DJ's P.O.V
>>FLASHBACK<<
Nandito na kaming lahat sa labas ng bahay. Sina mama nauna na sa airport may dadaanan pa raw kasi sila. Nailagay na nila kuya Romeo yung mga gamit namin sa sasakyan. Chinecheck nila kung naka lock ba ng mabuti yung bahay. Sasama sa akin sina Kats, Sed, JC at Dominic. Hindi na sasama sina Mark, JD at Les.
Pinipilit ko si Kath na sumama hanggang airport pero ayaw niya kasi may rehearsal siya para sa mallshow niya sa La Union.
DJ: *holding Kath's hand* Bi please? Sige na.
Kath: Malelate ako sa rehearsal ko babe. *smile*
Humarap siya sa akin tapos tinignan niya ako sa mata.
Kath: You take care there Pottie okay?
DJ: *nod* Ikaw rin ha? Mag iingat ka sa mall show mo okay? Sasama sayo yung ibang nagbabantay kay Gino para mabantayan ka sa La Union okay?
Kath: Huh? Wag na. Marami naman akong kasama doon eh.
DJ: Kahit na baby. Hindi pa rin okay yun sa akin, mas gusto ko may magbabantay sayo para may sisisihin ako pag may nangyaring masama sayo.
Kath: *giggle* Baliw.
DJ: Tska sabi ko kay Mark sumama na rin.
Kath: Mark Coleta?
DJ: *nod*
Kath: Hala. Wag mo na silang abalain. Safe naman ako eh. Hindi naman ako sasabak sa gyera para kailangan ng maraming kasama eh. Isa pa, I'm with mama okay? Baka nga pati sina ate Tin sasama eh. Kaya no need to worry ha?
DJ: *tingin sa mata ni Kath* Please?
Kath: *sigh* Okay okay pero baby hindi na talaga ako pwedeng sumama hanggang airport ha? Traffic pa kasi eh ayoko namang ma-late sa rehearsal ko ngayon bi, nahihiya ako sa kanila.
DJ: Ilang oras lang naman para sa akin baby. *pout*
Kath: *giggle* Ang arte arte naman neto.
DJ: Sige naaa.. Mamimiss pa man din kita ng sobra sobra. Sana talaga pwede kitang itakas eh. Bakit kasi may trabaho pa nakakainis. *serious*
Kath: Aysus. Sumakay ka na at lahat ng kaibigan mo nakasakay na. Mamaya ma-late pa kayo sa flight niyo sige tatawanan ko pa kayo. *giggle*
DJ: Oh sige tara na.
Nakahawak pa rin ako sa kamay niya tapos mahina ko siyang hinila papuntang sasakyan.
Kath: Baby isa.
DJ: Tsk.
Nagtatawanan na sina Sed kasi pinipilit ko talagang sumama siya. Humingi ako ng tulong sa kanila para pilitin si Kath.
DJ: *senyas kina Sed*
Sed: Sige na kasi Kath tawagan mo nalang sila na medyo male-late ka kasi may ihahatid ka sa airport.
Kats: Wala pa ngang isang oras eh babalik ka rin agad.
JC: Hindi mo ba maibibigay ang kahit isang oras lang para sa boyfriend mo?
Dominic: Oo nga Kath. Wala ka naman ng iba pang gagawin eh. Uupo ka lang tapos pagkarating doon diretsyo ka na sa rehearsal mo.
Kath: Kahit magsama-sama pa kayo hindi talaga pwede kaya ikaw pasok na at nang makaalis na kayo. *tulak ng mahina kay DJ*
Boys: *giggling*
DJ: Biiiiiiiiiii..
Tumingin ako sa kanya ng may nagmamakaawang mukha.
Kath: *hold DJ's hand* Hindi talaga pwede baby. Mag-usap nalang tayo pagdating niyo doon okay?
DJ:....
Kath: Uy kayo *talking to JC, Kats, Sed and Dominic* wag kayong gagawa ng kalokohan doon ha?
Sed: Oo naman kami walang gagawing masama si DJ meron.
Kath: *taas kilay*
Sed: Hahahaha! Joke! Oo alam na namin kung sinong babantayan namin.
Kats: Alam naman namin na kaya lang kami naisama sa lakad na to para bantayan si DJ eh.
Sed and Kats: *giggling*
Kath: Mga baliw.
Dominic: Ako nalang magbabantay sayo Kath.
DJ: *tingin kay Dom* Bakit siya ang babantayan mo?
Dominic: Okay lang na maiwan ako para sure ka na safe si Kath.
DJ: Anong paraan mo gustong mamatay? Alam ko yang mga hidden hidden desires niyo sa girlfriend ko no. Pati si Lucas alam ko yun. Pati nga si Alex eh. Walang sikretong hindi nabubunyag sa akin.
Dominic: *giggling* Dati lang yun. Wala na ngayon.
DJ: Sinong niloloko mo?
Sed: Sige nga sino pang mga may gusto kay Kath?
DJ: Marami.
Kats: Hindi mo ba alam pati kami ni Sed may gusto kay Kath tska si JC din?
DJ: Babe tama ka wag ka nalang sumama sa paghatid sa airport ha? I love you.
Sed, Kats and Dom: HAHAHAHAHAHA!!
Kath: *giggle* Oh sige na alis na kayo.
DJ: Teka lang may sasabihin ako sayo.
Kath: Ano?
DJ: *hila ng mahina kay Kath* Dun dun tayo.
Kats: Alam na.
Sed: Ang programang ito ay rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ng mga magulang ang kailangang ipatupad kay Kathryn Bernardo sa kadahilanang napakalandi ng boyfriend niya.
Dominic: Hahahahahaha! Dito na kasi pipikit nalang kami.
JC: *laughing* Oo nga.
Nakikita kong nao-awkwardan na si Kath...
DJ: Tsk. Panira tong mga to.
Kath: Oh sige na bye na.
DJ: Mag-iingat ka ha?
Kath: Ikaw rin. Magenjoy ka lang dun ha? Wag mo akong iniisip dito kasi baka mamaya ang sumbong nila sa akin puro ka nanaman Kathryn. Okay po?
DJ: Okay.
Kath: Bye.
DJ: I love you.
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Binulungan ko siya.
DJ: Haay isang linggong walang kiss.
Kinurot niya yung tyan ko at tinulak ako.
Kath: Oh bye.
DJ: I love you.
Kath: *nod* I love you too
Sed, Kats, JC and Dom: LAKALAKALAKALAKALAKA!
Hinatid ko siya sa sasakyan niya...
DJ: Bye na talaga.
Kath: *smile* Enjoy!
DJ: I love you. I miss you.
Kath: I miss you agad? Hindi pa nga tayo naghihiwalay eh.
DJ: I miss you talaga sobra.
Kath: awww. Oh sige na babe bye na. I love you and I'll miss you a lot.
Tinititigan ko siya nagpapaalam ako kung pwede ba.
Kath: Malelate na kayo sa flight niyo.
DJ: *puppy eyes*
Kath: Ang cute mo *giggling*
Niyakap ko nalang siya at hinalikan ulit sa noo, cheeks at ilong. Alam kong nahihiya siya kasi nandito si kuya Mar sa sasakyan. Mamimiss ko talaga ang girlfriend ko promise.
>>END OF FLASHBACK<<
Nakarating na kami. Kanina ko pa tinatawagan si Kath pero hindi niya sinasagot mga tawag ko. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto nila mama paano ba naman sobrang kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Okay lang ba siya? Anong ginagawa niya? Grabe Kath sagutin mo naman please.
Mama Karla: Anak! Kanina ka pa paikot-ikot ah. Ako ang nahihilo sayo anak.
Sed: Hindi kasi sinasagot yung tawag niya tita.
Mama Karla: Si Kath? Ano ka ba anak? Siyempre nakikipagdate na yun ngayon.
DJ: *tingin kay mama Karla*
Mama Karla: Ay joke lang anak!
