Kabit

By jaysanj

838K 30.4K 9.9K

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. GXG More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 4

25.9K 1K 590
By jaysanj




Acey's POV

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakatingin kay Maru na nagbubukas ng gate. Lumabas si Lorenzo ng bahay at pinuntahan si Maru na nasa tabi na ng sasakyan. Nag-uusap sila hanggang sa pumasok na ng sasakyan si Maru at umalis. Naiwang nakayuko si Lorenzo sa labas.

Umalis ako sa pagkasandal sa pader at tumungo sa kama. Pinatay ko ang ilaw ng lampshade at natulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may trabaho pa akong gagawin sa bookstore ko. Tumungo ako sa kusina. Nakita ko si Kevin na mag-isa lang sa kusina.

"Good morning little boy. Nasaan ang Daddy mo?" tanong ko sa kanya.

"Tulog pa po. Tita, I'm hungry." sabi nya. Nako, ako pa sinabihan nya ng ganyan, wala akong alam sa pagluluto kahit pa magprito ng hotdog ay hindi ko alam.

Napakamot ako ng ulo. "Hindi ako marunong magluto, little boy. Magpadelivery na lang tayo. Kung hihintayin pa natin ang Daddy mo ay baka hindi na 'yon kumain dahil mala-late sya sa trabaho." sabi ko at tumawag sa Mcdo at umorder ng breakfast meal.

"Tita, matagal na po ba kayo magkakilala ni Daddy?" tanong ni Kevin nung matapos akong tumawag sa Mcdo.

"Yeah, why little boy?" umupo ako sa harap nya. Humalumbaba ako sa lamesa at tumingin sa kanya.

"Nakita ko po kasi kayo sa year book ni Daddy." sabi nya. Tumango tango ako.

"Since high school magkaibigan na kami ng Daddy mo. Lampa kasi ang Daddy mo noon at ako ang tagapagtanggol nya." napangisi ako nang maalala ko ang high school days namin.

"Totoo po?" natawa ng mahina si Kevin sa nalaman nya.

"Yes, lagi syang binubully noon at dahil mabait ako ay tinutulungan ko sya. Doon kami nag-umpisa maging magkaibigan. Nerd kasi ang Daddy mo noon kaya laging binubully." sabi ko. Hindi mahahalata sa itsura ngayon ni Lorenzo na binubully sya dati dahil sa gwapo na ito ngayon at may muscles pa, may abs pa nga 'yon eh.

"Nakita ko nga po sa mga pictures ni Grandma." natatawang sabi ni Kevin. Siguro hindi nya aakalain na ganon ang Daddy nya non. "Hmm...yung love story nila ni Mommy alam ninyo po ba? hindi kasi nila sinasabi sakin ang love story nilang dalawa." sabi nya at nag-pout. Ang cute.

"Bakit naman? dapat sinasabi nila 'yon." nakibitbalikat sya. "Hindi ko rin alam kung paano naging sila, nag-ibang bansa ako after naming grumaduate, so, hindi ko alam kung ano ang kwento nila. Ngayong taon lang ako nakabalik ng pilipinas." sabi ko.

"Kung ngayon lang po kayo bumalik sa pilipinas. Paano po kayo nakapagpatayo ng kompanya?" naguguluhan nyang sabi. I chuckled dahil sa kacute-an ni Kevin. He's like her mother.

"Pinamana sakin ng mga magulang ko?" tanong na sagot ko. Napangiti ako. "Masyado na kasing matanda ang mga magulang ko kaya ibinigay nila sakin ang kompanya. Tutal mahilig akong gumawa ng mga storya ay ayun ang ibinigay nila sakin." sabi ko.

"Masyadong matanda? ilang taon na po ba ang parents ninyo, Tita?" napangiti ako dahil masyado syang naguguluhan sa simpleng sagot ko lang at lahat napapansin nya.

"Hmm...seventy years old?" hindi ko siguradong sagot. Nakalimutan ko na kung ilang taon na sila pero tanda ko pa ang birthday nila.

