My Alpha Mate and I (COMPLETE)

By mugiwara144

451K 10.1K 274

Akala ni Alondra, ay magiging simple ang pamumuhay niya ngayong babalik na siya sa Pilipinas para mag-aral ng... More

My Alpha Mate and I (Edited)
Chapter 2 (Edited)
Chapter 3 (Edited)
Chapter 4 (Edited)
Chapter 5 (Edited)
Chapter 6 (Edited)
Chapter 7 (Edited)
Chapter 8 (Edited)
Chapter 9 (Edited)
Chapter 10 (Edited)
Chapter 11 (Edited)
Chapter 12 (Edited)
Chapter 13 (Edited)
Chapter 14 (Edited)
Chapter 15 (Edited)
Chapter 16 (Edited)
Chapter 17 (Edited)
Chapter 18 (Edited)
Chapter 19 (Edited)
Chapter 20 (Edited)
Chapter 21 (Edited)
Chapter 22 (Edited)
Chapter 23 (Edited)
Chapter 24 (Edited)
Chapter 25 (Edited)
Chapter 26 (Edited)
Chapter 27 (Edited)
Not an Update: A/N
Chapter 28 (Edited)
Chapter 29 (Edited)
Chapter 30 (Edited)
Chapter 31 (Edited)
Chapter 32 (Edited)
Chapter 33 (Edited)
Chapter 34 (Edited)
Chapter 35 (Edited)
Chapter 36 (Edited)
Chapter 37 (Last Chapter)

Chapter 1 (Edited)

26K 588 19
By mugiwara144

Alondra Mae Sy POV:

Inaantok at tahimik na nakatanaw ako sa malayo habang nagbi-byahe papunta sa bahay ng papa ko sa Tagaytay. Kakarating ko lang galing Dallas kung kaya pagod na pagod pa rin ang aking pakiramdam.

Anim na taon na ang lumipas nang magkahiwalay ang mga magulang ko dahil sa hindi pagkakaintindihan. Kami ni mama ay agad na sumunod sa lolo't lola ko at sa mga kapatid niya sa Dallas upang doon na manirahan. Ang papa ko naman, nang dahil sa trabaho ay nalipat siya sa Tagaytay at nagpagawa na rin siya ng bahay doon para hindi na rin siya mahirapan pa sa byahe kung uwian pa siya sa Taguig. At dahil unica hija ay nagdecide sila na pagtuntong ko ng College ay kay papa muna ako manirahan at doon na rin mag-aaral.

"Alondra, okay ka lang ba? 'Nak, Magpahinga ka nalang muna habang nagbi-byahe pa tayo. Para kahit papano ay makapag-recharge ka man lang. Halatang may jet lag ka pa." nag-aalalang tanong ng papa ko habang nagmamaneho sa kahabaan ng Cavitex.

"Okay lang po ako 'pa."

"Sigurado ka ba, anak? Ayaw mo bang matulog na muna?"

"Mamaya nalang po pagdating ng bahay."

"Sige ikaw ang bahala." anito. Hindi na ulit ito nagsalita pa at nagfocus nalang ulit ito sa pagmamaneho. Dahil nagparadyo ay umaalingaw-ngaw ang kanta ni Kenny Rogers na Through The Years sa sasakyan kung kaya sinabayan niya ito ng pagkanta. Nakangiting nilingon niya ako habang kumakanta pa rin.

"That Song. Di ba that was your theme song when you and mama got married?"

"Oo."

"Through the years. It means that your love should last forever, right? But, how come nagkahiwalay parin kayo ni mama?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumigil ito sa pagkanta hininaan ang volume ng radyo. At seryosong nagsalita.

