My Enchanted Tale

By RenesmeeStories

6M 118K 11.2K

MY ENCHANTED TALE EDITING AND REVISING. "Ayisha Ryleen Heartlock a simple girl who dares to defy fate. Will... More

WARNING
Prologue
1 ❀ Charm World
2 ❀ Believe
3 ❀ Brand New Life
4 ❀ First Day
5 ❀ Mind Reader
6 ❀ Charm Five
7 ❀ Fire
8 ❀ Bipolar
9 ❀ Flame
10 ❀ When It's Raining
11 ❀ Her Power
Charm 12 ❀ Those Eyes
Charm 13 ❀ Training
Charm 14 ❀ Eyes of Fire
Charm 15 ❀ Twisted Power
Charm 16 ❀ More Complicated
Charm 17 ❀ Sweet Side
Charm 18 ❀ Mortal World
Charm 19 ❀ Enchanted
Charm 20 ❀ Idiot
Charm 21 ❀ Great Day
Charm 22 ❀ Khyra's Dare
Charm 23 ❀ Game Twist
Charm 24 ❀ Stranger
Charm 25 ❀ Unjust
Charm 26 ❀ Upshot
Charm 27 ❀ Rival
Charm 28 ❀ Strange Feelings
Charm 29 ❀ Sorry
Charm 30 ❀ Stalker
Charm 31 ❀ Sapphire
Charm 32 ❀ Training
Charm 33 ❀ Certified
Charm 34 ❀ Training
Charm 35 ❀ Official
Charm 36 ❀ Feelings
Charm 37 ❀ Solution
Charm 38 ❀ Happiness
Charm 39 ❀ Wedding
Charm 40 ❀ Key of Hearts
Charm 41 ❀ Unexpected
Charm 42 ❀ Traitor
Charm 43 ❀ Pain
Charm 44 ❀ Light of Death
Charm 45 ❀ Lost Princess
Read: Summary
Charm 47 ❀ Fairytale
Charm 48 ❀ The Book
Charm 48 ❀ What Jealousy Can Do
Charm 49 ❀ Liahnna and Fiona
Charm 50 ❀ Fairies
Charm 51 ❀ Say It Again
Chapter 41* Academy's Festival [Part3]
Chapter 42* The Masquerade Ball
Chapter 43* Surprise Surprise
Chapter 44* Broken into Pieces
Chapter 45* My Happy Ending
Chapter 46* Breaking Up
Chapter 47* Will Cry No More
Charm 48 ❀ Hypnotism
Charm 49 ❀ Right Here in My Arms
Charm 50 ❀ Blazing Anger
Charm 51 ❀ Twisted Reality
Chapter 52* Shit Happens
Chapter 53* Her Power
Chapter 54* Truth Revealed
Chapter 55* The Start
Chapter 56* Tame the Monster
Chapter 57* She'll be Back
Chapter 58* Final Assail ( Part 1 )
Chapter 58* Final Assail ( Part 2 )
Chapter 59* Ever After
Chapter 60* Last Pages ( Part 1 )
Chapter 60* Last Pages ( Part 2 )
Epilogue
Please Read
SC: Louie's Reaction
SC: Bella & Kyle

Charm 46 ❀ Twisted Identity

76.4K 1.4K 253
By RenesmeeStories


My hidden identity.

***

Yzabella Fyzerille's POV

Inilagay ng hari at reyna ang kamay nila malapit kay Ayisha pagkatapos ay umilaw iyon. Inaalam siguro nila kung may kaugnayan siya sa kanila at kung siya ang prinsesang matagal nang nawawala.

Medyo nagtagal iyon, ngunit nagulat kami noong bigla na lamang mahimatay ang reyna mabuti na lamang at nasambot agad siya ng hari. Tinulungan namin siyang iupo ang reyna sa mga upuan. Mukang hindi natuloy ang ginagawa nila dahil biglang nawalan ng malay anh reyna.

Matapos iyon hindi ko na napigilan magtanong. "Naguguluhan po kami? Si Ayisha? Ang prinsesa?" Pag-sisimula kong mag-usisa. Kung ganoon nga, lao akong nasaktan dahil ngayon lamang nila nakilala si Ayisha pagkatapos patay na ito. Masakit sa puso at damdamin.

"Posible, magkamukang magkamuka si Ayisha at ang hari." Sabi naman ni Kyle. Napakunit noo naman ako. Ano ba talagang nangyayari? Magtatanong sana si Louie ngunit naunahan na siyang mag-salita ng hari.

"Nagsimula lahat noong nakaraang digmaan."

Flashback

King Rolan's POV

"Sugod!" Malakas na sigaw ko. Ang hirap hirap na ng mga nangyayari. Ang dami ng nasira sa Charm World. Marami na ding namatay dahil sa digmaan.

Nakikita ko ngayon ang mga charmer na lumalaban para ipagtanggol ang mundo namin. Palakas na ng palakas ang pwersa ng kalaban. Ang dami na nila. At unti unti na ring nanghihina ang mga charmers.

Matapos ang pakikipagtunggali namin, kasama ako ay nakaramdam ako ng pagod kaya naman nagpahinga muna ako at bumalik sa palasyo. Baka nanganganib na din ang reyna, lalong lalo na at buntis pa siya.

May shield naman ang palasyo ngunit hindi panatag ang loob ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa reyna. Siya na lamang ang mayroon ako pati na din ang magiging anak namin.

Noong makarating ako sa palasyo ay agad kong tinungo kung nasaan ang aking reyna Elsa.

"Mahal kong, hari." Nakangiting bati nito sa akin. Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil maayos siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at inalalayang umupo. Malaki na ang tyan niya, ano mang oras maaari na siyang manganak. At iyon ang ipinangangamba ko. Bakit kailangan sa gitna pa ng digmaan siya maaring manganak?

"Kamusta ang digmaan?" Tanong niya saakin. Habang hinihimas himas ang tyan niya. Napabuntong hininga ako. Ang gulo sa labas ng palasyo, ang daming pagsabog, mga kamatayan, at halos masira na ang buong mundo namin.

"Magiging maayos din ako lahat." Malumanay na wika ko. Kahit ikinukubli ko ang katotohanan sa kaniya, hindi ako magsisisi dahil para lamang ito sa kapakanan niya.

"Nagsisinungaling ka. Malapit na tayong matalo, hindi ba?" Natigilan ako dahil sa tanong nito at pati na din sa pagkakatitig niyo sa mata ko.

"Huwag kang magkaila, mahal ko. Alam ko kapag nagsisinungaling ka. Bakit ba kasi hindi mo ako hayang gamitin ang majestic light spell?" Malambing na sabi niya. Isa siyang light charmer at ang majestic light spell ay ang pinakamataas na kakayanan ng isang light charmer na siya lamang ang nagtataglay.

"Hindi, Elsa. Hindi ko hahayaang isa-alang alang ang buhay mo at buhay ng anak natin." Matigas na sabi ko. Isang sugal kung gagamitin niya ang speel na maaring magwakas ng labanan. Oo nga't malaking tulong ito sa digmaan, ngunit maari naman silang mawala sa akin.

"Ngunit Rolan, hindi lang buhay ko ang nakataya dito. Buhay din ng napakaraming charmers." Malungkot na saad niya. Saka ako hinawakan sa pisngi. Parang nag-mamakaawa din ang mga mata niya kaya umiwas ang ng tingin.

"Hindi, Elsa. Intindihin mo naman ako. Manganganib ang buhay mo at ng anak natin. Hinding hindi ko hahayaan mangyari iyon. Mahal na mahal ko kayo. Kayo na lamang ang mayroon ako." Makasarili kung makasariling tingnan, ngunit buhay na ng dalawang pinakamamahal ko ang nakasalalay dito.

Malaking tulong talaga ang majestic light spell dahil ito na ang pinakamataas na spell o charm na maaring gamitin ng isang light charmer, subalit malaking sugal din ito dahil halos buong lakas niya ang makukuha sa pag-gamit niya nito

***

Kinagabihan.

"Aaaaah!" Napatingin at napatakbo agad ako sa kwarto namin ni Elsa. Andun siya para magpahinga, pero nagulat ako noong mayroong sumigaw.

Narinig kong ulit ang malakas na sigaw kaya't nataranta ako. Nakarating din agad ako sa pinto ng kwarto at agad binuksan iyon. Nakita ko ang reyna, hawak hawak ang tyan niya at may dugo na din akong nakikita.

Natulala at nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. O Diyos ko, tulungan niyo po kami!

Agad kong inalalayan si Elsa pahiga sa kama. Sigaw siya ng sigaw at hinahapo na din siya. Mayroon ding namumuong butil ng pawis sa noo niya. "Rolan!" Sigaw niya, na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"A-Ano? Ma-manganganak ka na ba?" Natatarantang tanong ko.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Oo, Rolan manganganak na ako!" Malakas na sigaw niya sa akin. Biglang na blanko ang isip ko noong sabihin niya iyon. Manganganak na daw siya, subalit ano bang ginagawa kapag mayroon ng mangangak?

"Tulong, tulong, tulog! Ang reyna manganganak na." Malakas na sigaw ko. Ngunit walang dumating kaya't sinigawan nanaman ako ni Elsa. Palakad palakad ako kung saan saan dahil hindi ko talaga alam ang gagawin.

"Aaaahh!" Sigaw nanaman niya.

"Hinga, hingang malalim Elsa. Kumalma ka." Pagsasabi ko sa kaniya, bagkus parang sa sarili ko lamang kaya ko nasabi iyon, dahil ako ang hindi mapakali.

Agad niya akong hinila noong makalapit ako sa kaniya, hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Kada mapapatili siya ay nagugulat ako, at nanakit ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"R-Rolan!" Sigaw niyang muli.

"Ano?" Hindi magkaintindihang tanong ko sa kaniya? Napalingon ako sa may pinto wala pading, napalibot ang paningin ko sa buong kwarto at sa bintana. May nakita akong babaeng naka taklob ang muka gamit ang kapa.

"Ikaw! Ikaw! Tulungan mo kami!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa pagkataranta. Agad naman siyang lumapit sa amin.

Inayos niya ang pusisyon ng reyna. Alam kong hindi dark sorcerer ang babaeng ito dahil hindi nakakaramdam ng dugong dark sorcerer siya.

Ang mga royal blood ay may kakayanang tumukoy kung sino ang mga dark sorcerer nararamdaman na lang namin iyon.

Sigaw ng sigaw si Elsa habang hawak hawak ang kamay niya. Tumutulo din ang luha niya sa mata dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kahit ako ay naiiyak na din dahil sa nakikita ko.

Ilang sandali lamang, nakarinig kami ng iyak nang sanggol.

"Anak ko..." Nahihirapan sabi ng reyna. Nakita ko din na hinahabol niya na ang hininga niya at nakangiti ng pagkatamis tamis lalo na noong masilayan niya ang mukha ng aming anak.

"R-Rolan, ang a-anak ko g-gusto kong mahagkan." Hinihingal na sabi niya. Karga karga pa din ng tumulong sa amin ang sanggol namin

"Prinsesa." Wika noong babae.

"Prinsesa?" Mag kasabay na tanong namin ng reyna.

Tumango naman ang babae. "Salamat sa tulong mo." Nakangiting sabi ko. Habang nakahain ang kamay ko upang kargahin sana ang mahal na prinsesa. Ngunit nilayo niya ito kaya't malaking pagtataka ang namuo sa aking isipan.

"Akin na ang mahal na prinsesa." Wika ko ng may awtoridad. Umiyak muli ang sanggol namin at gustong gusto ko na itong kunin noong pagkakataon na iyon, subalit nag-salita siya.

"Lahat ng magandang kalooban ay binibigyang kabayaran. Ang lahat ay nakatakda ay magaganap at magaganap kahit anong pigil nating lahat. Kukunin ko ang mahal na prinsesa upang mabayaran ko ang malaking utang na loob ko sa inyo. Huwag kayong mag-alala, protektado siya sa kamay ko. Hindi ako masama. Tulong ang hatid ko sa inyo. Nawa'y maunawaan niyo. Sa darating na panahon, kakaharapin ng mga bagong manganak na sanggol ang malupit na tadhana. Huling paalam na ito. Kapakanan niyo ang inaalala namin." Mapait na wika niya bago tuluyang mag-laho.

"Pangalagaan mo sya!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, pero bakas ang pag-kabigla at hindi maintindihang pakiramdam ang nararamdaman ko.

"Ang anak natin!" Malakas na hinagpis namin ng reyna. Wala kaming nagawa kundi ang maiyak ng maiyak.

Maya maya lamang mayroong umilaw sa kama at inilabas noon ang isang sanggol. Agad ko yung nilapitan at hinawakan. Subalit bigla na lamang mawalan ng malay ang reyna. Inalalayan ko muna siya bago ko balikan iyong sanggol.

Hindi ito umiiyak kaya't nagtaka ako. Inilapit ko ang muka ko malapit sa ilong nito at natuliro ako noong malaman ko na wala na itong buhay. Nanginginig ko itong inilapag muli sa kama. Alam kong hindi ito ang anak namin. Alam ko iyon. Nararamdaman ko. Ngunit sino ito?

May nakita akong sulat sa saplot nito. Kinuha ko ang sulat at binasa.

"Nakatakdang manganib ang buhay ng tunay na prinsesa, kaya't palabasin nyiong patay na siya. Para wala ng umangkin sa kaniya. Nasa akin ang prinsesa, proprotektahan namin siya. Mapatawad niyo sana ako. Itong sanggol na ito ay anak ko, ngunit namatay siya ng ipanganak ko. Sanay bigyan niyo siya ng magandang libing. Iyon lang ang hihilingin ko."

Naguguluhan ako sa nilalaman nito, kaya't pinunit ko ito at sinunog. I'm a fire charmer.

"Mga kamahalan." Napatingin ako sa pinto, ang mga tauhan sa palasyo.

Agad silang nagtatakbo saamin ng reyna. Tumindig ako. "Ayusin nyo ang Reyna." Malumanay na sabi ko. Kahit may tumutulo na luha sa muka ko.

"Patay ang prinsesa." Iyon ang huling mga salitang sinabi ko, bago lumabas ng kwarto ng iyon.

Lumipas ang mga araw, hindi namin matanggap ng reyna ang nangyari kahit alam namin na para sa kapakanan iyon ng anak namin. Hindi man lamang namin siya nahagkan at nahalikan. Kapapanganak pa lamang niya subalit kinuha na agad siya sa amin.