"Ilang taon na po ba kayo?" matanong ang batang 'to ah.

"Thirty-three years old, bunso sa doseng magkakapatid." sagot ko na baka itanong nya din kung pang ilan ako sa magkakapatid.

"Dose po?" natawa ako sa reaction nya. Gulat na gulat.

"Yes, sipag nila ano?" natatawang sagot ko. 

"Ang dami nyo pong magkakapatid." nakakunot noong sagot nya. Hindi ko napansin sa kanya ang inggit na marami kaming magkakapatid. Nasabi sakin ni Lorenzo na ayaw na nyang magkaanak pa si Maru dahil nahihirapan itong manganak, baka ikabuwis buhay pa ni Maru at ng magiging anak nila kung pipilitin pa nilang magkaanak. Kaya hindi ko nakikitaan ng inggit si Kevin na sya lang ang anak nila Lorenzo.

Nakarinig kami ni Kevin ng kalagpag sa itaas ng bahay na parang nagmamadali. Siguradong si Lorenzo 'yon dahil mala-late na sya kung hindi pa sya kikilos. Saktong dumating na ang delivery boy ng Mcdo kaya may pagkain na kami. Inayos ko ang pagkain para makakain na kami.

"I have to go na. Mala-late na ako" nagmamadaling lumapit samin si Lorenzo. Humalik sya sa pisngi ni Kevin.

"Daddy, si Mommy po?" tanong ni Kevin na nagpatigil kay Lorenzo. Napabuntong hininga sya bago sagutin si Kevin.

"Kasama ng Ninang Jelly mo pero nasa shop na ngayon 'yon. Kung gusto mo, puntahan mo sya mamaya tutal wala ka naman pasok ngayon." sabi ni Lorenzo.

"Nag-away po kayo?" napatingin ako kay Kevin.

Tama nga si Lorenzo, matalinong bata si Kevin. Alam nya kung ano ang nangyayari. Katulad kahapon, habang naglalaro kami ng chess ay napansin ko syang nakatingin sa itaas, nung una hindi ko alam kung bakit sya nakatingin doon pero nung marinig ko ang sigaw ni Maru ay alam ko na, na nag-aaway sila ni Lorenzo at nag-aalala si Kevin dahil doon.

"No, of course. Bakit naman kami mag-aaway ng Mommy mo?" tanong ni Kevin. Humigop ako ng kape ko.

"Bakit po umiiyak si Mommy?" balik na tanong nya sa Daddy nya. Napatigil muli si Lorenzo dahil doon. Sa tingin ko nakakahalata na si Kevin sa nangyayari.

"I have to go na. Behave to your Tita Acey, okay?" pag-iiwas ni Lorenzo. Hinalikan nya si Kevin sa noo bago lumabas ng kusina.

Tinignan ko si Kevin. Nakayuko sya dahil wala syang nakuhang sagot sa Daddy nya.

"Kain na, little boy. Pupuntahan natin ang Mommy mo." sabi ko na lang para gumaan ng loob nya. Ayokong makitang malungkot si Kevin.

"Tita, ayokong nakikitang malungkot si Mommy." malungkot na sabi nya. Hindi ako nakasagot agad.

"Then let's make her happy." sabi ko.

"Paano po?"

"Hmm...dalawin natin sya sa shop nya tapos invite natin syang lumabas?" suggestion ko. Hindi ko alam kung paano papasayahin ang Mommy nya lalo na mainit dugo non sakin.

"Sige po! tapos punta tayo sa bookstore. Mahilig sa libro si Mommy." sabi nya. Mabuti naman ngumiti na sya.

"Good. Kumain ka na dyan para mapuntahan na natin ang Mommy mo." sabi ko.

"Opo!" excited na sagot nya. Gustong gusto nya talagang pasayahin ang Mommy nya.

Nagpaalam na muna ako saglit sa kanya. Tinawagan ko ang secretary ko para sabihin sa kanya na i-cancel lahat ng meetings ko at appointment ko ngayong araw dahil hindi ako papasok ngayon.

