POSSESSIVE 16: Titus Morgan

CeCeLib द्वारा

56M 1.1M 258K

Titus Morgan had only three important things in his life. His friends, his mother and the wealth that he was... अधिक

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 16

1.7M 34.5K 8.1K
CeCeLib द्वारा

Hi to Carla Katrina Chin Convocar and to Therese Rendon.

CHAPTER 16

HINDI MAPIGILANG MAPANGITI ni Mace nang makapasok siya sa kusina at nakitang nagluluto si Titus ng pancake habang mahinang kumakanta at gumagalaw ang balakang na parang sumasayaw.

Pagkatapos siya nitong angkinin kanina sa walk-in closet-- at hindi lang 'yon tatlong minuto-- sa wakas ay pinalabas na siya nito para asikasohin ang anak nila.

Pinaliguan niya si Ace habang nauna na si Titus na bumaba sa kanila para magluto. Nang iwan niya si Ace sa itaas dahil kaya naman daw nitong magbihis ng mag-isa, naabutan niya si Titus sa ganitong eksena.

Pinigilan ni Mace ang sariling matawa habang pinagmamasdan ang binata at nakikinig sa mahina nitong pagkanta ng Shape of You ni Ed Sheran.

At nang hindi na niya napigilan ang sarili kapagkuwan, sumabay na siya sa pagkanta nito.

Mabilis na nilingon siya ni Titus saka napangiti ng makita siyang kumakanta.

"Hey, bonita."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Espanyol?"

He grinned. "I'm trying to learn. Tama naman ako diba? Bonita means beautiful, yeah?"

Tumango siya. "Yes, hermoso." Nginitian niya ito. "Hermoso means gorgeous." Kapagkuwan ay lumapit siya sa binata. "Bakit mo naman gustong matuto?"

"Kasi—" Hinawakan siya nito sa baba saka hinalikan siya sa mga labi. "Amg mag-ina ko, ang daming alam na lengguwahe. Nakakahiya naman kung ang papa hindi, diba?"

Inirapan niya ito saka matamang pinagmasdan ang binata. "You look happy."

"I am happy." Titus smiled, then held her hands and started dancing as he continued signing Shape of You.

Mabilis ang tibok ng puso niya habang hawak ni Titus ang kamay niya at pinapaikot siya saka niyapos ang beywang niya habang nagsasayaw silang dalawa.

Patuloy pa rin ito sa pagkanta habang yakap siya sa beywang at nagsasayaw silang dalawa.

Hindi maipaliwanag ni Mace ang sayang nararamdaman niya habang kumakanta si Titus at nagsasayaw silang dalawa sa kusina. Parang nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya at napakasarap niyon sa pakiramdam. Ayaw na niyang tumigil ang sandaling 'yon na masaya siyang kasama si Titus.

Kahit sandali lang, nakalimutan niya ang sitwasyon nilang dalawaa sa kanilang dalawa, ang puso lang ata niya ang nagmamahal dito. Kahit anong saway niya sa puso niya na hindi tumibok para kay Titus, kahit anong pigil niya, kahit anong babala niya, hindi pa rin nagpapigil ang puso niya na mahalin ito. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya sa binata, mula noon, hanggang ngayon, nandoon pa rin iyon sa puso niya. Nakalimutan lang siguro niya, pero hindi nawala sa dibdib niya ang nararamdaman niya para rito.

Mahal niya si Titus noon kahit wala itong sinasabi sa kaniya kung mahal din ba siya nito o hindi. Sa loob ng mahigit isang taong relasyon nila at hanggang ngayon, pilit man niyang pinapatay ang pagmamahal na nararamdaman para rito, nandoon pa rin. Mahal pa rin niya ito. At yon ang masakit, kasi wala naman siyang naririnig mula rito.

Kaya 'yong pagtitiwala niya rito, napakahirap ibigay. Yong pagdududa, napakahirap burahin. She needed words. She needed to hear him say the word that would change her mind.

At nang paikutin siya nito paharap dito at yakapin siya sa beywang, nagkatitigan sila at sabay na napangiti.

