POSSESSIVE 16: Titus Morgan

By CeCeLib

56.1M 1.1M 258K

Titus Morgan had only three important things in his life. His friends, his mother and the wealth that he was... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 18

1.4M 33.8K 9.6K
By CeCeLib

Happy Birthday Ninah Mendoza. Hello sa igkaso waray ko si Iscah Gana Cayoyong. And Hi to Aminah Pajota 👋👋👋👋


CHAPTER 18

TITUS FELT HIS WORLD collapse on him when he got home to his condo, and no one was there. It was a mess. Lahat ng mga kagamitan ay nasa sahig, sira ang buong unit niya. Nang umakyat siya sa second floor, nanghihinang napaluhod siya ng makitang may nagkalat na dugo sa kama. Hindi niya alam kung kanino iyon at natatakot siyang mag-isip na baka kay Mace iyon. O, sa anak niya!

"Hindi naman tayo sigurado na nakuha nga nila—"

"Sa tingin mo, kayang lumaban ni Mace at Ace kina Escarial?" Walang buhay na boses niyang tanong saka nanghihinang napaupo sa gilid ng kama at napasabunot sa sariling buhok. "Mababaliw na ako, Nate. Mababaliw na ako!" Kumuyom ang kamao niya at malakas siyang sumigaw sa pinaghalong takot at pag-aalala na nararamdaman niya para sa mag-ina niya.

Kapagkuwan ay tumayo siya. "Kailangan ko silang hanapin." Wala sa sariling sabi niya at pumasok sa walk-in closet para kunin ang baril na itinago niya.

"Morgan, mag-isip ka nga." Boses iyon ni Nate na sinundan pala siya sa closet. "Saan mo siya hahanapin, ha? You're not thinking right again!"

Galit na humarap siya kay Nate. "I'm not thinking, right? Of course, I'm not!" Galit niyang sigaw. "My five years old son and my cara mia are both in the hands of my enemy—"

"Hindi tayo sigurado diyan!"

"What if they are?!" Balik niyang sigaw sa kaibigan. "Mahihibang ako, Nate. Hindi ko kakayaning mawala sakin ang mag-ina ko! Hindi ako papayag! Hindi ko sila hahayaang saktan ang dalawang taong nagparamdam sakin ng walang pagsidlang kaligayahan! I will look for my son and Mace! I will find them even if it's the last thing I'll do!"

Lumabas siya ng closet habang hawak ang dalawang uri ng baril sa makabilang kamay niya. Handa na siyang makipaglaban ng patayan para sa mag-ina niya. Gagawin niya ang lahat para sa mga ito. Hindi niya hahayaang mapahamak ito sa kamay ng mga kaaway niya.

"Morgan! Please, think. This is what Emmanuel wants!" Sigaw ni Nate mula sa likuran niya. "Ba-blackmail-lin ka niya gamit ang anak mo at si Mace para magpatalo ka sa laro. Napakaraming tao ang umaasa sayo—"

Bigla siyang humarap kay Nate dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita. "If he blackmailes me with Mace and my son, I'll surrender without a fight, Nate. That's my son we're talking about and my cara mia. I'll die for them. I will do everything in my power to secure their lives, and if that means losing the game, I'm willing to lose."

Bumagsak ang balikat ni Nate saka napailing-iling. "Paano kung hindi sila nadakip nila Escarial?" Hope was present in his voice.

Mas lalong tumalim ang mga mata niya. "Kung ganun, magdasal sila sa lahat ng santong kilala nila, pero hindi pa rin iyon sapat para makaligtas sila sa mga kamay ko. I. Will. Kill. Each. And. Every. One. Of. Them." He was gritting his teeth as he spoke in lividness. "Walang akong ititirang buhay sa kanilang lahat, kasama na roon ang pinuno nila. Ibang usapan na kapag ang mga mahal ko sa buhay ang na-agrabyado. Hindi ako tatahimik nalang, Nate, at hahayaan sila. I love my son, and heck, I love my ca—" Malakas siyang napamura at nagsalita ulit. "I will not stop haunting those bastards until my family is safe in my arms. So, either you stay here and be angry at me for being irrational or help me make those bastards pay."