Pagkatapos naming mag-usap ng secretary ko ay napatingin ako sa isang picture frame na nakasabit sa pader. Family picture nila, lahat sila nakangiti lalo na si Kevin na sobrang laki ng ngiti. Tumingin ako sa ibang picture frame. Tumigil ako sa picture frame na si Maru lang nandon. Hindi ito nakatingin sa camera, stolen shot kung baga, nakatingin sya sa magandang view ng dagat habang nililipad ang buhok nya dahil sa hangin. Ang ganda ng pagkakuha ng picture nya dito.

"Ang ganda ni Mommy 'no?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Kevin sa tabi ko. Tumingin ulit ako sa picture frame.

"Nah, she's cute." napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon. Ganon pala ang epekto nya sakin. Napangisi ako.

"Tita, maliligo lang po ako tapos alis na tayo." sabi nya at pumanik sa kwarto nya. May sarili syang banyo sa kwarto nya.

Excited na talaga sya. Pumanik na rin ako sa kwarto na tinutulugan ko tsaka naligo. After kong maligo, nagbihis ako ng white v-neck na tinernuhan ko lang na checkered polo na tinupi ko hanggang siko tapos jeans at boots. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok at kumuha ako ng shades.

Lumabas ako ng kwarto nung matapos kong mag-ayos. Hinintay ko si Kevin matapos sa sala nila. Tinext ko kay Lorenzo naaalis kami ni Kevin at pupuntahan ang asawa nya. Napairap ako. Tsk...asawa, maghihiwalay rin sila.

"Tita, let's go!" sabi ni Kevin pagkababa.

"Naks, terno tayo ah?" magkaiba lang ng kulay ng polo long sleeve namin pero pareho kami ng style. "Let's go"

Lumabas kami ng bahay at nilock para walang makapasok. Habang naghihintay ako kanina ay nag-book ako ng Grab dahil wala naman akong kotse, motorbike lang pero hindi ko naman hahayaan na makasakay si Kevin don.

"Tita, gwapo po ba ako?" napataas kilay ko sa tanong ni Kevin. "Gusto ko kasing gwapo ako sa harap ni Mommy." nakangiting sabi nya. Napailing ako.

"You look handsome, little boy. Kasing gwapo mo lang ang Daddy mo." sabi ko. Ngumiti sya at hindi na sumagot.

Nakarating kami sa shop ni Maru. Sa labas pa lang ay maganda na ang pagka-design ng shop nya. Pumasok kami sa loob na agad kaming binati ng mga nagtra-trabaho roon. Tumingin ako sa paligid. Ang ganda nagpakaayos ng mga bulaklak parang garden lang kung titignan at hindi masakit sa ilong ang amoy. Kadalasan kasi na shop ay naghahalo-halo ang amoy ng mga bulaklak kaya masakit sa ilong ang amoy pero sa shop ni Maru ay hindi, mabango pa nga eh.

"Mommy!" tumingin ako kanila Kevin. Gulat ang reaction ni Maru nung makita si Kevin pero napalitan ng saya ito kinalaunan.

"Anong ginagawa mo rito?" masayang tanong ni Maru sa anak nya.

"Mommy labas tayo please?" sabi ni Kevin. Natawa naman si Maru.

"Sige, sige, lalabas tayo. Eva, ikaw na bahala rito, okay?" sabi ni Maru sa isa nyang workers. Tumango yung Eva raw. "So, let's go?"

"Yes!" naglakad sila palabas pero nung makita ako ni Maru ay napatigil sya at nagtataka kung bakit nandito ako pero halata rin na may galit sya sakin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nya.

"Mommy, kasama si Tita Acey satin." nakangiting sabi ni Kevin. Napakunot noo si Maru.

"Let's go, sayang ang oras." sabi ko at pinagbuksan sila ng pinto ng shop. Ayaw pang gumalaw ni Maru pero hinila sya ni Kevin kaya lumabas na kami ng shop.

