Chapter 11

309 9 10

MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV

"Sigurado ka? Ginawa yun ni August"

"Shhhh"

Lumingon ako sa paligid para tignan kung may nakarinig at mukhang wala naman dahil kanya kanyang mundo rito at wala naman sigurong may pake sa kung anong pinag-uusapan namin. Nagpatuloy ako sa pagkukwento kay Karyl sa nangyari kahapon.

"Oo nga. Pinuntahan niya ako sa cafeteria. He's also nice to me that time pero"

Napahinto ako sa pagsasalita dahil parang nakakalungkot na inakala kong baka magbabago na yung pagtrato niya sa akin. Pero Augustus Third Lopez would be always Augustus Third Lopez. Huminga akong malalim at nagpatuloy na.

"Pero nung dumating ang mga kaibigan niya, nagbago siya bigla"

"Ha? Paanong nagbago?"

"Alam mo yung, ang ayos ayos naman ng pakikitungo niya sa akin nung kaming dalawa lang pero naging kabaligtaran nun ang nagyari nang dumating ang mga kaibigan niya hay hindi ko siya maintindihan"

Hindi naman talaga ako dapat namomroblema ngayon sa kakaisip tungkol dun pero simula nung nangyari yun ay napakalaking question mark ang namuo sa isipan ko.

"Alam ko na!"

Napatingin naman ako kay Karyl na parang may bright idea.

"Hmm?"

"Baka naman..."

Pinutol niya pa ang sasabihin niya nako pa-intense haha.

"Gusto ka niya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang mga sinabi niya.

"Ano ka ba?! Napaka imposible nun! He's so mad at me and I see him as my enemy diba?"

"Tss "baka nga" diba? Tsaka anong imposible?! Eh sige nga, i-explain mo mga ikinikilos niyang unusual lately"

Napaisip ako sa sinabi niya. Pwede pero hindi talaga eh. Siguro kung wala talaga akong maisip na rason kung bakit niya yun ginawa, edi tsaka ko tatanggapin yang sinasabi ni Karyl as a valid reason. Pero sa ngayon, it's a big no no!

"Hindi ko rin ma ipaliwanag pero alam kong may mas malalim pa na dahilan kung bakit niya yun ginawa"

"Sabagay malay mo, it's just part of their plan. Basta mag iingat ka palagi Sam"

Ngumiti nalang ako bilang tugon. Alam ko namang hindi dapat agad pagkatiwalaan si August kahit ano pa naman ang ikinikilos niya.

Pagkatapos naming mag usap ay bumalik na kami sa classroom. Wala pang teacher kasi may natitira pa namang time for break kaya naisipan ko munang mag phone. Laking gulat ko nang may 3 messages ako from unknown number. Hmm, hindi naman ako nagbibigay ng number ko sa kung sino pero paanong?

Sender: 09*********

I need a personal photograpgher for my blog

As part of your third warning, you'll be my photographer

See you after dismissal

"WHAAAAT?!"

"Uyy okay ka lang?"

Hindi ko napansing napalakas pala ang sigaw ko kanina. Nakatingin tuloy mga kaklase ko sakin tss pake ba nila? Eh sa nagulat ako eh! Personal photographer? Okay lang siya? Ang yayaman yaman niya eh edi sana nag hire nalang siya ng professional hay nakakainis!

Love WarningWhere stories live. Discover now