Chapter 20 (Edited)

9.1K 189 1
                                    

Hiro dela Peña POV

"Are you okay?" nag-alalang tanong ko rito nang marinig ko ang malakas na kabog ng dibdib nito. Halatang kinakabahan ito at pinipilit lang nitong tinatago. Nasa garahe na kami nang pack house at kinailangan ng bumaba.

Tumawag kasi si kuya Seth rito nang nasa byahe na kami papunta sa bahay nito at sinabing dumaan nga daw muna ito sa bahay namin.

Bumuntong-hininga muna ito bago nakangiting hinarap ako. "Yeah! o-okay lang ako. Bigla lang akong kinabahan."

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam eh." Nakakunot noong wika nito.

'Hiro, hinahanap na kayo nina Alpha Brian.' biglang mindlink sa akin ni Mat. nauna na kasi ang mga itong pumasok sa pack house kasama, sina Nikki at ang kambal.

"Sa tingin ko ay kailangan na nating pumasok sa loob. Hinahanap na tayo sa loob, you don't have to worry about anything, Dahil halatang gustong gusto ka ni mommy diba?" natatawang wika ko rito saka hinawakan ang kamay nito.

"Halata nga..." natatawa na ring sabi nito at unti-unting na ring kumakalma ang tibok nang puso nito.

"So, tara na?" tumango ito bilang pag-sang-ayon. At bumaba na kami nang kotse at nakahawak-kamay na naglakad papasok nang bahay. Binuksan ang main door.

"Oh! Hi Iha. welcome Back." nakangiting salubong ni mommy rito, saka niyakap ito nang mahigpit. Nakakatuwa talagang isipin na open arms itong tinanggap ni mommy na bilang mate ko. Ito pa nga mismo ang nangungulit na patirahin ko na si Alondra sa bahay upang makasama daw namin ito araw-araw. Kung alam lang ni mommy matagal ko nang gustong gawin yun, simula palang nung nalaman kong mate ko ito. But I want to take our relationship slow lalo na sa status nito na lumaking isang ordinaryong tao, at para wala din itong pagsisisihan sa bandang huli.

"Tara na sa dining area, iha? Sigurado hindi ka pa kumakain." nakangiting wika ni mommy dito.

Ayan na naman siya... gusto na naman niyang solohin si Alondra.

"By the way son, hinahanap ka na ng daddy mo. Nasa office niya ngayon kasama sina Seth." Hirit nito.

"Nandito din po pala si papa? Akala ko may ipapakuha lang si papa dito." Gulat na tanong nito.

"Yes, in fact kanina pa nga siyang hapon dito at may pinag-uusapang importante. But you don't have to worry anything, maybe some alpha stuffs na naman yun." ani nito sabay kampas pa nang kamay. Hinawakan ko ang kamay ni Alondra bilang pagpigil rito mula sa panghihila ni mommy.

"See you later, sweetheart" Wika ko rito saka hinawakan ang mukha nito at hinalikan sa mga labi. Nakita kong napapikit ito.

This feeling!! Promise hindi ako magsasawa sa pakiramdam na ito.

Dahil sa ginawa nito ay gusto ko sanang palalimin pa ang paghalik rito, ngunit napigil lamang iyon dahil sa ginawang pagtikhim ni mommy. Inis na inilayo ang mukha ko mula kay Alondra at napatingin rito.

"Son, you know you can do that later right?" Natatawang sabi nito sakin. Nakita kong nagbla-blush si Alondra. Hindi ko mapigilang halikan ang noo nito.

"Later..." nginitian ko ito. Hinalikan si mommy sa pisngi. Nagsimula na akong maglakad papunta sa office ni daddy, Dahil nga sa malakas na pandinig ko ay narinig ko pa ang usapan ng mga ito.

"Para talaga siyang daddy niya. Oh! I remember nung kasing-edad niyo palang kami noon halos ayaw na akong bitawan ni Brian, kulang nalang ay itali ako nun sa bewang nito para lagi kaming magkasama. Kaya ang ginawa nang daddy niya para hindi kami magkahiwalay ay unang araw palang ay ni-mark-kahan na agad ako nito." natatawang wika ni mommy na nagre-reminisce sa nakaraan.

My Alpha Mate and I (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang