TVFN 6 : Between The Sheets

Por BonitaBabyy

2.5M 29.7K 1.7K

She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Betwee... Más

Between The Sheets
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 -- New Beginning
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Finale

Chapter 20

62.5K 810 65
Por BonitaBabyy

Chapter 20

I was a fool that I never realized what I had until I lost her. This pain seems never end, so much pain I've gone through these past few years.

Oo nga't gwapo ako at mayaman at kung titignan mo ay parang nasakin na ang lahat pero mali iyon. May isang malaking puwang sa puso na kahit sino ay walang makakapunan. Isa akong malaking gago! Minahal niya ako ng buong buo, wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako, kung ano ang ibigay ko ay dinodoble niya na minsan di ko mapigilang isipin na hindi ko na kayang tapatan pa iyong pagmamahal niya.

I love my freedom, takot akong magpatali, takot ako sa isang seryosong relasyon. I took her for granted dahil kampante akong hindi niya ako iiwan dahil mahal na mahal niya ako pero siguro nga'y masyado ko na siyang nasagad kaya nagawa niya akong talikuran at iwan. Masakit pala. 

Yes, I love her so much! Ilang taon ba akong naghintay para tumuntong siya sa tamang edad? Mahal ko na siya bata palang siya, wala naman akong makitang mali sa pagmamahalan namin pero hindi ko naman ata kayang sirain ang buhay niya. God knows how much I love her. I never intend to hurt but I did. She's barely 18 back then for blood's sake! Gustong gusto ko na siyang pakasalan para hindi na kami magkahiwalay pa pero hindi ko kaya dahil nag-aaral pa siya. Kahit baligtarin pa natin ang lahat estudyante palang siya at umaasa palang sa magulang niya.

Kung mayroon man akong pinagsisihan sa mga nangyari ay iyong mga masasakit at wala sa katwiran kong rason. Fvck! Kung maibabalik ko lang yung oras! Kung maibabalik ko lang siya!

"Janine! Janine please let's talk!" halos namamaos na ako kakasigaw para lang lumabas si Janine. Ilang araw na akong pabalik-balik pero hindi niya ako hinaharap. Basang basa na ako ngayon sa ulan pero hindi ko iyon iniinda, kakayanin kong magkasakit pero hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Janine. Noong mga nakaraang araw akala ko okay lang na mawala siya at mag-break kami pero sa paglipas ng mga araw hindi ko pala kaya. Hinahanap-hanap ko siya. Umatake na naman kasi ang pagiging impulsive ko! Napagsalitaan ko na naman siya ng masasakit. Mahal na mahal ko siya pero bakit nasasaktan ko siya?

"I'm sorry Ja---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinalubong na agad ako ng isang malutong na sampal mula kayTita Jackie. Bata pa lamang kami ni Elaine ay ayaw na niya sa amin dahil pinapahirapan daw namin si mommy gayong hindi naman daw kami tunay na anak. Aware naman ako roon kaya sanay na ako sa malaking disgusto niya sa akin.

"Sorry mo yang mukha mo! Wala na si Janine dito! Kapal ng egg mong pumunta pa rito para hanapin ang anak ko! Ano sasaktan mo na naman siya?!! Pasalamat ka pa nga Ivan dahil ako palang ang nakakaharap mo, papatayin ka sa bugbog ni Stanley kapag nagkataon! Lumayas ka na bago ka pa niya maabutan! Hinatid niya si Janine sa airport! Huwag mo na siyang hanapin pa!!" para akong pinagbagsakan ng malamig na tubig sa sinabi ni Tita Jackie. Umalis ng bansa si Janine?!! Saan?!! Kailan siya babalik?!! 

"Sapat na lahat ng sakit na ibinigay mo! Una palang ayoko na saiyo kahit na anak-anakan ka pa ng kaibigan ko. Katulad ka ng ina mo walang puso! Akala mo ba hindi ko alam na ginalaw mo si Janine? Kung talaga nirerespeto mo ako, kung talagang nirerespeto mo si Janine hindi mo gagawin iyon. Alam mong menor de edad siya Ivan! Iresponsable ka! Twenty four ka na! Putangina lumayas ka na nga!" 

 

Ipinilig ko ang ulo ko sa ala-alang iyon. Ilang beses kong sinubukang hanapin si Janine pero mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Tatlong taon na ang nakalipas pero ni anino niya wala akong nakita. Naging miserable ang buhay ko, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. I lost her. I lost my everything.

"Lover boy!" napa-iling nalang ako ng bumungad sa harapan ko si Yvette na nakangisi sa akin. Wala na talaga siyang nakita kundi ako. Tatlong taon na niya akong binubulabog. Kilala ko siya dahil magka-ugali kami kaya kahit anong gawin niyang pang-aakit sa akin ay hindi iyon tumatalab.