All: Hahahaha!!
DJ: *kamot sa ulo* Tsk. Lipat na ako sa kabila.
Sed: Uy sama ako.
Kats: Ako rin.
Dom: Tara tara.
Mama Karla: Kita mo to ang pikon. Baka tulog yan anak. Alam mo naman na ilang araw lang ang free day niyo. Malamang sinusulit niya anak.
Pumunta kami sa room at binuksan ko agad yung wifi. Nagpost ako sa wall ni Kath sa facebook.
Daniel John Ford Padilla
Uso magparamdam sa boyfriend :( I miss you baby.
Napapabalikwas ako tuwing may notification kasi baka si Kath na yun pero hindi. Puro likes.
Tinawagan ko ulit siya..
DJ: Sagutin mo naman Kathryn. Please. Baaaaaaaaaby.
Sed: DJ naiinis na ako ah. Ang ingay ingay mo.
DJ: *bato ng unan kay Sed*
Sed: Joke!
Dom: Ay ito oh tumatawag si Kath sa akin.
Tumayo ako para lumapit kay Dominic..
Dom: Joke lang.
Kats: Hahahahaha! Grabe ka DJ. Wala pang isang araw na naghiwalay kayo ni Kathryn grabe ka na magpanic na hindi lang nasasagot yung tawag mo.
DJ: Paano pag may nangyaring masama sa kanya diba? Paano pag hindi pa pala siya nakauwi? Paano kung kumuha sa kanya? Bakit hindi niyo kamustahin yung mga girlfriend niyo? Hindi yung ako ang pinapansin niyo.
Sed: Wala akong girlfriend eh sorry.
Dom: Ako rin *giggling*
Kats: Okay lang daw si Dae eh.
DJ: Wag nga kayong magulo. Ngayon lang. Please lang. Hindi ko na alam yung ginagawa ko.
Dom: Relax ka lang kasi.
Kats: Siya ang tatawag sayo niyan mamaya.
Sed: Baka may ginawa lang sandal grabe ka naman J.
DJ: Balik na ata ako Pilipinas eh.
Kats, Sed and Dom: O.O
Sed: So parang hinatid mo lang kami.
DJ: *giggle* Kathryn Bernardo grabe sagot na baby..
Kath's P.O.V
Naglaro kami nila ate Kaye ng badminton. Kanina pa ako nakauwi from rehearsal. Ang saya nga eh kasi ngayon lang ulit kami makakalaro nila ate Kaye. Sina Lhexine daw uuwi dito bukas. Kaya sobrang saya ko for sure pagdating ko galing La Uninon nandito na sila.
Mga six na ng gabi after naming maglaro nila ate Kaye. Nagshower muna ako at nagbihis bago kami magdinner.
....
Kath: Nasaan na kaya yung phone ko?
Bumaba na agad ako pagkatapos kong magshower.
Kath: Ate Kaye nakita mo yung phone ko?
Kaye: Ay nilagay mo ata sa table sa labas?
Kath: Thanks!
Lumabas agad ako para hanapin yung phone ko. Oo nga naiwan ko. Kinuha ko yung phone ko at binulsa ko agad. Kakapasok ko palang nagvibrate na yung phone ko.
Tumatawag si DJ...
Kath: Hi baby!
DJ: Anong ginawa mo? Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Alam mo bang nag-aalala na ako? Bakit hindi ka nakikipagcommuni---
Kath: OPPP! Teka ako muna. Bakit ka tumatawag?
DJ: Huh? Hindi ba kita pwedeng tawagan?
Kath: I mean mahal ang babayaran mo niyan. Hello nasa Hong Kong ka bi.
DJ: Wala akong pakialam bi.
Kath: Ay grabe ka alam mo bang more or less than 30 pesos per minute kapag nandyan ka?
DJ: Wala nga akong pakialam eh. Bakit ayaw mob a akong makausap?
Kath: Baby skype nalang tayo okay?
DJ: Ayoko. Ibababa ko nanaman tong phone na to tapos hindi ko nanaman alam kung ano na ang nangyayari sayo diyan.
