Chapter 24 (Edited)

7.6K 150 2
                                    

Alondra Mae Sy POV

"Gising ka na pala. Kumain ka muna, Alondra. Tatlong-araw ka na din natutulog." ngiting pilit ni Kim sa akin saka umayos ng pagkakatayo.

Ito ang pinaka-unang namulatan ko mula sa aking mahabang tulog. Naglalapag ito nang pagkain nang makita nitong gising na ako.

Tatlong araw? Bakit at papano nangyari yun? Naguguluhang tanong ko sa sarili nang maalala ko ang nangyari bago nawalan ng malay.

Humihingi ito nang tawad ngunit hindi ko alam kung para saan.

"Kim, Nasan tayo?" naka-kunot noong tanong ko rito nang mapansin kong may mga bakal na posas na naka-kabit sa wrist ko.

"Ano itong mga to? Bakit nakaposas ako." gulat na gulat na tanong ko rito may paunti-unting kaba na nagsimulang umusbong sa dibdib ko nang tignan ko ito.

Umiwas ito nang tingin saka nagsalita

"Sorry Alondra." Ang tanging sinabi nito ngunit bakas sa mga mata nito ang lunkgot at may namumuong luha at halatang pinipigilan lang nito.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko rito at ang kaunting kaba na nararamdam ko ay tuluyan nang lumalakas.

"Al-"

"Ang ibig niyang sabihin ay siya, ang dahilan kung bakit ka ngayon naka-kulong sa territoryo namin." putol nang matangkad na lalake na sa tingin ko ay nasa 6'3 ang height nito. At parang nasa 20's na ang edad nito.

"Sino ka? At anong ibig mong sabihin na naka-kulong? Bakit ano kailangan niyo sa akin?" Lumapit ito at ngumiti nang nakakapangilabot.

"Simply lang naman ang gusto namin sayo. We just want your life."

Ano daw? Kailangan nila ang buhay ko? Pero bakit? Wag mong sabihin na....

Nagdududang at kabadong tinignan ko ito at si Kim. Bakas ang gulat sa mukha ni Kim at parang kinumpirma nga nito ang hula ko sa sinabi ng lalake.

Hell!! Hindi ko papayagan matupad ang plano nito sa akin. Kakasimula pa nga lang ng love story namin ni Hiro, at gusto na nitong tapusin agad?

"Kailangan ninyo ang buhay ko?? Ibig bang sabihin niyan ay papatayin niyo ako?" Hindi ito sumagot at nag-smirk lang ito.

"Hell no!! hindi ako papaya! At saka bat niyo ako papayatin wala naman akong ginagawang kasalanan sa inyo ah?!."

"Wala ka ngang kinawang kasalan sa amin. Pero ang buhay mo ang kailangan namin para maging mas malakas ulet ang dating pinaka-malakas na pack dito sa bansa."

"Ano?!" gulat na wika ko rito.

Papano naman mangyayari yun na kapag mamatay ako ay para magiging mas malakas ulet ang nito? Naloloko na ba ito?

"Steven. Pwede naman siguro hindi aabot sa ganun diba at-." hindi na magawang tapusin ni Kim ang sasabihin niya dahil sa bigla nitong pinisil ang mukha nito gamit ang isang kamay.

"Tumigil ka. Alipin at hamak na tao ka lang Kim kaya wala kang karapatan na sumali sa usapan na ito.. Naiintindihan mo?!" Galit na wika nito saka malakas na itinabing nito ang mukha ni Kim. May luhang nagsisilaglagan sa maganda mukha nito.

"Pasensya na po, Beta Steven." anito at nagyuko nang ulo.

Dahil sa ginawa nito kay Kim. Ang natatakot na nararamdam ko ay napalitan ng galit para rito.

Wala pwedeng manakit sa mga kaibigan ko. Gusto ko itong lapitan at suntukin ngunit nakatali naman tong palapulsohan ko.

"Hoy!! Lalake!! Humingi ka nang sorry. Not because Kim is your minion ay gaganyanin mo na siya. Babae parin siya, dapat ginagalang at hindi sinasaktan." sigaw ko rito.

"Aba! Hindi ko akalin nakahanap pala ng matapang na mate itong si Hiro!" bakas sa mukha nito ang pagkaaliw at nilapitan ako. Matapang na nakikipagtagisan ako ng tingin rito kahit bigla bumalik ang nararamdaman kong takot kanina. Ngunit hindi ko ito ipinahalata.

"Kinakampihan mo pa rin si Kim kahit nagkukunyari lang siyang kaibigan ka niya? You're ridiculous." Anito saka naglakad ito para lapitan ako at yumuko.