"Matagal-tagal na rin pala mula ng sumayaw tayo," wika ni Titus habang nakatitig sa kaniya. "At matagal-tagal na rin mula ng gawin natin 'to. Naalala mo, kinakantahan mo ako no'n tapos nagsasayaw tayo?"

Nauwi sa mahinang tawa ang ngiti niya saka pinalibot niya ang mga braso sa leeg ni Titus. "Gusto mo kantahan kita?" May paglalambing niyang tanong.

Nagningning ang mga mata ng binat., "Talaga? Kakantahan mo ako?"

Nakangiting tumango siya. "Oo. Gusto mo?"

"Maybe after breakfast?"

"After breakfast, then."

Akmang maglalapat ang mga labi nila ng marinig nila ang boses ni Ace.

"Mama! Papa!"

Sabay silang napabaling ni Titus sa pintuan ng kusina kung saan naroon si Ace, bagong paligo at maaliwalas ang mukha.

"Papa!" Tumakbo palapit kay Titus ang anak niya na kaagad naman nitong binuhat. "I can smell pancakes!"

Titus grinned. "It's because I'm making one, kiddo."

Namilog ang mga mata ni Ace, nangniningning sa kasiyahan nito. "Pancakes!" Ilang beses itong lumunok. "Pancakes! Give me some pancakes!"

Pinaupo ni Titus sa island counter si Ace saka hinalikan ito sa nuo. "Wait up, kiddo." Kaagad itong kumuha ng isang pancake saka inilipat iyon sa medyo may kaliitang pinggan na kasya lang doon ang pancake, saka inilapag nito iyon sa island counter at pinalibutan iyon ng honey syrup. "Oh, handa na. Kain ka na, anak."

Ace instantly dug in, praising how good it tasted. Hanggang sa tatlo ang maubos nito, saka lang ito nabusog. At dahil tatlo lang ang niluto ni Titus, nagluto ulit ito para sa kanila naman dalawa habang nakikipag-usap sa kanila.

"Talaga, marunong kang mag-gitara?" Hindi makapaniwalang tanong ni Titus kay Ace.

Ace grinned. "Opo, tinuruan ako ni mama."

Tumaas ang dalawang kilay ni Titus. "Hmm...galing naman ng anak ko."

Nagmamalaking nagtaas ng nuo si Ace. Kapagkuwan ay uminom ng gatas na tinimpla niya saka nakipag-usap ulit sa ama. "Ikaw, papa, marunong kang mag-gitara?"

Umiling si Titus. "Your mama tried to teach me before." Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi. "But failed. Hindi talaga marunong si papa."

Bumungisngis si Ace. "Mas magaling pala ako sayo, apa."

Titus chuckled and messed Ace's hair. "Yes, you are, my son."

Ace smiled, then he started singing random lyrics. Napangiti siya ng marinig ang kantang kinakanta nito. It was 24K Magic by Bruno Mars and her son really enjoyed singing that song. Kaya naman sinabayan niya ito at sinabayan na rin sila ni Titus.

They sang while Titus was cooking, and it was the most fun thing they did as a family.

Larawan sila ng isang masahang pamilya. At habang masaya silang nagkakantahan, hiniling niya sa diyos, nanalangin siya na sana, ganito nalang sila palagi. Masaya. At walang iniisip na problema.

But she was sure that after happiness always comes sadness. Pagkatapos nilang mag-agahan, pumasok sa hapag-kainan si Nate. Halata sa seryuso nitong mukha na may pakay itong importante kay Titus.

"Houston," kaagad nitong sabi ng makita si Titus. "We got a problem."

Kaagad na nabura ang ngiti sa labi ni Titus. "Ano?"

Tumuon ang tingin ni Nate kay Ace saka sa kaniya at sinenyasan nito si Titus na sa labas ang mga ito mag-usap.

Tumango naman kaagad si Titus saka sabay na lumabas ito at si Nate.

Si Ace naman ay kaagad na nagtanong sa kaniya. "Mama, saan pupunta si papa?"

"Kakausapin lang si tito Nate mo," sagot niya habang nililigpit ang pinagkainan nila ng agahan. "Babalik din naman kaagad si papa mo."

I hope so.