Pinili naming sundin ang nabasa ko sa sulat. Sinabi ko kasi iyong sulat na kay Elsa. Ang sinabi niya lamang sa akin ay magtiwala ako at masasagot din sa tamang panahon ang mga nangyayari.

Napakalungkot namin ng mawala ang prinsesa. Hindi kami makausap ng maayos. Lalong lalo na ang reyna palagi na lamang siyang nakatulala na para bang wala ng ganang mabuhay pa. Hindi ko mapigilang mapaliha tuwing nakikita ko siyang ganoon.

Nagtagal ang labanan ng dark sorcerers at charmers. Unti unti kaming natatalo. Habang nagluluksa pa kami sa pagkawala ng prinsesa. Sa digmaan ko din ibinuhos ang galit ko.

Hindi ko alam ang nangyari pero habang naglalaban kami. Nakakasilaw na ilaw ang biglang umultaw. Napatingin ako sa pinaggagalingan noon. Sa palasyo.

Agad akong nagpatakbo ng kabayo, pabalik sa palasyo. Hindi pa ganoong kagaling ang reyna. Mahina pa siya dahil sa panganganak niya. Maaring mawala rin siya sa akin!

Pagkadating ko dun. Nakita ko siya sa veranda ng palasyo. Habang ginagamit ang majestic light spell. Niyakap ko siya mula sa likod. Narinig ko ang hikbi niya. Nadala ako dahil sa mumunting tinig na iyon. Hindi ko mapigilan na matakot at maiyak.

"Tapos na." Hingal na sabi niya saka nawalan ng malay. Habang may luhang pumapatak mula sa mga mata.

***

Matapos nyang gamitin ang kapangyarihan niya. Naging maayos na ang labanan. Sa tulong noon, natalo namin ang dark sorcerers.

Naging maayos na din ulit ang lagay ng reyna. Mabuti na lamang at hindi siya ganoong nanganib. Kahit tapos na ang digmaan, at marami ng nagsasaya, kami lang ang malungkot dahil sa pangungulila namin sa prinsesa.

Ni hindi man lamng namin siya nabigyan ng pangalan.

"Charmaine Miracle." Napatingin ako kay Elsa, noong malumanay niya iyong bangitin. Niyakap niya ako, at narinig ko nanaman ang paghikbi niya kaya hinagod ko ang likod niya.

"Charmaine Miracle?" Tanong ko sa kaniya.

"Charmaine Miracle. Iyan ang gusto kong pangalan niya. Isa siyang milagro at biyaya para sa akin kaya't Miracle, at isa din siyang napaka-espisyal na sanggol na puno ng karisma at mabuting puso kaya't Charmaine. Kung nandito lamang siya at kasama natin... Gusto kong masakama ang anghel natin... Pagkatapos itatawag ko sa kaniya ay Miracle, dahil isa siya sa milagro ng buhay ko." Umiiyak na wika niya, hinagod ko ang likod niya at pinatahan hanggang sa makatulog siya.

Inanunsyo namin noon sa buong palasyo ang balita ng namatay na ang prinsesa at alam iyon ng buong charm world.

Ang prinsesa namin na si Charmaine Miracle Vassileia. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal namin siya.

End of Flashback

Yzabella Fyzerille's POV

"Iyan ang tunay na nangyari sa totoong prinsesa." Malungkot na sabi ng hari. Nakaramdam ako ng awa at sakit dahil sa pinag-daanan nila. Hindi ko akalain na ganoon pala ang nangyari sa prinsesa.

"Miracle... Miracle..." Napatingin kami sa reyna. May natulong luha sa mata niya. Agad namin siyang nilapitan. Pagkatapos ay nagkaroon na ulit ito ng malay.

"Nawa'y walang ibang makakaalam ng pinag-usapan natin. Sana'y maintindihan niyo." Napatango naman kaming amin --Charlene, Vien, Louie, Kyle, Ash at ako-- Ang dami naming nalaman ngayon. Sana talaga buhay pa si Ayisha para naman nakasama niya ang magulang niya, kung siya man ang prinsesa.

Tumayo ang Reyna at nilapitan si Ayisha kaya't sinunandan ko siya. "Miracle..." Mahinang usal niya. Hindi ko alam kung bakit parang may nag-udyok sa akin na hawakan siya sa balikat noong ginagawa ko iyon nagulat ako noong bigla niya akong yakapin.

Hinagod ko ang likod niya at hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, sana ganoon din siya.

Ilang saglit lamang lumapit sa amin ang hari at nginitian niya ako at hinawakan at ginulo ang buhok. Napangiti naman ako doon. "Ituloy na natin ang ginagawa natin mahal na reyna, para malaman natin kung siya ba ang prinsesa." Malumanay na sabi ng hari kaya naman umatras ako mula sa kanila.

Gagawin na sana nila ang parang ritwal noong matigilan silang dalawa, kaya naman napalapit kami doon.

"Paano?" Mahinang banggit ni Charlene at Vien.

"Anong nangyayari?" Tanong naman ni Kyle.

"Ryleen..." Narinig ko ang gargal na boses ni Louie habang maluha luhang nakatingin sa katawan ni Ayisha. Hinawakan din niya ang kamay nito.

"Lumuluha ba talaga siya?" Mahinang bulong ni Ash sa tabi ko. Kaya't napatango ako ng marahan habang nakatitig sa kaniya hanggang sa maluha na din ako.

Tama ba itong nakikita namin? Lumuluha ba talaga si Ayisha? Subalit paano? Wala na siyang buhay hindi ba?

***

Ayisha Ryleen's POV

Madilim.

Kanina, galing ako sa matinding sakit subalit ngayon ay wala na akong kung hindi panlalamig.

Nasaan ako? Bakit puro dilim ang nakikita ko? Nanginginig akong tumayo kahit wala akong makita sa paligid. Gusto kong sumigaw pero parang natuyuan ako ang lalamunan dahil walang tinig na lumabas mula sa akin.

Ilang sandali lamang nagulat ako noong bigla akong masilaw dahil sa isang napakatingkad na ilaw. Unti-unti ding nag-adjust ang mga mata ko dahil doon, at nakita ko si Louie umiiyak.

Naguluhan ako dahil doon at nagkaroon din ng kirot sa puso ko.

"Ayisha..." A voice called me.

Napatingin naman ako sa isa pang liwanag. May nagflflash na scene dun. Ibat ibang scene simula noong bata pa ako at kasama ko pa ang mga itinuring kong magulang, pati na din iyong unang pagkakataon na nagkakilala kami ni Louie.

Maraming ilaw na biglang umultaw at kahat ng iyon mayroong sinaryo ng buhay ko. Hindi ko mapigilan mapaluha habang nakikita ko ang mga ala-alang iyon. Lahat ng mapait at masaya nakikita ko.

Kahit may halong lungkot ay natutuwa ako habang nakikita ko iyon. Subalit sa isang iglap bigla na lamang dumilim ulit ang lahat.

"Ayisha..." Someone called.

"Ayisha..." Lumingon lingon ako para makita ko kung sino iyon. Napansin ko sa isang banda na mayroong maliit na ilaw, na akala mo ay firefly lang sinundan ko ito.

"Ayisha..." Tawag ulit noong boses. Habang sinusundan ko iyong maliit na liwanag, habang tuloy pa din ang pagtawag ng boses na iyon sa akin. Pamilyar yung boses. Sobrang pamilyar.

Tumigil yung liwanag, kaya napatigil din ako. Ngunit hindi nawala ang pagtataka ko kung bakit ako nandito at sa kung ano ang tunay na nangyayari.

Aabutin ko sana yung liwanag pero bigla itong lumaki. Pagkatapos ay hinigop ako nito.

"Ang iyong katauhan, iyo ng malalaman. Humanda sa rebelasyong iyong matutuklasan." Narinig kong sabi ng isang tinig. Inaamin ko kinilabutan ako dahil doon.

Ilang sagit ang lumipas noong bigla na lamang akong iluwal ng liwanag sa isang lugar. Punong puno ako ng pagtataka at parang paulit ulit pa din ang boses na narinig ko kanina.

Ang katauhan ko? Malalaman ko na?

Nawala na lamang bigla ang atensyon ko sa naiisip ko noong makita ko ang buong kapaligiran para akong nasa isang palasyo.

Parang nagkakagulo dito kaya't nagtry akong tawagin ang isa sa mga nakasalubong ko habang natakbo ngunit bigla na lamang ako noong nilampasan na para akong isang multo, noong una ay nagulat ako subalit nag-sink in din sa utak ko ang nangyayari, nandito ako para panuorin lamang ang lahat.

Madami talagang natakbo papunta sa itaas kaya't nakitakbo na din ako. "Ang reyna, manganganak na! Bilis." Iyan ang mga karaniwang naririnig ko kaya naman parang nataranta din ako, grabe din kasi ang pagkataranta lo.

Maya maya tumigil iyong nagtatakbo at pumasok sa isang pinto kaya naman mabilis din akong pumasok doon. Pagkarating ko doon, ay malakas at matinis na sigaw ang aking narinig. "Aaaah!" Sigaw nito.

Mayroong isang babae na nanganganak, ito siguro ang reyna. Hawak hawak niya ang kamay ng hari habang sumisigaw. May babaeng nagpapaanak sa kanya, at marami ding nakapalibot na mga katulong upang tulungan iyong babaeng nagpapaanak.

Maya maya pa, nakarinig kami ng isang iyak. Sanggol na umiiyak. Napatingin ako dahil doon. Mangiyak ngiyak iyong hari noong masilayan niya ang mukha noong sanggol. Ang lambot ng titig niya doon, halatang halata ang pagmamahal.

"Prinsipe!" Masayang wika ng babaeng nagpapa-anak. Walang pag-aalinlagan ay binuhat ng hari iyong sanggol at hinagkan. Napangiti naman ang reyna doon, subalit bigla na lamang siyang sumigaw ulit.

Lahat ng nakapaligid sa kaniya nataranta. "May isa pa!" Sigaw ng isang babae. Hindi nagtagal matapos ang sigawan ay nauluwal na din ulit ng reyna ang isa pang baby.

"Isa muling prinsipe." Wika ng babae. Nagbunyi ang lahat dahil doon. Kambal na prinsipe ang anak ng hari at reyna. Nakakatuwa silang pagmasdan ang sasaya ng mga mata nila.

"Ransen Yvel Vassileia, ang ating panganay." Wika ng hari na mayroong masiglang ngiti sa labi habang nakatingin sa reyna.

"Rolan Yves Vassileia, ang itatawag natin sa ikalawa." Nakangiting sabi naman ng reyna.

Matapos banggitin iyon ng reyna biglang tumigil ang lahat. Walang ingay ang maririnig. Kaya't nagtaka ako. Itinapat ko iyong kamay ko at winagayway sa harap ng isang kawal subalit nanatili silang nakatigil lamang.

Patuloy akong nagtataka, ngunit bigla na lamang gumalaw ang paligid ng sobrang bilis. Pakiramdam ko umikot ang ulo ko dahil doon.

8 years later.

Matapos ang parang pag bilis ng oras ay ang pag-iiba ng lugar kung nasaan ako. Inilibot ko ang paningin ko at noong gawin ko iyon, parang pamilyar iyong lugar, para itong enchanted land subalit may pagka-luma ang dating.

"Magtago tayo, Rolan dali andyan na ang mga kawal." Sigaw ng isang boses ng batang lalaki. Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng boses at mayroon akong nakitang dalawang bata na nag-uusap.

"Ransen, naman. Baka mag-alala si Ina at Ama." Suway naman ng isa pang bata. Lumapit ako sa kanila at noong tuluyan ko ng makita ang mga mukha nila ay bahagya akong nagulat dahil magka-mukang magkamuka sila. Hindi ko matukoy kung sino ang sino.

"Hindi iyan, Rolan dali takas tayo!" Pangungulit ng batang nag-ngangalan atang Ransen.

"Bahala ka dyan, Ransen! Ikaw ang may kasalanan kapag naligaw ka, basta uuwi na ako!" Maktol nanamn ng isang bata mukhang ito si Rolan.

"Ka---" sisigaw sana si Rolan ng kawal, ngunit pinigilan siya agad ni Ransen. Pasaway na bata si Ransen. Nawiwili tuloy ako panuodin ang kambal na ito. Ito kasi iyong kambal na ipinanganak kanina ang laki na nila.

"Ssshh! Huwag kang maingay, Rolan! Baka makita tayo, kung gusto mo umalis ka na lamang ako basta huwag mong ipapaalam kay na ama at ina na nandito ako!" Inis na sambit ni Ransen sa kakambal.

"Bahala ka, Ransen. Basta uuwi na ako sa palasyo!" Wika naman ni Rolan. Natawa na lang ako ng marahan lalo ng noong umalis na si Rolan.

Ang pasaway pala nitong si Ransen. Hindi ba at siya ang panganay, subalit bakit parang mas panganay pa iyong kapatid niyang si Rolan? Tsk tsk tsk. Makulit na bata.

Nagtago ng nagtago si Ransen. Kaya sinusundan ko lang siya. Mag-gagabi na din. Wala na ding mga kawal dito, solo na lamang si Ransen.

"Aish! Rolan, asan ka ba?" Asar na sambit ni Ransen. Sabay lugmok na umupo sa ilalim ng puno. Tumabi naman ako sa kaniya, kahit hindi niya alam. Ayan kasi napaka-pasaway, mukang nalikigaw tuloy siya.

Ilang sagit lamang bigla siyang may nakitang tubig at bigla niya itong pinag-laruan. Water charmer pala ang batang ito.

"Naliligaw pa ata ako. Paano iyan? Baka hinahanap na ako sa palayo." Bulong ni Ransen sa sarili niya at saka tumayo at naglakad lakad ulit. Habang naglalakad bigla na lamang siyang tumakbo kaya't tumakbo din ako.

"Aray!" Sabay na sigaw ng dalawang batang nagka-bungguan. Mayroon na lamang biglang nabunggo si Ransen. Mukhang parehas din silang nasaktan. Sabay silang tumayo.

"Aray, hindi ka ba nag-iingat na bata ka ha?" Bulyaw ng batang babae kay Ransen. Napangiti naman ako ng palihim doon. Palaban siya.

"Aba, at ako pang sinisi mo?!" Natawa naman ako ng marahan dahil parang naghahamon ng away si Ransen. "Hindi mo ba ko kilala ha? Ako si Ransen Yvel Vassileia!" Proud na proud na wika nito sa batang babae.

"Sino naman iyon?" Inosenteng tanong ng batang babae. Muntik na akong matawa dahil mukang clueless talaga siya, samantalang si Ramsen ay inis na inis na.