"Huwag mo akong ngisihan ng ganyan Yvette. Alam nating dalawa na kahit maghubad ka pa sa harap ko ay si Janine pa din ang mahal ko." napasimangot naman siya at padabog na naupo sa couch. Kailan kaya magseseryoso ang babaeng 'to? Siya ang kontrabida sa buhay naming lahat, gustong gusto niyang naninira ng relasyon. Tss. Pero aaminin ko siya ang kasa-kasama ko nitong mga nakaraang taon. Halos lahat ay hindi ako kinikibo dahil sa nangyari sa amin ni Janine.

"Oo na! Hahaha. Ano ba naman yan Ivan! Ilang taon ka pa bang magkukulong sa opisinang ito? Ang boring na ng buhay mo!" kung ikukumpara ko si Yvette siya iyong ahas sa bibliya. Tuso siya at dadalhin ka niya sa maling landas.

"I'm already 27 years old Yvette, I'm not getting any younger kaya kailangan ko ng magseryoso sa trabaho." tsk. Palibhasa'y laki sa layaw kaya naman ay bente singko na pero wala pang trabaho?!

"Iyon na nga! Look at your wrinkles! Tsk. Buti nalang yummy ka pa din." iniikot ko na lamang ang mga mata ko ng may malisya niyang hinaplos ang braso ko.

"Come on Ivan! Plea---" napalayo ako kay Yvette ng tumikhim ang kakapasok lamang na si Nathaniel. Tss. Katakot takot na bugbugan ang naganap sa amin three years ago, halos pareho kaming isugod noon sa hospital dahil sa labis na bugbog. Sino bang mag-aakala na makaka-trabaho ko siya ngayon.

"Hey Nate! You're here pala! I'm sorry if nakita mo kami sa ganitong posisyon ni Ivan." inialis ko na lamang si Yvette mula sa aking kandungan habang siya naman ay abot tainga ang mga ngiti. She loves attention.

"Ito nga pala yung blueprint ng Mountain Peak Hotel. Puntahan nalang natin yung site next week. Sabihin mo nalang sa akin kung may gusto ka pang detalye para makikipag coordinate ako sa architect." tumango tango na lamang ako at pinagmasdan ang blueprint na iniabot niya sa akin.

Mayroong sister company ang La Formosa sa Baguio City na kung tawagin ay Mountain Peak Hotel na matatagpuan sa malapit sa Mines View Park. Nitong nakaraang buwan lamang ipinaubaya sa akin ni daddy ang pamamahala roon, ayokong tanggapin noong una pero naisip ko na I need a break. Nagsasawa na din ako sa opisinang ito, sa magulo at maingay na siyudad na ito. I need a break. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin, sakal na sakal ako sa buhay ko rito. Siguro nga'y tumatanda na ako at nagsasawa na sa parties, sex at mga babae.

"Sige we'll leave next week, hindi ako pwede ngayong week dahil kasal ng kakambal ko." Elaine's getting married at ako ang bestman kaya hindi ako pwedeng mawala. Tinanong ko siya kung inimbitahan niya si Janine pero hindi daw niya alam kung saan hahagilapin ang bestfriend niya. Posible ba iyon o takot lang din ang kakambal ko na saktan kong muli ang bestfriend niya?

"Okay then. Magpapa-book nalang ako sa secretary ko sa Loakan Airport." walang kagana-ganang saad ni Nate at umibis na. Tss.

"Uhhh! Grant! Ang yummy niya Ivan! He's a good kiss---" sinamaan ko agad ng tingin si Yvette. Pati ba naman fiancee ng kakambal ko?!

"Init ng ulo! Mag lunch nalang tayo! Haha. Sama mo naman ako sa Baguio!" napailing na lamang ako at nagpatiuna ng lumabas. Paano ko ba napagtatiyagaan ang ugali ng babaeng ito? She's fvking annoying!

***

Janine's POV

“Handa ka na ba sa first day mo mahal ko?” nakabusangot lang ako habang hinihila pababa ang pencil cut skirt ko at inaayos into a bun ang ngayog shoulder-length hair ko na lamang na buhok. Noong buntis kasi ako ay mukha akong bruha at pangit na pangit ako sa sarili ko kaya naman naisipan kong magpagupit ng buhok.

“Namimiss ko na agad si JC.” Malungkot kong sagot kay Seph. Actually magkapitbahay lang kami ni Seph. Haha. I mean nasa kabilang unit lang siya at malaya siyang nakakalabas masok dito sa unit ko ganoon din ako.

“Ako din mahal ko pero kailangan natin mag-trabaho. Tss. Ikaw sabi ng sabi na inii-spoil ko siya. Sige ka lalaking mama's boy yun! Gusto mo ba yun mahal? Lalaking bakla ang ana-- Aray ko naman Ja! Battered fiancee talaga ako kung minsan." Hahahaha. Binatukan ko nalang ulit siya dahil sa kadramahan niya. Napakaloko talaga ni Seph! Kaya nga noong nagtapat siya sa akin noon ay tinawanan ko lang siya dahil lagi siyang nagbibiro.

"Bakla ka diyan!!" muli ay sinimangutan ko siya at inayos na ang necktie niya.

