Love Warning

By shemmayuga

11.7K 256 42

This story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze. He says: "Once you've been wa... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 1

1.8K 29 11
By shemmayuga

AUGUSTUS THIRD LOPEZ' POV

"Sorry po, sorry"

Badtrip! First day na first day, meron na atang gusto ma warningan.

"Sorry po talaga"

Kahit ilang sorry pa niya, hindi na niya mababalik yung natapong juice sa uniform ko. Hay nako naman talaga oh! Ayokong masira ang mood ko ngayong araw pero hindi talaga maiwasan ang mga ganitong bagay.

"Nico, card" binuksan ko ang palad ko para iabot sa akin ni Nico ang warning card.

"Huhuhu sorry po talaga"

Nakakairita ang iyak ng babaeng ito. Kanina pa siyang nakaluhod sa harapan namin. Nag mamakaawa na wag nang ituloy ang warning.

"This is your first warning. Once you've been warned, wala ka nang kawala!"

Idinikit ko sa noo niya ang warning card. Itinulak ko siya pagilid para makadaan ako.

"Iba ka Third! Pati babae walang kawala" sabi ni Jake.

"Tss maawain ka pa din talaga Jake. Mag iisang taon ka na sa gang but you're still the same. Remember--" naputol ako sa sasabihin ko dahil sabay sabay nilang binaggit ang bagay na lagi kong sinasabi sa kanila.

"Once you joined the gang, you must have a PUSONG BATO"

"HAHAHAHA isang taon mo na din yan sinasabi Third" sabi ni Jake.

"Okay fine. Let's go"

"Saan tayo?" tanong ni Nico.

"Saan pa ba? Edi sa spot"

Spot ang tawag namin sa lugar kung saan palagi kaming tumatambay. Isa siyang abandunadong bodega. Underground din ito kaya magandang pag tambayan.

Kadadating lang namin sa spot nang biglang mag ring ang cellphone ko.

"Thirdy! Hindi ka na naman pumasok?"

Tss here she go again. Hindi na ba siya nasanay? Palagi naman akong hindi pumapasok ah.

"Mom! Stop calling me Thirdy. Baka marining ka pa ng mga kabarkada ko, nakakahiya!"

Hindi ko maiwasang taasan ang boses ko. Ayoko sa lahat yung tinatawag akong Thirdy though Third ang tawag sa akin ng mga close friends and relatives pero sa school, Augutus o kaya August. Kahit na si mommy lang tumatawag sakin ng Thirdy, ayoko pa din. Ginagawa akong baby eh hays.

"Go back to your school now! Kung hindi, wala kang allowance for one month!"

Bwisit! Binabaan ko ng phone call si mommy.

"Let's go"

Nagtaka silang lahat. Kumunot ang noo ng ilan at ang iba naman ay tinaasan ako ng kilay.

"Tss gay. Wag nang madaming tanong!"

"Yes sir!"

Agad naman silang kumilos at kinuha ang kanilang mga bag. Umalis na kami sa spot at nag drive patungo sa school. Malapit lang naman yun dito kaya wala pang 5 minutes ay nandito na kami.

Hindi naman sa takot ako kay mommy kaya ako sumunod ako sa kanya. Ayoko lang talagang mawalan ng allowance for one month. The hell! Hindi ko kayang mabuhay nang ganun.

Pumasok na kami agad sa classroom. Wala nang katok katok at good morning sa teacher. Diretso na agad. Ganyan kami eh at mukhang sanay naman na sila. Pati nga ata teachers eh takot sa amin. Sabagay, paano nalang ang school pag nawala kami? I mean kami ang may malalaking share dito kaya dapat lang na alagaan nila kami.

Nakakaantok naman! Kanina pa akong hikab nang hikab. Makatulog na nga lang. Inayos ko ang upo ko at pinatong ang ulo sa desk.

"Okay Ms. Alcantara, kindly introduce yourself"

Nagising ako sa kung anong sinabi ng teacher namin. Inangat ko ang ulo ko at woah! Mukhang may bago na naman kaming mapagttripan nito. Napangiti ako dahil sa magandang ideyang pumasok sa isipan ko. Pero pinagiisipan ko pa kung paano mabibigyan ng warning ang isang to.

"I'm Maria Samantha Alcantara. Nice meeting you all"

Wow naman! Few words huh? Wait, paano ba ito? Kailangan galitin niya ako or kahit ano basta ma warningan siya.