"Ako, hindi mo ako kilala?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ransen.

"Hindi. Halata naman hindi ba?" Sagot noong batang babae. Kawawang Ransen prinsipe nga hindi naman kilala ng napakagandang batang babae na ito.

"Ako si Ransen Yvel Vassileia. Ako ang prinsipe dito sa charm world! Main Prince ako, at ako din ang magiging hari." Pagmamalaki ni Ransen. Ang yabang din pala nito.

"Prince? Ikaw? Nagpapa tawa ka ba bata?" Tanong noong bata na parang itinuring lamang niya na joke iyong sinabi ni Ramsen, hindi na rin niya napigilan na tumawa ng mahina. Nakakatuwa naman panuorin iting dalawang ito.

"Tss." Masama ang tingin ni Ransen doon sa babae. "Ikaw, sino ka ba ha? Bakit ka natakbo?" Patuloy pa niya ni Ransen. Magsasalita na sana iyong bata noong bigla na lamang mayroong sumigaw.

"Hanapin niyo dali!"

Napatakip ng bibig iyong batang babae at halatang nataranta. "Hala! Andyan na sila!" Sabi nito, saka hinila si Ransen at tumakbo silang dalwa. Sumunod din agad ako sa kanila. Nasa enchanted forest pa naman kami pagkatapos takbo ng takbo ang dalawang ito. Tsk tsk tsk, mamaya manganib pa sila.

Matapos nilang makasigurado na wala na iyong sumigaw kanina. Umupo sila sa ilalim ng isang puno dahil na hingal na din sila.

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ni Ransen.

"Shaysil. Shaysil Ynna Mage." Wika ng batang babae. Nagkatawanan pa sila at parehas na nilait ang pangalan ng isa't-isa natawa naman ako dahil doon, ang cute kasi nilang pagmasdan. Parang kami lamang ni Louie.

"Ran-ran, paano maka-alis dito?" Tanong noong batang nag-ngangalang Shaysil at saka parang lumungkot ang mukha niya. Bakit kaya?

"Ran ran? Bakit mo pinapangit ang pangalan ko?" Asar na tanong ni Ramsen sa kaniya. Arte nitong batang ito oh. Haha. Nakakatuwa ang kakulitan. Hindi agad sumagot si Shaysil at nag-buntong hininga.

"Okay na iyon. Ran ran na lamang." Wika pa nito.

"Tss. E di ikaw na ngayon si Shay shay. Para patas tayong dalawa. Ang lakas mo kasi mag-imbento ng pangalan." Iiling iling na wika pa nito. Pagkatapos ay tumingin ito sa kalangitan na dumidilim na.

Matapos noon wala ng umimik sa kanila kaya naman napatingin na si Ransen kay Shaysil at bigla na lamang itong dumantay sa balikat niya.

"Antukin na bata." Mahinang bulong ni Ransen, noong makita niyang nakatulog na pala si Shaysil. Ang amo ng mukha ni Shaysil ngayon pati na din ni Ransen para silang anghel na dalawa.

"Shay-Shay." Mahinang bulong uli ni Ransen, pagkatapos ay naghikab siya.

"Huwag mo akong ibabalik sa kanila, sa'yo na lamang ako sasama. Ayaw ko sa kanila bad sila. Bad sila." Mahinang banggit ni Shaysil nagtaka siya doon kaya't tiningnan niya ito subalit nanatili itong nakapikit

"Pati ba naman sa pagtulog, ang daldal mo pa din? Pero sige pangako. Hindi kita ibabalik sa kanila. Pangako." Mahinang bulong nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon, para iyong mga kataga kasi na binigkas niya tutuparin niya kahit anong mangyari.

Matapos iyon, bigla na lamang nag-dilim ang lahat at bigla na lamang may nag-salita. "Iyon ang naging unang pagkikita ng dalawang pusong pinag-buklod at ang pag-sisimula ng wagas na pagmamahalan." Bigla akong kinilabutan noong marinig ko iyon, may kakaibang dating iyon sa akin na nakapaghatid ng libo libong kaba sa katawan ko.

*

Nawala ang may-ari ng tinig na iyon at bigla na lamang akong napapunta ulit ako sa palasyo. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid at nahagip ng mata ko doon si Rolan o si Ransen, hindi ako sigurado, kaya't tumungo ako papunta sa kung saan siya nakatayo.

"Nasaan si Ransen, sabihin mo Rolan nasaan ang kakambal mo. Anak naman..." Malumay na wika ng reyna habang kausap si Rolan.

"Nasa enchanted land po siya kanina sa bayan, subalit tumakbo po siya sa patutunguhan ng enchanted forest. Pasensya na po, Ina. Ang tigas po kasi ng ulo ni kuya Ransen." Magalang na pahayag nito sa reyna. Dali dali namang tinawag ng reyna ang hari dahil doon.

"Mahal kong hari, hanapin niyo agad ang anak natin. Baka manganib iyon." Nag-aalalang wika nito sa hari. Tumango naman ang hari at biglang niyakap ng reyna si Rolan.

"Kahit kailan talaga ang pasaway ng kuya mo. Manang mana sa Ama niya. Mabuti na lamang ikaw nag-mana sa akin." Tapos mahinang tumawa ang reyna pati na din ang hari.

Maya maya pa, may dumating na. Si Ransen at si Shaysil. Magkahawak kamay pa ang dalawa. Mukhang nahihiya si Shaysil dahil nakatungo ito. Napangiti ako noong makita ko silang dalawa kitang kita ko ang maputing kutis ni Shaysil at ang kulay itim nitong buhok na tuwid na tuwid at ang gwapong gwapong si Ransen, bagay na bagay sila.

"Mahal kong prinsipe!" Agad na salubong ng reyna at agad na inihanda ang kamay niya para yakapin sya ng prinsipe. Hindi naman siya nabigo dahil tumakbo naman si Ransen papunta sa kaniya at niyakap siya.

"Pasensiya na kung pinag-alala kita, Ina." Magalang na sabi ni Ransen.

"Huwag na huwag mo ng uulitin iyon Ransen walong taong gulong palang kayo, baka malagay kayo sa panganib." Pagsasabi ng reyna sa anak niya, agad namang tumango si Ransen dahil doon. Napakabait pala nito sa harap ng magulang niya samantalang kanina. Ang cute niya tuloy, may galang sa magulang.

Napalingon ang reyna sa kinatatayuan ni Shaysil kaya't napunta sa kaniya ang pansin nito. "At sino ang magandang binibini na iyong kasama?" Nakangiting tanong ng reyna.

Lumingon naman si Ransen kay Shaysil, agad nitong kinuha ang kamay ng batang babae at dinala sa kaniyang ina. Nakakatuwang pag-masdan may ganitong side pala siya. Isang maginoo.

"Si Shay-Shay Ina." Masyang wika ni Ransen na oarang ipinakilala ang babaeng pakakasalan niya. Napaka-lawak kasi ng ngiti sa labi nito.

"Shay-Shay?" Ulit ng reyna na mayroong halong pagtataka ang tinig.

"Shaysil Ynna Mage po." Pakilala ni Shaysil sa sarili niya. Ngumiti naman ang reyna, mababakas mo sa ngiting iyon ang kasiyahan niya para sa anak niya.

"Ina, maari po bang dito tumira si Shay? Wala na po kasi siyang magulang at wala na ding matitirhan." Malungkot na sabi ni Ransen. Gusto kong yakapin si Ransen ngayon dahil ang bait bait niya.

"Anak, hindi siya maaring manatili sa palasyo dahil hindi siya isang royal blood. Sa munting bahay sa labas ng palasyo sa Enchanted Land, doon siya maaring manatili. May bahay tayo doon hindi ba? Maari doon tumira si Shaysil. Pasasamahan na lang natin siya kay Aria." Suwestiyon ng reyna. Agad namang nabuhayan ng loob si Ransen dahil doon.

"Sige po Ina! Subalit maari ko ba siyang puntahan doon?" Tanong ulit nito na mayroong maliwanag na ngiti sa mukha.

"Ano mang oras ang iyong gustuhin, mahal na prinsipe." Masayang wika ng reyna. Agad siyang nakataggap ng yakap mula sa anak niya dahil doon. Pagkatapos ng ilang sandali mayroong kinausap ang reyna.

"Paki-tawag si Aria." Utos niya sa kawal. Hindi din nagtagal mayroong babaeng lumapit sa kinatatayuan namin. Mukang isa siyang taga silbi dito sa palasyo at pinagkakatiwalaan ng reyna.

"Ikaw na ang bahala sa ating munting binibini. Lagi mo siyang samahan doon sa bahay na pag-mamay-ari namin, at maari na doon kayo manirahan ng anak mo upang maging maayos ang lahat sa inyo." Malumanay na pahayag ng reyna.

"Masusunod mahal na reyna." Nakangiting wika ng babaeng nag-ngangalang Aria, simpleng maganda ang itsura niya. Parang pagkakatiwalaan mo talaga siya dahil wala kang mababakas na masama sa kaniya.

Matapos ang diskusyon ay pumunta sila sa bahay na tinutukoy ng reyna, nagoumlit pa nga si Ransen na sasama siya kaya naman wala silang nagawa. Dumaan muna sila sa isa pang bahay para sunduin ang anak ni Aria.

Pamilyar sa akin ang mukha noong batang sinundo nila. Subalit, tahimik lamang ito. Pagkatapos nilang sunduin iyon ay pumunta na sila sa bahay. Pagkadating doon.

"Mahal na prinsipe, at binibining Shaysil. Ito nga po pala ang aking anak, siya si Arisa." Wika ni Aria. Ngunit, natigilan ako ng sobra dahil sa narinig ko. Pamilyar na muka... pati na din pangalan.

Arisa... Arisa ang pangalan ni mama. Ang pangalan ng tumayong ina ko. Maari kayang iisa sila? May pag-asa ba na siya din ang tunay kong ina?

Gusto ko sanang lapitan at yakapin ang mahiyaing bata na nag-ngangalang Arisa subalit biglana lamang akong hinigop ng liwanag. At bigla na lamang iniwan sa iba nanamang lugar. Napatingin agad ako sa paligid upang matukoy kung nasaan ako. Pamilyar ito, kaya naman alam kong nasa academy naman ako.

10 years later.

"Andyan na ang mga prinsipe!" Sigaw ng mga babae na parang kinikilig pa. Kaya naman napatingin ako sa tinitilian nila. May bumababa na dalawang magandang lalaki sa karwahe. Magkamukang magkamuka silang dalwa.

Isang may pilyo ng ngiti at isang may pinong ngiti. Hindi ko mapigilan hindi mahawa sa mga ngiting iyon. Kahit magkamukha sila parang alam ko na ngayon kung anong pinagka-iba nila. Si Ransen at Rolan.

Habang nakatitig sa dalawang gwapong mga lalaki na nasa edad labing walo ay may napansin ako, mayroon silang tinitingnan kaya naman sinundan ko iyon at halos mag-titili ako noong makita ko si mama, hindi lamang si mama pati ata si Shaysil, at mayroon pa silang kasama na isang babaeng maganda.

Hindi ko maiwasan na maluha noong makita ko si mama kasama ang dalawang babae. Walang duda, charmer nga si mama. Agad akong lumapit sa kanila. Niyakap ko din si mama subalit parang tumagos lamang ako. Nalungkot tuloy ako dahil doon. Pero maayos din naman kasi nakikita ko na siya ngayon.

"Tara na, Elsa at Arisa." Wika ni Shaysil at sabay sabay silang umalis na tatlo. Mukang silang tatlo ang magkakaibigan. Nakakatuwa naman ang ganda lalo ni Shaysil ngayon, ang puti niya pagkatapos iyong pagiging inosente ng mukha hindi natanggal sa kaniya kahit may pagka mature na tingnan. Samantalang iyong Elsa naman napakaganda ng mga mata, halatang halata mo din na napakabait niya. Pamilyar... pamilyar ang mukha noong Elsa.

Pinag-sawalang bahala ko na lamang iyon at sinundan sila. Nakarating silang tatlo sa Lotus Light Garden. Ang favorite place namin ni Louie sa academy. Namiss ko tuloy siya bigla. Bakit ba sya umiiyak kanina dun sa scene na nakita ko? Aish.

Naglatag sila ng parang pangpiknik na tela pagkatapos ay umupo doon.

"Iyang si Ran-Ran na iyan, ang laki-laki na napakapilyo pa din." Iiling iling na sabi ni Shaysil. Natawa naman ako doon at saka ako umupo sa tabi niya. Hanggang ngayon pala, Ran ran pa din ang tawag niya sa prinsipeng iyon.

"Oo nga, mabuti pa ang kakambal niyang si Rolan, sobrang bait." Nakangiting sabi naman ni Elsa na parang nag-de-daydream. Kinikilig siguro. Haha naalala ko tuloy si Bella, kaugali niya kasi ang lakas maka-daydream sa prinsipe ng buhay nila.

"Sus! Nagdeydream nanaman kayo sa mga prinsipe niyo!" Sabi naman ni Mama, or should I call her Arisa? Hindi ko pa din maintindihan kung bakit charmer si mama subalit nasa mortal world siya at mayroon siyang pamilya doon.

Kahit mayroon pang bumabagabag na katangungan sa isip ko ay hinayaan ko na lamang muna iyon, dahil ang sabi naman sa akin kanina ipapakita sa akin ang pinag-mulan ko kaya't manunuod ako hanggang sa huli, para na din maging klaro na sa akin ang lahat.

Nagkakatawanan silang tatlo noong bigla na lamang may dumating, at sinugod si Shay at saka mabilis na hinila ang buhok.

"Ikaw babae ka, ang landi mo!" Sigaw nito kay Shay, at saka sinugod noong mga kasama niya sina Arisa at Elsa. Nagkakagulo sila doon dahil dumami bigla ang mga babaeng sumusugod kayna Shay. Gusto ko silang tulugan dahil agrabiyado sila subalit wala akong magawa.

Patuloy ang malalakas na away, sabunutan at pananakit. Ngunit bigla na lamang iyon natigil sa isang iglap dahil sa isang malakas na sigaw na pumaibabaw sa lahat ng ingay.

"Bitiwan niyo ang, mahal ko!" Sigaw ng isang lalaki. Natigil ang lahat dahil doon kaya naman napalingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses. Doon ko nakita si Ransen kasama si Rolan at si papa? Napakurap kurap ako dahil alam kong ganito ang itsura ng Papa Seb na asawa ni mama Arisa noong kabataan niya. Charmer din siya?