"Anak, malaking kaibahan ang sa kanta at sa tunay na buhay na pag-iibigan, may ibat-ibang rason. Kung yung sa kanta o di kaya ang gumawa ng kanta ay hanggang wagas na ang pag-iibigan na yan para sa kanila, may iba naman ay sa simula lamang meron pero hindi umabot ng panghabang buhay. Tulad sa amin ng mama mo. Noong una akala namin ay panghabang buhay na talaga pero nang tumagal nang ilang taon ay saka lamang namin naintindihan na hindi pala talaga kami nararapat para sa isa't-isa."

Napataas ang isa sa mga kilay ko sa sinabi niya. "Honestly speaking papa, I don't get it!"

Napatawa ito dahil sa sinabi ko. "Masyado ka pa kasing bata kaya hindi mo maintindihan. Balang araw malalaman mo rin kung ano ang meaning nung sinasabi ko. Ilang taon ka na nga ulit? 17 diba?" Nakangiting tanong nito sa akin. At nilakasan na ulit nito volume ng radyo. Hindi ko na ilet ito pinansin at tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana.

------------------------

Nasan ako? Bakit ang dilim?

Bata? Anong ginagawa ng bata na ito rito?

Tinawag ko itong upang tanungin sana kong nasaan kami. Ngunit nang lumingon ito ay nakita kong pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Kuya Hiro?"

"Kuya Hiro ikaw ba yan?" Nakangiting nilapitan ko ito. Hindi pa man ako nakarating sa harapan nito ay bigla nalang itong naglakad. Naging mabilis ang paglakad ko papunta sa kanya hanggang sa napalitan ng pagtakbo ngunit nakakapagtatakang hindi ko parin siya maabutan. Hanggang sa unti-unti na itong nawala.

"Sandali!!" Sigaw ko rito.

"Alondra gising.!" Nagulat ako sa ginawang pagtapik ni papa sakin.

Panaginip lang pala. Isang weirdong panaginip lang pala iyon. Kelan ko ba siya huling napanaginipan? Twelve years ago na yata. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako habang nagbya-byahe papunta sa bahay ni papa.

"Ang himbing ng tulog mo ah. Halatang pagod na pagod ka." Wika nito habang nagtatanggal na ito ng seatbelt mula sa pagkakabit nito. Nakigaya na rin ako sa kanya.

"Nasan na tayo?" Tanong ko sa kanya.

Nakangiting tinignan niya ako bago nagsalita. "Home sweet Home" anito, at bumaba na ng sasakyan. Pumunta ito sa backseat upang buksan ang pinto para kunin ang mga gamit na dala ko.

"Tara na, bumaba ka na jan at para makapag-ayos ka na ng mga gamit mo sa kwarto mo."

Agad kong sinunod ang sinabi nito. Simple lang ang bahay ni papa, White two-storey house na gawa sa lumber, may garage sa gilid ng bahay at may katamtamang lawn sa harapan. Medyo may kalayuan din ito sa kapitbahay, siguro aabot ng 50 meters saka pa makakarating sa katabing bahay, napalibutan din ito nang mga nagtata-asang mga pine trees at iba pang punong kahoy.

"This is brilliant!! Ang tahimik dito papa. Nakaka relax." Nakangiting wika ko sa kanya.

"Mabuti at nagustuhan mo. Akala ko mas gusto mo ang City life. Kesa dito sa bundok."

"Nah! I would prefer this peaceful place rather than the City." Wika ko at tinulungan na rin ito sa pagbubuhat ng maleta ko papasok ng bahay.Kung gaano ka simple ang bahay pag nasa labas ay ganun din ito ka simple sa loob. Pagkapasok na pagkapasok mo ng bahay ay sasalubungin ka kaagad ng sala. Sa kaliwa ng sala ay makikita mo kaagad ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay, meron ding kwarto sa tabi nito at palagay ko'y yun ang office ni papa. Sa kanan naman ay makikita mo ang kitchen at dining area. Ang mga gamit naman sa loob ng bahay ay typical na gawa sa mga kahoy.

