Cali's Queen (Completed) EDIT...

By Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... More

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-22

23.1K 615 47
By Veldet_Ayesha

His Queen 22

--------------------

Wala nga yatang taong hindi kayang magsinungaling. People are born to lie, and lie and lie. Isang bola ang gumulong patungo sa paanan ko, at doon nabaling ang aking tingin. Matapos kong umalis kanina sa Mall ay dito ako dinala sa isang Park ng aking mga paa, akala ko nga manhid na sa pagod ang mga binti ko, hindi pala. Dahil hustong makaupo ako sa isang swing ay saka ko pa naramdaman ang panginginig nito.

Pinulot ko ang bolang nasa aking paanan, habang nakaupo pa rin sa swing.

''Ahm...that's mine." Nilingon ko ang nagsalita, and I was greeted by a handsome guy. Tumango lamang ako at ibinato ng marahan sa kanya ang bola. ''Ngayon lang kita nakita dito, dayo ka no?''

Tumango ulit ako.

''You're lucky. You run into me and not with some random guys. Dami pa namang gago ngayon."

Again.Tumango lang ulit ako.

When suddenly, he tilted his head and arched his brow. ''Are you mute?''

Sa pagkakataong iyon ay umiling na ako. I don't want to talk. I just want to keep silent. Pakiramdam ko, sa ras na bumuka ang bibig ko, mawawalan ako ng control sa aking emosyon. And I would end up crying like a pathetic weak girl again.

''Oh, let me guess? Naglayas ka?"

Hindi pa rin ako umimik. Until he walked towards me and sat on the other swing. Gamit ang paa niya ay idinuyan niya ang sarili. And so I did mimicked his move.

And then a cold wind blows on my cheek. Sabay kaming napatingala sa makulimlim na kalangitan.

''LQ kayo ng boyfriend mo?''

Manghuhula pa ata ang lalaking ito. Paano niya kaya nalaman, wala sana akong balak na kumpirmahin ang tanong niya, but I found myself talking to him. ''He lied to me." I clenched my fist as the familiar wave of pain, rushed on my chest. Hindi ko parin mahagilap ang katanungan sa isip ko, kung bakit.

''What do you mean he lied to you?'' Tumigil siya sa pagduyan.

''I asked him, kung may contact pa ba sila ng ex niya. He said wala na. Then just a minute ago, I saw them coming out from a clothing boutique kasama ang mga Parents nila."

Why does it have to be this painful? I felt like I was stabbed a hundred times on my chest.

Nagbuga ako ng hangin upang lumuwag ang aking dibdib. Pakiramdam ko, ang bigat bigat.
"You know, usually I don't give a shit to other people's shenanigans, but then, since mukha ka ng iiyak anytime. Piece of advice. Before you decide to do something, always remember that every story has a different side. Wag kang bumase sa iisang anggulo lang."

I looked at him and I found him smiling. Saka ko lang naisip, he's a complete stranger to me! Yet, here I am! Almost spilling my love life's problem!

"Stop, frowning. Nagmumukha kang nakakatakot nyan eh." Ngumiwi siya sa akin.

''Who are you anyway? I don't even know your stupid name."

"Wow!" Napapalatak siya at napailing. "Parang kanina lang mukha kang maamong tupa, ngayon Tigre kana?" Tumikhim siya bigla at parang tangang inayos iyong buhok niya. "Well my bad. Though, anyways, I am Chase."

I look at his hands. I didn't shake it but I tapped it using my own hand. "Azula."

"Whoa!? Azula?! As in, Azula of the Fire Nation?" he grabbed my hand and shook it wildly. Baliw pa yata ito. "Nasaan si Soka? Si Katara? Eh si Aang?"

"May sayad ka ba–Shit!"
Iyong kaninang ambon ay tuluyan naging ulan, at bumuhos na talaga. Napakaripas kami ng takbo, ngunit kung mamalasin ka nga naman wala kaming mahagilap na sisilungan! At lalo lang lumala ng hatakin ako ni Chase sa gitna ng court at marahang binato ng bola.