Lumapit agad si Ransen kay Shay at niyakap ito. "Umalis kayong lahat!" Galit na sigaw ni Rolan at nilapitan si Elsa at inayos ang buhok.

Si Papa naman ay lumapit kay mama Arisa. "Maayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango naman si mama at maluha luhang tingnan si papa.

Mukang nasaktan talaga iyong tatlong babae dahil ang daming nag-tulong tulong sa kanila. Habang sinusuyo nina Ransen sina Shaysil ay mayroon pa ding natitirang mga babae na may gawa kung bakit ang daming kalmot at magulo ang buhok nila.

"Bakit Prince Ransen, ano mo ba siya?" Mapang-hamon na sabi noong babae habang nakatingin ng masama kay Shaysil. Ngali-ngali kong sabinutan iyong babae dahil sa inaasta niya. Hindi pa ba halata? Espesyal si Shay kay Ran, sampung taon na kaya silang magkasama at magkakilala.

"Oo nga Prince Rolan, bakit mo din ba pinagtatanggol iyang si Elsa ha? Ano mo ba siya?" Mataray na tanong naman noong isa habang nakatitig kay Elsa na para bang kulang na lamang ay sabunutan ulit niya ito.

"Saka ikaw din Prince Sebastian ng Earth Wall land. Ano mo ba iyang si Arisa para kampihan mo siya?" Maangas na tanong noong babae. Nag-iinit ang ulo ko sa kanila. Si Arisa lang naman ang magiging asawa ni Prince Sebastian! Ang sarap niyang sabihin sa mukha niya.

"Itong bang babaeng sinabunutan mo? Siya Lang naman ang girlfriend ko at kaya umalis ka na." Walang ka-emo-emosyong sagot ni Papa Seb at saka pinunasan ang luha ni Mama Arisa at saka siya niyakap.

"Tinatanong mo ba kung sino si Elsa?" Nagulat ako noong makita ko na nakayukom ang kamao ni Rolan at masamang nakatitig sa mga babae, muka kasing napipikon na ito. "Siya ang mundo ko, kaya puwede ba? Lumayo kayo kayo sa amin." Madiing dugtong pa nito at saka binalingan at nakatulalang si Elsa na parang hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Shay-Shay, ayos ka lang?" Malumanay na tanong ni Ransen kay Shay. Halatang halata sa mga mata nito ang sobrang pag-aalala. Tumango naman si Shay sa tinanong nito.

"At kayong mga babae, ano bang problema niyo?" Tiim bagang na wika nito. "Bakit niyo sinasaktan ang magiging Reyna niyo?!" Galit na bulyaw nito, na nakapag-patigil sa lahat. Maging si Shay parang hindi alam kung ano puwede niyang maging reaksyon, napa-awang na lamang ang mga labi niya sa gulat.

"Magiging reyna?" Hindi makapaniwalang tanong noong mga babae. Nanlalaki ang mga mata nila dahil sa gulat.

"Oo dahil sa Shaysil Ynna Mage lang naman ang babaeng pinangakuan ko ng habang buhay at ang babaeng mahal na mahal ko. Kaya isa pang beses na saktan niyo siya, hindi niyo magugustuhan ang magiging ganti ko." Punong puno ng awtoridad na wika nito, napakaseryoso pa ng pagkakasabi kaya naman matatakot ka talaga.

"Ran-Ran..." Tawag ni Shay sa kaniya. Iyong mga ibang nanunuod at mg babae kanina at bigla na lamang nag-takbuhan paalis dahil sa pagkasindak.

"Ran-Ran naman, ano iyong mga pinagsasabi mo doon sa mga iyon? Nag-bibiro ka nanaman dyan." Makungkot na sabi ni Shay at saka siya tumalikod subalit mabilis nahuli ni Ransen ang mga kamay niya at saka hinila para mapunta siya sa bisig niya.

"Hindi iyon biro, Shay. Mahal na kita, mahal na mahal. Sobrang tagal ko na itong itinatago, ang gaan pala sa loob na nasabi ko na din sa wakas." Nakangiting sabi ni Ransen at mararamdaman mo doon ang pagiging sincere niya at katotohanan ang lahat ng binanggit niya. Nagkatitigan si Shay at Ransen sa mata at bigla na lamang niyang hinalikan si Shay.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa nakita ko. Parang kanina mga batang nag-aaway pa ang dalawang ito, samantalang ngayon. Mararamdaman mo ang nag-uumapaw na pagmamahal nila sa isa't-isa.

"Iyon naman pala, kumpleto na! Lahat tayo may partners na, itong tatlong prinsipe na ito, nakalaya din kayo sa pagiging torpe, at kayo namang tatlong babae sa wakas hindi na din kayo manhid." Napatingin sila, pati na din ako sa pinagmumulan ng tinig na iyon. Isang babaeng at isang lalaki na magkahawak kamay.

"Dalia!" Sigaw nina mama Arisa, Shay at Elsa.

"Wilson!" Sigaw naman ng mga prinsipe at saka tumakbo doon sa dalwang bagong dating at agad nila itong niyakap.

"Kailan pa kayo bumalik?" Sabay sabay na tanong noong anim doon sa dalawa. Mukang mga kaibigan din nila ito.

"Kanina lamang. Oh, kamusta ang pagtatapat mga torpe ha?" Pang-aasar noong Dalia, habang mayroong nakakalokong ngiti sa mga labi.

Mahabang katahimikan. "Sa wakas, naka-amin." Nahihiyang banggit ni Rolan.

"Nakaraos din." Kamot batok na bigkas ni Papa Seb, habang may masasayang ngiti sa labi.

"Siyempre, nagkaroon din kami ng lakas ng loob at nasabi na namin. Wooo. Ngayon, Shay-Shay mahal mo din ba ako?" Nakangiting tanong ni Ransen at saka hinapit sa baiwang si Shay. Ngumiti naman si Shaysil na parang nahihiya at saka tumango.

"Mahal na mahal." Nahihiyang tungon nito, kaya naman nagkantyawan silang lahat.

"Iyon naman pala! Si Shaysil kay Ransen, si Elsa kay Rolan, si Arisa kay Seb at ako si Dalia kay Wilson. Magbunyi, may ka-agapay na tayonh lahat!" Masyang wika ni Dalia.

"Tayo'y magyakapan!" Masayang sigaw naman ni Papa Seb, kaya't nagyakapan silang lahat. Nakaramdam ang puso ko ng matinding kasiyahan para sa kanila.

Natutuwa pa akong panuorin sila noong bigla na lamang akong hinigup ulit ng liwanag at napadpad naman ako sa palasyo. Hindi ko maiwasang mapa-ngiwi. Kanina pa ako nag-tra-travel kung saan saan.

2 years later.

Naglakad lakad ulit ako noong bigla na lamang akong may narinig na boses.

"Magsisimula na ang paligsahan para sa inyong mga papapang-asawa. Rolan at Ransen." Tinig ng mahal na reyna ang narinig ko. Nakita ko din si Ransen at Rolan na seryosong nakikinig,mat saka bahagyang tumango.

Walang kupas ang gwapo at ang mature tingnan ng dalawang ito. Manang mana ako sa kanila, dahil ang ganda ko. Biro lamang. Magtataksil muna ako kay Louie ng panandalian, sila munang dalawa ang crush ko. Ang lakas kasi ng karisma, kahit nasa edad dalawampu na sila.

Umalis iyong dalawa pagkatapos kausapin ang Areyna at sabay na pumunta sa garden ng palasyo, kaya naman sinundan ko sila habang papunta doon.

"Sigurado ako, papasa si Elsa at sya ang magiging asawa ko." Tila walang pag-aalinlangan na wika ni Rolan. Napangiti ako dahil doon. Ang laki ng tiwala niya sa babaeng mahal niya, ang swerte ni Elsa, or should I say na ang swerte nila sa isa't-isa? Nakakatuwa.

"Siyempre, hindi papahuli si Shay ko!" Masayang sabi naman ni Ransen, at saka nag-apir iyong kambal.

Dumating ang araw ng paligsahan. Hanggang sa apat na lamang na babae ang natira.

Si Shay. Si Elsa. Si Arisa at ang isang babaeng hindi ko kilala. Hindi naman kasi prinsipe si Wilson kaya hindi sumali si Dalia, at saka maayos naman ang relasyon noong dalawa.

Nakapag-disisyon ng masinsinan ang kunseho kasama na din ang hari at reyna kaya naman ang itinakdang ikasal si Shay kay Ransen at si Elsa kay Rola. Pagkatapos si Mama Arisa ang napili na ipakasal kay Papa Seb. Kaya naman lakaing tuwa ko dahil doon.

Masayang masaya silang lahat dahil sa successful ang nangyari. Ang mga mahal nila ang nakatakdang ikasal sa kanila. Si Ransen ang magiging hari dahil siya ang panganay at si Shay ang reyna dahil siya ang nakatakda kay Ransen.

Naging maayos ang lahat ang kasal, pati na din ang pagiging hari at reyna nila. Pagkatapos ng kasal nilang dalawa, ikinasal din si Rolan kay Elsa. Kahit nanunuod lamang ako noong mga pangyayari, hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa saya. Ito na ata ang isa sa mga hahangaan kong pagmamahalan, dahil napakalubos at totoo noon.

Oo, may pagkakataong nagkakaaway at nagkakatampuhan sila, subalit nalalamapasan nila iyon sa mahinahong usapan at pagkakaintindihan. Lumalaban sila at mas lalo lamang nilang minamahal ang isa't-isa at mas tumatatag.

Hinigup ulit ako noong liwanag. Pagkatapos nasa napunta ako sa palasyo, sa pagkakatanda ko, isa itong kwarto ng royal blood, mukang ito ang kwarto ng reyna. Ang kwarto ni reyna Shaysil.

3 years later.

Nakikita ko si Shay habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagkatapos bigla niyang hinaplos ang tyan niya ng marahan at saka siya ngumiti ng bahagya. Malaki laki na ang tyan niya mukang buntis siya.

Bigla siyang napapikit at umilaw ang katawan niya, kaya't nabigla ako. Napa-atras pa ako sa kinatatayuan ko dahil ang tungkad ng ilaw na nagmumula sa kaniya. Matapos iyon mayroong luhang pumatak mula sa mata niya.

"Ang propesiya ay nakatakdang maganap, mahal kong anak. Maging matatag ka, malalampasan mo ang lahat, magtiwala ka lamang." Wika ng Reyna, saka niya muling hinaplos ang tyan niya.

Nagtuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. "Kahit anong gawin kong takas. Alam kong matutuntun nila ako. Hawak parin nila ako." Malungkot na sabi nito.

Pagkatapos may tinaggal siyang bracelet. Ang tagal na noong bracelet na iyon. Simula pa lang ng una nilang pagkikita ni Ransen, hindi na niya tinanggal iyon.

Kasunod kong nakita ay ang nakapag-pasinghap sa akin. Noong tanggalin ni Shay ang bracelet, biglang nakaroon ng ukit ng tattoo ng dark sorcerer ang leeg niya. Nanginig ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko.

"Hindi ko matatakasan ang pinag-mukan ko. Ako padin ang prinsesa ng mga dark sorcerer." Umiiyak at nahihirapang nito. Natuliro ako dahil sa narinig ko, para akong tinggalan ng hininga at nakaramdam ng kaba. Napatakip na lamang ako ng kamay sa bibig ko.

Ang napaka-bait at napa-kaamong si Shay? Prinsesa ng mga dark sorcerers? Bakit parang ang hirap paniwalaan? Bakit parang ayaw kong paniwalaan?

"Ang bracelet na ito. Maraming salamat sa kaniya dahil sa bracelet na ito naitinatago ko ang katauhan ko bilang dark sorcerer. Alam ko matutunton na nila ako. Sana matanggap pa din ako ni Ran-Ran...." Malungkot na saad pa nito habang nakatingin sa salamin.

Kaya pala hindi nalalaman ni Ransen, alam ko kasi kapag royal blood ka mararamdaman mo na lamang ang mga dark sorcerer basta malapit ito sa iyo.

Sinuot niya muli ang bracelet at nakita kong nawala ulit iyong tattoo niya dahil doon kaya siguro hindi rin na sesense na dark sorcerer siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, naluluha nanaman ako.

Ang reyna ng charm world ngayon ay prinsesa ng mga dark sorcerers? Ang hirap ipasok sa kaisipan ko, dahil unang kita ko pa lamang kay Shay napakabuti na ng puso niya.

Kahit nanginginig dandahan akong lumapit sa kaniya, ng makita akong mayroon siyang isinusulat.

"Mahal kong Ran-Ran,

Sana pagdating ng araw mapatawad mo ako. Pilit kong tinakasan ang pinagmulan ko ngunit kahit anong takas ko sinusundan parin ako nito. Hindi ko ginusto maging katulad nila. Ang gusto ko lamang ay maging maayos ang lahat sa nais ko. Ayaw ko sa kanila. Masasama sila. Mas gusto ko dito, sa piling mo. Natuto na akong maging masaya kasama ka, at hindi ko pagsisihang ikaw ang minahal ko, mahal na mahal kita kahit anong mangyari... mawala man ako sa mundong ito.

Ang pagmamahal ko sa'yo, walang katumbas. Subalit malaking sakripisyo ang kailanhan kong gawin, ayokong mapahamak ka. Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita.

Nagmamahal,
Shay-Shay."

Napalingon ako sa bintana at nagulat ako noong mayroon akong makitang anino na tumatakbo paalis. Marahil kanina pa siya doon, dahil na lamang sa inakto niya, baka alam niyang dark sorcerer si Shay.

Dahil sa iniisip kong iyon, ngali ngali kong habulin iyong nakita ko, subalit bigla na lamang sumigaw si Shay kaya't hindi ako natuloy.

Agad ko siyang nilapitan kahit hindi ko siya mahawakan, natataranta din ako dahil doon. Paanong dark sorcerer si Shay? Hindi ba't bata pa lamang siya nandito na siya, kaya paanong nangyari iyon? Bakit pakiramdam ko napakabuti niya pa din kahit nalaman ko na nag katotohanan sa pagkatao niya?

Impit uling napatili si Shay dahil parang humihilab ang tyan nito. Pabalik balik ako ng lakad at nag-iisip kung ano ang gagawin, noong bigla na lamang dumating si Ransen.

"Shay!" Sigaw nito at saka inalalayan ang asawa niya at marahang pina-upo sa kama. Mukhang dahil doon, nawala na iyong sakit na nararamdaman ni Shay kaya naman parang nakahinga na din ako ng maluwag. "Anong nangyari, mahal ko?" Malumanay na tanong ni Haring Ransen.

