Chapter 7

257 7 0

AUGUSTUS THIRD LOPEZ' POV

Isang ordinaryong araw na naman at alam kong pag ganito, palagi akong bored. Hindi naman ako nakikinig sa teacher namin kasi puro problema lang naman ang dala. I mean math problems yun! Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatingin kay Samantha. Kung ako hindi nakikinig, siya naman ay tutok na tutok sa discussion. Hindi nga niya siguro mapapansin na nakatingin ako sa kanya eh. Hay ano bang pinag-iisip mo Third! Malamang hindi niya malalaman na nakatingin ka kasi nga nasa likod ka nakaupo ok? Nabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni Jake.

"Uy Third ok ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo ah at..."

Kinabahan naman ako nang tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Napansin niya pala? Nako baka kung ano isipin nito.

"Uhm ano kasi nag-iisip ako ng malupit na pang third warning"

"Alam ko Third! Bukod dun, wala ka namang ibang iniisip eh hahaha"
Tss buti nalang, saved! Pero teka, ang weird ko talaga this past few days simula nung nangyari sa library hay siguro nga kailangan ko nang mag-isip ng pang third warning dito kay Samantha. Sumusobra na siya eh. Masyado na akong napapahiya dahil sa kanya.

Nabuhayan ako nang dugo nang mag ring na ang bell at break na din sa wakas! Palabas na ako ng room nang na realize ko na nauna na pala mga kaibigan ko hay hindi man lang ako hinintay? Bago yun ah! No choice kundi ang maglakad sa hallway nang mag-isa habang hinahanap na rin sila. Nakakapanibago lang kasi nasanay talaga ako na palagi silang kasabay maglakad. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nagtataka rin siguro sila. Tinitignan ko nalang sila nang masama para tumigil na sila sa pagtingin at pagbubulungan hay. Nasaan na kasi yung mga yun?!

NICO ANGELO VALDEZ' POV

"Kakaiba talaga eh. Ang weird niya ngayon at nung mga nakaraang araw"

Tss kanina pa tong si Andrei eh kung ano anong pinagsasabi. Wala naman akong makuhang main thought. Kung ito lang pala sasabihin niya, edi sana di nalang namin iniwan si Third kasi patay talaga kami dun.

"Ewan ko sayo Andrei! Okay naman si Third ah? Baka wala lang yun sa mood ngayon"

"Anong wala sa mood ngayon?! Oh i-explain mo nga yung kahapon nung P.E. class, natamaan siya nung kaklase natin ng bola then wala lang, tulala lang siya at hindi niya nabigyan ng warning card yun. Tapos hindi niyo ba talaga napapansing nalilimitahan yung pagbibigay niya ng warning card?"

Sabagay, napansin ko din yun. Bigla namang nagsalita si Jake na kanina pang nananahimik.

"Tama ka Andrei medyo weird nga siya this past few days pero wag muna tayo mag conclude. Tsaka about dun sa pagbibigay ng warning, sadyang wala lang mga incidents ngayon kaya siguro ganun. Tsaka..."

Pabitin naman tong si Jake! Lalo kaming na curious ni Andrei kasi hello! minsan lang kaya magsalita tong si Jake kaya for sure, may laman sasabihin niyan.

"Sa tingin ko, he's into Samantha"

Nagkatinginan kami ni Andrei at sabay na tumawa. Seryoso? Ano bang pinagsasabi nitong si Jake, napaka imposible. Si Third? HAHAHAHA NAH! Si Jake ata talaga weird eh haha.

"Alam niyo ang judgemental niyo! Patapusin niyo muna ako! What I mean is Third is into Samantha's third warning. Sa tingin ko, masyado niyang pinag-iisipan at pinaghahandaan yun kaya ganyan"

"Ah! yun naman pala eh! Ayus-ayusin mo kasi!" sabi ni Andrei na may pagbatok pa kay Jake.

"Uy masakit yun ah!" babawi pa sana si Jake pero napahinto sila nang magsalita ako. 

"Tama na yan! Tara na baka maabutan pa tayo ni Third dito. Malalagot tay..." napahinto ako kasi nanlaki ang mga mata nila. Mukhang alam ko na to ah, nasa likod ko na siya.

"Ehem!" his voice, siya nga.

We're dead! Unti unti akong humarap sa kanya para simulan na ang paliwanag pero syempre hindi ko naman sasabihin na siya ang pinag-usapan namin kasi llo kaming malalagot.

"Uhm ano kasi, bibili lang kami ng pagkain dito sa cafeteria then babalik na din sa room. Hindi ka na namin nahintay kasi kami na rin sana bibili ng pagkain mo"

Nagbigay ako ng sign kila Andrei para sumang-ayon sila at sabay naman silang tumango at nagsabing "oo nga." Hay parang halatang scripted ah haha.

"Ganun ba?"

Na convince ko kaya siya sa palusot ko? hay ang hirap nang ganito. Third yan eh!

"Oo" sabi ni Jake.

"Well, mukhang bibili palang kayo since wala pa kayong hawak na pagkain"

Nagkatinginan naman kaming tatlo at halatang kabado. Napaka galing talaga ni Third mag-isip hay hindi ko na alam idadahilan pag may itinanong pa siyang iba. Wala rin namang makapag salita na sa aming tatlo.

"Dalawang carbonara, tatlong slice ng pizza uhm yung pepperoni then mango shake"

Naglakad na siya paalis at kaming tatlo naiwang nganga. Hindi pa siya nakakalayo ay nilingon niya kami muli

"By the way, since iniwan niyo ako sa room kanina to buy me food, I guess treat niyo yan so thank you in advance bros!" nag flying kiss pa siya at halatang nang-aasar.

No choice kami kundi ang bumili nang lahat ng sinabi niya at syempre kami ang magbabayad hay nako bakit naman kasi yun pa naisipan kong palusot? Pwede namang natatae kaming tatlo nang sabay sabay diba? hahahaha syempre joke lang.

Palabas na kami ng canteen nang makasalubong namin si Samantha. Mukhang ngayon palang siya bibili ng pagkain niya at as usual, wala siyang kasama. Hindi niya na rin naman makasama si Karyl dahil nga sa warning. Napahinto siya sa paglalakad nang makita kami at ganun rin kami. Nakatangin lang siya sa amin kaya nagsimula na kami magtaka.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

Na alarma naman siya nang tanungin ko. Ano kayang nangyayari rito? Pareho lang sila ni Third eh, weird hahaha jk.

"Hindi niyo siya kasama?" tanong niya na may halong pagtataka.

Nagkatinginan naman kaming tatlo. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya yun naitanong pero ibig sabihin, she's always aware sa presence and absence ni Third. Pero sabagay, ikaw ba namang nanganganib nang maka third warning eh hindi ka pa ba naman mag-ingat.

"Oh ayaw ma-warningan pero ngayon hinahanap mo?" pang-iinis ni Andrei

"Well, I just thought and hope that he's gone...forever" ngumiti siya at nagsimula nang maglakad papalayo sa amin.

"Grabe din hate nun kay Third noh. Siya lang ata dito sa Kamikaze ang hindi inaadmire si Third eh. Pogi naman si Third, mayaman, sobrang yaman, hindi nga lang talaga mabait hahaha ooops" loko talaga tong si Andrei.

"Well I guess nakahanap na siya ng katapat niya" grabe naman tong si Jake bigla biglang nagsasalita. Akala ko hindi siya kasali sa usapan eh. Pero ano daw?

"What do you mean?"

"I mean yung hindi aatras sa kanya just because he's  Augustus Third Lopez and that's Samantha. She has really a brave heart"

Nanatili lang kaming tahimik ni Andrei. Wala kasi siguro kaming masabi or both kaming nag aagree. Totoo naman kasi eh, kakaiba itong si Samantha sa lahat. Siguro nga Third already found his match and I think this would challenge him.

Love WarningWhere stories live. Discover now