Title: The Woman in White
Story: If I Fall / This Might End Up A Story
Pairing: Cyrus Casabueno / Barbara Ramirez
Setting: future (post-TMEUAS)
Prompt: Wedding dress
Disclaimer: (Kailangang medyo mahaba ‘to. Haha!) Hindi ako aware sa kantang Wedding Dress ni Taeyang nung naisip ko ‘tong prompt. Connected ba ang kantang ‘to sa story? We’ll see :>
Again, this is not a companion piece to If I Fall / This Might End Up A Story. Hindi nirereflect ng one shot na ‘to ang magiging kapalaran ng Bayrus sa TMEUAS. Kumalma kayo, okay? HAHAHA.
Para sa Team Umaasa, labyu.
**
The color red will always remind him of her.
**
Isa sa ginagawa niya during his pastime ay ang mag-assin ng kulay para sa mga taong interesting sa taste niya.
Yellow – cheerful
Blue – emo/serious
Brown – down to earth
Green – open minded
Orange – matakaw
Violet – caring
Gray – unknown
Siya ang gumawa ng sarili niyang color wheel of personality, at yan ang mga madalas niyang ginagamit na kulay for classification. Madali lang naan para sa kanya ang mag-assign ng kulay. Usually basis niya ang first impression niya sa tao. Kilala siya sa Charleston Academy kaya hindi naging mahirap sa kanyang lapitan ang interesting people.
Paulit-ulit na ang mga kulay na ginagamit niya sa mga taga-Charleston. Nangunguna ang yellow, sumunod ang brown, violet at green. Once na may naassign na siyang kulay, mas madali na siyang makibagay sa taong ‘yon.
That’s why it took him almost three years to pick a color for Barbs.
**
Ilang beses na niyang nakikita at nakakasama noon sa iisang room si Barbs. Palagi niya itong inoobserbahan pero wala siyang mapiling kulay para dito. Lahat kasi ng usual colors sa kanyang personality wheel ay akma para sa kanya:
Yellow - wagas kung makatawa sa kung anu-anong bagay kahit hindi naman talaga nakakatawa
Blue – madalas niyang nakikitang nag-eemo ito sa classroom, at once sa rooftop
Brown – Kahit obvious na gutom na gutom siya, binigay ni Barbs ang huling piraso ng torpedo sandwich ni Ate Mayaman sa isang bata
Orange – pero sa normal na araw nangunguna ito sa paghingi ng extra extra rice
Violet – lalo na sa mga kabarkada at sa Charleston Ravenettes
Green – lahat na lang binigyan ng double meaning. At siya lang ang babaeng kilala niya na tumatawa pag naririnig ang number 69
Gray – at kahit anong gawin niyang pagmamasid, he doesn’t get her most of the time
Nahirapan siya sa pagpili. Kulang pag isang kulay lang, parang hindi kumpleto ang personality ni Barbs. OA naman pag nilahat niya. Ngayon lang siya nahirapang pumili ng isang kulay.
Then one day, during their CAT training (3rd year), he finally picked one.
Red.
**
Extroverted, optimistic (minsan lang naman, madalas pessimistic si Barbs), courageous, confident..
Center of attention (kahit pinagpipilitan niyang non-conformist siya)
Ambitious and competitive
Impulsive, always in a hurry
Agrressive and easily to get angry (all the time but somehow she’s tolerable)
Strong need for power and control (case in point, CAT & Charleston Herald)
Know-it-all, not wanting to appear unintelligent or ignorant
Overactive ego
Satisfied siya sa personality description para sa red people, saktong-sakto kay Barbs.
May isa pa siyang dinagdag, the night when he realized he’s in love with her.
Red symbolizes her ability to love people In her own unconventional way. Red represents her heart.
**
If I were getting married, gusto ko ng red wedding gown,” she told them one night, alongside poker, mixed drinks, poor karaoke song choices and curse words. Barbs looked half-serious, half-amused for some reason. Red wedding kung red wedding. George R. R. Martin can kiss my feet.
