100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[34] Wrong First Impression

310K 3.2K 947
By Girlinlove

ANNOUNCEMENT: I changed the characters to Filipino Characters. 1. Better Imagination. 2. Para if ever may mga booksigning may chance mainvite right? Unlike pag Koreans. I posted the NEW CHARACTERS in my facebook account so if you want to see it please go to: 

https://www.facebook.com/GirlinloveWattpad/

Their names will be posted sa gilid, so check them out! :) 

Alexander Diaz (@AlexanderMcdizz) (the one playing MICO LOYOLA) I met him sa Pop Fiction Festival and I told him na he's playing Mico Loyola and he said that he's flattered! :) Plus, sa twitter niya he's retweeting/replying those na magsasabing "Hi Mico Loyola" Awww. <3

Also, Mark Neumann (@AAMarkNeumann) (the one playing BRYLE ORTEGA) replied to my tweet if pwede ba siyang maging Bryle and he said "Feel free" and he's also retweeting and replying if tinatawag siyang Bryle! :) 

100 Steps To His Heart feels! <3

This chapter is dedicated to: Pinky Tupaz Floreno! Thank you for making the book cover! Thank you din sa lahat ng nagedit. (Sorry I have no skills sa ganyan) <3 

____________________________________

 Hope's POV

Nagising na lang ako ng may marinig akong sumisipa sa labas at sumisigaw ng "Gumising na kayo, may naghahanap sa inyo." Napatingin ako kay Enzo at nakita siyang mumukat mukat. So ganito pala ang itsura niya pag bagong gising.

"Oh.. Hi, good morning." Bati niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mamula at ngumiti.

Tumayo kami. Nakita naming bukas na yung pintuan kaya lumabas kami. Pupunta pa sana kami sa police desk pero...

*SLAP*

Bumungad sa akin ang sampal ni Ate.

Oo. Si Ate, kasama si Lola, si Kuya Nathan at si... Mico, ay nandito sa police office.

"ALAM MO BA KUNG SAAN KAMI NAGHANAP AT UMIKOT KAGABI HOPE PARA LANG MAKITA KA! HALOS INIKOT NA NAMIN YUNG VILLAGE, KUNG SAAN SAAN KAMI NAGTANONG, PATI TONG SI MICO TINANONG NAMIN KUNG KASAMA KA PERO WALA SIYANG ALAM. KAGABI KA PA NAMIN HINAHANAP, TINATAWAGAN PERO WALA KANG PARAMDAM! PAPATAYIN MO BA TALAGA KAMI SA PAGAALALA?! AT NGAYON MAKIKITA KA NAMIN NA KASAMA MO 'TONG LALAKING 'TO, MAGKASAMA PA KAYO NATULOG AT NAKULONG PA KAYO?! ANO BANG PROBLEMA MO HA, HOPE?! TALAGA BANG NAWALAN KA NA NG RESPETO SA AMIN! ANONG GINAGAWA MO AT KASAMA MO YANG LALAKING YAN DITO SA KULUNGAN?! ANONG KALANDIAN TO HA?! BAKA MAMAYA MALALAMAN KO NA LANG NA BUNTIS KA NA HA!"

Galit na galit si Ate. Sigaw siya ng sigaw doon. Naiyak na lang ako. Naiyak ako kasi never pang nagalit ng ganito si ate sa akin. Naiyak ako kasi totoo lahat ng sinasabi niya. At naiyak ako kasi kailangan kong mapahiya ng ganito sa harap ng maraming tao... Lalo na ni Enzo.

"It was not her fault--" Ipagtatanggol pa sana ako ni Enzo kaso..

"Ikaw lalaki ka wag mo akong simulan ha. Wala akong pakialam kung mayaman ka, kung sikat ka o kung ano mang meron ka at pinagmamalaki ka... Pero wala kang karapatang isama ang kapatid ko sa lahat ng katarantaduhan mo. Una sa lahat hindi ka pa namin nakikilala, at ngayon malalaman namin na makukulong kayo nitong si Hope?! Ano bang akala niyo sa amin? Hahayaan namin gawin niyo lahat ng asal niyo?! ABA HINDI. Hindi ako naging ate ni Hope para lang sa wala!"

Galit na galit si ate na pati si Enzo sinisigawan niya. Sinubukan siyang pakalmahin ni Lola at ni Kuya Nathan. Dahil doon tumigil siya kakasigaw niya. Tiningnan ako ni Lola at alam kong disappointed siya sa akin. Alam kong maling hindi magpaalam pero.. Haaay. :(

"Tama na yan, Faith. Hope alam mong mali ang ginawa mo. Maling hindi ka nagpaalam, maling pinagalala mo kami, maling mali ang natulog ka... Dito sa presinto kasama ang lalaking yan na hindi namin kilala. Pero wala na kaming magagawa. Sana lang matuto ka dito at wag ng maulit ito. Naayos na namin lahat dito kaya pwede na tayong umuwi. Galit ako sa'yo iho dahil sa ginawa niyo ng apo ko.. Pero alam kong pagod ka din at hindi maayos ang tulog niyo kaya kumain muna kayo lahat sa bahay. Magluluto ako ng umagahan."