"Go! Shoot! Shoot and shout what you wanted to say to your stupid boyfriend!" Halos pasigaw ng aniya, dahil sa lakas ng ulan.

Ilang segundo akong napatulala sa kanya, until I found myself doing what he said to me. At aminin ko man o hindi ay unti unting pinapawi ng ulan ang lahat ng galit at hinanakit ko.

Tumakbo ako at pumwesto sa free throw line.

"Go, Fire Princess! Shout! Say what you wanted to say!''

Huminga ako ng malalim at pinorma ang bola sa ere.

"Asshole!" I threw it, tumama iyon sa board ngunit hindi sa ring. Hinabol ko ulit ang bola ngunit sa pagkakataong iyon ay malakas ko ng ibinato ito sa direksiyon ng ring.

"Liar!" Hindi ulit tumama.

Again, I picked up athe ball. I feel like I was fueled by my rage and their betrayal. "I Hate you!"

At dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo ko upang makuha ulit ang bola, nawalan ako ng balanse at sumubsob sa basang semento.

Habang hawak padin ang bola.

My breathing hitched and my chest heaved.

Kinagat ko ang labi upang pigilan ang pagkawala ng hikbi, ngunit hindi ko iyon nagawa.

Dahan-dahan akong bumangon at pasalampak na umupo sa semento. "I hate you! But why can't I completely hate you?''

"Because you love him. Unconditionally, to the point na handa ka ng magbulag-bulagan. Wag lang siyang mawala sa iyo." I felt Chase hand, tapped my shoulder. "C'mon stand up. Ihahatid na kita kung taga saan ka man."

Marahas akong umiling. Ayokong makita doon ang Tatay ko. Ayoko silang makita. They're just putting so much salt on my open wound. Ang tagal kong pilit na ibinaon sa limot ang pakiramdam ng masaktan, yet in just a snap. They managed to dig it up.

"Well, hindi kita pwedeng iwan dito."

"Then drive me to the nearest Hotel–"

"No need."

I gasped hearing that familiar voice. Slowly, I turned my head on him. Only to get disappointed. Why does he need to bring that bitch along with him. He walk towards me at basta na lang hinawi si Chase. Bastos na Hidalgo.

"Get up, Queen." Itinayo ako ni Cali.

"C'mon, Pres." The bitch said. Akma niyang ibabalot sa akin ang towel na dala ng malakas kong hawiin ang nakaawang niyang mga kamay.

"Azula!"

Morgianna stumbled.

Mabuti na lang at naagapan ni Chase. A familiar pain crept into my chest. Nang mabilis itong hinatak palayo ni Cali dito, na animo ayaw niyang mahahawakan ng iba ang babae. Kinuyom ko ang palad at inalis ang tingin sa kamay niyang nakaalalay sa babae. Until I saw his car. Tahimik akong naglakad at hindi na inantay pa silang dalawa. He's busy holding the umbrella for Morgianna.

Nasa kalagitnaan na ako ng maisipan kong lingunin si Chase. "Thank you." And I smiled at him.

"You're always welcome, Fire Princess." Nag salute pa siya sa akin. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang madilim na mukha ni Cali.

*****************

Morgianna sat on the front seat, and I settled on the back seat. Buong byahe akong nakatitig sa bintana kahit pa malakas na buhos lang ng ulan ang nakikita ko sa salamin. I heard them talking, but I refused to open my mouth. ngunit ng marinig ko ang impit na tawa ni Cali.

Wala sa hulog, na bigla nalang tumulo ang luha ko.

Now, I'm wondering. How can he say he loves me. Kung simula pa noon, si Morgianna na ang kasama niya, kahit pa sinabi niyang gusto niya ako. Am I just a big challenge for him?

Because I am cold? Am I tough? I am the SC President? I am the Famous Pres. Azula?

