Chapter 30 (Edited)

6.4K 148 5
                                    

Alondra Mae Sy POV

Tahimik na tinatahak namin ni Nikki ang daan palabas ng tunnel. Bakas parin sa mga mata nito ang halo-halong emosyon, emosyon ng sakit, galit at lalong-lalo na ang lungkot. Gustuhin ko man sanang magsalita ngunit hindi ko alam kung papano o di kaya saan magsisimula. At lalong-lalo na kung paano ito ico-comfort dahil sa nangyari. Alam kong labis na nasaktan ito ngayon at hindi nito mapapatawad si Kim. Ngunit siguro naman ay dadating rin ang panahon na makaka-move on rin ito at magagawang patawarin nito si Kim. Pero hindi maiwasang hindi ko maisip na paano kung ayaw na pala talaga nito? Paano kung sumarado talaga ang puso't isipan nitong patawarin si Kim? Nasa ganung estado ang pag-iisip ko nang bigla itong magsalita.

"Alam kong inisip mong baka hindi ko na mapapatawad si Kim, Alondra. Dahil kung tutuosin hindi ito mangyayari sa akin. Sa atin, ang ganito kung hindi dahil sa kanya. Kung hindi niya tayo niloko. Pero naisip kong, siguro tama ka nga, hindi rin niya rin naman siguro kagustuhan na mapapunta tayo sa situasyon na ganito, na ikulong at maparusahan. Siguro nga tama ka rin na baka iniipit lang siya nang mga kapwa naming lycan. Na dahil tao siya, at hawak siya nang mga ito sa leeg. Pero sana maintindihan mo rin hindi ko magawang patawarin si Kim." Hindi ko mapigilang makaramdam nang lungkot dahil sa sinabi nito.

"Hindi pa siguro sa ngayon." Hirit ulet nito.

Naka-ramdam ako nang relief sa sinabi nito. Dahil ibig sabihin ay may pag-asang ngang mapatawad nito si Kim. Kahit hindi muna siguro sa ngayon at least bukas parin pala itong patawrin si Kim.

"Nikki ala-" hindi ko na magawang tapusin ang sinasabi ko nang may biglang sumilay na kaunting tuwa sa mukha nito at nagsalita.

"Alondra malapit na tayo sa dulo!!" Ani nito saka nagsimula nang tumakbo.

Hinabol ko ito nang tingin saka mabilis na sumunod rito. Umabot ang ilang hakbang ay may narinig na akong mahinang tunog nang alon,, dahil sa narinig ay mas pinabilis ko pa ang aking pagtakbo hanggang sa unti-unting lumalakas na ang tunog na yon. Hanggang sa makita ang labasan ng lagusan.

Malakas na alon, preskong hangin, at ang kadiliman ng gabi ang sumalubong sa akin, nang makalabas na kami nang lagusan. Sabay na nagkatinginan at sumilay sa mga mukha namin ang tuwa, dahil sa wakas ay nakalabas na rin kami.

"Ang paglayo nalang sa islang ito ang kailangan nateng pagtu-unan nang pansin." Mahinang wika nito habang nakatingin sa akin. Tumango ako bilang pag sang-ayon rito. Napagdesisyonang maghanap sa paligid nang maaring gamitin upang makagawa man lang nang kahoy na bangka para pangtawid sa kabilang isla.

Animo'y para kaming contestant nang isang reality show na binigyan nang task na gumawa nang isang matibay na bangka na masasakyan upang makatawid sa kabila. Ni hindi nga namin alam kung may isla rin ba sa kabila o di kaya ay sa walang hanggang kadiliman lang ng gabi at lawak nang dagat lang talaga ang mapupuntahan namin. Kahit walang kasiguradohan ay itinuloy lang namin ang paghahanap upang maka-alis at makatakas lamang sa mga taong lobo na iyon.

Matapos ang kalahating oras ng maingat na paghahanap ng maaring gagamit ay dahan-dahan at mapanuring bumalik kami sa dalampasigan ng isla upang iayos at simulan na ang pag-gagawa.

"Pwede na kaya itong nahanap naten?" Nag-aalalang tanong sa aking ni Nikki.

"Hindi rin ako sigurado, pero sa mga napapanood ko sa cable.. Pupwede na ito." Wika ko rito habang tinignan ang mga nakukuha naming kahoy.

Mainam na inayos namin nang mabuti ang ginagawang bangka nang biglang itong tumigil mula sa pag-gagawa at inayos ang pagkaka-upo. Dahil sa biglaang reaksyon pinapakita nito ay biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko at napatingin rito.

"Nikki!? Anong problema?" Puno nang kabang tanong ko rito. Hindi ito umimik kaya lalo tuloy umusbong ang kaba ko.

"Nikki!? Sumagot ka! Nalaman ba nila kung saan tayo?" Ngunit hindi ulet ito sumasagot.

My Alpha Mate and I (COMPLETE)Where stories live. Discover now