Si Barbs yan, alam bilang lahat na nagbibiro lang ito (Yuck, ikaw ikakasal? Kelan pa pumuti ang uwak girl?). It took them almost a decade of training ng Barbara Ramirez Sarcasm 101 para maintindihan ang kaibigan. She was very vocal about her stance against marriage. Never akong magpapakasal, itaga niyo pa yan sa lahat ng bato dito sa mundo.
She had a fair share of flings and boyfriends throughout the years, and he knows them all. Karamihan sa kanila hindi niya gusto, may ilang dumaan na kaselos-selos.
Wala namang sineryoso si Barbs sa mga lalaking ‘yon. They come and go ang drama nito sa mga lalaki. She never shed a tear for them. After all, napagod na siya sa kakaiyak para sa isang lalaki years back. Never again.
May mga pagkakataong sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Barbs. He hurt her so bad a decade ago. Ilang taon din niyang sinikap na makuha ‘yun ulit.. at sobrang nahirapan siya.
**
Once, tinanong niya si Barbs (lasing ata silang dalawa nun, with friends of course) kung siya ba ang dahilan ng attitude nito towards guys.
Barbs raised an eyebrow and threw him her Seriously? stare. “Come on, Casabueno. That was so high school! Why dwell on juvenile things? Drink up, old guy.”
And she smiled at him.
50-50 siya noon kung maniniwala ba siya o hindi.
**
I’ve never met a guy who could potentially and literally sweep me off my feet. All of them are stupid, anyway. I don’t want to waste my time and energy to nonsensical things. Someone for everyone? That’s bullshit. I am my own person. I could live on my own.
Kaso isang umaga, kinain ni Barbs ang lahat ng sinabi niya.
**
Barbs is still a girl (or woman). Sumagi na rin sa isip niya ang what if.. may taong nakalaan para sa kanya (itatanggi niya yan, but people around her know better). Isang beses pa lang siya nasasaktan sa buhay niya, at dahil dun ayaw na niyang umulit pa.
She eventually moved on with her life and on to different guys. Yet she kept cautious, not giving her all. Deep inside lies a hope, that someday, somebody could prove her wrong. That someone is worth risking for, worth fighting for.
Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti siyang nawalan ng pag-asa. Pare-parehas lang na lalaki ang nakilala niya. Gusto lang niya ng kasamang kumain at taga-hatid sa bahay pagkatapos ng trabaho. Oo, masaya naman siya sa company ng mga naging boyfriend niya.. pero lagi siyang malungkot pag nadadatnang walang naghihintay sa kanya sa apartment pag-uwi.
She never liked surprises.
But he surprised her in the most appealing way possible.
**
It took her two years, a very spontaneous wedding proposal and the perfectly imperfect guy to change her mind.
I’m wearing white. Baka i-condemn ako ng pari pag hindi ako nagsuot ng white wedding dresss, a very sober and blooming Barbara Ramirez told them during a lunch date. It was a week after he proposed, and everyone’s still stoked about her getting married. No one saw this one coming.. ever. Pati nga si Barbs, hindi pa rin makapaniwala na nagpauto siya sa proposal na ‘yun. She has doubts about the wedding (of course, she’s Barbs. She’ll doubt everything)but the unfamiliar yet heartwarming weight on her left ring finger washes those fears away.
Nakagawian na sa barkada nila na mag-assign ng iba’t ibang tasks para sa mga importanteng okasyon sa buhay nila. Si Janine ang nagprisintang magdesign at manahi ng gown ni Barbs. Wedding music and band ang sagot ni Rocky. Sa wedding invitations nakatoka sina Chester at Vivien. Si Wes naman ang bahala sa venue ng kasal at reception.
In the middle of the tasking, Barbs looked at him and smiled.
She’s too happy it could be a crime.
**
He never thought the color white could fit her, too.
People with white personality are
neat and immaculate with their appearance
have impeccable standards
discreet
cautious, practical and careful with money
can be quite sexually prudish
Hindi naman sa sinasabi niyang hindi ganyan si Barbs (Boy, was she even prudish!), pero mas bagay sa kanya ang red. In his eyes, she’ll always be a red girl in a white dress.
White wedding dress.
The thought of her wearing one makes him happy and sad at the same time.
**
Ayaw mo bang..
Come on, Casabueno. Just say it. Hindi ako magagalit, girl’s scouts honor!
Naaahh.. don’t mind me.
Sige, mag-inarte ka. Lalo akong magagalit sa’yo.
Akala ko ba hindi ka magagalit?
You’re stalling. Now say it.
Hindi mo ba.. hindi ba pumasok sa isip mo na.. magbackout?
And waste the money? You’ve got to be fucking kidding me!
Hindi nga, seryoso. Never mong naisip na magbackout?
Listen to me, okay? Yes, I’m damn impulsive. Sabi mo nga dati ako ang pinakaimpulsive na taong nakilala mo ever. Pero itong desisyong magpakasal? Hindi ‘to impulsive move. I’m serious about this, about us. Of all people, I didn’t expect you to doubt my intentions.
I’m sorry. Naninigurado lang ako.
Seryoso talaga ako dito, Cyrus. To the point na natatakot na ako, but not enough to run away. This is life long commitment for fuck’s sake! Ni ako hindi ko naimagine na aabot ako sa ganito. Sobrang out of body experience ‘to para sa’kin. Pero.. fuck. I feel great!
What made you decide on this?
She smiled again, which made him uneasy for a moment. Mas dumalas na ang pagngiti ni Barbs compared nung mga teenager pa sila. It’s a good thing for her, mas gumaganda siya pag nakangiti.
I just woke up one day and realized why it never worked with anyone else.
**
Maraming beses na siyang kinabahan sa buong buhay niya.
Bawat basketball game (Ravens at Maroons), college graduation (cum laude), engineering board exam (pasok sa top 10), unang beses magdrive, unang date (with Tatin), unang araw sa trabaho.. lahat ng firsts niya.. matinding kaba ang naramdaman niya.
Walang panama ang kabang nararamdaman niya ngayong araw kahit pa pagsasama-samahin ang mga kabang naramdaman niya dati.
Siya nga lang ata ang sobrang kinakabahan sa lahat ng tao sa loob ng simbahan. Ang iba sobrang excited makita si Barbs na nakawedding gown. Kagabi pa siya nacucurious kung anong itsura ni Barbs sa wedding gown nito. Bawal makita ang bride the night before the wedding! he heard Rocky say last night before they part ways.
Sa isip niya wala pa ring tatalo sa nakapulang Barbs. Nagsisisi tuloy siya na kulay silver na gown ang ibinigay niya dito noong JS Prom nila. He never had the chance to see her in a red dress. Maybe after the wedding, pwedena—
Come on, Casabueno. Man up.
Mixed emotions siya ngayon. Gusto niyang umiyak, tumawa, magalit, magcelebrate.. lahat na. Minsan lang siya maging irrational, at ito na ang pinakapeak nun.
Everyone’s happy around him. Bakit siya.. hindi?
Pre ano, ready ka na? bulong sa kanya ni Wes. Ang tagal namang magsimula nito! Init na init na ako dito!
Wag ka nga! extra ni Chester na halatang excited na rin. Mas mainit pa nung kasal mo noh! Hindi nga kami nagreklamo nun eh!
Akalain mo yun, yung bato nating prinsesa.. ikakasal na, parang naluluha na si Wes. Masama bang sabihin na never ko ‘tong inimagine?
Natawa si Chester. Siraulo! This is really unexpected but what the hell. At least she’s very happy, right?
Yung kaba niya kanina?
Napalitan na ng sakit.
**
Binalikan niya ang usapan nila ni Barbs kahapon ng tanghali. Nagkasabay silang kumuha ng tubig sa may kusina. Ilang araw na rin silang hindi nag-uusap. Busy si Barbs sa wedding preparations at siya, may tinatapos na project sa firm nila.
I’m sorry, yan ang bati sa kanya ni Barbs after three seconds of awkwardness.
Bakit naman?
Chineck muna ni Barbs ang paligid bago siya sumagot. I don’t know. Feel ko lang magsorry sa’yo.
You’re getting married tomorrow, Barbs. Stop fucking with my feelings.
I stopped doing that years ago. You’re the one with self-inflicted issues here.
Parehas silang natigilan. Ang ayos ng atmosphere kanina, tapos ngayon naging aggressive at unfriendly na.
You’re getting married.
I know. I’m the bride, remember?
Red looks good on you.
Did you know I hate red? she giggled. He loved that sound for years. Too bad he can’t hear that forever.
Basta, bagay lang sa’yo. Dapat red gown na lang suotin mo.
That would make me a heretic.
Regine Velasquez wore red.
She’s rich. I’m not.
Mayaman naman mapapangasawa mo eh.
Not a gold digger, bro.
He stared at her for a moment, trying to memorize her face. Kabisado naman talaga niya ang mukha ni Barbs. Natatakot lang siya na baka isang araw paggising niya, makalimutan na niya ang mukha nito.
You know that I l—
I know. You always have.
I won’t stop.
I know. I’m not asking you to. But at one point you must stop. Hindi ko alam kung kelan dadating yun, o kung dadating man.. pero Cyrus.. I’m happy. This is the happiest I’ve ever been.
I know. I can see it.
Thank you for understanding. We’ve been through a lot, and I’m very grateful you stayed.
Thank you, too. For everything.
**
Paggising niya kaninang umaga, isa lang ang narealize niya.
Starting from today, the color white will always remind him of the love he lost.
**
Masokista raw siya, sabi sa kanya ni Vivien nung malaman nitong aattend siya sa kasal ni Barbs. Pwede naman siyang hindi umattend ng kasal. Maiintindihan naman ng buong barkada at ilang kakilala yun. His feelings for her were never a secret, up until three years ago when the guy who swept Barbs off her feet came into the picture. Ilang beses niyang pinaglaban ang sarili kay Barbs pero hindi ito tinanggap.
Marunong naman siyang sumuko. Kaso mahirap gawin.
Tumugtog na ang banda, signal na mag-uumpisa na ang kasal. Kahit nasasaktan na siya ay nagawa pa niyang mapangiti. Tinotoo nga ni Barbs ang gusto nito na Fix You violinversion ang bridal march niya.
Hindi napigilan ng bridesmaids (Janine and Rocky) at ng maid of honor (Vivien) ang mapaiyak. At last, this is happening.
Siya? Mas sumikip ang dibdib niya. He’s surprised, may mas malala pa pala sa hindi paghinga.
Totoo pala yun. Lahat ng mga importanteng alaala mo ay biglang magfa-flash bago ka mamatay. He’s not really dying, pero kung eto ang feeling ng unti-unting pinapatay.. masakit pala. Nagpapanggap na buhay sa labas, patay na sa loob.
Iiyak ba siya? Hindi. Gustuhin man niya alam niyang magagalit sa kanya si Barbs. This is her day, their day. Regalo na lang niya sa kanila ang hindi pagsira ng kasal nila.
She looked so beautiful in white, he realized as she walked slowly towards the aisle. Ayaw niyang tingnan si Barbs. Ayaw niyang masaktan.
Lagpas na siya sa quota ng sakit sa buong buhay niya ngayong araw.
Pigil-hinga siya nang dumaan si Barbs sa harapan niya. She didn’t even turn to look at him. Nasa iisang tao lang naman ang focus ni Barbs ngayon. At hindi sa kanya yun.
The couple rendered the crowd speechless.
With that, Barbs smiled at her groom.
That smile.
That painfully happy made him accept the thing he feared the most.
That she wasn't, and will never be, his.
xxx
Bati na tayo, friends! Next prompt: TDG / Ken & Jill back story! :) See you tomorrow sa Pop Fiction Fest! <3