"So what should we call you?" tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"MARIA! HAHAHA" I shouted at mukhang nainis siya nice!

"Excuse me Mr. I don't know who you are! Are you making fun of my name? If you are, congratulations you've finally met your enemy!"

Nagulat ang lahat sa inasta niya. Pero mas nagulat ako. Kasi ako? Tinawag niyang Mr. I don't know who you are at pasigaw pa! Wow as in wow! Goodluck sayo Ms. Alcantara.

"You don't really know me huh?"

Mas lalo siyang nainis. Tinaasan niya ako ng kilay at pumamewang pa siya.

"Eh ano naman kung hindi kita kilala? Dapat bang makilala kita?"

Ibang klase ang nilalang na ito ah! Hmm let's see kung hanggang saan ka.

"Haha you're dead miss" sabat ni Andrei.

"Kung ako sayo girl, mag sorry ka na" sabi ni Jake.

Hinihintay ko na mag sorry siya. Yun ang ineexpect ko kasi lahat naman ng kumalaban sa amin, sa huli ay nag sosorry. Pero siya? Wala! Nanatili siyang nakatayo, nakataas ang kilay at nakapamewang. Tinitigan pa niya ako nang masama.

"Nico, card"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kahit na first warning palang niya ito, ay gusto ko nang gawing third warning na agad pero hindi pwede.

"Anong pinagsasabi nitong lalaking ito? Hahaha. Wow naman! First day palang may report card na agad dito? So nice"

What? Siya lang ata ang hindi na inform about sa warning card. Hindi ba siya natatakot? Katapusan na ng pag mamatapang niya.

Inabot sa akin ni Nico ang card at tumayo. Unti unti akong lumalapit kay Ms. Alcantara. Habang lumalapit ako ay lumalapit din naman siya. Huh? Nakakapagtaka naman. Hindi talaga siya natatakot? Nilabas ko na ang lahat ng effort ko. Naka tiger look naman ako. Hawak ko naman na ang warning card. What's the matter with this?

Nang mag kalapit na kami, kinuha niya sa akin ang warning card at pinunit ito sa harap ng mukha ko. Nag react ang buong klase. Alam nilang wala pa ni isa ang gumawa nito sa akin, siya palang. Anong trip ng isang ito? Malagay sa history na first woman to break the warnig card? Tss.

"I'm warning you Ms. Alcantara! Pagsisisihan mong ginawa mo ito"

After kong sabihin yun ay nag walk out ako. Hindi ko kinaya ang powers ng isang yun ah! Whoo. Inhale exhale. Aha! I have an idea. Goodluck talaga sayo Ms. Alcantara.


MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV

"I'm warning you Ms. Alcantara! Pagsisisihan mong ginawa mo ito"

Blablablablabla wala akong pake sa pinagsasabi mo! Buti nalang at nag walk out na siya. Teka, bakit nga ba yun lumabas bigla? I won? HAHAHA weak!

"Take your seat Ms. Alcantara"

Naupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi nung babaeng may pagka nerd.

"Hindi ka ba natatakot?" bigla nalang nag salita ang katabi kong nerd.

"Huh? Bakit? May multo?"

Kinabahan ako bigla. Oo matapang ako wag mo lang akong kwentuhan o takutin about sa mga multo. Nako! Mamamatay ako nyan.

"Hindi! Kay August?"

August? Month yun diba? Pinagloloko ata ako nitong katabi ko eh!

"August? September? October? Hahaha"

Mukhang nainis ata siya at tumalikod na sa akin. K fine! Hindi ko kailangan ng kausap. I will survive this day kahit wala akong maging friends.

Nakinig nalang ako sa teacher namin sa dinidiscuss niyang about sa ano ba yan? Hindi ko maintindihan. Bigla namang may kumatok sa pintuan at lumapit sa teacher namin at may binulong.

"Ms. Alcantara, go to the Pricipal's office now"

Weh? Nagjojoke ka? First day pala, principal's office agad? Wow naman! Ibang klase talaga dito sa school na ito.

Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo na. Wait, saan nga ba ang prinicpal's office? Bakit ba kasi ang laki ng school na ito eh! Nag lakad lakad nalang ako. After 30 minutes ay hindi ko pa din makita ang office na yun.