"Okay po." Bumalik ulit si Ace sa paglalaro ng sasakyan na mesa.

Siya naman ay malalim na napabuntong-hinga saka pinagpatuloy ang ginagawa. Pero nang hindi mapakali, nagpaalam siya sa anak.

"Baby, pupuntahan lang ni mama si papa, ha? Dito ka lang."

"Opo, mama," kaagad na tugon ni Ace.

Huminga siya ng malalim saka lumabas ng kusina para sundan si Nate at Titus. Pero nahalughog na niya ang buhong condo, hindi pa rin niya nahahanap ang dalawa hanggang sa mapadaan siya sa balkonahe sa second floor. Bahagyan lang na nakasara ang pinto niyon kaya dinig niya ang boses ni Nate at Titus sa terasa at dahil maingat ang bawat hakbang niya, alam niyang hindi siya napansin ng dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit pero mukhang minamadali ng ama mo ang larong 'to. He texted everyone who knew about this game including me. Lahat pinapatawag niya dahil may importante daw siyang sasabihin. Natanggap mo ba ang mensahe niya?"

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Titus. "Hindi."

"Bakit?" Halata ang gulat sa boses ni Nate. "Kagabi pa 'yon senend, ah."

"I was busy."

"With what?"

"With my son."

Nate groaned. "Morgan, wala kang karapatang sabihing busy ka lalo na sa panahon ngayon!" May iritasyon sa boses nito. "Ang daming taong umaasa na magtatagumpay ka. We're not helping you for nothing here. I'm not risking my life and my mother's so you can play happy family with your son and Mace."

"Nate, you don't understand." Titus sounded desperate. "I'm happy being with my son—"

"Fuck it, Morgan, gusto mo ipaalala ko sayo kung bakit kailangan natin 'tong seryusohin?" Nate clicked his tongue. "Pinapatawag tayo ng ama mo. At ayon sa mga impormasyong nasagap ng mga espeya ko sa bahay ng mga Ivanov, pinapatawag tayo para sabihing dalawang linggo lang ang binibigay ng ama mo sayo at kay Emmanuel para hanapin ang prinsesa. Hindi pa naman yon sigurado pero malaki ang posibilidad na tutuhanin 'yon ng ama mo. Walang nakakaalam kung bakit niya ginagawa 'to. Kung totoo ang dalawang linggong palugit ng ama mo na siyang posibleng dahilan ng pagpapatawag niya, at kapag wala pa ang prinsesa at walang nakasal sa inyong dalawang magkapatid, tapos na ang laro."

Namilog ang mga mata ni Mace sa narinig at nasapo niya ang umawang na bibig.

Ang ibig sabihin ba nito, kung magtatago siya ng mabuti sa loob ng dalawang linggo, pagkatapos no'n, magiging malaya na siya? Hindi na siya tatakbo pa? Hindi na siya magtatago?

Mace couldn't help but to smile in triumphant. Matatapos na rin sa wakas ang larong 'to! Makakalaya na siya sa wakas! Makakapagsimula na siya ng bagong buhay kasama si Ace at Titus--

"Kapag hindi ka nanalo sa larong 'to, asahan mo nalang na isa-isang mawawala ang lahat ng taong tumulong sayo at lahat ng pinaghirapan mo. Remember, your immunity as an untouchable person in Ivanov's family will end when the game ends. That means, you will be open for slaughter. That includes your friends, your men, your mom, our spies, and every people who gave you information for free in hopes that you will succeed in dethroning Rinaldi and his eldest son," wika ni Nate. "At dahil si Emmanuel ang panganay sa inyong dalawa, three-fourth ng kayaman ng mga Ivanov ay mapupunta sa kaniya, ang natira ay sayo. And believe me, that will never be enough to block all Emmanuel's attacks when the time comes."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mace at parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Mapapahamak si Titus kung lilipas ang dalawang linggo na hindi siya nito nahahanap, pero siya naman ang mahihirapan kung mahanap siya nito.

Hindi niya kayang pakiharapan si Rinaldi. Hindi niya kayang magpanggap na wala itong ginawa sa pamilya niya! Hindi niya kaya! Hindi siya tumakbo at nagtago sa loob ng mahigit isang dekada para lang ibalik sa Sicily, para lang pakiharapan ang pumatay sa mga magulang niya sa mismong harapan niya!

Maingat siyang umalis mula sa kinatatayuan saka bumaba patungong first floor. At nang makabalik sa kusina, kaagad siyang naghugas pagkatapos ay dinala si Ace sa sala para doon ito maglaro. Siya naman ay inabala ang sarili sa paglilinis habang hindi pa natatapos mag-usap si Nate at Titus. Nang makababa ang dalawa, walang emosyon pareho ang mukha ng mga ito.

Nang makaalis si Nate, kaagad na nagtungo si Titus sa mini bar at nagsalin ng alak sa baso.

Titus looked tired. He looked like the kind of person who was about to give up hope and life.

Nilapitan niya ang anak na naglalaro saka binulongan ito sa tainga, "anak, sa taas ka muna, doon sa kuwarto natin. May pag-uusapan lang kami ni papa mo."

Tumingin muna si Ace kay Titus at mabilis na tumango saka bumulong, "huwag mong awayin si papa, ha?"

Nginitian niya ang anak. "Hindi, baby, hindi ko siya aawayin. Mag-uusap lang kami."

Ngumiti si Ace saka naglakad patungo sa hagdanan at maingat na umakyat. Nang mawala sa paningin niya ang anak, nilapitan niya si Titus na ginagawang tubig ang whiskey. Sa bote na ito umiinom habang panay ang hinga ng malalim.

Umupo siya sa stool na katabi nito saka dahan-dahang inagaw ang hawak nitong whiskey. Nang hindi nito binitawan 'yon, kinausap niya ito.

"Huwag kang uminom sa harap ni Ace. Hindi 'yon magandang tingnan para sa kaniya," aniya.

Mabilis itong bumaling sa sala kung nasaan si Ace naglalaro kanina. Nang makitang wala na doon ang anak, nagtatanong na tumingin ang binata sa kaniya.

"Pinaakyat ko muna sa itaas," aniya saka nagpasalamat ng tuluyang maagaw ang bote ng whiskey na hawak nito. "Ayokong nakikita ka niyang umiinom. Hindi yon magandang impluwensiya sa mura niyang edad."

Mapait itong ngumiti na nauwi sa mapaklang pagtawa. "Bakit ganoon, cara?" Napasabunot ito sa sariling buhok. "Kung kailan pakiramdam ko nakompleto na ang buhay ko, saka ko 'yon kailangang isuko? Kung kailan pakiramdam ko napaka-suwerte kong tao dahil nalaman kong may anak ako at nandiyan ka sa tabi, saka naman darating ang mga bagay na nagpapagulo ng lahat." Tumitig ito sa kaniya, nangungusap ang mga mata. "Maiintindihan mo kaya ako, kung sabihin kong kailangan ko kayong iwan ni Ace para gawin ang isang bagay na maraming matutulungan? Hihintayin mo kaya ako at may babalikan pa ba akong anak kung pipiliin ko ang kailangan kong gawin keysa sa inyong dalawa?"

Nakikita ni Mace na nahihirapan na si Titus. Gusto niya itong tulungan. Gusto niya itong bigyan ng lakas. Pero ang tiwala niya, hindi niya 'yon basta-basta ibibigay ng walang basehan. Kailangan niyang malaman kung saan ito nanggagaling. "Sabihin mo sakin kung bakit kita kailangang maintindihan, Titus. Tell me why I should wait for you." Hinawakan niya ang kamay nito saka pinisil iyon. "Tell me...please...ipa-intindi mo sakin para alam ko ang gagawin ko."

Titus stared deeply into her eyes. "You want to know my story?"

Mabilis siyang tumango. "Oo. Gusto kong malaman kung sino ba talaga si Faris Titus Al Shariquei Morgan Ivanov. I want to know the story of the man that I'm going to trust my life with."

Huminga ng malalim si Titus. "Okay."

Umalis si Titus sa pagkakaupo sa stool saka inilapit ang katawan sa kaniya habang masuyong hinahaplos ang pisngi niya. Kapagkuwan ay nagumpisa na ito magsalita tungkol sa nakaraan niya.

"Nuong bata pa ako, medyo katulad din ako ni Ace, lumaking walang tunay na ama. Nabuntis sakin si mommy. At dahil wala akong ama at nasa UAE kami nakatira, nagmakaawa si mommy sa ama niya na bigyan siya ng pera para makauwi sa Pilipinas dahil makukulong siya kapag nanganak doon at walang ama ang bata pero hindi pumayag ama niya. Bawal kasi 'yon sa bansang 'yon, ang manganak ng walang asawa. Pilipina ang ina ni mommy na naging asawa ng isa sa mayamang negosyante sa Abu Dhabi pero kaagad ding namatay ng ipinanganak si mommy dito sa Pilipinas kaya nag-asawa ulit ang ama niya at dinala siya doon para doon palakihin."

He had a faraway look on his face, like he was relieving every detail of his life in the past. "Dahil siguro ayaw mabahiran ng kahihiyan ang pamilya, tinago si mommy ng ama niya. Dahil may pera naman, ligtas na nakapanganak sa akin si mommy ng hindi nakukulong. Pagkatapos, para mailigtas ang pamilya sa kahihiyang dala ni kommy, ipinakasal siya ng ama niya sa hardenero nila. Walang nagawa ang ina ko kundi ang umu-o para lang maging ligtas kami. Inako ako ni Amed Morgan bilang anak niya kapalit ng malaking halagang pera galing sa ama ni mommy. Noon, palagi kong tinatanong kay mommy kung bakit galit na galit sa akin si daddy. Nalaman ko nuong limang taong gulang ako, na hindi pala talaga niya ako anak. Araw-araw, pinaparamdam 'yon sakin ng ama ko na bastardo ako. Binubogbog niya si mommy. Sa mura kong edad, natuto akong tumayo at lumaban para sa amin ni mommy. Hindi ko alam kung suwerte ba namin na namatay sa isang aksidente si daddy. Kahit papaano, naging tahimik ang buhay namin pero mas naghirap naman kami ni mommy lalo na't hindi naman kasya para sa amin ang sinasahod niya."

Parang binibiyakbang puso ni Mace habang nakikinig kay Titus. Nang tumigil ito sa pagsasalita, pinisil niya ang kamay nito. "Pagkatapos?"

Bumuga ito ng marahas na hininga. "Hindi ko alam kung paano ako nabuhay ni mommy sa ganoong kahirapan, sa ganoong kagulong kapaligiran. Nakatira kami sa isang kuwarto na isang langaw nalang ang pipirma, guguho na at magulong mga kapit-bahay. May trabaho si Mommy na kulang ang sinasahod at isang beses lang kaming kumain kasi pambayad sa upa ng bahay ang iba kasi mas importante daw ang may matulogan kami keysa sa kalye. Sa paghihirap namin, ni isang centavo, wala kaming natanggap na tulong mula sa pamilya niya."

Mahinang natawa si Titus habang umiiling-ilinh at nanunubig ang mga mata. Bakas doon ang hirap ng pinagdaanan nito.

"Kahit mahirap man sa buhay, pilit akong pinag-aral ni Mommy," pagpapatuloy nito ng kuwento. "Pero bago ako makapag-high school, ako mismo ang kusang tumigil sa pag-aaral para alagaan siya kasi nagkasakit na naman siya. Dahil siguro sa halos walang tigil na pagta-trabaho para sa'kin. Ang dami kong ina-apply-yan na trabaho, gusto ko kasing galing sa legal ang ipapakain at ipapagamot ko sa kaniya, pero walang tumanggap sakin kasi kulang ako sa pinag-aralan, wala akong kakayahan at mas may deserving pa raw keysa sa akin.

