Kabit

By jaysanj

843K 30.5K 9.9K

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. GXG More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 3

26K 878 600
By jaysanj




Pagod na pumasok ako sa loob ng bahay pagkauwi ko galing sa shop. Eight na ng gabi ako nakauwi dahil sa sobrang daming customers kanina at tatatlo lang ang workers ko sa shop. Isang flower shop ang tinayo kong negosyo at hindi ko alam kung bakit biglang dumami ang customers kanina. Hindi naman Valentine's day ngayon kaya nagtataka ako na biglang napuno ang shop kanina. Madalas kasi na umaabot lang na sampu ang customers ko sa isang araw dahil madalang lang naman na mabenta ang bulaklak kapag may okasyon o may mga gusto pagbigyan non.

Ayun ang mahirap sa isang flower shop madalang ang customers kaya yung ibang bulaklak ay nalalanta agad dahil hindi ito masyadong nabibili pero mabuti na lang ay may magaling akong taga-alaga ng mga bulaklak kaya hindi naman ako nalulugi. Tapos ngayong araw ay bigla kaming dinagsa ng mga tao. Halos na ubos ang naka-display na bulaklak sa shop kanina. Parang sabay-sabay ang monthsary, anniversary o kung anong okasyon ang meron ang mga tao ngayon kaya nakitulong ako sa mga workers ko na i-assist ang mga customers kaya napagod ako ngayong araw.

Pero ayos naman 'yon dahil nakabenta kami at kahit papaano ay nakalimunta ko ang naging problema ko sa bahay pero dahil nandito na ulit ako ngayon sa bahay ay parang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko na rin ipaliwanag ng maayos kay Kevin ang nangyayari at sana maintindihan nya ito kahit na hindi maganda sa isang pamilya na may kabit kaming kasama.

"Hey, pagod na pagod ka." bungad sakin ni Lorenzo pagkapasok ko ng bahay. Agad syang lumapit sakin at kinuha ang gamit ko. Hinayaan ko na sya dahil pagod ako para iwasan pa sya.

"Mommy!" napawi ang pagod nang makita ko ang anak kong patakbong lumapit sakin at binigyan ako ng isang yakap. Napangiti ako at niyakap din sya. Makita ko lang anak ko ay okay na ako.

"Hey, baby boy. Kamusta araw mo?" tanong ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Kahit na ten years old na sya ay hindi sya nahihiyang halikan ko sya at tawagin na baby boy. Ewan ko rito kung bakit dahil yung ibang bata dyan ay ayaw nang tinatawag ng ganon dahil hindi naman sila baby pero si Kevin ay proud na proud pa sya.

"Good. Siguro." nagtaka ako.

"Bakit may siguro pa?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot bagkus tumingin sya sa Daddy nya tapos sa babaeng nakaupo sa couch na ngayon ko lang napansin na nandito pala yung kabit ni Lorenzo.

Teka, nasabi na ba ni Lorenzo kay Kevin na kabit nya ang babaeng nakaupo sa couch at prenteng umiinom ng juice?

"Madaya sya." nagtaka ako sa sagot ni Kevin. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya. Natawa ng mahina si Lorenzo sa tabi namin.

"Naglalaro sila ng chess ni Acey at sa unang pagkakataon ay natalo si Kevin." sabi ni Lorenzo at ginulo nya ang buhok ni Kevin.

"Hindi ako natalo. Madaya sya." may himig na pagtatampo sa boses ni Kevin. Ang cute ni Kevin kapag ganito sya na nagtatampo.

"No sweetie, talo ka talaga." sabi ni Acey. Ayun ang pagkarinig ko kay Lorenzo.

"Tama na yan. Maru, tara na sa taas magbihis ka na." sabi ni Lorenzo at hinawakan ako sa kamay.

Umakyat kami sa kwarto namin ni Lorenzo pero nung maalala ko na wala na pala rito ang mga gamit ko ay tumigil ako sa paglalakad.

"Yung mga gamit ko ay nasa kwarto na ni Kevin." sabi ko sa kanya.

"Ibinalik ko sa kwarto natin. Ayokong magtaka si Kevin kung bakit bigla kang umalis sa kwarto natin." hinila nya ulit ako papasok ng kwarto namin.

"Hindi ba gusto mong malaman ni Kevin na 'yang babae mo ay rito na titira?" napairap ako na sabihin 'yon. Seryoso pa sya nung sinabi nyang sasabihin nya kay Kevin ang lahat tapos ngayon bigla syang umuurong?

"Ayaw ni Acey na ipaalam sa bata ang relasyon namin dahil masyado pang bata si Kevin para sa ganitong bagay." sabi nya.

"Wow ah! naisip nya pa yon? buti naisip nya yung bata pero bakit hindi nya naisip na makakasira sya ng pamilya sa ginagawa nyang pagkikikabit sayo." inis na sabi ko.

"Maru." maotoridad na sabi nya.

"Bakit Lorenzo? tama naman ako hindi ba? masisira ang pamilya natin nang dahil sa kabit mo. Sana naisip mo man lang si Kevin, Lorenzo. Alam na alam mo kung ano ang gusto ng anak mo. Ang buo ang pamilya natin kahit na busy tayong parehas." medyo napapalakas na ang boses ko sa sobrang inis sa kanya.

"Buo pa rin ang pamilya natin Maru." mahinahong sagot nya.

"Oo nga naman Maru, buo pa naman, may kabit lang na dito titira" napairap ako. "Lorenzo yang pagtira mo dito sa babae mo sa pamamahay na 'to ay yan ang ikakasira ng pamilya natin. Maaagaw ang atensyon mo samin ng anak mo at babae mo. At sa tingin mo magkakasundo kami ng babae mo? makita ko lang yang babae mo ay ang sarap ng sapakin sa mukha, nakakasira ng araw." sabi ko. Kumunot ang noo ko na parang pinipigilan matawa ni Lorenzo. "Anong nakakatawa Lorenzo? seryoso ako dito!"

Nagtaas sya ng dalawang kamay na tila sumusuko. "Hindi ko kasi aakalain na masisira ang araw mo sa ganda ni Acey." napanganga ako sa sinabi nya. Lahat ng dugo ko sa katawan napunta sa ulo ko sa sobrang inis kay Lorenzo.

Kumuha ako ng bagay na maibabato kay Lorenzo. "Pinagtanggol mo pa 'yang kabit mo! para sabihin ko sayo, maganda nga ang babae mo pero sobrang kati naman!" bulyaw ko sa kanya.

"Selosa ka talaga." nakangiting sabi nya.

"Tang─! gago ka ba?! seryoso ako rito Lorenzo! hindi ako natutuwa sayo, sinasabi ko sayo Lorenzo!" akala nya ba nagbibiro ako rito?! walangyang Lorenzo 'to! hindi ako nagseselos dahil naiinis ako sa pagtanggol nya sa kabit nya na makati!

"Hey, I'm sorry okay?" napairap ako. Hinalikan nya ako sa noo at niyakap. "Ang cute mo talaga magselos." hinampas ko sa balikat yung tipong masasaktan talaga sya.

"Seryoso ako, Lorenzo. Hindi na ito simpleng problema na pwede mong idaan sa pagpapacute mo dyan." inis pa rin na sabi ko. Muli nya akong hinalikan sa noo.

"I know. I'm sorry." sabi nya. Napabuntong hininga ako.

"Bakit Lorenzo?" pang-ilang beses ko na ba 'to tinanong sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin ako nakukuhang sagot sa kanya kung bakit sya nambabae.

"Magbihis ka na. Kakain na tayo." pag-iiwas nya. Lumayo sya sakin at sya ang kumuha ng damit ko. "Sa guest room matutulog si Acey kung iniisip mong katabi natin syang matutulog mamaya. Inaasar ka lang nya na tabi kami matulog." sabi nya at inabot sakin ang susuotin ko.

"Masasapak ko talaga 'yang babae mo, Lorenzo." napangiti sya at hinalikan ako sa noo.

"Go. Hihintayin ka na lang namin sa baba." napabuntong hininga ako at tumango sa kanya. Naglakad ako papunta sa banyo.

Nagbihis na ako at bumaba ng kusina. Nasa living room pa rin si Kevin at Acey na naglalaro ng chess. Seryosong seryoso ang mukha ni Kevin habang si Acey ay chill lang. Napatingin pa nga ito sakin nung mapadaan ako living room. Inirapan nya ako na ikinataas ko ng kilay ko pero hindi ko na pinansin pa.

"Ikaw nagluto?" tanong ko kay Lorenzo nang maabutan ko sa kusina na naghahanda ng lamesa.

"Hindi marunong magluto si Acey kaya ako na nagluto." sabi nya.

"Nambabae ka na hindi marunong magluto." medyo mahina kong sabi dahil baka marinig kami ni Kevin. Nakitbitbalikat si Lorenzo. Napairap naman ako.

Dumating sila Kevin kaya kumain na kaming lahat. Nakapwesto sa kabisera si Lorenzo habang nasa kanan kami ni Kevin at nasa kaliwa nya si Acey.

"Tita Acey, ano pong trabaho ninyo?" pabasag katahimikan ni Kevin. Nagpunas muna ng bibig si Acey ng napkin bago sagutin si Kevin.

"May ari ako ng isang book publisher at bookstore tsaka isa akong author." sagot nya.

"Wow." napangiti ako dahil ang cute ni Kevin. Mahilig sa libro si Kevin, hindi na ako magtataka kung tanungin ni Kevin si Acey kung anong librong ginawa nya.

"At sya ang author ng 'Aware of Love'." agad akong napatingin kay Lorenzo na sabihin nya na si Acey ang author ng librong pinakapaborito ko.

"Really?!" ewan ko pero parang excited si Kevin na si Acey ang author ng paborito kong libro. Alam nya 'yonn dahil lagi ko 'yon binabasa kapag wala akong magawa.

"Hmm yeah." parang wala lang sa kanya na sya ang author non. 

Hindi ako makapaniwala. Ang author ng pinakapaborito kong libro ay kabit ng asawa ko? parang nawalan tuloy ako ng ganang basahin ulit ang librong 'yon pagkatapos kong malaman na sya pala ang author. Hinahangaan ko pa naman ang author non dahil maganda ang pagkakagawa nya pero itong makating babae na 'to ang author?

"Paborito 'yon ni Mommy! hindi ba Mommy?" masayang tanong ni Kevin. Napatingin naman sakin si Acey na may ngisi sa labi. Inirapan ko.

"Noon 'yon, hindi na ngayon." sabi ko at tumayo na. "Ayoko ng kumain." nawalan na ako ng ganang kumain. Naghihinayang ako na si Acey pa ang author ng librong 'yon.

"Mommy." napakagat ako ng labi dahil napalitan ng lungkot ang masayang mood ni Kevin. Hinalikan ko sya sa noo.

"I'm okay, baby boy. Pagod lang ako. Mauuna na akong matulog." muli ko syang hinalikan bago naglakad papunta sa kwarto namin ni Lorenzo.

Tumungo ako sa study table at kinuha ang librong ginawa ni Acey. Napabuntong hininga ako. Ayoko na itong basahin dahil sa nilalaman nito ang pagiging loyal ng isang tao sa taong mahal nya. Akala ko nga ganitong buhay meron kami ni Lorenzo pero sa mga storyang gawa lang ng isipan ito nangyayari. At malaman kong si Acey ang gumawa nito, nagtataka ako kung bakit hindi nya gayahin ang characters nya sa libro nya? loyal at hindi kayang umepal, sumingit o lumandi sa iba.

Nailing na lamang ako at pumunta sa storage room. Binalutan ko ng plastic ang libro tsaka iniligay sa isang box doon. Kahit na gawa 'yon ni Acey, naging paborito ko rin naman iyon.

"Galit na galit ka sa kanya." nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Lorenzo ano ba? wag ka nga mangulat dyan." sabi ko dahil para akong aatakihin sa sobrang gulat ko. Ngumiti lang sya sakin ng tipid. "At oo, hindi pa ba halata?" naglakad ako palabas ng storage room.

Bumalik ako sa room namin. Nakasunod lang sakin si Lorenzo.

"Sinong asawa ang hindi magagalit sa kabit ng asawa nya? sabi mo nga Lorenzo." naiinis na naman ako dahil sa buong araw si Acey pa rin ang pinag-uusapan.

"Maru naman." humarap ako sa kanya.

"Lorenzo, ilang beses ko na ito tinanong sayo pero hindi mo naman ako sinasagot. Lorenzo, ganon mo ba sya kamahal kung  bakit hindi mo masabi sabi sakin kung bakit nambabae ka?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. Nangingilid na naman ang luha ko sa sobrang inis sa nararamdaman ko at sa sakit dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ito ginagawa sakin ni Lorenzo.

Hindi pa din sya sumasagot kaya kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas.

"Saan ka pupunta, Maru?!" habol nya pero hindi ko sya pinansin. Binuksan ko ang gate at pumunta sa kotse. "Maru saglit nga! saan ka pupunta? hindi ka pwedeng umalis." seryosong saad nya.

"Hayaan mo ako ngayon, Lorenzo. Gusto kong lumayo sayo kahit ngayon lang dahil kahit anong gawin nating pag-uusap, ako pa rin ang masasaktan dito dahil wala akong matinong makuhang sagot mula sayo kung bakit mo 'to ginagawa sakin." sabi ko. Nakatingin sya sakin at ganon rin ako dahil seryoso ako sa gusto kong mangyari na lumayo sa kanya.

"Paano si Kevin? paniguradong hahanapin ka nya." napabuntong hininga ako. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko.

"Alam mo naman kung ano ang idadahilan mo." pumasok ako sa kotse, hindi naman ako pinigilan ni Lorenzo kaya inilabas ko na ng bahay ang kotse.

Habang palayo ako sa bahay ay hindi ko maiwasang umiyak.

Ang sakit putcha.




---------------------------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.6M 99.4K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022