Mariing ipinikit ni Nate ang mga mata saka inilabas ang itinatagong baril sa likod ng beywang ng pantalong nito kapagkuwan ay kinasa nito iyon at tumingin sa kaniya. "Let's make those bastards pay, bud."

Tumango siya at lumabas sila ng condo. Itinago muna nila ang baril na dala sa isang attache' case saka sumakay sa elevator. Nang makalabas sila ng condominium, kaagad silang sumakay sa kotse niya na nakaparada sa parking lot at pinaharurot niya iyon paalis.

Hindi pa sila masyadong nakakalayo sa condominium ng tumunog ang cellphone niya.

It was Phoenix.

Sinagot niya ang tawag at inilagay iyon sa loudspeaker. "Hey, bud, what do you want?"

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Phoenix na nasa kabilang linya bago nagsalita. "Alam mo, nakakatampo ka na talaga."

Nagsalubong ang kilay niya at mas nadagdagan ang iritasyong nararamdaman. "Wala akong oras sayo, Nix--"

"Bakit hindi mo sakin sinabi na may mag-ina ka na pala?"

Nagtagis ang bagang niya. "I don't have time for you, Nix. I'm looking for my son and Mace--"

"Good. Then come to my house. Now."

Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya. "At bakit naman ako makikinig sayo? Marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko pa silang hanapin--"

"Kasama ko sila ngayon."

Parang namingi si Titus sa narinig at malakas na inapakan ang preno ng sasakyan dahilan para mabunggo ang likod ng kotse niya pero hindi naman ganon kalakas.

"Anong ibig mong sabihin?" Humigpit ang hawak niya sa manobela. "Nix, if you are fucking with me, I will really shoot you in the head—"

"Dinala sila ni Pierce dito sa bahay ko kahapon," ani Phoenix at parang nabawasan ang lahat ng galit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon at nakahinga siya ng maluwang. "Kailangan daw nila ng proteksiyon at sabi niya mag-ina mo raw. Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi kita ma-contact. Buti nalang tumawag sa akin ang contact ko sa embassy para sabihing may dumating na isang Faris Titus Morgan Ivanov kaya naman tinawagan kita kaagad. So come to my house—"

Hindi na niya pinatapos si Phoenix at pinatay niya ang tawag saka nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan patungo sa Bachelor's Village. Desperado na siyang makita ang mag-ina niya kaya hihiramin niya ang chopper ni Yilmaz para makarating kaagad sa Baguio.

He needed to see his son. He needed to see his cara mia.

"MISS MACE."

Tumingin si Phoenix sa kaniya. Nakaupo ito sa sofa at bakas pa ang mga pasa nito sa mukha. Kapagkuwan ay bumaling ito sa anak niya. "Little kid, come on, follow me." Kuha ng kaibigan ni Rios sa atensiyon nila, ito ang siyang may-ari ng bahay kung nasaan sila mula pa kahapon. "Sa rooftop tayo."

Hinawakan ni Mace ang kamay ni Ace saka sumunod sila kay Phoenix.

Dinala sila sa bahay nito ni Rios pagkatapos nilang makatakas kay Escarial nuong isang araw. Mabuti nalang at nakalaban siya ng pasukin ni Escarial ang condo ni Titus. Tatlo lang naman ang pumasok sa condo at kasama na doon si Escarial. Madali lang ang mga itong talunin sa laban lalo na't tumulong ang isa sa dalawang tauhan ni Titus.

Unang tumakbo si Ace palabas at sumunod siya. Hinabol siya nila Escarial hanggang sa elevator, buti nalang at sumara iyon kaagad.

Nang makalabas sila ng condominium, kaagad silang sumakay ng taxi patungo sa Bachelor's Village. Si Rios pa nga ang nagbayad sa pamasahe nila sa taxi dahil wala siyang nadalang pera. Lahat ng importanteng gamit niya at papeles ay naiwan sa condo. At nang sabihin niya kay Rios ang nangyari, kaagad siya nitong dinala sa helipad ng BV at pinasakay sa helicopter saka dinala rito sa bahay na ito sa Baguio.

"Mama, nandito na ba si papa?" Mahina ang boses na tanong ni Ace sa kaniya habang naglalakad sila.

"Hindi ko alam, anak." Ginulo niya ang buhok ni Ace. "Sana nandito na siya." Umaasa din siya na sana si Titus ang sakay ng helicopter na naririnig niya mula sa loob ng bahay.

At nang pasakay na sila sa elevator ng bahay ni Phoenix, nakita niya si Princess Rhoana na naglalakad palapit sa kanila.

Nang makita niya ang babae ng unang dating nila rito, saka lang niya naintindihan ang lahat, sa tulong na rin ni Rios na siyang nagpaliwanag ng ibang hindi niya alam.

Princess Rhoana and Phoenix Martinez fell in love with each other while Rhoana was still Titus' fiance. At nanalo si Phoenix sa flamma challenge kaya marami itong pasa sa katawan, dahilan para hayaan ng pamilya Ivanov na i-uwi ni Phoenix ang prinsesa dahil ang usapan ay usapan.

And seeing how regal looking Princess Rhoana was, she felt small all of the sudden. Ito ang dating fiance ni Titus at napakaganda nito. Bagay na bagay sa titulo nitong Prinsesa. E siya, hindi yata kayang makipaglaban ang ganda niya sa ganda nitong taglay.

"Phoenix," pigil ni Princess Rhoana o mas kilala sa pangalang Red sa kasintahan nito. "Diba sinabi ko sayong magpahinga ka? Saan ka na naman ba pupunta? Mahigit isang linggo ka palang na nagpapahinga. You promise me you'll rest and—"

"Baby." Sinalubong ni Phoenix si Red saka ginawaran ito ng halik sa mga labi. "I need to do this. For Morgan."

Napatitig sa kaniya si Red saka bumaba ang tingin nito sa anak niya. Kapagkuwan ay lumambot ang mukha nito. "T didn't told me that he has a son. That man has always been secretive, even after three years of being his fiance." Bumuntong-hinga ito saka nginitian siya at ibinalik ang atensiyon kay Phoenix. "Sige, pero pagkatapos nito, magpahinga ka naman. Puwede ba, baby?"

Tumango si Phoenix saka nginitian si Red. "I promise, baby. I will rest after this."

"Good." Red smiled. "Now, I'll be in the kitchen. Tutulungan kong magluto si Pierce."

"Don't let that man touch you." May babala sa boses ni Phoenix habang nakasunod ang mga mata nito kay Red na naglalakad na palayo. "I'll cut his hands off if I saw him touching you, baby."

"Yeah, yeah, whatever." 'Yon ang tanging tugon ni Red na lihim niyang ikinangiti.

Phoenix clicked his tongue. "Tingnan mo ang babaeng 'yon, porke't mahal ko siya, ginaganito na ako," mahinang bulong ni Phoenix bago ito sumakay sa elevator. "Come on."

Kaagad namang sumakay ang anak niya, saka sumunod siya. Habang bumiya-biyahe pataas ang elevator, nagtanong si Ace kay Phoenix.

"Tito Phoenix, nasa taas po ba si papa?"

Phoenix smiled at her son. "We'll see, kid."

Nang bumukas ang pinto ng elevator, kaagad na yumakap sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin ng Baguio at ang tonog ng helicopter kanina ay unti-unti nang nawawala.

Kaagad na pinalibot niya ang tingin at parang tumigil sa pagtibok ang puso niya ng makita si Titus na nakatitig sa kanila. He looked relieved when he saw Mace and his son.

"Papa!" Sigaw ni Ace ng makita si Titus saka mabilis na tumakbo ito patungo sa ama na kaagad namang sinalubong ng mahigpit na yakap ni Titus at binuhat ito.

"Kiddo..." Pinupog ng halik ni Titus ang nuo at pisngi ni Ace at niyakap ito ng mahigpit habang nakatitig sa kaniya. "Cara mia..."

Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Titus at hindi niya pinigilan ang sarili. Mahigpit siyang yumakap sa beywang ni Titus at ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito.

"Cara," he whispered as he kissed her temple. "God help me, I was so worried of you and Ace. Para akong mababaliw sa pag-alala sa inyo." Yumakap ang malaya nitong braso sa katawan niya saka hinapit siya palapit dito. "Sana tinawagan mo ako, para akong nahihibang sa pag-alala. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa inyo."

