[Edited Ver.]
The Spy
Micaela's PoV :
Akala ata ni Belle madali ang pinapagawa niya. Parang ganoon lang kadaling sabihin kay Boss na 'boss, alam ko kung sino ang spy, si Doline San Isidro po'. Grabe talaga ang babaeng iyon. Pero natutuwa naman rin ako dahil mas nakikilala ko siya ng husto through this secret mission, only the two of us know.
At tsaka natatawa rin ako sa mga agents na paniwalang-paniwala noong malaman nilang mag-boyfriend/girlfriend si Belle at Joseph Salcedo, when in fact, it's not true naman. Nakoo~ ang hirap kaya magpigil ng tawa.
Pero on a serious note, nakakaawa rin si Joseph at ang Mother niya. Sana nga maayos namin ni Belle ang lahat, matapos namin ng wala ng ibang nadadamay.
CJ: "Ela?"
I gasped!
Micaela: "C-Carl.."
It's been a while since the last time I called him that. Usually kasi, ang tawag ko sa kanya Carl, hindi katulad ng ibang agents na 'CJ' ang tawag sa kanya. Gusto ko naman kasing maiba sa ibang tao.
Because I love this man. Kaso lang, mas mahalaga ata sa kanya ang pagpapayaman.
Nilapitan niya naman ako na parang hindi kami naiilang sa isa't-isa. Tumabi pa siya sa inuupuan ko. Nasa isang room kasi kami ng Training Center. Noong nag-t-training kami, dito kaming mga babae nakatira sa BDA at itong room na ito ay kwarto namin ni Demi noon.
CJ: "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dito?"
Micaela: "Anong talagang tanong mo sa dalawa? Iyong totoo?"
CJ: "Huh? Ah.. ano munang ginagawa mo dito?"
Micaela: "Hmm.. parang mali naman iyong unang tanong mo e. 'Di ba, ang unang tanong mo dapat kung kanina pa ako dito?"
Gusto kong matawa noong mapatanga ito sa akin at parang hindi niya alam ang isasagot kaya napapakamot nalang ng ulo.
Micaela: "Joke lang. Una, I was here for... fifteen minutes palang naman.. ata? Not sure. Tapos pangalawa naman, may pinag-iisipan kasi akong gawin kaso hindi naman madali iyon."
CJ: "Ano ba iyong gagawin mong hindi mo magawa? Baka matulungan kita."
Umiling-iling ako, pero bago pa siya umalis ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Napalingon agad siya sa akin pero hindi naman niya inaalis ang pagkakahawak ko.
CJ: "Oh? Akala ko ba hindi na ako kailangan?"
Micaela: "Hindi kita kailangan para tulungan ako sa gagawin ko, pero kailangan kita para suportahan ako. K?"
CJ: "Ah-ah, sige."
Micaela: "Thanks, Carl."
I tiptoed and was supposed to kiss his cheek pero bigla siyang napaharap sa akin kaya sa labi niya nadikit ang labi ko. Parehas kaming napaatras sa nangyari at nailang talaga ako pero deep in my heart, kinikilig ako. I could have screamed and the entire agents in BDA would hear it but I refrain myself from doing that.
Micaela: "T-tara na."
I whispered, but enough for him to hear, after a minute of silence. Agad naman siyang tumalima sa sinabi ko at sabay na nga kaming naglalakad papunta sa loob ng office.
Naabutan namin lahat ng agents, except kay Belle, na nandoon at hinihintay yata kami. Hindi ko ata alam na may meeting ngayon. Kaya ba pinuntahan ako ni CJ para sabihan tungkol dito?
Tiningnan ko si CJ at parang alam niya ang nasa isipan ko dahil tumango siya at sabay na rin kaming naupo sa sofa. Katabi ko si Demi sa kaliwa at si CJ sa kanan ko. Napalingon kami kay Boss na malakas na tumikhim at nakita kong kasama niya pala si Mamita Rosa at si Tita Brenda.
Boss: "Let's start the meeting."
Pumunta ito sa harapan namin. Kung sa normal na sitwasyon, nasa loob dapat kami ng meeting room para pag-usapan ang dapat pag-usapan pero ngayon, nandito lang kami sa main office at may kasama kaming iba, katulad ni Ara-unnie, ang secretary/assistant ni Boss.
Boss: "Alam niyo naman siguro ang nangyaring aksidente noong nakaraang linggo, 'di ba?"
Demi: "Iyong pinasabog na resto, kung saan nagkita si Belle at ang brother niya?"
Tumango si Boss. Ako naman ay biglang dinapuan ng kaba sa dibdib. Si Belle pala ang paksa ng usapan ngayon. Kaya pala hindi siya tinawagan ngayon.
Boss: "As I expected, or as 'we' expected, si Jerome nga ang may pakana ng pagsabog na iyon. He's really determined to kill Trigger or any person involved with her. Baka nga habang nagsasalita ako, may pina-plano na namang hindi maganda si Jerome e. So, Trigger's life is in danger right now. And it's getting worse, as time passes by."
Therbie: "Boss, kailangan na nating mahanap ang spy, kung ganoon. Baka hindi lang pati si Bel--I mean si Trigger ang mapahamak."
Boss: "Iyan nga rin ang inaalala ko, JT. That spy would be helpful to us if we can find her. Pero mapapahamak naman tayo kapag nauna siyang magsalita kay Jerome kung nasaan ang ahensya natin at kapag nangyari iyon, God knows what will happen."
Nanahimik lahat ng agent. Pero dahil hindi ko na kaya ang bigat ng kaalamang alam ko, I raised my hand, dahilan para mapalingon silang lahat sa akin. Pati si CJ.
Boss: "Yes, Snow?"
I breathed deeply, before looking eye-to-eye to Boss.
Micaela: "I know.. who the spy is."
Napasinghap ang mga babaeng agents, habang nanlalaki naman ang mga mata ng iba, pero si Boss, seryoso lang ang pagkakatingin sa akin at parang hindi siya nagulat sa sinabi ko. Mas kinabahan tuloy ako.
Boss: "Who is he or she?"
Micaela: "She.. is Doline San Isidro, a weapon's expert agent."
Therbie: "Agent 258?"
Tumango-tango ako. Naupo na ulit ako dahil parang nanlambot ang tuhod ko. Napamulat ako ng mga mata noong may kamay na humawak sa kamay ko at marahan niyang hinihigpitan ito. I smiled because I already who it was.
CJ: "I'm your support. Huwag ka nang kabahan dyan."
He winked that's why I can't help but to giggled softly.
Demi: "How did you know about that, Dearest?"
Micaela: "I heard her talking to Jerome Salcedo. Since then, sinundan ko na siya."
Tumango-tango naman ito.
Ely: "Hindi ko akalain na may ganyan ka palang taglay na kakayahan, Snow."
Demi: "Duh, Ely? makata lang ang peg?"
Ely: "Hindi po. Pilipino po kasi ako. Proud to be pinoy!"
CJ: "Apir tayo dyan, pare!"
Nagkasundo na naman ang dalawa. Medyo magulat ako noong umupo katabi ko si Nicolet.
Nicolet: "Hindi ko alam na sobrang tutok ka pala sa pagtulong kay Trigger, Ela."
Knight: "Well, thanks to her, nahanap natin agad ang espiya ng ahensyang ito at na-preserve pa rin ang secrecy ng BDA. Sana lang wala pang nasasabing kahit ano si Doline tungkol sa location ng BDA."
Pare-pareho silang napabuntong-hininga habang ako ay iniisip si Belle. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?
End of PoV
Belle's PoV :
Just like what I planned, pumunta ako sa hospital, hindi para dalawin si Kuya, kundi makipagkita kay Selene. Nandito ako sa likod ng gusali ng ospital at hinihintay ko siya.
Nai-text na rin sa akin ni Micaela na nasabi na niya ang kailangan sabihin. Ako nalang pala ang kikilos ngayon.
Selene: "Belle!--"
Belle: "Shh! Don't shout my name! Baka may nakikinig."
Selene: "Sino naman? Wala namang ibang tao dito kundi ikaw lang at ako."
Nagtingin-tingin pa siya sa paligid pero pinanlakihan ko nalang siya ng mata para manahimik siya. Saan ba ipinaglihi ang babaeng ito at sobrang daldal niya? Tsk.
Belle: "Ngayon na ang pag-labas ni kuya, 'di ba?"
Selene: "Oo! Inaantay ka nga ni kuya Pete pero sabi ko naman hindi ka makakapunta dahil busy ka. Parang gets na naman ni kuya iyon kaya tahimik nalang siya. Ganoon rin si Tita Bams. So, bakit ka nandito? Iyong totoo?"
Belle: "I am on a mission right now. Gusto ko lang pumunta dito para sabihin mo sa Mama at kuya ko na sa bahay ko nalang sila dadalawin. Kaya please, Selene, bantayan mo sila para sa akin, OK?"
Nagtaka ako noong hindi sumagot ito at nakayuko lang. Kaya ang ginawa ko ay pinuwersa kong i-angat ang mukha niya at nakita ko ang butil ng luha sa pisngi niya at humihikbi na siya ngayon. What's the problem, now?
Belle: "Why're you crying?"
Selene: "Eh kasi ikaw e.. p-parang nag-h-ha-habilin k-kana.. p-parang huling beses na kitang makikita."
Belle: "Who do you think I am? Psh.. stop crying. Maliit na misyon lang ito."
Well, it's a big mission, to be honest. Sinabi ko lang na ganoon para hindi na sila mag-alala.
Selene: "S-sigurado ka?"
Belle: "Crystal clear. So, stop crying and go."
Selene: "A-aalis ka na agad?"
Belle: "I have to. Now, hurry!"
Itinulak ko pa ito para bilisan na niyang umalis at noong sigurado na akong wala siya ay tinawagan ko si Micaela, after three rings, sumagot rin naman siya.
Micaela: *Hey! I've been calling you kanina pa! Naka-silent na naman ang phone mo no?*
Bigla akong nakaramdam ng kaba noong marinig ko ang urgency sa boses niya.
Belle: "What happened? Why is your voice like that?"
Micaela: *Nahuli na nila Boss si Doline, the spy. Pero bigla siyang nakatakas kaya hinabol ko. Naabutan ko pa naman siyang may tinatawagan at dahil alam kong si Jerome iyon, kaya bago pa siya may masabing kung ano tungkol sa ahenysa.. pinatahimik ko siya.*
Natahimik ako. Sigurado akong natatakot ngayon si Micaela.
Belle: "Wala tayong choice. Kung hindi mo naman gagawin iyon, may iba pa siyang masasabi tungkol sa ahensya. Tayo namang lahat ang mapapahamak kapag nagkataon. I'm sure sinabi rin iyan ni Boss sa'yo. So, don't worry too much."
Micaela: *Nasaan ka ba ngayon? Ano nang next step?*
Belle: "The next step will be.. me, to confront the man behind all of this shit. Gusto ko nang matapos ito at sa totoo lang napapagod at nakakasawa na rin ito."
Narinig kong tinatawag niya pa ako sa kabilang linya pero pinatay ko na agad ang tawag at inihanda ang sarili ko. Saktong pagpunta ko sa kotse ay nakita kong nagmamadaling umalis si Joseph at sumakay sa kotse niya. Sinundan ko ito dahil alam ko na kung saan siya pupunta.
Finally, I will be meeting the killer of my father, Jerome Salcedo.
I can't wait.
End of PoV
#EditedVersion #AlmostNear #EndOfSeason1 #Belle'sFighting Alone