"Hindi siya nagku-kunyari. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi lamang pagpapanggap ang ginawa niyang pakikipagkaibigan sa akin." wika ko rito ngunit kahit sinabi ko pa iyon ay hindi ko maiwasang magduda.

"Huh! Talaga lang ha?!" nakataas kilay na wika nito. Tumayo na ito mula sa pagkakayuko at tinalikuran ako.

"Mukhang mauudlot pansamantala ang gagawin namin sayo ah! Wag kang malungkot Alondra dahil saglit lang ito at babalikan agad kita." Natatawang wika nito.

"Hah!! As if naman malulungkot ako, mas masisiyahan pa ako na hindi ka makikita. Kahit wag ka nang bumalik okay na ako dun." Inis na wika ko rito. Hindi na ito nagsalita pa at tumatawang naglakad lamang palabas ng kwarto.

Umalingaw-ngaw ang katahimikan at ni isa sa amin ni Kim ay walang gusto magsalita. Malungkot na nilingon ko ito. At unti-unting may namumuong luha sa aking mga mata.

"Kim. Talaga bang kakampi ka nila? At nagpapanggap ka lang bilang kaibigan ko?" Masakit isipin kung na totoo ang sinabi ni Steven na nagpapanggap lamang ito. Hinihintay kong sumagot ito. Ngunit hindi ito umimik at kinuha lamang ang tray na dala nito kanina saka nagmamadaling lumabas nang kwarto.

Kim! Hindi ko akalain na nagawa mo ito sa akin. Sa amin ni Nikki.

-----------------------------------------------

Hiro dela Peña POV

Naiiniis na nakatingin ako sa speedometer na nasa hundreds na. Ang sikmura ko ay naninigas hindi dahil sa takot na mabilis ang takbo ng kotse kundi dahil sa nababagalan pa ako nun, at kailangan pang bilisan. Dahil kaninang umaga pa kami nakarating dito sa Cebu at tanghali na kami naka-alis sa pack-house nang Darkmoon pack.

Bago kasi gumawa nang ano mang hakbang ang isang pack sa territoryo ng ibang pack ay kailangan munang makipagkita at kausapin ang Alpha na namumuno ng territoryo na iyon. Kahit pa matagal mo nang ka-alyansa ang grupo nila.

"Wala na bang mas-ibibilis pa ang takbo ng kotse na ito? At malayo pa ba ang pupuntahan natin?" Naiinis na tanong ko sa Beta ng Darkmoon pack na si Alphonse. Ito ang nagmamaneho nang sasakyan, dahil ito rin ang mas nakaka-alam sa pasikot-sikot ng lugar.

"Hiro, kaunting tiis nalang at makakarating rin tayo dun. Wag ka lang masyadong atat dahil baka mahalata tayo nang mga tao, pansinin na nga tayo dahil madami na tayong naka-convoy." Wika naman ng Alpha ng pack na si Stephanie. Naka-upo ito sa backseat at katabi nito si George, na nagkataong mate din pala nito. Katabi rin ni George ang kakambal niyang si Fred na tatlong araw na ring hindi mapakali. At sa hindi malamang dahilan kung bakit.

"Tsk! Wala akong paki-alam. Ang gusto ko lang ay makitang ligtas sina Alondra at Nikki. Kaya bilisan mo naman jan Alphonse." Galit na wika ko. Narinig kong nang growl si George dahil sa inasta ko sa mate nito. Pero wala akong paki-alam kung magalit man ito dahil hindi nila alam kung gaano ka sakit ang mawalay sa mate ko, dagdag pa ang sakit na nasama sa pagkadukot ang kapatid ko. At sa palaisipan kung anong na ang nangyari sa kanila.

Umusbong ang katahimikan sa loob nang sasakyan. At nakaramdam ako ng comfort mula sa mga ito. At yun ang pinaka-ayaw ko sa situasyon, Ang pakiramdam na kinaka-awaan ako, dahil nagmumukhang wala nang pag-asa o solusyon ang problema ko.

Lumipasa ang ilang sandali at inihinto ni Alphonse ang kotse sa isang port na nakasulat sa karatula na Daan Bantayan.

Mabilis na itinanggal ang naka-kabit na seatbelt at bumaba. Sumakay agad kami sa nakaabang na mga Ferry boat.

Sa wakas nakarating na rin sa Pier kaunti nalang Alondra,, Nikki at nanjan na kami..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Sorry for any wrong spelling or grammar)

You must understand that love never keeps a man from pursuing his Personal Legend. If he abandons that pursuit, it's because it wasn't true love... The love that speaks the language of the world."

- Alchemist (The Alchemist by Paulo Coelho)

My Alpha Mate and I (COMPLETE)Where stories live. Discover now