"I grew up in a very dangerous place and in a very rough environment. Survival of the fittest was real in my neighborhood. So I did what I do best when I was a kid. Steal. Easy money. A team of thieves took me in. They taught me everything I know about stealing. Together, we stole money. When I grew old, I left my team behind and went to steal on my own. I don't just steal food and money anymore. I steal valuable artifacts, documents, and anything that I'll be paid in cash. Ayaw ni mommy. Pinapagalitan niya ako palagi, pero hindi ako nagpapigil. Wala akong pakialam kung illegal ang ginagawa ko. Ang importante sakin, mabigyan siya ng magandang buhay na dapat ay nararansan niya kung hindi sakin na pinagbuntis niya ng walang ama. Pero isang araw, bigla nalang nawala si mommy. Nawala siya na parang bula at ang naiwan ay ang maikling sulat para sakin. 'If you succeeded and become a well-know and rich person, I'll give you back your mother. - Father'. That was my first communication with my father, and I was pissed.

"Kaya naman naging desperado ako para magkaroon ng maraming pera. Pinanghawakan ko ang pangako ng ama ko na ibabalik si mommy kapag may pera na ako. I want to see my mother again. I missed her so much. So I continued to steal money, jewelry, important documents to be sold to the highest bidder, and then I started accepting contracts. Tell me what it is, paid me the right price, and I'll steal it for you. And of course, along the way, I lost my humanity. Ending a person's life was easy as breathing for me. Doon nagsimulang makilala ang pangalan ko sa black market at kahit sa ibang negosyante din sa UAE at sa ibang bansa sa Asya. Faris Titus Al Shariquei Morgan. That's the name that they have to call when they want something they can't have."

Umangat ang kamay ni Mace para tuyuin ang isang butil ng luhang nalaglag sa pisngi ng binata. "Titus... It's okay. Hindi mo na kailangang magkuwento," aniya. Sapat na ang mga narinig niya para mabura ang pagdududa niya rito.

Pero hindi nakinig sa kaniya ang binata. Pinagpatuloy nito ang pagku-kuwento.

"Madali lang ang pera sakin ng mga panahong 'yon kaya naman nakapag-aral ako ulit. Ilang exam ang kailangan kong ipasa para makahabol ako sa pag-aaral at makapasok sa kolehiyo. At dahil marami na akong pera at koneksiyon, nakapag-aral ako sa isang magandang unibersidad sa U.S. Kasabay no'n, nag-aral din ako ng iba't-ibang klase ng martial art at tinuruan ko ang sarili ko na gumamit ng iba't-ibang uri ng baril para sa sarili kong proteksiyon. And while in college, I met people that eventually became my friends. And in my messed-up life, my friends became my entertainment. Somehow, they became one of the most important people in my life. Pero hindi ako naging tapat sa kanila. I lied to them, and that included my name and my family background. Ang alam nila wala na akong mga magulang at isa akong tagapagma. Napakadali para sa akin na magsinungaling kaya hindi nila nahalata. Nang makapagtapos ako ng pag-aaral, nakapagpatayo ako ng oil company sa Dubai at Abu Dhabi gamit ang pera galing sa illegal na gawain ko noon. Pero nangako ako sa sarili ko na hindi na ako babalik sa pagnanakaw, na magtitino na ako, na magbabagong buhay na ako.

"And then one day, a man knocked on my door. My mother was with him. Yong saya ko ng araw na 'yon, walang mapagsidlan. Nag-uumapaw." Mahina itong tumawa. "At sa pagkakataong 'yon, nakilala ko ng personal ang tunay kong ama. Doon ko nalaman ang pangalan niya. Rinaldi Ivanov, a very wealthy businessman from Sicily. And to my surprise, he already have a complete papers stating that I will carry his surname from then on. I was happy. Mom and dad are finally together. But I learned the horrible truth. I was a rape child. Rinaldi violated my mother when he saw her in Abu Dhabi. My mother declined his offer to dine with her in a private restaurant. He's a son of a bitch. I was so mad. I was livid. But what can I do? I just stole things to make money. And before he left that day, he told me to be strong or he'll take away my mother again. Sa kagustuhan kong magkaroon ng tahimik na buhay si mommy, inuwi ko siya sa Pilipinas tulad ng matagal na niyang gusto at pinatayuan ko siya ng bahay dito. Kasabay no'n ay ang paglago ng negosyo ko at nakapagsimula pa ako ng mga bagong negosyo dito sa bansa. And then..." He stared softly at her. "I met you."

Napakurap-kurap siya. "That was five years ago..."

Tumango ang binata. "When you became my girlfriend, I was a reformed thief. Hindi na magulo ang buhay ko, pero nasanay na akong magsinungaling sa lahat ng taong kakilala ko kaya ng itanong mo sakin ang pangalan ko, Titus Morgan ang pinakilala ko sayo at hindi si Faris Titus Al Shariquei Morgan Ivanov na may magulong nakaraan. Then all of the sudden, you left. Kasabay no'n, bumagsak ang dalawang kompaniya ko na kagagawan pala ng kapatid ko sa ama, si Emmanuel. Kaya nga ako nagpunta sa Abu Dhabi ng iwan kita rito sa condo. I went nuts again. Sabay-sabay ang naging problema ko. Ayoko nang bumalik sa dati, na nagnanakaw ako para makakain. Nakaahon na ako, ayoko nang bumalik. Kaya naman pina-imbestigahan ko si Emmanuel, kung ano ba ang mahalagang bagay na mayroon siya na magagamit ko laban sa kaniya, doon ko nakilala si Princess Rhoana Elyzabeth Dadaria Stavros Montero, ang pakakasalan ng kapatid ko sa ama para makuha ang lahat ng kayaman ng Ivanov.

"Kinuha ko si Princess Rhoana para makaganti kay Emmanuel na kusa namang sumama sakin. Little did I know, I started a war against him. And guess what, our father was very happy about it. He started the game called Marry the Princess Bride, an ancient game that his ancestors used to play to get all the inheritance when the family leader has more than two or more son's. Umayaw ako nuong una pero kinuha nila si mommy ulit para makipag-cooperate ako. They didn't give me a choice, so I said yes. Tatlong taon na ang larong ito. Tatlong taon ko na ring hindi nakakasama si mommy.

"Alam ko ang pakiramdam ng maging mahirap, Mace, napakahirap. Kaya gagawin ko ang lahat manalo lang. Kung natuloy lang sana ang kasal namin si Princess Rhoana, kaya lang may mahal naman siyang iba at ayokong ipagkait sa kanila ang maging masaya lalo na at pinaglaban naman siya ng kaibigan ko. I'm happy for them. But now, I have to move fast. I have to find the last remaining Princess. I need her to save my mother, to save all the person whoever helped me in this game, and of course, to get the Ivanov's wealth. Dahil kapag totoo ang sinabi ng mga espeya ni Nate na dalawang linggo nalang ang ibibigay samin ni daddy para mahanap at mapakasalan ang prinsesa, I'll be doomed if I don't find this princess soon. Dahil si Emmanuel ang panganay, kapag walang nanalo sa laro, sa kaniya mapupunta ang eighty percent ng kayaman ng mga Ivanov, ang natira lang ang sa akin. Maghihirap ako ulit, sigurado 'yon, dahil hindi ako titigilan ni Emmanuel hanggat hindi ako naghihirap, kami ng mommy ko." Huminga ito ng malalim saka mahinang natawa habang nakatitig pa rin sa kaniya. "Ngayon...hihintayin mo ba ako o tulad noon, iiwan mo ulit ako?" Hinaplos nito ang pisngi niya. "I really need your trust right now, cara mia. I need you to put your trust in me. Can you do that?"

Hindi siya nakapagsalita pagkatapos ng kuwento ni Titus. Kahit ang tanong nito ay hindi niya nasagot. Habang unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang kuwento ng buhay nito, unti-unti naman niyang na-realize ang kamalian niya sa panghuhusga rito. At pinagsisisihan niya iyon. Pinagsisisihan niyang umalis siya at iniwan ito. Pero wala nang silbi ang pagsisisi niya, huli na, tapos na. Wala na.

Ang magagawa nalang niya ngayon ay tulungan ang binata at bigyan ito ng lakas na kailangan nito.

Hindi namalayan ni Mace na may luhang nahulog pala mula sa mga mata niya kung hindi pa iyon tinuyo ni Titus. Napakurap-kurap siya at napatitig sa binata.

"Titus, ako 'yong hinahan--"

"Morgan, halika na." Boses iyon ni Nate na pumutol sa pagtatapat sanang gagawin niya. "Mali-late na tayo. The plane is ready. We have to go."