May sasakyan si Maru kaya ayun ang ginamit namin papunta sa mall. Si Maru ang driver habang nakaupo ako sa passenger seat at si Kevin ay nasa likod. Kinakausap ni Kevin ang Mommy nya kung bakit umalis sya ng walang paalam kay Kevin pero sinagot lang ito na minamadali sya ng Ninang ni Kevin.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Tahimik na rin si Kevin dahil naglalaro na ito ng cellphone ni Maru. Nakarating kami ng mall na hindi kami nag-iimikan ni Maru. Katulad kanina ay parang nakalimutan na nilang may kasama pa sila dahil masaya silang naglalakad sa mall habang ako ay nakasunod lang sa kanila.

Nailing ako at sinuot ang shades. Nakapamulsang sumusunod lang ako sa kanila. Masayang masaya si Kevin habang kung ano-ano ang pinagsasabi kay Maru na masayang nakikinig naman kay Kevin. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil para silang walang problemang dinadala sa sayang nararamdaman nila.

Pumasok sila sa isang store. Naghintay lang ako sa labas dahil wala naman akong bibilhin at nakakatamad ng tumingin tingin. Napansin ko ang mga taong dumadaan na nakatingin sakin. Napangisi ako. Alam kong ang hot kong tignan, wag naman masyadong halata.

"Tita." nakabusangot na lumapit sakin si Kevin.

"Oh bakit? nasaan ang Mommy mo?" tanong ko dito.

"Ayun oh, may panget na umaaligid sa kanya." sabay turo kung nasaan si Maru. May panget nga na umaaligid kay Maru, naiinis na ang mukha ni Maru dahil sa panget na sinasayang oras nya.

Lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko ang bewang ni Maru at inilapit sakin. Napatingin ito sakin pero hindi ko pinansin.

"May problema ba tayo panget este pre?" tanong ko kay panget.

"Ano sabi mo? panget? bulag ka ba?" napairap ako kahit alam kong hindi nya mahahalata dahil naka-shades ako.

"Tingin ka sa salamin pero ingat lang baka tamaan ka ng salamin kapag nabasag." sabi ko at hinila si Maru paalis kay panget. Mabuti na lang ay hindi kami sinundan ng panget, minura nya lang kami pero hindi ko na lang pinatulan.

"Wow, feeling close?" sabi ni Maru at tinanggal ang kamay ko sa bewang nya. Napangisi ako.

"Hindi ba close ang tawag na magkadikit tayo?" imbis na sagutin nya ako ay inirapan nya lang ako at lumabas ng store. Napangisi at nailing akong sumunod sa kanya.

Sabay sila ni Kevin maglakad. Sumabay na rin ako sa kanila at iniligay sa bewang ni Maru ang kamay ko pero tinanggal nya pero dahil makulit ako ay binalik ko ulit. Sinamaan nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya. Tinanggal nya ulit pero binalik ko ulit.

"Ano ba?" mariin pero bulong na sabi nya. Nakitbitbalikat ako at inilapit sya sakin. Nanlaki ang mga mata nya at sinamaan ako ng tingin. "Ano bang problema mo huh?"

Lumapit ako sa kanya at bumulong sa kanya. "Wala." hinalikan ko ang tainga nya.

"Shit." napangiti ako sa reaction nya. Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan ang mukha. Tumingin sya sakin, nanlaki ang mga mata nya dahil sobrang lapit lang namin. Nag-iwas agad sya ng tingin pero hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng mukha nya.

"Cute." bulong ko ulit sa kanya. Napahawak sya sa kamay kong na nasa bewang nya ng mahigpit.

"Stop." mariin syang napapikit. Napangisi ako.

"So, ito pala ang kahinaan mo?" bulong ko pa din sa kanya. Hinalikan ko ang tainga nya. Hinawakan ko ng maayos si Maru dahil nanghihina na ito. Napangisi ako dahil ganito palang nagagawa ko sa kanya ay nanghihina na sya.

Paano pa kaya kung...napasmirk ako at tumingin kay Maru. 

Sa kama na.





---------------------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

489K 18.7K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
116K 2.5K 18
Dice and Madisson
377K 5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...