Chapter 31 (Edited)

6.5K 134 1
                                    

Hiro dela Peńa POV

"George!" Linked ko ulet sa kanya ngunit hindi na ulet ako nito sinagot.

Damn!! Fred sana mali ang hinala ni George. We do not want to lose you buddy. Frustrated na wika ko sa isip. Dahil hindi lang ito naging loyal at magaling na Delta ko. Kundi naging isa na rin ito sa pinakamalapit na kaibigan ko.

Habang mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroonan nila Nick, ang hangin ay parang yumayakap sa mga balahibo ko. Hanggang sa may naamoy na mga scent nang mga kapwa ko taong-lobo at scent ng nag-iisang tao doon. Tao na ilang araw ko nang na namimiss, ang scent na nakakapagpa-relax at nakakapagpa-excite sa akin at the same time, ang scent nang nag-iisa kong mate.

Si Alondra.

"Alpha, dito po." Tawag sa akin nang isa sa mga members nang pack ko. Agad napalingon sa direction na iyon at agad nakita nang aking mga mata ang tumawag sa akin. Mabilis na na nag-anyong tao habang papalapit sa kanya. Agad na inabotan ako nito ng maisusuot na damit at short.

"Nandun po sila sa direction na iyon, Alpha." Anito saka itinuro sakin ang may mangilan-ngilang were na naka-anyong tao na.

"Salamat." Wika ko rito sabay tapik sa balikat nito. Agad naglakad papunta sa direksyon na tinuro nito. Napalingon ang ilan sa mga were nang lumapit na ako sa kanila. Nag-glanced sa paligid at agad nakita ko ang kapatid ko na yakap-yakap ni Nick. Hindi man ako natutuwa sa scene, pero hinayaan ko na lamang iyon, dahil alam kong sa pagkakataon na ito kailangan nila ang isa't-isa. At sa tingin ko hindi ako ang support system na hinahanap nang kapatid ko kundi ang nag-iisang mate niya. Masakit man sa loob ko dahil sa ilang taon, ako ang naging tagapagtanggol nito. Pero ngayon dahil nandiyan na ang mate niya, ang nakadestined na makasama niya at mamahalin siya habang buhay ay panahon na siguro upang magparaya at ibigay ang kapatid ko sa taong nararapat rito.

Puno ng lungkot na nakatingin ako sa dalawa, nang may umagaw ulet sa atensyon ko. Ang scent ng taong hinahanap ko. Nag-glanced ulet at hinanap ang taong nagmamay-ari nang scent na iyon. Kaliwa, wala. Kanan, wala rin. Sa likod lalong wala rin hanggang sa mabalik ulet ang paningin sa kinaroroonan nina Nikki at makita ang tao na nasa likod nang dalawa. Sumilay ang ngiti sa labi ko sa aking nakita.

"Alondra..." Mahinang wika ko na tangging ako lamang ang nakakarinig. Nagsimula na ang akong maglakad ulet papunta rito at bakas sa mga labi ko ang ngiti. Ngunit biglang nawala iyon ng makita ko ang katabi nito. Si Julius.

"Alondra!!" Tawag ko rito. Lumingon ito at may sumilay na ngiti sa mula malungkot na mukha nito.

"Hiro." Anito saka tumakbo papalapit sa akin. OA at corny man pakingan pero parang nag-slow motion ang lahat,nang tumakbo ito papalapit sa akin. At ang mga emosyon na nararamdaman ko sa nakalipas na mga araw ay parang gusto nang kumawala sa mga oras na iyon.

"Hiro!! Tama nga si Nikki at na-" hindi na nito magawang tapusin ang sasabihin dahil sa biglaang pagyakap ko rito.

Damn!! Sobrang na miss ko itong babae na ito. Hindi pa ako nakuntento sa simpleng yakap lang at niyakap ko pa ito nang husto.

"H-Hiro... S-sandali... H-hindi ako makahinga." Wika nito habang nagpupumilit na makawala. Niluwagan ko ng kaunti ang pagyakap ko rito ngunit hindi parin ito binitawan kundi hinawakan lamang ang mukha nito saka hinalikan nang mariin ang noo nito.

"Hiro!"

"Shh... Wag ka munang magsalita. Kahit sandali lang. You just don't know how much I miss you, sweetheart." Wika ko rito saka niyakap ulet.

"Na miss din kita... Ng Sobra!" Anito at bumahid ang ngiti mula sa mga labi nito sa dibdib ko. Naramdaman ko rin ang mga kamay at braso nito na unti-unting ipinulupot sa beywang ko.

My Alpha Mate and I (COMPLETE)Where stories live. Discover now