Kath: Baby ito na oh umaakyat na ako sa room ko at ioopen ko na yung laptop ko. Sige na byee.
DJ: Waaaaag.
Kath: Baby ang dami mo nang babayaran.
DJ: Siguraduhin mong ngayon na ha?
Kath: Yes po.
DJ: Okay.
Kath: Bye.
DJ: I love you.
Kath: I love you so much.
Lagot nanaman ako. Lagi akong napapagalitan ni DJ kasi sabi niya dapat ako lang humahawak ng phone ko at dapat lagi kong hawak lalo na kung hindi kami magkasama. Minsan kasi si Miles, si mama, ate Kaye o sina mama ang nakakasagot ng mga tawag niya sa akin. Lagi ko lang kasing iniiwan yung phone ko kung saan saan. Eh nachamba naman na naglaro kami ni ate Kaye. Akala ko kasi mamaya pa sila makakarating at ang ineexpect ko matutulog agad yun pero sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.
Inopen ko agad yung skype ko at agad naman niya akong tinawagan.
Natawa ako sa itsura ko kasi sobrang gulo pa ng buhok ko. Obvious na kakatapos maligo. Umalis muna ako sa harap ng camera.
DJ: Baby!
Kath: Teka lang naman baby magsusuklay lang ako.
Sed: Hi Kath!
Dom: Hi Kathryn Chandria!
Kats: Hi Bernardo!
Kath: Hello guys! Kumain na kayo?
Sed: Oo pero si DJ hindi pa kumain. Hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag niya.
DJ: Hoy kumain ako.
Kats: Ows?
DJ: Oo nga. Alis nga ako lang kakausap sa kanya.
Dom: Selfish?
DJ: Mamaya na nga kasi kayo.
Kath: *giggling* Mamaya na kayo pagkatapos niya akong pagalitan okay?
DJ: Oh kita niyo alam na niya kung anong gagawin ko.
Kath: *giggling*
After kong magsuklay bumalik na ako sa harap ng laptop. Ngumingiti ngiti pa ako kay DJ pero ang sama na talaga ng tingin niya sa akin.
Kath: Sorry baby kasi naglaro kami ng badminton ni ate Kaye eh. Akala ko pa naman kasi mamaya pa kayo makakarating tska akala ko bi matutulog ka kaagad. Sorry na ha?
DJ: Diba bi sabi ko sayo dapat hindi mo pinapabayaan yung phone mo? Bakit kung hindi sina tita Min ang sasagot walang sumasagot?
Kath: *giggle* Sorry na nga eh. Hindi ko sinasadya bi. At tska bakit ka naman tumatawag bi marami kang babayaran niyan sige ka.
DJ: Ituloy mo lang akong wag iupdate at tatawagan kita ng tatawagan.
Kath: *giggle* Sorry. *pacute*
DJ: Bakit ganyan ang suot mo? Diba matutulog ka na?
Pati ba naman suot ko napansin niya. XD Wala talaga akong takas sa Padilla na to. Naka sando and shorts lang kasi ako.
Kath: Hindi pa naman bi. Mamaya pa. Magpapalit ako mamaya.
DJ: Ano namang suot mong naglaro kanina?
Kath: two-piece bi.
DJ: *kunot noo*
Kath: Joke! *giggling* Siyempre yung appropriate na isuot kapag naglalaro.
DJ: Ano nga?
Kath: Ano bang appropriate na isuot kapag nagb-badminton?
DJ: Kathryn Chandria Bernardo kinakausap kita ng matino ha.
Kath: *giggle* Oh bakit ka galit?
DJ: Hindi ako galit.
Sed: Angry lang siya.
Dom and Kats: *giggle*
Natawa ako sa sinabi ni Sed pero si DJ hindi niya pinansin si Sed. Nag ear pods nalang siya para hindi nakagulo yung mga kaibigan niya hahaha. Baliw talaga to. Tinititigan lang niya ako..
Kath: Sorry na talaga bi.