Narinig ko ang ring ng bell at break na pala. Nag lakad lakad pa din ako. Nag babakasakaling mahahanap ko na ang office. Pag minamalas ka nga naman oh! Nakasalubong ko ang classmate kong mag kakaibigan. At isa sa kanila ay si Mr. I dont know.

Hindi ko nalang sila papansinin. Dirediretso pa din ako sa pag lalakad. Kaso sinagi nung isa sa kanila yung balikat ko. Napahinto ako at umirap.

"Ano ba?"

Hindi sila sumagot at kinuha nalang bigla yung bag ko.

"Tss"

Naiinis na talaga ako. Nagulat naman ako nang kinuha ni Mr. I don't know yung bag ko mula sa kanila.

Akmang ibabalik na niya ito sa akin pero mali pala ako ng inaakala.

Binuksan niya ito at itinaas. Binaliktad niya para matapon ang mga laman nito. Pag katapos nun ay umalis na sila.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumimangot nalang. Inayos ko ang gamit ko at nag patuloy sa pag hahanap ng office. After 1 hour, nahanap ko din ang bwisit na office na ito!

"Good morning po" bati ko sa principal na mukhang nalugi sa business tss.

"You're a Kamikaze scholar right?"

Nagtaka naman ako kung bakit ganyan agad ang bungad niya.

"Yes po"

"Well aside from having high grades, you must also know the rules and regulations here"

Wow ha! Alam ko naman ang mga rules and regulations ng isang normal na paaralan. Ewan ko nalang kung may pinag kaiba dito.

"You must also know the superiors. Like Mr. Augustus Third Lopez and his gang, the EZ Warning Gang. Malaki ang shares nila dito sa school at pwedeng pwede nilang alisin ang scholarship mo if ever na gustuhin nila"

Augustus? Baka siya yung sinasabi kanina nung nerd na August? This can't be! Siya si Mr. I don't know? I'm dead, really dead. Pero teka... ano daw yung

"EZ Warning Gang?" 

"Yes. Those families with EZ at the end of their surnames like Lopez, Valdez, Alvarez and Marquez families. But don't get it wrong because having EZ in their surnames doesn't make them that special but because of their contributions. Nagkataon lang na puro EZ sila sa dulo ng surname.

So talagang malaking halimaw ang nakabangga ko huhu patay na talaga. Akmang magsasalita na ulit ang Principal pero sunod-sunod na akong nagtanong.

"About po dun sa warning gang, ano pong meron sa kanila? I mean bakit po nila ginagawa yung pag asta ng ganun kahit na alam ko na po na malaki ang share nila dito, bakit parang mga hari at batas sila dito? "

Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa kaya direkta ko nang naitanong ang mga tumatakbo sa isip ko. Na curious ako bigla dun sa gang ni August. Kailangan may alam ako. Mas mabuti na yung may alam kesa sa wala. Lalo na't na warningan na niya ako huhuhu.

"You really don't know huh? Well I guess you're not informed since you are not a regular student. I mean because you are a scholar. With your question, it's true that EZ Warning Gang and their families have great shares and contributions sa Academy and since hindi ito saklaw ng any government agencies, ang mga EZ family talaga ang namamahala dito. Kaya malaki talaga ang utang na loob namin sa kanila. And with the attitude of the gang, I'm sorry to tell you but we can't do anything about it. Let's just think that they're acting as the discipline officers for the students kaso nasobrahan ata"

Yun naman pala. Pero bakit ngayon ko lang nalaman ang mga yan? Ganun na ba ako ka desperada sa scholarship at wala na akong pake sa school na papasukan ko? hay

"Pero pag na warningan ka po nila, ano pong mangyayari?"

"Once you've been warned wala ka nang kawala. Yan ang palaging sinasabi ni August. Hindi ko alam kung anong mga consequences ang makukuha pag na warningan ka. Ang alam ko lang ay pag umabot ka ng third warning, you're dead!"

"T-thank you po"

Nanlambot ako bigla. Nang hina ang buong katawan ko. Mukhang dead na dead nga ako nito huhuhu. Mag sorry nalang kaya ako? Baka kasi matanggalan pa ako ng scholarship eh saan nalang ako pupulutin niyan? Sa kangkungan? Hays. Pero wag nalang pala! Kaya ko ito! Ako pa ba? Tiger po ito!

Continue Reading

You'll Also Like

242K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
454K 16.2K 94
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
1.1M 49.1K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC