Chapter 1

1.8K 29 11
                                    

AUGUSTUS THIRD LOPEZ' POV

"Sorry po, sorry"

Badtrip! First day na first day, meron na atang gusto ma warningan.

"Sorry po talaga"

Kahit ilang sorry pa niya, hindi na niya mababalik yung natapong juice sa uniform ko. Hay nako naman talaga oh! Ayokong masira ang mood ko ngayong araw pero hindi talaga maiwasan ang mga ganitong bagay.

"Nico, card" binuksan ko ang palad ko para iabot sa akin ni Nico ang warning card.

"Huhuhu sorry po talaga"

Nakakairita ang iyak ng babaeng ito. Kanina pa siyang nakaluhod sa harapan namin. Nag mamakaawa na wag nang ituloy ang warning.

"This is your first warning. Once you've been warned, wala ka nang kawala!"

Idinikit ko sa noo niya ang warning card. Itinulak ko siya pagilid para makadaan ako.

"Iba ka Third! Pati babae walang kawala" sabi ni Jake.

"Tss maawain ka pa din talaga Jake. Mag iisang taon ka na sa gang but you're still the same. Remember--" naputol ako sa sasabihin ko dahil sabay sabay nilang binaggit ang bagay na lagi kong sinasabi sa kanila.

"Once you joined the gang, you must have a PUSONG BATO"

"HAHAHAHA isang taon mo na din yan sinasabi Third" sabi ni Jake.

"Okay fine. Let's go"

"Saan tayo?" tanong ni Nico.

"Saan pa ba? Edi sa spot"

Spot ang tawag namin sa lugar kung saan palagi kaming tumatambay. Isa siyang abandunadong bodega. Underground din ito kaya magandang pag tambayan.

Kadadating lang namin sa spot nang biglang mag ring ang cellphone ko.

"Thirdy! Hindi ka na naman pumasok?"

Tss here she go again. Hindi na ba siya nasanay? Palagi naman akong hindi pumapasok ah.

"Mom! Stop calling me Thirdy. Baka marining ka pa ng mga kabarkada ko, nakakahiya!"

Hindi ko maiwasang taasan ang boses ko. Ayoko sa lahat yung tinatawag akong Thirdy though Third ang tawag sa akin ng mga close friends and relatives pero sa school, Augutus o kaya August. Kahit na si mommy lang tumatawag sakin ng Thirdy, ayoko pa din. Ginagawa akong baby eh hays.

"Go back to your school now! Kung hindi, wala kang allowance for one month!"

Bwisit! Binabaan ko ng phone call si mommy.

"Let's go"

Nagtaka silang lahat. Kumunot ang noo ng ilan at ang iba naman ay tinaasan ako ng kilay.

"Tss gay. Wag nang madaming tanong!"

"Yes sir!"

Love WarningWhere stories live. Discover now