DJ: Alam mo bang sobrang nag-aalala ako kanina?
Kath:....
DJ: Hindi ko alam kung ano na bang nangyari sayo. Hindi ko alam baka na-rape ka, pinatay o hinold up. Kinabahan talaga ako.
Kath: I'm sorry.
DJ: Please iinform mo naman yung boyfriend mo kung saan ka or kung anong ginagawa mo ha? Lagi mo namang dala yung pocket wifi mo diba? Kahit ichat mo lang ako or iwechat mo ako or kahit ano baby basta iinform mo ako ha? Para naman hindi ako kinakabahan baby.
Kath: *nod* I'm so sorry. Nakalimutan ko rin kasi eh. Sorry.
DJ: Magshirt ka na baby malamig na.
Kath: Mainit nga baby eh.
DJ: Magshirt ka na baby.
Kath: Okay.
Tumayo ako para kumuha ng shirt. Para matuwa si DJ, ang kinuha kong shirt is shirt niya. Bumalik ako sa harap ng laptop ng nakangiti.
DJ: *smiling* Yan para kunyari katabi mo akong natutulog. Parang nakayakap na rin ako niyan sayo.
Natatawa ako kasi naririnig ko yung sinasabi ni Sed. Sabi niya kasi, "Hala! Bumabanat si lover boy na grabe magpanic kanina akala mo kung mamatay na hindi lang nasagot ni Kath yung tawag niya"
DJ: Sed tumahimik ka nga!
Biglang nagring yung phone ko... Si JD tumatawag.
Kath: Uy bi si JD oh tumatawag.
DJ: Sige sagutin mo. Loudspeaker babe ha.
Inalis niya yung ear pods para marinig nilang lahat.
Kath: JD?
JD: Yo Bernardow!
Kath: *giggle* Oh bakit?
JD: Anong oras yung sa La Union?
Kath: Pumunta nalang kayo dito sa bahay ng mga 8 or 9. Sasama ka ba?
JD: Hindi pa ako sigurado eh.
Kath: Pero si kuya Mark sasama?
JD: Oo. Ang dami dami pang inuutos sa akin ni DJ Kath! Lagi raw kitang tawagan at kamusatahin.
Kath: *giggling*
JD: Nakakatakot nga eh baka tayong dalawa ang magkatuluyan ni-
DJ: G*!!
JD: Sino yun?
Kath: hahahaha! Si DJ.
JD: Ha?
Kath: Nag-uusap kasi kami sa skype.
JD: Ayyy. Hahahaha! Kath alam mo utos ni DJ diyan daw muna ako matutulog sa inyo.
DJ: Wag ka ngang gumagawa ng kwento.
Kats: JD utos rin ni DJ magdate daw kayo lagi ni Kath.
Dom: Samahan mo raw si Kath hanggang New Year.
Sed: Tapos pag nilalamig yakapin mo.
DJ: JD subukan mong gawin yung mga sinasabi nila ha?
JD: Talaga?
Kath: *giggling*
JD: JOKE LANG! Kath bye na ha? I love y-
DJ: G* ka talaga! G*!
JD: Hahahaha! Joke lang! J yung pasalubong ko ha?
DJ: JD!
JD: Oh?
DJ: Pagdating ko dapat walang kahit anong sugat si Kath ha? Lagot ka sa akin.
JD: Oh bat ako? Si kuya Mark yung kasama niya sa La Union.
DJ: Basta ikaw ang may kasalanan.
JD: Grabe naman to. Bye!
Kath: Bye JD! Bi.
DJ: Hmmm?
Magsasalita na sana ako nung pumasok si ate Kaye.
Kaye: Kath kain na. Sinong kausap mo? Boyfriend ko?
Kath: Boyfriend ko.
Kaye: Hi Deeeejaaaay!
Lumapit si ate sa akin at halos itulak ako para siya yung makita sa cam.
DJ: Hi ate Kaye!
Kaye: Nasa Hong Kong na kayo?
DJ: Opo.
Kaye: Pasalubong ko ha?
Kath: Si ate oh.