"Sumakit iyong tyan ko. Malikot ang anak natin, Ran-Ran." Nakangiting wika nito habang mayroong munting ngiti sa labi.

"Excited na ko, sa magiging anak natin. Prinsesa kaya siya o prinsipe?" Nakangiting tanong ng hari, habang hinihimas ang tyan ng reyna niya. Pagkatapos ay humiga sila sa kamang dalawa at saka niyakap ng mahigpit ng hari ang reyna.

"Ano kayang magandang pangalan? Hmmm, Shayran?" Tanong ng reyna. Natawa naman ng marahan si haring Ransen dahil doon.

"Pinagsamang pangalan natin?" Tukso pa niya.

"Pwede. Ikaw may naiisip ka ba?" Tanong niya kay Shaysil.

"Ranzel?" Natawa naman silang dalawa doon. "Masyado tayong maaga mag-isip, tatlong buwan pa lamang siya." Nakangiting sabi ng reyna. Matapos noon ay nakatulog na silang dalawa sa piling ng isa't-isa.

***

Hinigup ulit ako ng ilaw at napadpad ako sa napaka dilim na lugar. Nakakatakot dito. Ang lamig ng ihip ng hangin. May makikita kang kulay green na mga apoy at ang pader may mga halimaw na nakaukit o di kaya naman ay parang naka-disenyo doon. Kinikilabutan ako habang inililibot ko ang paningin ko sa lugar na ito.

Nag-simula akong mag-lakad at napitlag ako noong mayroon akong naapakan. "Ah!" Hindi mapigilang sigaw ko lalong lalo na noong makita kong bungo iyon. Tingnan ko ang tinutungtungan ko at nangilabot ang buong sistema ko dahil puro buto ito ng mga nilalang.

Kahit nanginginig ako ay pinagpatuloy ko ang pag-lalakad. Hindi dapat ako matakot sa mga ganito. Kaya ko ito. Dahil sa pangungumbinsi ko sa sarili ko, nakarating ako sa isang kwarto sa nakakatakot na lugar na ito.

"Masasaksihan mo ngayon ang pinagmulan ni Shaysil Ynna Mage." Wika ng isang tinig na parang malapit sa tainga ko. Agad akong napapikit at napa-hinga ng malalim dahil doon.

Mabuti naman at malalaman ko na kung paanong dark sorcerer si Shay, dahil hanggang ngayon mas pipiliin kong hindi ito paniwalaan.

Naglakad lakad ako sa kwartong napasukan ko, mabuti na lamang at may ilaw doon mula sa kulay berdeng apoy. May natanaw akong parang crib na gawa sa buto kaya naman lumapit ako doon. May sanggol doon na tahimik na nakatingin sa kisame. Ang amo ng mukha niya, parang hindi dapat siya kabilang dito.

Ilang saglit lamang mayroong babaeng lumapit doon. May korona siya. Baka ito ang reyna.

"Ang aking anak. Ang maghahatid ng pinakamadilim na propesiya! Ikaw Ynna ang maghahatid sa atin sa kataas taasan." Malademonyong wika nito at tumawa pa ito ng nakakatakot. Pinag-masdan ko siyang maigi at inalis ang takot na nararamdaman ko. Ang tattoo niya sa pisngi napaka-pino ng pagkaka-ukit.

Kinalong niya iyong sanggol kaya't umiyak ito. Pinatahan niya iyon, at bigla nanaman akong hinigop ng liwanag, patungo nanaman sa ibang oras at lugar.

8 years later. Pagkatapos kong makita ang sanggol na nag-ngangalang Ynna, at mukang iyon din si Shaysil. Tingnan ko muli ang paligid at nandito pa din ako sa isang gloomy na lugar.

"Ayoko!" Nagulat ako noong bigla na lamang mayroong sumigaw at pa,ilyar ang boses na iyon, agad kong sinundan kung saan nag-mumula iyon at nakita ko ang walong taong gulang na si Shaysil.

"Sinabing patayin mo siya!" Sigaw ng reyna sa kaniya.

"Ayaw ko, bad iyon!" Sigaw ni Shaysil na halatang ayaw sundin ang sinabi noong reyna.

"Napaka tigas talaga ng ulo mong bata ka! Bakit ba ayaw mong sumunod? Mabuti pa iyang kapatid mong bunso, na mas baga sa'yo ng isang taon. Nasa lagpas dalawampu na ang napapatay na charmer! Samantalang ikaw niisa wala pa, napaka walang kwenta mo talaga." Galit na sigaw nito sa anak niya.

Pagkatapos ay galit na galit itong umalis. Napa-yuko naman si Shay dahil sa nangyari, siguro ay naluluha siya ngayon. Natahimik na lamang ang paligid matapos noon, pero bigla na lamang akong may narinig na nang-aasar na tawa.

"Akala mo kung sino kang mabait, Ynna. Gumising ka sa ilusyon mo, isang dark sorcerer." Nang-iinis na sabi ng isang batang babae na mayroong kulay itim na itim na mga mata. Siguro ito iyong nakababatang kataid na Shay.

"Hindi ako katulad mo Ysa. Hindi ako masama." Matigas na sabi ni Shaysil.

"Baliktarin mo man ng mundo, Ynna. Dark sorcerer ka pa din at ang mga dark sorcerer masama. Kaya wala kang magagawa." Nakangising sa ni Ysa. Saka umalis.

"Nahihirapan na talaga ako kay Ina. Matagal ko ng sinabi sa kaniya na ayaw ko nga maging katulad nila." Mangiyak ngiyak na bulong niya at saka umalis ng kwartong ito kaya naman sumunod ako.

Ganito pala si Shay, kaya naman pala hindi ko siya napagkamalan na dark sorcerer noon, mukang bata pa lamang napakabuti na ng puso niya.

Tumakas siya at nagtungo sa bayan. Madilim padin ang paligid at kalangitan. Pagkatapos parang mga haunted house lahat ng bahay na nakikita ko. Ang dami pang mga kakaibang halimaw, at iyong mga nakakasalubong pa namin, na mukang tao, nakakatakot ang mga mata. Katulad ng mata ni Dave, purong itim lamang.

Mabuti na lamang ang mga mata ni Shaysil maamong tingnan sahil dark brown lamang ito.

Umupo sa isang tabi si Shaysil at umiyak, kaya't tinabihan ko siya, at hinagod ang likod kahit alam kong hindi niya iyon mararamdaman.

"Ayaw ko maging katulad nila, gusto ko ng umalis dito." Umiiyak na wika niya at saka niya hinawakan iyong tattoo niya sa leeg at pinipilit na gustong burahin. Naawa ako sa kaniya dahil doon.

Habang humihikbi si Shay bigla na lamang may tumabi sa kaniya sa kabilang bahagi. "Dark sorcerer na mayroong mabuting puso? Magdadala ng isang kakaibang tadhana maaaring makasama o maaaring makabuti. Ang buhay nga naman sobrang mapaglaro, at sa kasamaang palad ikaw pa ang napili." Iiling iling na wika ng isang matanda.

Humarap sa kaniya si Shaysil at nagtanong. "Ano pong sinasabi niyo?"

"Wala... Mag-ingat ka bata. Hindi biro ang tatahakin mong landas. Tumakas ka. Gamitin mo ito. Ayaw mo maging masama hindi ba? Isuot mo ito at huwag na huwag iwawala. Mawawala ang marka at amoy ng pagiging dark sorcerer mo." Pahayag nito at saka inabot kay Shay ang bracelet.

"Ano po?" Hindi maintindihang tanong ni Shaysil.

"Mag-ingat ka. Huwag mo iwawala iyan. Gabayan ka sana." Mahinang saad niya at saka nag-simulang tumawid ng kalsada noong bigla na lamang akong napatayo dahil sa gulat, kaba at takot.

Maging si Shaysil ay parang natuliro sa nakikita niya.

Nakaramdam ako ng matinding awa. Bakit? Bakit kailangan mangyari iyom? Nabangga iyong matanda ng isang kakaibang sasakyan, iyong sasakyan na malaki tapos mga bungo at buto ng disenyo. Pagkatapos ay naging abo iyong matanda.

"Ang sama nila, pati si tatang pinatay nila!" Umiiyak na maktol ni Shaysil, at nagtatakbo ulit paalis dito sa bayan. Hanggang sa napadpad siya sa isang dark forest.

Nakakatakot dito. Ang lalaki ng banging, tapos may maririnig ka pang sound ng owl at mga nakakatakot na huni ng mga ibon at kahol ng mga nakakatakot na hayop.

Napatingin ako sa likod ko. Kanina pa sila. Kanina pa nila sinusundan si Shaysil.

"Prinsesa Ynna!" Sigaw ng isa.

Tumakbo agad si Shaysil dahil sa narinig niya. Habang natakbo siya naki takbo din ako. Habang tumatakbo sinuot niya, iyong bracelet na bigay noong matanda. Nakita ko na unti unting nawala iyong tattoo niya sa leeg at may parang portal na lumabas sa harapan namin kaya't nakapasok kami doon, pati na din ang tatlong humahabol sa kaniya.

Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa nakalayo kami sa mga kawal na dark sorcerers. Patuloy pa din si Shay sa pagtakas hanggang sa...

"Aray!" Natumba silang dalwa. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng ligaya noong makita ko muli ang eksenang ito. Ang unang pagkikita nilang dalawa. Kaya pala nakabanggaan noon ni Ransen si Shay. Kaya pala sila nagkita. Nakakatuwa, mukang tinadhana talaga sila sa isa't-isa.

Namatay din iyong mga kawal ng dark sorcerer dahil nakasagupa nila iyong mga kawal na naghahanap kay Ransen.

*

Matapos kong makita ang mga iyon. Hinigup ulit ako ng liwanag. "Ang pagpapatuloy ng buhay ni Shaysil at Ransen." Wika ng isang tinig, at saka ako napunta sa isang lugar.

Nasa palasyo nanaman ako, nasa parang opisina ng hari.

"Mahal na hari. Dark sorcerer ang reyna." Walang kagatol gatol na wika ng isang kawal.

"Anong pinagsasabi mo?" Madiing banggit ng haring si Ransen sa kawal. "At saka anong karapatan mong sabihan ng ganoon ang reyna?" Galit na dugtong pa niya, habang naka-yukom ang mga kamao.

"Subalit mahal na hari, kalat na po ang balita!" Usal ng kawal na nag-aalala sa kalagayan ng hari.

"Ipatiggil ang balita ng iyan ngayon din, dahil wala iyong katotohanan!" Sigaw ni Ransen, na mayroong pinal na boses.

"Mahal na hari, tanggalin niyo po ang porselas ng reyna. Malalaman niyo ang katotohanan." Pahabol na sabi ng kawal at saka ito dali-daling umalis sa harap ng mamula mulang si Ransen. Lumapit ako sa kaniya dahil doon. Mukang nahihirapan siya sa nalaman niya.

Nag-buntong hininga muna siya at saka nag-lakad papunta sa isang kaarto, mukang kwarto ng reyna ang kaniyang pinuntahan. Naabutan niya si Shay na nag-susuklay sa harapan ng salamin.

Niyakap agad ng hari ang reyna. Napapikit ako ng madiin dahil doon.

"Hindi naman totoo iyon diba?" May mga luhang tumutulo sa mata ni Ransen habang sinasabi iyon. Parang mayroong kumirot sa puso ko noong marinig kong bangitin niya iyon.

"Alin?" Tanong ni Shaysil at yumakap na din sa kaniya.

"Hindi totoo iyon hindi ba, mahal ko? Hindi ka dark sorcerer hindi ba?" Nag-susumamong saad nito, at saka hinawakan ang pisngi ng reyna.

Naramdaman ko na nanigas sa kinatatayuan niya si Shaysil. Napa-kagat labi na lamang ako sa nasasaksihan ko. Hinihiling na sana huwag nila sukuan ang isa't-isa dahil ang dami na ng nalampasan nila, sana hindi to ang maka-sira sa relasyon nila. Alang-alang na lang din sa anak nila.

"Anong winika mo?" Kinakabahang tanong ng reyna, sala humiwalay sa yakap ng hari. Tumalikod ito at nag-simulang mag-lakad ng marahan papalayo kay Ransen.

"Hindi ka dark sorcerer hindi ba? Kalokohan lang iyong mga kumakalat na balita. At saka kung dark sorcerer ka dapat ramdam ko hindi ba? Dapat ramdam namin ng kakambal ko hindi ba? Wala ka din namang tattoo." Pahayag ng hari habang pinapasigla ang boses niya kahit parang kumikislap ang mga mata niya dahil sa tubig mula doon.

"Paano kung totoo?" Nahihirapang sabi ng reyna. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko, naiiyak na din ako sa nasasaksihan ko.

"Ano?" Naguguluhan sabi ng hari at umatras ito habang hawak ang ulo niya. Halatang halata sa muka niya ang pagtataka.

"Paano kung totoo? Matatanggap mo pa ba ako? Ang anak natin?" Umiiyak na sabi ng reyna. Pagkatapos ay lumapit ito sa hari at lumuhod ito saka niyakap ang hita ng hari.

"N-Nag-bibiro ka lang ba?" Hindi makapaniwalang sabi ng hari. Gulong gulo na ang ekspresyon ng mukha niya. "Sabihin mong hindi totoo iyon, ikaw ang paniniwalaan ko." Pagmamakaawang wika pa nito.

"Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, matatanggap mo kung sino siya o kung ano pa man siya." Malungkot na sabi ng reyna. Tumay na din siya at pinahidan ang mga luha niya.

"Hindi ko na maintindihan, Shay. Ano ba talaga ang mga nangyayari? Sabihin mo sa akin. Hindi naman totoo ang dark sorcerer hindi ba?" Pagpupumilit pa din ng hari at saka niyakap ang reyna.

"Siguro panahon na para malaman mo ang katotohanan, mahal ko... Subalit sana... tandaan mo hindi kita niloko. Lalong lalo na ang pagmamahal ko sa'yo, totoong totoo iyon at walang maka katumbas doon." Wika ng Reyna. Saka siya umupo sa kama. Sumunod naman doon ang hari saka hinawakan si Shay sa muka. Hinalikan niya ito sa labi at pinunasan ang luhang tumutulo. Mga luhang punong puno ng sakit.

"Ran-Ran ko... Lahat ng nalaman mo ay totoo..." Buong lakas loob na wika ni Shay na nakapag-patigil kay Ransen. Kitang kita ko ang sakit at mas mabilis na pagtulo ng mga luha sa mata nilang dalawa.