"Nice! Kahit ang mga gamit dito ay gawa sa kahoy, ang ganda! Hindi katulad sa Dallas na puro mga pang sosyal ang makikita mo."

"Maganda nga iyon, at least kumportable ka sa pagtira mo doon."

"Nah, mas gusto ko dito papa.. Ang ganda ng lugar mo dito, pati ang mga gamit ay nagma-match sa lugar. Typical wood style."

"Sa una lang yan, aakalain mo maganda, pero baka nga hindi pa umabot ng one year eh, magpa-plano ka nang umuwi sa mama mo."

"Beats me. Hindi mangyayari yun. Baka nga dito pa ako titira." Nakatawang wika ko. Nagpatiuna na si papa paakyat ng hagdan na dala-dala ang malaking maleta ko upang ituro sa akin kung saan ang aking magiging kwarto. Sumunod agad ako rito na dala-dala ang travel bagpack ko. Pagdating sa itaas makikita na kaagad ang tatlong pintuan. Naglakad si papa patungo sa pinaka dulong kwarto.

"Bakit tatlo? Andami yatang kwarto papa."

"Yung isa ay para sa bisita. At itong isa ay nakalaan talaga para sa iyo. At sa tingin ko'y magugustuhan mo itong kwarto mo." Nakangiting wika nito at binuksan ang pintuan ng kwarto. Pagkapasok ko ay natuwa agad ako sa aking nakita. Naka-arrange na ang lahat, kulay tourqouise ang pinapintura sa kwarto. May study table malapit sa pinto. Ang kama naman ay nasa tabi ng bintana na may magandang view nang taal Volcano. At ang pinakagusto ko sa kwarto ay ang maliit na sofa malapit sa bintana na ang gilid nito ay mga libro. May dalawang pintuan din sa loob ng kwarto na palagay ko, ang isa ay para sa CR ang isa naman ay sa kung saan.

"Ang ganda nga papa, salamat." Wika ko sa kanya, saka niyakap ko ito bilang pasasalamat.

"You're welcome. Sige na ayusin mo na itong mga gamit mo at para makakain ka na. Nag drive thru ako kanina habang tulog ka. Kaya ihahanda ko na lang muna yung binili natin. " wika nito at ipinasok sa kwarto ang dalang maleta saka lumabas.

"Sige po." Wika ko at isinara ang pinto.

Agad kong inilapag sa kama ang dalang maleta saka binuksan para mag-ayos na nang mga gamit. Binuksan ko ang isa sa nga pinto para makita ang nilalaman nun.

"Okay dito ang CR." Ani ko at isinara na ang pinto. Binuksan naman ang isa pang pintuan na sa tingin ko ay yun na ang cabinet. Akala ko nung una ay ordinaryong kabinet lang ito, ngunit hindi ko mapigilang matuwa sa nakita ko, isa itong small size version ng walk-in closet.

Papa, isang malaking thank you.

Masayang nag-aayos na ako ng mga gamit. Nang lumipas ang isang oras ay sa wakas natapos na rin.

Madali talagang magbalot ng gamit kesa sa mag-ayos.

Napagdesisyunan ko nang bumaba na para makakain, dahil ako ay gutom na gutom na. Nasa hagdan na ako ng mapansin kong may bisita si papa dahil may narinig akong ibang boses sa ibaba.

"Mamayang alas-siete nalang po naten pag-usapan iyon." Wika ng bisita ni papa.

"Oo sige."

"Papa, may bisita po pala kayo."

"Alondra anak, si Mathew Andrews, isa sa mga kapitbahay naten." Pagpakilala ni papa sa isang lalake na sa palagay ko ay nasa edad ng twenty's. May kagwapohan din ang lalakeng ito, at sa tingin ko ay may lahi din itong Amerikano dahil sa kutis at figure ng mukha nito.

"It's my pleasure to be the first to meet the new celebrity, Miss Alondra Sy." Nakangiting wika nito at sabay abot ng kamay nito bilang pagbati.