Kaye: Oh bakit? Si DJ naman ang pinagsasabihan ko ah.
Kath: *make face*
Kaye: Ay bunso pakita m okay DJ yung pasa mo dali.
Ay lagot. Bakit sinabi pa ni ate -_____- Tumama kasi ako sa poste kanina nung tinira ko yung shuttlecock tapos napaatras ako ng todo kaya tumama yung bandang waist ko.
Kath: Ate tara na kain na tayo.
Kaye: Ipakita mo muna. *giggling*
Kath: Bi mamaya na ulit ha?
DJ: Anong nangyari sayo?
Kaye: Hahahaha! Sobrang atras kasi kaya yan. Oh sumunod ka nalang sa baba bunso.
Tinignan ko ng masama si ate pero tawa lang siya ng tawa.
DJ: Saan mo naman nakuha yung pasa mo?
Kwinento ko sa kanya yung nangyari...
DJ: Baby mag-iingat ka naman please? Baka bukas mas malala na ang mangyari sayo. Wag kang masyadong nagpapagod baby ha?
Kath: Mawawala naman to eh.
DJ: Masakit ba?
Kath: Medyo. Pero okay na.
DJ: Tsk. Ako nga hindi ka sinasaktan tapos yung posteng yung papasaan ka lang.
Kath: *giggle* Baby that's normal. Ikaw nga dumugo pa yung nguso mo eh ako pasa lang.
DJ: Bi.
Kath: Joke lang. hehehe.
DJ: Oh kumain ka na. Message mo ako kapag matutulog ka na ha? I love you.
Kath: I love you too baby.
DJ: I miss you na.
Kath: *pacute*
DJ: Isa.
Kath: *flip ng hair* Bye.
DJ: *breathe deep*
Kath: Byee. *smile sweetly*
DJ: Nakakainis naman to nagpapamiss!
Kath: *giggling* O bye na talaga.
.....
Nandito na ulit ako sa room ko. Nagcheck ako ng facebook ko at kakakita ko lang ng post ni DJ sa wall ko. Infairness ang daming naglike ha.
Daniel John Ford Padilla
Uso magparamdam sa boyfriend :( I miss you baby.
Comment:
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Awww. I miss you honey.
Daniel John Ford Padilla
I love you baby :*
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
I love you gummy bear :*
Daniel John Ford Padilla
I love you mommy bear :*
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
I love you daddy bear :*
Ainah Fatima Daturamos
Shet pakamatay na mga single diyan.
Mariko Domingo
Mommy bear and Daddy bear.
Miles Ocampo
Aysus pauso nanaman tong dalawang to. Paramdam ka naman kasi ganda. Alam mong hindi nabubuhay yan ng wala ang presence mo eh.
Roanna Padilla
Lalalove.
Seth Hugh Gothico
Mommy bear and Daddy bear.
Mariko Domingo
Gaya gaya ka Sed!
Seth Hugh Gothico
I love you Lester! Oha Oha kaya mo ba to Mariko?
Mariko Domingo
Oha oha <3
Daniel John Ford Padilla
Ginawa nanamang chat box.
Katsumi Kabe
Hahahahahahahaha!
Natatawa lang ako sa mga comments nila. Ang cute talaga nila.
Nagmessage ako kay DJ. Nagsend ako ng picture sa kanya. Nakapout ako.
To: Daniel John Ford Padilla
Baby I'm going to sleep na ha? I love you so much baby ko. Take good care of yourself there ha? Wag pasaway baby okay? I miss you a lot. *picture*
Nagsend naman siya ng picture sa akin na super duper cute niya. Aaaaaaahh!
From: Daniel John Ford Padilla
Good Night honey. I love you forever. Please please please mag-ingat ka rin ha? And yung phone mo baby wag mong iniiwan kung saan saan. I love you. I miss you soo much. :*
Nagdecide akong ipost yung picture na sinend niya sa akin.
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Picture
Caption: He has the cutest smile. You make me so happy baby. I want you to know that I just want to be your last everything. Good night dada bear :*