Matapos ang mahabang katahimikan, bigla na lamang sumigaw ang hari. "Hindi! Sabihin mo lamang sa akin na hindi, paniniwalaan kita. Parang awa mo na Shay, bawiin mo ang sinabi mo. Hindi ka naman dark sorcerer hindi ba?" Umiiyak na wika nito habang nakaluhod sa harap ng mahal niya.

Napatakip ako ng mata at napa-hagulhol na din. Ang sakit kasi noong mga bawat katagang binibitawan nila sa isa't-isa at kitang kita ko ang umaapaw na emosyon nila.

"Ayaw ko ng maglihim sa'yo dahil mahal na mahal kita. Lahat ng bintang sa akin ay totoo, mahal ko." Lumuhod din si Shay at niyakap si Ransen.

Unti unti niyang tinggal ang bracelet na suot niya at marahan ring umukit ang tattoo na nagpapatunay na dark sorcerer siya.

Sobrang apektado ako sa nakikita ko. Parang binibiak ang puso ko sa nasaksihan ko. Bakit naman naging ganito kalupit sa kanila ang tadhana? Wala naman silang masamang ginawa ah, minahal lang naman nila ang isa't-isa, kahit pa magkaiba sila ng pinanggalingan at prinsepe at prinsesa sila ng magkaibang mundo.

Nagulat si Ransen sa nasaksihan niya niya, kaya napaipod siya pa likod at nanginginig na itinuro ang leeg ni Shay.

"P-Prinsesa ka ng mga dark s-sorcerers?" Nanginginig na tanong ni Ransen. Tumango naman ng marahan si Shay doon.

Nanginginig na tumayo ang hari at tumakbo ito palabas.

Napatungo na lamang ang Reyna sa inasal ni Ransen at humagulhol. Parang ako iyong iniwan at tinalikuran ni Ransen dahil sa ginawa niya. Kahit hindi ako nararamdaman ng reyna, napayakap na lamang ako sa kaniya.

"Mahal na mahal Kita Ransen. Ran-Ran ko, subalit mukang kailangan naming harapin ng anak natin, ang hinaharap ng kami lamang." Malungkot na sambit niya.

Habang umiiyak kaming dalawa ni Shay, may mga dumating. Sina Mama Arisa, Papa Seb, Dalia, Wilson, Prinsipe Rolan at Elsa. Agad niyakap ni Mama Arisa at Dalia si Shaysil, at pinatahan.

"Sshhhh. Makakasama iyan sa dinadala mo." Pagpapatahan ni Mama Arisa sa kaniya.

"Katakutan niyo na din ako. Patayin niyo na di ako. Dark sorcerer ako hindi ba? Ayan ang tattoo na patunay noon!. Umalis na kayo!" Halos humahagulhol na sabi ni Shaysil.

"Hindi, hindi kami aalis Shay. Kaibigan ka namin, hindi ka namin iiwan. Oo, dark sorcerer ka ngunit may mabuti kang puso, Shay. Sapat na iyon." Wika ni Mama Arisa.

"Oo nga, Shay. Sapat na iyon." Sabi naman ni Dalia.

"Huwag ka ng umiyak, maliliwanagan din si Ransen sa mga bagay na iyon, marahil ay nabigla lamang siya." Malumanay na pahayag naman ni Elsa.

"Shay, tandaan mo, andito kami para sa'yo at sa magiging anak n'yo." Sabi naman noong mga lalaki.

"Sandali lang, pupuntahan namin si Ransen, baka kung anong magawa noong kakambal ko na iyon." Wika ni Rolan pagkatapos umalis silang mga lalaki.

"Huwag ka ng umiyak ng umiyak dyan, baka madamay din ang baby namin ni Arisa, kung iyang baby mo malungkot din." Mahinahong sambit ni Elsa, saka hinagod ang likod ng kaibigan.

Ngumiti ng bahagya si Shaysil dahil doon at umupo ito sa kama. Dinamayan lang nina Mama Arisa si Shay. Hanggang sa nakatulog ito. Umalis silang tatlo ng makita nilang mahimbing na itong natutulog.

Noong wala na sila, ako na ang nag-bantay. "Ano ba iyan, napapanuod ko lang naman ito, pero hindi ko maiwasan na maging apektado. Magpalakas ka po, Queen Shaysil, para po sa baby n'yo noong pilyong hari na si Ransen." Bigkas ko sa kaniya.

Maya-maya lamang pumasok bigla si Ransen. Umupo ito sa kama at hinagkan ang kamay ng reyna at saka hinalikan, nanunubig nanaman ang mga mata niya.

"Bakit kailangan maging dark sorcerer ka pa? Bakit prinsesa ka pa nila? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Gusto kang tanggalin ng mga charmer sa pwesto mo bilang reyna. Gusto rin nilang ipatapon ka sa Umbra. Hindi ko kaya, Shay. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita, kayong mag-Ina ko. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin." Tumigil siya dahil may luhang pumatak sa mata niya. Pinunasan niya iyon.

Sa mga katagang binggit ni Ransen, napangiti ako kahit maluha luha nanaman ako. Tagos kasi sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag, basta kahit ganito masaya ako kasi hindi niya sinukuan ang babaeng mahal na mahal niya.

"Tatakas tayo. Ang kapangyarihan ni Dalia ay ang magtanggal ng kapangyarihan at magtagala ng bagong memorya hindi ba? Tatanggalin natin ang kapangyarihan nating dalwa, at mabubuhay tayo ng payapa sa mortal world." Pinal na desisyon niya at saka niya niyakap ang reyna.

Kinabukasan.

Inihanda na ng anim ang mga gagamitin para makatakas si Shay at si Ransen. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig. Sobrang wagas ang pagmamahalan nilang dalawa. Nakakahanga lamang dahil kahit halos magkabilang dulo sila pinagtagpo at pinagtagpo pa din sila, at ngayon sabay silang lumalaban.

*

Hinigup ulit ako ng liwanag. Inilibot ko ang paningin ko, nasa palasyo pa rin ako.

Galit na galit ang sigaw ng mga charmer sa harap ng palasyo at nagtatapon sila ng mga kung ano-ano. Kita ko ang galit nila sa reyna dahil na din sa pagiging dark sorcerer nito. Gusto ko tuloy silang sigawan lahat na mabait at mayroon itong mabuting puso, hindi katulad ng naiisip nila.

Hindi naman nila alam ang buong istorya, bakit kailangan nilang magalit? Alam ba nila ang paghihirap noong dalwa? Kasi ako alam ko simula't sapul pa lamang ng pagmamahalan nila at sigurado akong totoo iyon.

Tuloy tuloy sila sa pag-sigaw na dalat daw ipataon na ang reyna sa umbra. Ang umbra ay lugar kung saan pinapatapon ang mga makakasalanang charmers pati na din ang mga ibang dark sorcerers, doon parusa ang kahaharapin nila at puro paghihirap.

"Katahimikan!" Sigaw ng isang kawal.

Tapos lumabas sa parang veranda si haring Ransen.

"Pinatalsik na ang reyna! Huwag kayong mag-alala. Pinatapon na siya sa Umbra. Bababa na din ako sa trono, at ipapasa ito sa kakambal ko. Nagtagumpay na kayo." Malakas na anunsyo nito at saka umalis doon.

Pumasok na muli si Ransen kaya sumunod ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ni Shaysil at ngumiti ng bahagya.

"Magiging maayos na ang lahat, Shay-Shay." Nakangiting wika ni Ransen kahit may luhang tumutulo sa mata niya. Ramdam ko ang sakit na dinadanas nilang. Sobrang nahihirapan sila.

"Napatalsik man tayo sa pagiging hari at reyna. Tandaan mo hinding hindi nila tayo mapapaghiwalay. Mahal na mahal kita, Shay Shay." Sabi ni Ransen saka hinalikan sa noo si Shay. Napangiti naman si Shay doon at saka sinabing mahal na mahal din niya ang asawa.

"Rolan at Elsa, kayo na ang magpatuloy ng iiwan naming kaharian. Ang magiging anak niyo alagaan niyong mabuti. Kayo na ang magiging Hari at Reyna ng palasyong ito, ng mundong ito. Sana malampasan niyo ang pagsubok na haharapin nyo. Ibinibigay ko sa inyo ang basbas ng pagiging hari at reyna." Pahayag ni Ran.

Lumuhod naman si Rolan at Elsa. Ransen chanted. A spell. Tapos iyong koronang nasa ulo niya, unti unting bumababa sa ulo ni Rolan. Ganoon din ang koronang na kay Shay unti unti ding bumababa sa ulo ni Elsa.

"A proclamation of new beginnings will start." Sabay sabay na bigkas nila, bago tumayo si Elsa at Rolan.

"Hail to king Rolan and Queen Elsa!" Masayang banggit ni Dalia. Pagkatapos ay lumabas sa veranda iyong dalawa at nagkaroon ng malakas na sigawan.

"Salamat sa inyo." Nakangiting sabi ni Ran at Shay, habang nakatingin kung nasaan si Rolan at Elsa.

Matapos noon bigla akong nawala dito sa palasyo at napadpad sa Enchanted Forest.

"Dalia, simulan mo na ang pagtatanggal sa kapangyarihan naming dalawa." Subalit bago pa man masimulan ni Dalia ang gagawin niya. Nahimatay na lamang siya bigla. Agad naman siyang nasalo ni Wilson. Nakita nila sa likod ni Dalia ang maliit na pantusok.

"May lason ito!" Agad inalis iyon ni Wilson. Nagkagulo sila dahil sa nangyari. Ako naman napalingon ay napalingon sa paligid. May nakita akong nakapalibot sa bawat puno na mga lalaking may saklob ng kapa.

"May dark sorcerer, nasa paligid sila." Alertong pahayag ni Ransen.

Hinawakan niya ang kamay ni Shaysil. "Hindi ko hahayaang masaktan ka Shay, kayong mag-ina ko. Proprotektahan ko kayo." Mahinang wika niya habang nakikiramdam sa paligid.

Sumugod ang mga dark sorcerer. "Itakas mo si Dalia, Wilson!" Sigaw ni mama Arisa. Agad naman tinakas ni Wilson si Dalia. Si mama Arisa naman at papa Seb pati na din si Shay at Ransen ay nakipaglaban sa mga dark sorcerer. Hindi nila inaasahan ang biglang pagdating nila.

Nasaksak si Papa Seb sa may balikat kaya't nahirapan siya sa pakikipaglaban. Tapos unti unti nawawalan na din silang ng lakas.

Si mama naman. Napagkaisahan ng mga dark sorcerer kaya't napaupo siya habang may nakalapat na espada sa leeg niya. Si Ransen naman hawak hawak si Shaysil na bumagsak.

Wala na silang laban, sa isang iglap lamang. Mga tuso talaha ang mga daek sorcerer na ito. Buntis si Mama Arisa at Shaysil pagkatapos hindi nila iyon inalintana.

Kahit nahihirapan pinilit pa din nilang makipag-laban hanggang sa... "Ransen!" Sigaw ng isang boses, napalingon agad ako sa pailigid at nakita ko si Haring Rolan, kasama si Reyna Elsa at kaunting kawal.

Agad nag-simula ang labanan dahil doon. Tinulungan at nilgitas ni Elsa si Mama Arisa na nasa bingit ng kamatayan kanina. "Salamat." Wika ni mama sa kaniya. Tumango naman biglang tungon si Elsa at saka sila buong pwersang nakipag-labang muli.

Habang nakikipaglaban silang lahat. Napatingin ako sa kabilang parte at doon ko nakitang Hinihigit ng dark sorcerer si Shay at pilit na pinapasok sa portal. Nakita iyon ni Ransen kaya't hinigit niya pabalik si Shay. Sigawan sila ng sigawan, labanan sila ng labanan.

Naipasok nila si Shay sa portal at dahil magkahawak kamay sila ni Ransen. Sabay silang napakapasok doon. Nakita iyon ni mama, kaya't sumunod siya. Nakita rin iyon ni papa, kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon ay napasama din sila.

Hahabol sana sina Elsa ngunit nawala na ang portal, napaupo na lamang silang sa lupa. Wala na. Nakuha nila sina Shay, Ransen, Arisa at Seb.

Naiwan si Rolan at Elsa sa Enchanted forest, sa kabutihang palad ay nasa maayos na kalagayn sila at natalo na ang lahat ng kalaban. Umiiyak si Elsa, dahil nangyari. Umuwi silang dalawa sa palasyo na may hinanakit.

***

Lumitaw ulit ang liwanag at hinigop ako nito.

"Ang iyong pinagmulan. Iyo ng matutuklasan." Wika uli ng tinig na kanina ko pa naririnig. Napantig ang tainga ko doon, iyon din iyong narinig ko kanina. Nag-buntong hininga na lamang ako.

Iniluwa ulit ako ng liwanag sa palasyong nakakatakot. Pagkatapos may nakita akong apat na charmer na may malalaking kadena habang hinihila sila.

"Pakawalan niyo kami!" Sigaw ni papa Sebastian. Subalit walang nakinig at pilit lamang silang hinila ng hinila hanggang sa nakarating sila sa isang kulungan. Doon sila ikulong, ngunit hiniwalay sa kanila si Shay.

"Shay!" Sigaw ni Ransen, noong pilit nilang paghiwalayin ang dalawa.

"Ran-Ran!" Umiiyak na sigaw ni Shay habang hawak hawak ang kamay ng asawa. Naipasok si Shay sa kabilang selda, mabuti na lamang at magkatapatan lamang iyon, ang problema nga lang... solo lamang si Shay.

Iniwan sila doon ng kawal na nag-sabi na hindi nila magagamit ang kapangyarihan nila. Wala silang magawa kundi maiyak na lamang dahil sa malupit na kapalaran na kanilang hinaharap.

Namayani ang katahimikan ngunit bigla na lamang sumigaw si Shay. "Aaah!" Napatingin sila kay Shay at naalarma, sumisigaw ito habang nakahawak sa kaniya tyan. Napa-luhod ako dahil sa nakikta ko.

Gustong-gusto lapitan ni Ransen si Shay pero hindi niya iyon magawa dahil sa mga bakal na humaharang sa kanila.

"Aaaah!" Sigaw uli ni Shay, kita ko sa kaniya na natatakot siyang baka may mangyari sa anak nila.

"Sshhh. Nagmamakaawa ako Shay, magpakatatag ka. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin, kapag nawala kayo sa akin." Umiiyak na pagmamakaawa ni Ransen saka inabot ang kamay niya kay Shay. Pilit naman inabot ni Shay at hinawakan ng mahigpit.