Celebrity? Nagtatakang tinanggap ko ang pakikipag-kamay nito.

"Hi, nice to meet you too."

Narinig ko pang tumikhim si papa at tinignan nito ng masama si Mathew. Tumawa ito at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"I did'nt do anything yet. Sige po, Kuya Seth mauna na po ako. Bye Alondra." Tumatawang pamama-alam nito saka tuluyang lumabas na ng bahay.

"Celebrity? Anong ibig niyang sabihin?" Tanong ko kay papa.

"Hindi ko rin alam" wika nito saka naunang maglakad sa dining area. Tinignan ko ang relo sa ding-ding upang tignan ang oras. Mag-aalas sais na din pala.

"Aalis ka po mamaya?" tanong ko kay papa. Dahil sa sinabi ni Mathew kanina.

"Oo, may meeting kami. Kasama kasi ako sa homeowners association dito, kaya ayon. Tara kain na tayo." Paanyaya nito.

"Papa. meron bang open na tourist spot dito kapag gabi?" tanong ko sa kanya ng maka-upo na kami sa mesa.

"Meron naman, kaso hindi kita masasamahan dahil saktong aalis ako mamaya." Ani nito saka sumubo na ng pagkain.

"Hmm. Anong oras ka po ba babalik mamaya pa?"

"Hindi ko pa alam. Siguro bukas na."

"Bukas pa? Akala ko po ba meeting lang ang pupuntahan niyo? May meeting bang aabutin ng kinabukasan?" Pagtatakang tanong ko dito.

"May pupuntahan din kasi akong importante lugar." Wika nito saka sumubo ulit.

"Ay ganun. Sayang naman gusto ko pa naman sanang makapag-ikot-ikot dito." wika ko na may halong panghihinayang ang boses.

"Makakapag-ikot ka din naman sa susunod na mga araw. At saka maliit lang naman itong Tagaytay kaya malilibot mo lang ito kaagad." Anito at nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman ay tahimik na rin na kumakain. Nang matapos na kaming makakain ay nagvolunteer na akong magligpit ng pinagkainan namin. Nagpa-alam na rin itong mauna sa pag-akyat para makapaghanda na sa pag-alis mamaya.

Tapos na akong magligpit ng mga pinagka-inan nang may biglang nagdoorbell. Agad kong pinuntahan ang pinto para malaman kung sino.

"Hi, si kuya Seth?" Tanong ng isang maganda babae sa nasa harap ko. Naka-simpleng maong pants lang ito at puting t-shirt pero umaapaw parin ang kagandahan nito, dahil sa mapupungay na mata, matangos na ilong at sa mala-Angelina Jolie na labi nito. Nakadagdag points pa ang height nito at ang long and big curly hair nito.

"Nasa itaas, wait lang tatawagin ko lang." Nang akma ko ng tatawagin si papa ay pinigilan ako nito.

"Huwag na, hindi naman masyadong importante ang pakay ko sa kanya. Ikaw ba si Alondra? Ako nga pala si Nikki dela Peña, nice to meet you." Wika nito at sabay abot ng kamay. Nagtataka man ako dahil hindi ko alam kung paano nito nalaman ang pangalan ko kahit hindi pa ako nakapagpakilala dito. Kahit nagtataka man ay inabot ko na din ang pakikipag-kamay nito, at mukhang mabait naman ito.

"Same here." Nakangiting wika ko rito.

"Alondra anak, dito ka na lang muna at ako'y aalis muna saglit. Pupuntahan ko lang muna yung meeting." Wika sa akin ni papa. Hindi ko na namalayan na nasa likuran ko na pala ito.

"Sige po."

"Nikki. Nandito ka pala, pwede bang samahan mo muna itong prinsesa ko sa bahay habang wala pa ako rito? Baka malulungkot kasi ito kapag siya lang mag-isa dito at saka kakarating lang din niya kaya siguradong maninibago pa." Wika nito at sabay halik sa pisngi ko bilang pamama-alam..

