukha. Sa itsura nito'y mukhang tumakas siya sa isang matinding digmaan. 

"Oh my gosh!" bulalas ni Pea na kaagad lumapit kina Reid. "Ibaba niyo siya."

Pagkababa sa sugatang binatilyo ay kaagad siyang nilapitan ni Pea na may hawak nang syringe. Mabilis nitong nilislis ang manggas ng kasuotan ng lalaki sa kanan nitong palad saka tinurukan ng gamot. 

Napangiwi ang lalaki ng ilang sandali hanggang sa unti-unti nang bumalik ang lakas nito. Lumapit ang kambal na channels sa sugatang lalaki. Napatingin pa ang mga ito saakin bago nila hinawakan sa magkabilang braso ang binatilyo. Alam kong gagamitan nila ng kakayahan nilang palakasin ang enerhiya ng lalaki para mapabilis ang paggaling nito. 

Nakatulog ang lalaki. Marahil ay dala ng sobrang kapaguran. Siniguro ni Pea na maayos na ang kalagayan nito bago idineklarang ligtas na ito at kailangan lang magpalipas ng gabi para makabawi ng lakas. 

Ilang sandali lang ay mabilis na nahimbing ang lahat. Pati ako'y nahulog sa isang malalim na pag-tulog. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Pero sigurado akong muli na naman akong dinalaw ng panaginip. Ang limang anino na saakin nakapalibot at ngayo'y may mga mukha na. Lahat sila ay halos maluha sa sobrang sakit habang nakapalibot saakin hanggang sa unti-tunti silang mawalang parang usok. Napasigaw ako pero tila walang lumabas na salita sa bibig ko. Tinangka kong sumigaw uli hanggang sa mawala ang lahat ng nasa paligid ko't nilamon ng liwanag. 

Pinutol ng isang banayad na pagtapik sa aking pisngi ang panaginip ko. Napabalikwas ako. Nag magbukas ako ng paningin ay bumungad saakin ang namamaga pa ring mukha ng binatilyong niligtas nina Quattro kagabi. Suot nito ang salaming may basag sa kaliwang lense. 

"Alison." tipid nitong sabi saka bumalik sa pagkakasandal sa puno. "Naghanap ng pagkain ang mga kasama natin. Ilang minuto lang ay pabalik na sila."

"Ikaw ang-"

Bumuntong hininga ito. Saka umiling ng banayad. "My name is Charles. I'm the prince of Tulsa... at ako ang ikalimang channel."

Ngumiti ako ng pilit pero kaagad nabawi 'yon ng maalala ko ang itsura ng limang anino sa paligid ko. Such a waste. Mukhang hindi ko kakayanin kapag umabot sa puntong iyon ang lahat. Sanay ay may iba pang paraan. Muli kong sinulyapan ang inosente nitong mukha saka nagsalita, "Yeah, I know. I saw you."

"I saw you too Alison. Your dream has been a part of the dreams I had this past years. Alam kong sa huli ang pagdaraanan ko, naming mga channels. The core and the channels share the same fate Alison and I know when this will happen. For sure."

Sa tono ni Charles ay mukhang sigurado ito sa detalye ng mga panaginip ko. Parang ang panaginip ko ay piraso lang ng mga panaginip niya. Charles seems to know everything about the core and the five channels. 

"What do you know Charles?"

Lumingon ito sa paligid making sure that no one can hear us. Nang masiguro nitong walang tao sa paligid ay saka ito bumaling at nagsalita ng pabulong. "I know everything Alison. Everything about Delta, the alius, the kingdoms, all the powers that exists here. I know every history of the alius and criminals that exists here. I know everything except for one."

Tila nabuhayan ako ng pag-asa sa binaggit nito. Mukhang masasagot nito ang mga katanungang ilang taon kong hinanapan ng sagot. Napakunot noo ako at bahagyang lumapit sa kanya, matiim ko itong tinitigan saka nagtanong. I wish I am not the exemption. "Ano ang hindi mo alam?" 

"You. Hindi ko alam kung paano ka nabuo. You're profile is not on the master data of Delta. But I am sure, one person carries the details of your creation."

Natigilan ako sa sinabi nito. Tama nga yata ang sinabi ni Bue na isa akong eksperimento. Parang bago pa rin ang balitang ito saakin. Hindi ko pa rin tanggap. Sinubukan kong huwag magpadala sa emosyon ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago muling inusisa kung sino ang may alam sa pagkakalikha ko. "Sinong may dala-dala ng impormasyon kung sino at ano ako?"

"Peatrice."

###

Continue Reading

You'll Also Like

310K 21.3K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
6.2K 693 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...