Patuloy ang pagbagsak ng luha ko. Ang sakit... Sobrang sakit.

Sobrang hanga talaga ako sa pagmamahal nila sa isa't isa. Magkaiba man ang dugong dumadaloy sa kanila. Masama man o mabuti ang lahi nila, hindi iyon naging hadlang para ipaglaban nila ang isa't-isa.

"Magpakatatag ka Shay, para sa anak niyo, para kay Prinsipe Ransen." Malumanay na wika ni Mama Arisa habang naka-hawak sa tyan niya.

"Seb. Mahal na mahal kita." Lumuhulang banggit ni Mama Arisa kay Papa Seb.

"Mahal na mahal din kita Arisa, kayo ng magiging anak natin." Tugon naman ni Papa Seb sa kaniya at saka niya ito niyakap.

Tumigil ang pananakit ng tyan ni Shay at mukhang nakatulog na din siya dahil sa pagod na nadarama.

Si mama naman nakadantay kay papa habang tulog silang dalwa. Si Ransen naman nakatitig lang kay Shay, na parang binabantayan ito.

Matapos ang ilang mga oras na nagpapahinga sila, bigla na lamang dumating ang reyna ng kga dark sorcerers, siya iyong nakita kong bumuhat kay Shay noong sanggol pa lamang ito. Hindi nagbago ang itsura nito, mukha pa ding nakakatakot subalit mukha pa ding bata at hindi nadagdagan ang edad.

Naalerto si Ransen lalong lalo na noong pumasok ang Reyna sa selda ni Shay at hinaplos nito ang pisngi ng anak niya.

"Bitiwan mo siya! Huwag na huwag mong hahawakan ang asawa ko." Galit na galit na sabi ni Ransen. Subalit, tumawa lamang ng nakakakilabot ang reyna kaya naman naalimpungatan at nagising na ng tuluyan si Shay.

Nanginginig itong lumayo sa sariling ina. Kitang kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. "Ynna. Ynna. Ynna. Ang tagal kitang hindi nakita, mahal kong prinsesa." Wika ng reyna at pilit na gustong yakapin si Shay, subalit umiwas lamang ito.

"Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas pa ni Shay.

"Ngunit anak..." Maamong sambit ng reyna ng kadiliman.

"Hindi mo ako anak, ayaw ko sa inyo. Masasama kayo!" Naiiyak na saad ni Shay, saka nagsumiksik sa pader upang makalayo sa sariling ina.

"Bali-baliktarin mo man ang mundo Ynna. Anak parin kita, at ako ang Ina mo. Prinsesa ka ng mga dark sorcerer at ikaw ang nakatakdang maging reyna dito." Matigas na sabi ng reyna.

"Kahit anak mo ako, hinding Hindi ko gugustuhing maging reyna dito! Hindi na kita kinikilalang ina simula noong ipilit mo sa akin ang mga bagay na hindi ko kayang gawin, simula noong---"

Hindi na natapos ni Shay ang kanyang sasabihin noong makatanggap siya ng isang malakas na sampal mula sa kaniyang ina. Napa-hagulhol at napa-hawak na lamang siya sa namumulang pisngi.

Napatayo naman si Ransen sa kabilang selda dahil sa nasaksihan. "Hayop ka, wala karapatan saktan ang mahal ko!" Nanggagalaiting pahayag nito.

Binalingan naman siya ng reyna at saka ito ngumisi sa kaniya. "Isang prinsipe, panganay na prinsipe. Naging Hari subalit napa-talsik ng dahil kay Ynna." Mapangutyang saad ng reyna.

"Wala akong pagsisihan sa lahat ng nangyari, sahil mahal na mahal ko si Shay!" Sigaw ni Ransen dito, subalit tumawa lamang ito ng nakakatakot.

"Aaaaah!" Malakas na sigaw mi Ransen noong kuryentihin siya ng reyna. Electricity rin ang kapangyarihan nito, parang doon sa dark sorcerer kanina na nag-ngangalang Dave.

"Itigil mo iyan!" Halos magwalang tili ni Shay, habang umiiyak. Si mama at si papa naman ay nanatiling nanginginig sa isang tabi at makapagsalita sa nangyayari, marahil ay nanatakot din sila.

Tumigil ang reyna sa ginagawa niya at umalis doom saka pinasarhan ulit ang selda sa isang kawal. Bumagsak agad si Ransen sa nangyari, mabuti na lamang at nasambot siya ni mama at papa.

"Ran!" Sigaw ni Shay. "Ran maayos ka lamang ba? Parang awa mo na, huwag ka ding magpapatalo para sa anak na'tin." Nag-aalalang sabi nito sa kaniya. Tumango si Ransen kahit hirap na hirap na at saka nawalan ng malay.

Natahimik lamang ang lahat at pawang hibik lamang ang naririnig ko. Kung anong nararamdaman nila parang nararamdaman ko na din. Awang awa ako sa kalagayan nila. Ganito pala ang mga kalaban, walang puso, kahit anak mo pa mismo ang pahirapan mo, wala silang paki-alam. Kaya siguro ganoon na lang ang kagustuhan ni Shay para maka-alis sa puder nila.

Nanatili kaming nakatulala lahat hanggang mayroon nanamang pumasok dito sa selda. Noong una ay nagtaka pa ako kung sino ito, subalit parang namukaan ko siya at saka ko naalala ang nakababatang kapatid ni Shay, si Ysa.

"Kamusta ka na, mahal kong kapatid? Mabait ka pa din? Tsk, hindi bagay sa'yo." Iiling iling na wika nito at saka tumaas ang sulok ng labi.

"Ysa. Parang awa mo na tulungan mo kami. Patakasin mo kami Ysa." Pagmamakaawa ni Shay.

Tumawa lamang ang kapatid niya, na tila walang paki-alam kahit pagkamatayan pa. "Mag-dudusa ka, Ynna." Huling wika nito bago tuluyang umalis sa kulungan.

*

Parang nag-fast forward ang panahon sa panunuod ko. Araw araw kinukuha ng mga kawal sina Papa Seb at Ransen pagkatapos ay inuutusan at pinahihirapan, samantalang si Mama Arisa at Shaysil ay unti-unti ng limalaki ang tyna, laking pasasalamat ko na lamang noong hindi sila pinahihirapan alang alang na lamang sa sanggol na dala dala nila sa sinapupunan.

Habang walang ginagawa si Shay, nakikita ko kung paano niya praktisin ang hindi niya kabisadong kapangyarihan ng pagiging dark sorcerer.

Ang alam ko kasi sa history ng charm world at beelzebub world, kapag daw isa ka daw royal blood ng mga dark sorcerer mayroon ka daw hidden power, kaya naman sa dalawa ang taglay mong kapangyarihan kapag isa kang royal blood dark sorcerer.

Nahihirapan na sila sa sitwasyon nila. Kabuwanan na din ni Mama at ni Shay, nagsimula na din ang digmaan sa pagitan ng dark sorcerer at charmer. Palakad palakad lamang ako ng hindi mapakali dahil sa mga nasasaksihan ko. Wala kasing ganito sa history ng charm world.

Hindi nadidiscuss na mayroon palang hari at reyna na napatalsik at higit sa lahat na nagkaroon pala sila ng reyna na dark sorcerers. Ang sinabi doon ang pinagsimulan ng digmaan ay para sa kapangyarihan. Iyon naman pala kaya nagkaroon ng digmaan ay dahil sa alitan ng dalawang panig lalong lalo na at ang ugat nito ay ang pagmamahalan ni Shay at Ransen.

Hindi ko maiwasan maluha kapag naiisip ko iyon. Ano ba kasing paki-alam nila kung prinsesa si Shay ng dark sorcerers at prinsipe si Ransen ng charmers? Hindi ba pwedeng silang dalawa ang maging dahilan para magka-isa silang lahat? Bakit ang ginawa nila ay kabaliktaran? Ganito na lamang ba lagi? Puro kakitidan ng utak ang pinapairal?

Mababaliw na ata ako kaiisip ng kung ano ano, dahil sa nakikita ko ngayon, unti-unti kong naiintindihan ang lahat na kailangan ko ding maging malakas, na kailangan mabuting puso ang mangibabaw sa akin at higit sa lahat dapat hindi ka manghuhusga basta basta dahil hindi mo alam ang pinag-daanan nila simula pa lamang.

Mabuti ka naman o masama, lahat ng iyon may ugat.

Natigilan ako sa paglalakad at pag-iisip noong dumating si Papa Seb at si Ransen na sobrang duguan. Hindi namin alam pero ipinasok si Ransen sa selda ni Shay.

"Ran-Ran..." Umiiyak na sabi ni Shay at saka niyakap ang asawa. Ito nanaman ang mga luha ko, nag-uunahang magpatakan. Awang awa ako sa kanilang dalawa.

"Alam ko hindi na ako magtatagal Shay. Subalit ito ang tatandaan mo, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng anak natin. Protektahan mo siya at palakihin mo ng may mabuting puso. Ang key of hearts. Ipinapamana ito sa mga panganay na anak. Ibigay mo ito sa kaniya. Tandaan mo mahal na mahal ko kayong dalawa, hinding hindi ko kayo pababayaan..." Hinihingal na sabi ni Ransen pagkatapos inabot kay Shay ang key of heart, habang unti unting pumikit ang mga mata niya.

Nanginig ako sa kinatatayuan ko noon. Hindi, mali ang nasa isip ko, hindi naman iiwan ni Ransen ang mag-ina niya hindi ba? Matutulog at magpapahinga lamang si Ransen... Iyon lamang iyon.

Pinilit ni Ransen na imulat ulit ang mga mata niya at pilit na inabot ang pisngi ni Shay at saka siyang umimik... "Mahal na mahal kita hinding hindi ako mag-sisisi na ikaw ang pinakasalan ko, at ikaw ang naging reyna ng buhay ko." Hinalikan niya ito sa labi matapos niyang sabihin iyon.

Matapos lamang ang ilang sandali, kitang kita ng mga mata ko kung paano, bumagsak ang kamay ni Ransen na parang wala ng buhay at doon na nag-simulang mag-sisigaw si Shay.

"Ransen!" Punong puno ng paghihinagpis na sambit niya.

Napa-upo ako sa sahig dahil doon. Nanginginig ko ding tinakpan ng kamay ko ang mukha ko. "Ransen naman e, bakit mo ininwan si Shay?" Hindi mapigilang banggit ko habang humahagulhol.

"May anak kayo oh, hindi pa nga siya sinisilang iniwanan mo na siya. Hindi mo ba alam na maari siyang magtampo sa'yo?" Tuloy ko pa. Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon, parang binibiak ang puso ko. Ang lupit naman kasi ng nangyari sa kanila.

Kung sa akin sobrang sakit na paano pa kaya kay Shay? Sa kaiiyak niya, unti-unti nawalan siya ng malay.

*

Naging mahirap ang mga sumunod na araw para kay Shay. Kahit wala ng buhay ang katawan ni Ransen. Ayaw niyang mawalay ito sa kaniya. Para siyang patay na pero pinipilit niyang mabuhay para sa sanggol sa sinapupunan niya. Parang iyon na ang naging lakas niya.

Tinanggal niya ang bracelet at lumabas ang tattoo niya sa leeg. "Anong ginagawa mo Shay?" Tanong ni Mama Arisa.

Tinitigan ni Shay si Mama. Shay is a manipulator, hindi lamang simpleng manipulator, siya na ata ang naka-abot sa pinaka-mataas na lebel biglang isang manipulator. Kaya niyang manipulahin ang mg bagay bagay.

Nagplano si Shay kung paano hindi magaganap ang propesiya. Sinasabi kasi sa propesiya na ang batang ipapanganak sa gitna ng digmaan ay mamatay o kaya naman ay gagamitin sa kasamaan.

Nakita iyon ni Shay at ang batang tinutukoy sa propesiya ay ang anak ni Haring Rolan at Reyna Elsa o kaya naman ay ang anak nila ni Ransen, subalit mas nakakasigurado sila mama Arisa at Shay na anak iyon ni Elsa at Rolan dahil na din ipinakita nito ang palasyo ng charm world.

Kaya naman sa bawat tinginan nila napagkasunduan nila na proprotektahan nila ang anak noong dalawa para na din maging maayos ang lahat, at hindi ito mapahamak.

Lumipas nanaman ang mga araw at sumakit ang tyan ni mama Arisa, noong una akala ko simpleng pananakit lamang iyin, subalit unti-unti natauhan din ako na manganganak na ito. Mag-solo niyang tiniis ang lahat ng sakit habang pinapakalma at tinutulungan siya ni Shay at papa Seb sa lahat ng paraan na makakaya nila

Habang nanganganak si mama hindi ko maiwasan na maisip na baka ako iyong sanggol na ipapanganak niya, kahit alam ko naman sa sarili ko na ampon lamang ako.

Natataranta si Papa Seb habang pinapaanak si Mama Arisa. At matapos ang paghihirap, mayroong iniluwal na sanggol si Mama Arisa. Nagtaka ako noong wala akong marinig na iyak.

Binuhat ito ni Papa Seb habang may tumutulong luha sa mga mata. Niyakap niya ito, at umiyak si Papa ng umiyak. Doon nag-sink sa utak ko ang lahat. Iyong sangggol na ipinanganak ni Mama Arisa... patay na sanggol.

Nag-luksa silang tatlo dahil sa nangyari, dumadagdag iyon sa stress at lungkot na nararamdaman ng bawat isa. Awang awa ako kay Mama dahil matapos ang nangyari hindi siya maka-usap at pag-iyak lamang ang maririnig mo sa kaniya.

*

2 linggo ang lumipas. Patuloy pa din sila sa paghihirap subalit naging matatag sila kahit papaano. Doon ako humanga ng sobra sa kanila. Kung ako siguro ang nasa kalagayan nila, baka mas pinili ko na lamang ang mamatay. Ngunit, sila pinilit nilang magpakatatag at pinipit nilang ituloy ang walang kasiguraduhan na buhay nila.

Dapat maging ganiyan din ako katatag at kalakas, sana kayanin ko din ang mga mangyayari sa buhay ko. Sana bigyan din ako ng lakas ng loob sa hinaharap.

Maya maya lamang bigla na lamang sumigaw si Shay habang umiiyak. Nataranta si Papa Seb at Mama Arisa, lalong lalo na at nakahiwalay ito ng selda.

Bawat tili ni Shay, katumbas noon ang sakit sa puso. Unti-unti dumugo ang ibabang parte niya. Mangangak na ata siya. Habnag sumisigaw siya ng sumisigaw, hindi ko maiwasan magdasal na sana maayos iyong magiging anak nila at buhay.