Kunot ang nuong nagtatanong ang mga matang tumitig siya kay Titus. Kaagad na nawala sa isip niya ang pag-amin niya sana na pinutol naman nito. "Aalis kayo? Saan ka pupunta? Ngayon mo na ako iiwan?"

"Pupunta ako sa Sicily," sagot ni Titus saka sinapo ang mukha niya at hinalik-halikan siya sa mga labi. "Pinapatawag ako at si Emmanuel ng ama namin. Kung anong pakay niya, hindi ko alam. Baka tungkol ito sa limitadong oras na ibibigay niya. Baka mga isang linggo ako do'n."

Umiling siya. May kaba sa dibdib niya. "Hindi puwede, paano kung mapahamak ka do'n?" Hinawakan niya ito sa kamay na parang pinipigilan. "Paano kung may gawin sayong masama ang kapatid mo?"

"Huwag kang mag-alala sakin, babalik ako ng ligtas. At walang magagawa sakin si Emmanuel na hindi ko kayang gawin pabalik sa kaniya." Ginawaran siya ng halik sa mga labi ni Titus. "Ako nga dapat ang mag-alala baka pagbalik ko, wala na kayo ng anak ko."

Mabilis siyang umiling. "Hindi na ako aalis. Maghihintay kami ni Ace sa pagbalik mo."

Tumango si Titus saka nginitian siya. "Mabuti naman, kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung iiwan mo na naman ako."

Mahigpit siyang yumakap sa binata. "Pagbalik mo, ako naman ang magkukuwento ng buhay ko. It's only fair, yeah? Pangako, sasabihin ko sa'yo lahat, wala akong ililihim kahit kaunti."

Titus embraced her tightly. "I'm looking forward to that, cara mia. I just realized now, wala pala talaga akong masyadong alam tungkol sayo."

Napangiti siya saka hinalikan si Titus sa baba. "Mag-ingat ka doon ha?"

Tumango si Titus habang hinahagod ang likod niya. "Mag-iingat ako para kay Ace...at para sayo."

Humigpit ang yakap niya rito. "Good. That's good to hear."

Nang maghiwalay sila ni Titus at kumawala sila sa yakap ng isa't-isa, nagkatitigan sila at sabay na napangiti. Kapagkuwan ay hinaplos ng binata ang pisngi niya. "I'm gonna miss you, cara mia."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Ako rin, mami-miss kita."

He kissed her softly on the lips and then smiled at her. "Wait for me this time."

Mabilis siyang tumango. "Oo, pangako."

Parang pinanggigigilan nito ng halikan ulit ang mga labi niya. "Panghahawakan ko ang pangakong 'yan."

Tumango siya at mahigpit na namang niyakap ang binata. At nang tawagin ulit ito ni Nate, nagpaalam si Titus na aakyat sa taas para magpaalam kay Ace. Habang paalis ang binata, panay ang hikbi ni Ace habang ikinakaway ang kamay sa ama nito.

At nang mawala sa paningin nila si Titus, niyakap niya ang anak hanggang sa tumahan ito.

"Shh...babalik pa naman si papa. Hihintayin natin siya," bulong niya sa anak.

Malakas at sunod-sunod ang naging hikbi ni Ace. Wala itong sinabi kundi ang humikbi at umiyak lang at hindi niya mapigilang mapaiyak din.

Hindi niya alam pero naninikip ang dibdib niya at ang sakit-sakit ng puso niya habang nadidinig ang pag-iyak nito.

Ayaw niyang makitang umiiyak si Ace, pero wala naman siyang magagawa. Kaya naman pinapangako niya, pagdating ni Titus, sasabihin na niya ang totoo rito para magkakasama-sama na silang tatlo.


CECELIB | C.C.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Future With You Jamille Fumah द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

779K 30.5K 9
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar C.C. द्वारा

सामान्य साहित्य

51.6M 1M 30
She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then...
2.7K 81 35
Sabi nila "What's meant for you will find you when the time is right" This is the story of two people, who met at an unexpected moment and met again...
5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...