"Sige po, walang problema." Naka-ngiting wika naman nito.

"Sige Alondra, aalis na ako. Mag pakabait ka anak ha. Nikki ingatan mo itong princess ko." Anito na tingin ko ay may halong pang-aasar ang boses nito.

"Papa, hindi na po ako baby."Nahihiyang sita ko sa kanya. Ngumiti lamang ito at dire-diretsong pumunta sa sasakyan. Pina-andar na nito ang SUV saka kumaway bilang pamama-alam at umalis.

"Pwede bang pumasok?" nangiting tanong nito sa akin. Agad ko naman itong pinapasok at iginiya papunta sa sala. Umupo ito.

"Anong gusto mong inumin?"

"Juice lang, kung okay lang?"

"Ok, maiwan na muna kita." pamama-alam ko, saka ako pumunta ng kusina para maghanda ng maiinom nito.

Nang matapos na akong makapaghanda ay bumalik na ulit ako sa sala at inilapag sa coffee table ang mga juice at Mrs. Fields na cookies.

"Pasensya ka na ha, kung ito lang ang maihahanda ko." Wika ko at umupo sa tapat niya.

"No worries. Ilang taon ka na?"

"Seventeen." Simpleng sagot ko.

"Really!? Great! Glad to know that. Madadagdagan na naman ang mga kaibigan ko na kasing age ko. Mabuti nalang. Alam mo kasi, iilan ilan lamang kasi ang nakikipag-kaibigan sa akin na kapareho ng edad ko. Kaya na-excite ako nung nalaman kong may anak si Kuya Seth na kasing age ko. Ano nga pala ang kinuha mong course?"

"Fine arts."

Madaldal din pala ang isang to.

"Talaga? Naku, nakakatuwa naman. Sana ay maging magkaklase tayo. Sa Somers University ka mag-aaral diba? Nabalitaan ko kasi doon ka papag-aralin ni kuya Seth."

"Talaga? Hindi ko alam na ipinamamalita na pala ako ni papa." Natatawang wika ko. Saka ko lang nakuha kung ano ang ibig sabihin ni Mathew na celebrity. Nagtaka ako bigla itong tumahimik.

"Alondra, uuwi na muna ako, hinahanap na kasi ako ni kuya. Kita-kits nalang sa Monday."pamama-alam nito saka tumayo.

"Monday? Anong Meron sa monday?" Tanong ko sa kanya saka tumayo na din para maihatid ito sa pinto.

"Oh! hindi mo pa alam. Start na nang term. Well, magsta-start na naman ang boring na klase pero may palagay akong maiiba na ito ngayon dahil dumating ka na.

"Ha? Ako? Bakit naman magbabago? Hindi naman ako interesanteng tao."

"There is something special about you Alondra na alam kong makakapagpabago sa boring na town na ito. And besides, you really have that sweet scent of yours." Wika nito. Saka nakangiting niyakap ako at huminga ng malalim na animo'y asong naka-amoy ng masarap na pagkain. Binitiwan niya ako saka ngumiting muli at tuluyan ng nagpa-alam.

Weird.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

All our dreams can come true, if we have the courage to pursue them.

 – Walt Disney.


Please!

Follow, Vote, and Comment!!



Continue Reading

You'll Also Like

17.4M 765K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
4.1K 170 21
"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."
383K 6.5K 36
Vladimeir Czar Soliven is the future alpha of their pack. Matagal niyang hinintay ang pagsasalin sakanya ng kanyang ama bilang bagong alpha ,ginugugo...
159K 6.2K 35
Alexander Aidan Versalles ay nakatakdang ikasal sa babaeng ni minsan ay hindi niya nakilala o nakikita, pero isang impormasyon ang tanging alam niya...