Chapter 5

454 13 4

MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV

Shemay! Hanggang ngayon sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Oo na OA na kung OA. Ikaw ba naman kasing malapit nang mabigyan ng third warning eh napakatigas pa din ng mukha. Oo na ako na! The best talaga ako whoo.

"Ms. Alcantara, are you with us?"

Nagulat nalang ako nang marining ko na ang pangalan ko. Kanina pa pala kasi akong nakatulala habang salita nang salita si sir. Eh kahit naman makinig ako, wala din naman siguro talaga akong maiitindihan sa discussion niya eh.

"No... I mean yes sir! Of course"

Ano ba yan! Nakakahiya. Pinagtatawanan ako ng mga classmates ko dahil sa pinagsasagot ko. Oh edi kayo na perfect! Akala niyo naman graded yung pagsagot ko sa tanong ni sir na yan tss.

Sa wakas, after how many hours na pagupo dito sa classroom, nag ring na din ang bell. So, uwian na! Shemay ulit. Wala man lang ata akong natutunan kahit isa ngayong araw hay. Sa bahay nalang ako magaaral. Mas makakapag concentrate pa ata ako kung hindi ko makikita ang mga kaklase kong ganito.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. What the? Bakit sobrang bigat ng bag ko?! Ay oo nga pala! Nang hiram ako ng mga books sa library. Iiwan ko muna nga yung iba sa locker. Hindi ko din naman agad mababasa lahat ito.

Nalagay ko na yung mga books sa locker. Isasara ko na sana, kaso may box. Oo box na kasing laki ng shoe box. Wala namang magbibigay ng regalo sa akin ah? Alangan may secret admirer ako? Tss imposible! Dahil sa curious ako sa kung anong laman nung box ay binuksan ko ito. Pero laking gulat ko nalang nung isang box pa ulit ang laman nito. Pero this time mas maliit siya. So ano pa nga bang gagawin ko kundi buksan ito. Pagbukas ko, box ulit?! Hay nako nangttrip lang ata yung nagbigay nito eh. Nagsasayang lang ako ng oras tsk. Tinapon ko nalang sa malapit na trash can yung box na yun.

Naglalakad na ako sa hallway nang biglang namatay yung mga ilaw. Medyo madilim na kasi 6:00 pm na. Ganun ba ko katagal sa locker area? Parang isang oras ata ako nag stay dun ah. 5:00 pm kasi uwian namin. So 1 hour nga?! Nagmadali nalang akong maglakad kasi ayoko nang ganito. Alam niyo namang takot ako sa multo. Kaso bigla naman ako nakaramdam na naiihi na ako. Oo! Naiihi ako. Naman oh! Bakit ngayon pa? Naglakad ulit ako pabalik kasi nakalagpas na ako sa may cr. Kaso nga patay yung mga ilaw huhu. So dahan dahan ako pumasok sa isang cubicle. Kaso maya maya pa, may narinig akong umiiyak. Inisip ko nalang na baka may nag cr din sa kabila tapos broken hearted kaya umiiyak. Kaya nagmadali na akong tumayo. Palabas na sana ako ng cubicle kaso biglang may humawak sa paa ko kaya napasigaw nalang ako. Naka white siya na damit tapos sobrang haba ng buhok. Gumagapang siya papasok sa cubicle. Naiiyak na talaga ako pero inisip ko nalang na makakaalis din ako din. Isa lang tong panaginip. Sinipa ko nalang nang sinipa yung multo sabay takbo.

"Scared huh?"

Napatalon naman ako sa gulat. Pero teka, pamilyar yung boses ah. Paglingon ko, siya nga!

"H-hindi ah!"

Syempre kahit na takot na takot ako ayokong malaman niya yun. Kailangang tiger look pa din!

"HAHAHAHAHA"

Hindi talaga ako nagkakamali eh. May tama siya, sa utak.

"What?"

"So that's the face of not scared? Really? HAHAHA"

Tss nakakainis naman tong lalaking to! Makaalis na nga. Tumalikod na ako sa kanya pero nung ihahakbang ko na yung paa ko paalis, nagsalita siya.

Love WarningWhere stories live. Discover now