Huminto ang sasakyan at narinig kong nagpaalam na si Morgianna. Nang makababa siya ay hindi parin umandar ang sasakyan, hinihintay niya sigurong makapasok ito sa loob ng bahay. Talagang inuna niya pa itong ihatid, kahit alam niyang basang basa ako ng ulan. And then after few seconds, tuluyan nadin kaming umalis.

"I know you're mad." he broke out the silence. Nanatili akong tahimik at nakatitig sa agos ng tubig ulan. I closed my eyes and tried to focus on it's sounds. Simula pa noon, palagi akong nagtatanong kung bakit kailangan akong paglihiman. Hindi naman ako mahirap umintindi.

"Quinn. Kausapin mo naman ako."

For the second time, huminto ang kotse niya at saka ko pa napansin na wala na ang ulan. He unlocked the door, kaya naman bumaba agad ako. We're on the parking lot. That fast, nandito na kami sa parking lot ng condo niya, samantalang halos kagagaling lang namin sa pinaghatiran niya kay Morgianna----I knew it. Ilang bloke lang ang layo?

Pagak akong natawa.

''Queen, please." Marahan niyang hinila ang braso ko.

"I'm tired, Cali. I want to take a rest."

"I'm sorry. I know I should've not lie to you." he made faced him. Frustratedly, he combed his hair using his hand. "But you see, Morgianna is helpless. She tried to harm herself noong malaman niya na binigyan kita ng singsing. Her Mom asked me, na kung pwede tratuhin ko siya ng maayos. Na wag siyang ignorahin. "

"Bakit sa tingin mo, kapag ginawa mo iyon. Matatauhan na siya?" I snapped at him. "Sa tingin mo ba kapag ginawa niya iyon, papasok na sa mahina niyang utak na, wala na talaga? Bakit kapag tinrato mo siya ng maayos magiging ayos na ba sa kanya ang lahat? Matatauhan na ba siyang punyeta na siy---"

"Quinn! At Least try to understand me!"

"I'm trying! God fucking knows I'm trying!" I burst out in anger. ''But, En! Don't you know how hard for me to understand. Kung bakit nagawa mong magsinungaling sa akin?! I tried calling you! I tried many times! Because my fucking Father showed his fucking face on my fucking house! And my Mom is forcing me to accept him, forgive him like he did nothing to me! I need an escape, at ikaw lang ang matatakbuhan ko! But you!" Napahikbi ako sa galit at hinanakit. "You! You're supposed to be with me, you're supposed to make me feel better! Pero nasaan ka?!"

"I'm sorry." He tugged me on his arms and kissed my head. Nanatili akong umiiyak at nakasubsob sa dibdib niya. "I'm sorry. I couldn't leave her. Please, Queen. I'm sorry. I promise, I won't lie to you again. Ever."

Humiwalay ako sa kanya at pinahid ang luha ko. "I don't know En. I don't know. " I stepped away from him. Bumalatay ang kalituhan sa mga mata niya. And then he shook his head.

"No. You know I can't give you that!" namasa ang gilid ng mga mata niya, so I decided to avoid his gaze. But he didn't let me, he cupped my face and made me look at his eyes. "You're not asking a space from me right?'' His voice shook, halos pumiyok na nga siya.

"No, Cali. I'm serious. I want a space." binaklas ko ang kamay niyang sapo ang magkabila kong pisngi at lumayo sa kanya. I need this, I need to gather my trust for him again. Ayokong manitili sa relasyon kung sira na ang tiwala ko sa kanya. Paulit-ulit lang akong magdududa.

"I'm sorry."I turned my back on him. If doing this thing is the best for me, for us.

I don't know. I just can't believe that he really can put me behind his back. Just for Morgianna.

Continue Reading

You'll Also Like

977K 13.2K 24
An Erotic Retelling of the Fairy Tale Beauty and The Beast
2.1M 41.2K 51
#3 IN ROMANCE [12•12•16] May kasabihan ngang masarap ang bawal. Kahit pilit mong labanan at itago ang nararamdaman mo hindi ka parin makakatakas. Ako...
9K 175 23
Noah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In h...