Mas ipinagsiksikan pa niya ang sarili kay Titus at halos isang minuto din silang nagkayakapang tatlo bago kumawala sa isa't-isa.

At nang maghiwalay ang mga katawan nila, hindi nakaligtas sa mga mata ni Titus at pasa niya sa braso. Iyon yong parteng sinipa ni Escarial.

"Ano 'to?" Madilim ang mukhang tanong ni Titus sa kaniya habang masuyong hinahaplos ang pasa niya. "Sinong may gawa nito sayo?" Nagtatagis ang bagang nitong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin. "Wala 'yan—"

"Hindi 'yan wala, Mace." Bakas ang galit sa boses nito. "Sinaktan ka niya!" Pinipigil nito ang sariling sumabog sa galit. "Sinaktan ka niya, Mace. Papatayin—"

Tinakpan niya ang bibig ni Titus gamit ang kamay niya saka pasimpling tinignan si Ace na nakikinig sa kanila. Kaagad namang nakuha ni Titus ang ibig niyang sabihin kaya naman inalis niya ang kamay na nakatakip sa bibig nito.

"Takot na takot kami ni Ace," pag-iiba niya ng usapan. "Akala ko makukuha na kami ni Escarial. Takot na takot ako, mabuti nalang nakatakbo kami."

Hinaplos ni Titus ang pisngi niya saka hinalikan siya sa mga labi. "Nandito na ako. Hindi ko na kayo iiwan ulit. I'm sorry I left. I'm so sorry."

Yumakap siya ulit kay Titus. "Mabuti nandito ka na. Nag-alala rin ako sayo."

"I'm fine, cara," bulong sa kaniya ni Titus saka bumaling ito sa anak nilang karga-karga nito. "How about you? Are you okay, kiddo?" Tanong ni Titus kay Ace habang hinahaplos ang pisngi nito. "Natakot ka ba sa mga bad guys? Sinaktan ka ba nila?"

"Hindi nila ako nasaktan, papa, si mama lang," pagkuwento ni Ace habang nakayakap sa leeg ni Titus at nakahilig ang ulo sa balikat ng ama nito. "Pero natakot ako kasi wala ka doon para iligtas kami. Pero buti nalang magaling si mama ko makipag-laban. Nakatakbo kaming dalawa."

Nagtatanong ang mga matang tumingin sa kaniya si Titus.

She gave him a tight smile and changed the topic. "Buti nalang nakasakay kami kaagad sa taxi at nakapagpahatid sa Bachelor's Village ng ligtas."

Ilang segundong tinitigan siya ni Titus bago ito tumango saka hinagod ang likod ng anak. "Thank God, you're okay." Bumaling ito kay Phoenix na walang imik na nakamasid lang sa kanila. "Thanks, bud."

Phoenix smiled. "I think we're even."

Titus rolled his eyes. "Let us in and we will be even."

Mahinang tumawa si Phoenix saka nauna nang naglakad pabalik sa elevator at sumunod naman sila kaagad. Nang makasakay silang lahat, bumaba iyon sa ikalawang palapag ng bahay. Nang bumukas ang elevator, si Phoenix lang ang lumabas at humarap ito sa kanila.

"Magpapahinga na muna ako, baka mabatukan na ako ng baby ko kapag nakita pa akong pakalat-kalat," anito. "I still feel like I'm beaten up."

"You we're beaten up," natatawang sabi ni Titus.

Mahinang natawa si Phoenix. "Yeah, I am."

Napailing-iling nalang si Titus saka pinindot ang close button ng elevator. Nang sumara iyon, hinatid siya no'n sa unang palapag ng bahay. Nang makalabas sila, naglalad-lakad sila, buhat-buhat parin ni Titus si Ace at parang may hinahanap ito hanggang sa makapasok sila sa kusina kung saan naroon si Red at Rios.

"Hey," pukaw ni Titus sa atensiyon ng dalawang abala sa pagluluto.

Nang makita ni Red si Titus, bumukas ang kasiyahan sa mukha ng dalaga at mabilis itong lumapit kay Titus saka niyakap ang binata.