Para kasing sobrang lupit na kapag nagaya pa sa anak ni Mama Arisa ang anak nila ni Ransen. Wala na ngang buhay si Ransen at bangkay na lamang ito sa katabi niya, huwag naman pati sana anak niya iwan pa siya. Iyon na lamang kasi ang lakas niya.

Iyak siya ng iyak, at halata ang pag-hihirap niya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit kahit alam kong hindi niya iyon mararamdaman. "Kaya mo iyan, Shay. Kaya mo." Bulong ko pa sa kaniya, habang humihiling na sana marinig niya ako.

Ilang sandali lamang, tumigil si Shay sa pag-sigaw at saka niya nakita ang sanggol malapit sa paanan niya, agad niya itong kinuha kahit hirap na hirap siya, agad umiyak ang sanggol dahil doon. Para akong nakahinga ng maluwag noong makita ko ang baby na iyon. Napangiti na lamang ako.

"Isang prinsesa." Lumuluhang sambit nito, at saka dahandahang sumilay ang isang matamis at totoong ngiti sa labi. Ito ang unang ngiting totoo na nakita ko sa kaniya matapos mamatay ni Ransen. Napatayo ako dahil doon.

"Anong pangalan ang ibibigay mo sa kanya?" Malumanay na tanong ni Mama Arisa na mayroon ding maligayang ngiti sa mga labi.

"Ayisha... Ayisha Ryleen."

Napa-atras ako panandalian sa kinatatayuan ko. Unti-unti ding nanikio ang dibdib at lalamunan ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig dahil sa narinig ko. Unti-unti din akong napaluhod dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Ang mga nasaksihan kong paghihirap? Pakiramdam ko nanginig ang buong katawan ko. Parang may isang libong espada na tumusok sa puso ko. Kaya ba ako apektado ng sobra sa mga nakikita ko? Kaya ba sobrang sakit na lamang sa akin ng pagka-wala ni Ransen---nang a-ama ko?

Naguunahang pumatak ang mga luha ko. Nasaksihan ko ang lahat lahat ng paghihirap ng magulang ko. Ang pagkamatay ng ama ko sa kamay ng dark sorcerer. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit?

Mahal na mahal nila ang isa-t isa. Bakit kelangan danasin nila ang hirap na yun? Mababait at may mabuting puso naman sila hindi ba? Bakit sila pinahirapan ng ganoon?

Ang tunay na Ina ko, umiiyak siya ngayon kahit mayroong nakangiti ng dahil sa akin. Ako ba talaga ang sanggol na hawak niya?

"Ayisha Ryleen. Napakagandang pangalan, Shay." Wika ni mama Arisa.

"Iyan kasi ang gustong ipangalan ni Ransen, sa anak namin kapag babae. Kahit papano gusto kong tuparin iyon. Isa sa mga huling kahilingan niya." Malumanay na tungon ng totoo kong ina.

Napayakap ako sa Ina ko dahil doon. Kaya pala... kaya pala pamilyar ang mukha ni Ran---ni ama, dahil kamukha ko siya, ngayon ko lamang na realize na magka-mukha pala talaga kami.

Habang yakap ko sa likod si Ina, nakita kong ngumiti ang sanggol na ako. "Tingnan mo, Arisa. Ngumiti siya, mukhang nagustuhan niya ang pangalang bigay sa kaniyang ama." Sa simpleng katagang iyon, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng ina at ama ko. Sa simpleng ngiti lamang ni ina, ramdam ko ang nag-uumapaw na saya.

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kaniya na para bang ayaw ko ng lisanin pa ang pagkakayakap sa kaniya. Kahit sa ganitong paraan lamang gusto ko siyang makasama. Gusto kong maghagkan ang tunay kong ina.

"Sisimulan na natin ang plano." Madiing banggit ni Ina. Tumango naman si mama Arisa sa kaniya. Pagkatapos inilagay ako ni ina sa isang lampin at isinuot sa akin ang key of hearts.

Pagkatapos biglang nawala si Mama Arisa sa kulungan. Napatingin ako sa ina ko. Siya ang may gawa noon, sigurado ako. Ginagamit na niya ang kapangyarihan niya biglang dark sorcerer.

Kahit may kadena ka, basta dark sorcerer ang kapangyarihang gagamitin mo maari kang magagamit ng kapangyarihan. Kaso ang kapangyarihan ni Ina na pang dark sorcerer ay teleportation lamang. Subalit, ang sarili niya hindi niya makakayang iteleport, ibang bagay at nilalang lamang niya ito kayang gawin.

Hindi ko pa din binibitawan ang pagkakayap ko kay ina. Nagsalita siya matapos humugot ng malalim na hininga.

"Mapatawad mo sana ako kung hindi ako ang magpapalaki sa sa'yo. Gusto ko lamang bigyan ka ng maayos na buhay, anak ko..." Pagkatapos niyang sabihin iyon niyakap niya ang sanggol na ako ng mahigpit.

Gustong gusto kong sumigaw noong oagkakataon na iyon, na mas gugustuhin ko siyang makasama at iba pa, subalit pumaibabaw sa akin ang pagmamahal, na hahayaan ko siyang mag-desisyon at patuloy ko pa din siyang mamahalin kahit anong mangyari dahil ang gusto lamang niya ay ang kaligtasan ko.

Mahal na mahal kita Ina... Mahal na mahal ko kayo ni ama...

Gusto kong magwala sa galit noong unti-unti akong maglaho sa harap ni ina, at higupin ng liwanag subalit wala na akong nagawa. Pinagmasdan ko na lamang ang paligid at nakita kong nasa palasyo ako.

Nasa isang kwarto ako habang sumisigaw si Elsa--- o ang tiyahin ko? Natataranta naman si Haring Rolan na kakambal ng ama ko.

May nagpapaanak kay Reyna Elsa. Lumapit ako sa kanila. Nakita ko ang mukha ni Mama. Si mama ang nagpapaanak kay Reyna Elsa, kaya siguro siya nawala kanina doon sa kulungan.

Kinuha niya ang sanggol at bigla siyang naglaho. Pagkatapos ay sabay kaming napadpad ulit sa kulungan.

"Akin na ang sanggol mo Arisa." Naglaho ulit ang sanggol ni mama na patay na.

"Ipapadala ko siya kay na Elsa, anong gusto mong sabihin sa kanila?" Tanong ni Ina. Gumawa naman ang sulat si mama at mukang isinama iyon sa namatay na sanggol.

"Ibibigay ko sa inyo ang anak ko. Iteteleport ko kayo papunta kayna Dalia. Kayong apat nina Seb ang mag-kikita kita doon. Pangalagaan mong mabuti ang anak ko, Arisa paki-usap ko na sa iyo iyon, mahal n amahal ko siya. Mahal na mahal. Itong anak naman nina Elsa. Ibigay mo kayna Dalia. Sila na ang bahalang magpalaki sa kaniya. Sana maging ligtas ang dalawang prinsesa namin." Umiiyak na sabi ni mama.

Hinalikan niya ako ulit bago ibigay kayna mama.

"Ngunit paano ka Shay?" Tanong ni Mama Arisa kay Ina. Umiling lamang si Shay ng malungkot at saka tumango na parang sinasabi na magiging maayos din siya.

"Ako na ang bahala sa sarili ko, mabuti pa at umalis na kayo dahil baka dumating na ang mga kawal at malaman nilang ginagamit ko ang kapangyarihan ko." Sabi ni Ina.

"Ingatan mo ang anak namin Arisa. Ipinagkakatiwala ko siya sa'yo." Huling banggit ni Ina na mayroong lungkot sa mga mata at saka naglaho sina mama, papa, at ang dalawang sanggol.

Pagkawala nila. Humagulhol na ng iyak si Ina, pagkatapos ay dumating ang Reyna ng dark sorcerers. Tiningnan nito ang paligid at napansin niya na wala ang sanggol na anak ni ina.

"Asan na ang apo ko?" Wika nito.

"Wala. Patay na siya." Walang buhay na sabi ni Ina, habang hindi nakatingin sa kaniya.

Napalingon ang reyna sa kabilang selda at nakita na wala ng tao doon, agad siyang naalarma at tumawag nang napakaraming kawal, samantalang malungkot at walang buhay na nakatalukipkip lamang si ina sa isang tabi.

*

Matapos ang pangyayaring iyon, hinigup ulit ako ng liwanag at napapunta ako sa Enchnated forest. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko nakita si papa si mama, si Dalia at si Wilson at ang dalawang sanggol.

"Kunin niyo ito at ituring na anak niyo. Hindi ko na sasabihin kung sino ba talaga ang sanggol na ito, basta palakihin nyo siya ng may mabuting puso." Sabi ni mama kay Dalia.

"Anong pangalan niya?" Tanong naman ni Wilson.

"Kayo na ang bahalang magbigay ng pangalan sa kaniya. Dalia, maari mo ba kaming tulungan? Maari mo bang tanggalin na ang kapangyarihan naming dalawa at dalhin na sa mortal world, para mabuhay ng normal?" Tanong ni papa, agad namang tumango ng marahan si Dalia.

"Si Shay? Asan si reyna Shay?" Malumanay na tanong ni Wilson.

"Si haring Ransen, nasaan siya?" Dugtong ni Dalia.

Umiling si mama, at saka kinuwento ang mga nangyari. Wala silang nagawa kung hindi umiyak.

"Ito ba ang anak nila?" Tanong ni Dalia. Habang tinuturo ang sanggol na hawak hawak nina mama. Tumango naman si Mama bilang tungon. "Siya nga." Sabi ni Papa na mayroong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.

"Napakagandang prinsesa, kamukhang kamukha siya ng ama niya. Pati ata si Rolan kamuka niya." Mahinanong saad ni Wilson.

"Dalia, ikaw na ang bahala sa sanggol na iyan, alagaan at ituring mo sana siyang tunay mong anak. Maari mo na bang gawin ang hinihiling namin?" Wika ni mama. Tumango naman si Dalia at sinimulan ang ritwal.

"May katauhan na kayong dadatnan sa mortal world. May ala-ala din na mabubuo doon. Ngunit hindi niyo pa din makakalimutan ang mundong ito. At ang karanasan niyo dito. Lalabas na ampon nyo ang sanggol ni Shay, dahil sa hindi kayo magkaanak. Mabubuhay kayo ng normal doon. Sana maging maayos ang lahat sa inyo." Huling paalam ni Dalia. Bago tuluyang mawala si Mama at Papa kasama ako.

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ako napapunta sa mortal world at kung paano napapunta sa akin ang key of hearts. Kung sino ba talaga si mama Arisa at papa Seb. Pati na din kung sino ba talaga ang tunay kong mga magulang. Malinaw na malinaw na.

Matapos noon agad na umalis si Dalia at Wilson dahil baka may makakita pa sa kanila. Pumunta sila sa isang liblib na lugar.

"Kung tumakas na din kaya tayo at pumunta sa mortal world?" Marahang tanong ni Wilson kay Dalia.

"Mabuti pa nga." Sagot naman ni Dalia na mayroong maamong ekspresyon sa mukha, siguro ay iniisip niya ang kapakanan ng sanggol dahil mayroon pa ding digmaan na nagaganap.

Gumawa si Dalia ng portal at nakarating sila sa mortal world. Siguro doon na din muna sila maninirahan pansamantala. Nakarating sila sa isang bahay medyo maliit iyon, subalit maayos naman. Pumasok sila doon kaya't sumunod ako.

Nilalaro noong dalawa iyong sanggol, napangiti naman ako noong makita ko itong ngumiti sa kanila. "Anong ipapangalan natin sa sanggol?" Tanong ni Wilson na may halong pagkasabik ang boses.

"Yzabella." Nakangiting tugon ni Dalia.

"Fyzerille." Kasunod na banggit ni Wilson.

"Yzabella Fyzerille Ylleshia." Sabay na sabi nila.

"Gawin na lamang nating Gartone ang apelyido niya, dahil nagpapakalayo layo nanaman tayo. Maging siguro, tayo Gartone na din ang gamitin na apelyido." Wika pa ni Wilson na madling sinang-ayunan ni Dalia.

"Simula ngayon, ikaw na si Yzabella Fyzerille Gartone." Nakangiting banggit nila, na mukhang ikinatuwa naman ng sanggol.

Sa mga katagang iyon, hindi ko mapigilang manghina at mamangha. So all this time... Kasama namin ang prinsesa ng charm world? Kaya pala... Kaya pala kaugali ni Reyna Elsa si Bella at kaya pala magkamukha silang dalawa...

Hindi ko mapigilang mapaluha. Si Bella pala ang anak ni Haring Rolan at Reyna Elsa. Siya pala ang prinsesang matagal ng nawawala... Hindi man lang iyon pumasok sa isip ko.

Samantalang ako... Ako pala ang prinsesa ng beelzebub? Ako pala ang prinsesa ng dark sorcerers?

All along, I'm a half charmer half dark sorcerer. And I think that's my hidden identity. Patuloy ang pag-bagsak ng luha ko dahil sa mga nalaman ko. Gusto kong mag-break down...

Patuloy pa ako sa pag-absorb ng mga nangyayari noong bigla na lamang mayroong humigop sa akin na liwanag at napunta ako sa madilim na lugar at saka ako nakarinig ng isang munting tinig.

"Ngayong alam mo na ang tunay na katauhan mo, sana mangibabaw parin ang mabuting puso mo, tulad ng ina mo. Tandaan mo mahal na mahal ka niya. Gayundin din ang ama mo." Unti-unti nakita ko ang itsura noing kanina pa umiimik, si Mama Arisa pala iyon. Gusto ko pa sana siyang yakapin subalit bigla na lamang siyang naglaho.

At kasabay noon pagsilaw ng napakatingkad na liwanag sa akin mga mata.

"You'll face demise for you to see the light."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 71.2K 200
(Twisted Wonderland X Fem! Reader) Y/n Wonderlin, the first girl in her family's bloodline. Her family is well known, even back then. Even tho she ma...
35 0 21
A girl named Amy Kenshi was choosen to be a student at a magic school called Heart Academy. She's surely gonna remember this adventure forever. (This...
108 0 93
The world is unraveling-and this time, the loom isn't in control. Mireya never asked to be a symbol. She only wanted the freedom to shape her own pat...
91.3K 3.7K 33
Post overblot, Riddle learns that love often fails to follow expectation. I do not own Twisted Wonderland or any of its characters. They belong to D...
Wattpad App - Unlock exclusive features