"Ang gwapo mo nakakainis." pinitik lang niya ang noo ko at mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin habang inaayos ko ang necktie niya. Kung titignan mo kami ay para kaming isang perfect family, kasal nalang ang kulang.

"Alam ko na yan noon pa Ms. De Vera" napangisi nalang ako sa pagiging forever conceited niya. I really love this man. If magpopropose man siya sasagutin ko na siya.

"Let's go!" magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa paradahan ng jeep na ilang metro din ang layo. Sanay ang mga tao dito ng malalayong lakaran bukod sa akin. Haha. Nahihirapan kasi ako sa paakyat pababa dito sa Baguio, hindi naman kasi ito tulad ng Maynila na patag.

"Ang hina mo pa din sa lakaran ano? Hahaha. Hingal ka na agad. Tatlong taon ka na dito Janine." natatawang saad ni Seph habang inaalalayan ako paakyat ng jeep.

"Ang bigat kasi sa katawan kapag pataas yung daan tapos para naman akong bubulusok kapag pababa na." reklamo ko sa kanya. Mayroon tuloy akong naalala.

"Nangangawit na mga kamay ko!" reklamo ni Joseph habang minamasahe ang namumulikat at namamanas kong mga binti. Ika-walong buwan ko na ng pagbubuntis at heto siya at kandong ang dalawa kong binti. Haha.

"Sige na kasi! Ang sakit talaga eh!" napailing na lamang siya at napapapalatak at labag sa loob na minasahe muli ang mga binti ko.

"Lakad lakad din naman Janine kapag may time, mukha ka ng inahing baboy oh--- Aray! Bayolente!" lagi nalang kasi niya akong inaasar na mukha akong inahing baboy sa hitsura ko. Hmp!

"Ang taba taba mo na! Sabi na kasing tigilan mo na ang kakainom ng softdrinks at bawal sa iyo yun. Tsk. Kulit!" napanguso na lamang ako ng sermonan niya ako. Nakakaadik mag-coke! Hindi naman talaga ako mahilig noon sa coke pero ngayong buntis ako iyon pang bawal ang hinahanap-hanap ko. Madalas akong sermonan ng lalaking ito na kung umasta ay para kong ama or worst ASAWA!

"Dapat iyong sa tarantado mong ex 'to pinapagawa! Bubuntis-buntisin ka niya tapos iiwan ka?!! Alam naman niyang menor de edad ka eh." natahimik na lamang ako ng mabuksan na naman ang topic na iyon, agad kong inalis ang mga binti ko sa kanyang hita kahit na namumulikat pa din ang mga iyon.

"Oo na. Hindi mo naman responsibilidad ito kasi hindi naman ikaw yung ama." malungkot at wala kong ganang utas. Narinig ko ang pag 'Tss' niya kaya naman napabuntong hininga ako. Kasi naman I'm longing for this moment gusto kong maglambing sa isang lalaki kaso wala nga yung dapat na kasama ko.

"Sorry Ja, pero alam mo naman na willing akong maging daddy ng anak mo diba. I'm sorry if nasaktan kita. Hindi ko lang kasi matanggap na may gagawa sa iyo ng ganyan. Kahit na stubborn ka isa ka pa ding prinsesa na dapat alagaan at suyuin araw-araw.

 

Kahit na gisingin mo pa ulit ako tuwing madaling araw para lang ihanap ka ng strawberry taho gagawin ko. Sorry if nagreklam---" hindi ko na siya pinatapos pa at agad ko siyang ginawaran ng halik. Umaapaw na yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, hindi ko mapigilang mahulog.

"Ngayon nga pala darating iyong bagong may ari ng hotel, mayroon kaming meeting regarding sa expansion kaya hindi kita maaasikaso mabuti mahal ko. Mababait ang mga empleyado dito, just call me if may problema okay?" tumango ako at binigyan ng halik si Seph sa kanyang pisngi na siya namang ikinangisi niya.

"Akong bahala sa sarili ko. Haha. Sa housekeeping ako naka-assign kaya malabo nga na magkita tayo ngayon. Goodluck!" pinisil lang niya ang pisngi ko at naglakad na papasok sa conference room.

"I love you." he mouthed. Hindi ko na ma-explain kung gaano ako kaswerte kay Joseph. I can't lose him. Ngayon ko lang naramdaman kung paano mahalin ng buong buo at hindi ko hahayaan na may sumira niyon. I'm happy now, walang sinuman ang may karapatan na sirain ang kaligayahan na mayroon ako ngayon.

"Sometimes, no matter how much you want for things to happen, all you can do is to WAIT. And usually, WAITING IS THE HARDEST PART."

to be continued...

Follow me on twitter @BonitaBabyy

Seguir leyendo

También te gustarán

352K 12K 54
"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and becam...
541K 19.1K 63
WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. - Look, money and fame. Nasa kay Henrik...
855K 23.8K 67
Two broken souls meet unexpectedly.
767K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.