"T! How are you?" Tanong ni Red kay Titus.

"I'm fine, Red."

At dahil nakamasid lang si Mace, parang may kumurot sa puso niya ng makitang lumambot ang mukha ni Titus habang yakap si Red. Kinain ng selos ang puso niya pero ganoon na lamang ang pag-awang ng labi niya sa gulat ng hawakan ni Ace si Red sa balikat saka tinulak palayo kay Titus.

"Don't hug my papa, Miss Red," anang anak niya habang nakasimangot ito. "My papa is for my mama only."

Lahat sila na nasa kusina ay natigilan. Kahit si Rios na naghihiwa ng gulay ay napatigil sa ginagawa at napatingin kay Ace.

Si Red ang unang nakabawi sa pagkabigla.

"I'm sorry, baby," hingi ni Red ng tawad sa anak niya saka pinanggigilan ang pisngi nito. "I'm sorry I hugged your papa." Kapagkuwan ay bumaling sa kaniya si Red. May panunudyo ang kislap ng mata nito. "You're jealous, aren't you?"

Natigilan siya saka mabilis na napako ang mata niya kay Titus na nakatitig sa kaniya at naghihintay sa sagot niya.

"Ahm." Tumikhim siya saka nag-iinit ang pisnging bumaling kay Red. "He's mine so don't hug him like that. That's my job."

Mula sa sulok ng mata niya, nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Titus na parang siyang-siya sa sinabi niya saka bahagyan namang tumili si Red na parang kinikilig saka ngingiti-ngiting bumalik ito sa dating ginagawa. Si Rios naman ay nagpatuloy sa paghiwa ng gulay.

"Good thing you're here now, Morgan," kapagkuwan ay sabi ni Rios habang nililipat ang gulay na hiniwa sa malalim na bowl.

Naglakad palapit si Titus kay Rios. Bigla siyang kinabahan na baka mag-away na naman ang dalawa. Kaya naman laking gulat niya ng marinig ang sinabi ni Titus kay Rios.

"Thank you," seryosong sabi ni Titus. "For keeping my son and Mace safe."

Rios just nodded.

"And I'm sorry for stealing her away from you five years ago."

Napatigil sa paghiwa si Rios ng gulay saka nag-angat ng tingin kay Titus. "The fuck?"

Tumikhim muna si Titus bago nagsalita. "Ahm, Mace told me. And I'm really sorry. But do keep in mind that she's mine now." Kapagkuwan ay biglang tumalim ang boses ni Titus. "My cara mia is my cara mia. Therefore, don't touch her, wink, stare, flirt, compliment, hold her or anything that would result to me punching the hell out of you, because those are my job. Understand?"

Rios shook his head, and then let out a chuckle. "Whatever, bud."

"Don't whatever me, Pierce—"

"Okay, okay." Itinaas ni Rios ang kamay na parang sumusuko. "Yes, I understand. Now leave the kitchen before I throw this knife at you."

"Ninong Rios." Kaagad na nag-react ang anak niya. "Don't hurt my papa."

Rios smiled at Ace. "I won't hurt him for you, kiddo."

Ace instantly smiled. "Okay po. Thank you."

Napailing nalang si Mace saka kinuha si Ace kay Titus. "Come on, baby, sabi mo matutulog ka na kapag nandito na si papa. Matulog ka na ngayon. Nuong isang araw ka pa walang maayos na tulog."

Napasimangot man si Ace, tumango naman ito at hinayaan siyang dalhin ito sa kuwarto nila sa itaas habang nakasunod si Titus sa likuran niya. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.1M 31
Calyx Vargaz was a self-proclaim playboy, self-centered and charismatic. He was downright handsome with his beguiling pitch-black eyes and set of dim...
2.7K 81 35
Sabi nila "What's meant for you will find you when the time is right" This is the story of two people, who met at an unexpected moment and met again...
56.4M 1.1M 26
There are three words to describe the famous Dr. Ymar Stroam who owns the very successful and well known YS Pharmaceutical. Serious. Intimidating. An...
87.3M 1.6M 43
LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and firing his employees who go against his w...