"LOLA! Papakainin mo pa yang lalaking yan sa bahay?!" Galit na galit talaga si Ate kay Enzo.

"Faith, lahat tayo pagod. Hope magsorry ka sa Ate mo. Ikaw din iho. Ayoko ng mauulit pa 'to. Hope, hindi ka na rin muna makakalabas sa bahay ng isang linggo. Oo, parusa mo yun. Hindi lahat ng bagay pwede palampasin, pero lahat ng ito ay nangyari na. Kaya tara na sa bahay at kumain tayo bago magpahinga."

Siyempre ang utos ni Lola ay sinunod ng lahat. Lahat kami sumakay sa kotse ni Kuya Nathan. Habang naglalakad pinapakalma ni Kuya Nathan si Ate. Buti na lang nandiyan siya. Maya maya si Mico tumabi sa akin.

"Naiinis ako sa'yo kasi dinala mo ang katangahan mo sa ibang lebel. Pero alam kong pagod ka, at tama na ang panenermon ni Ate sa'yo. Kaya itatanong ko na lang sa'yo kung okay ka ba?" Kakaiba pa ring makitang sincere at seryoso si Mico pero matutuwa na lang ako kasi hindi siya nakisabay sa pangaasar kasi wala ako sa mood.

"Oo, okay lang ako. Sorry at salamat sa pagsama kina Ate at Lola sa paghahanap sa akin."

"They were so worried, Hope. Never ever do this again."

"Alam ko. Sorry talaga."

"What were you doing with Enzo? Di ka man lang tumawag."

Gusto kasi ni Enzo magovernight sa presinto pero hindi ko naman kayang hayaang magisa siya kaya sinamahan ko siya. Hindi naman ako pwedeng magpaalam kasi.. Sinong nagpapaalam na magoovernight ka sa presinto dahil sa binasag at pinagbabato mo ang isang lumang kotse?

Pagkauwi namin sa bahay, walang umiimik. Alam kong galit parin sa akin si Ate. Si Mico at Enzo hindi nagkikibuan. Si Lola at Ate nagluluto. Nakaupo ako sa sofa katabi si Kuya Nathan.

"Hope, don't do this again. This is wrong on so many levels, and Faith and Lola were so worried."

"Sorry Kuya, thank you sa pagsama kina Ate at Lola."

"No worries. Sa susunod wag mo ng gagawin 'to."

"Opo."

Naupo lang ako doon. Hiyang hiya sa ginawa ko. Pero wala akong pinagsisihan. Alam kong mali ang ginawa ko... Pero ayoko namang iwan si Enzo magisa lalo na at sobrang lungkot niya.

"Enzo, what do you think you're doing?! Why didn't you call your home and bailed out?" Tanong ni Mico kay Enzo. Hindi makasagot si Enzo.

"Dude, if gagawa ka ng kagaguhan wag mo ng isama si Hope." Tiningnan ng masama ni Enzo si Mico pero... May point naman si Mico kaya hindi na lang pinatulan ni Enzo. Hay naku, magkakagalit pa ata sila ng dahil sa akin.

"At ikaw.. Ano pang ginagawa mo dito? Lapitan mo si Ate at Lola at magsorry ka." Utos naman sa akin ni Mico.

"Eeeh, Mico. Ayoko. Natatakot ako."

"Sira ka pala eh. Magoovernight overnight ka. Gagawa ka ng kalokohan tapos matatakot ka."

"Isa ka pa. Wag mo na ako pagalitan."

"ANONG WAG! Alam mo bang ginawa mo?! Whole night naghahanap sina Lola sa'yo! Pati yung matanda--"

"Mico, stop it! Hope's had enough. If you're going to shout at someone, shout at me." Dinepensahan ako ni Enzo. Gumitna pa siya sa amin ni Mico.

"Come on, Hope. I'll go with you to your ate and lola. I'll receive all the punishment." Yaya ni Enzo.

"No. Ako sasama diyan kay Hope. Dude, mainit ka pa sa kanila. Lalo lang kayo matrotrouble niyan." Sabi naman ni Mico. Tiningnan ko si Enzo, may point si Mico kaya si Mico na lang sumama sa akin sa kusina kung saan nagluluto si Ate at Lola.

"Bilis. Kausapin mo.." Bulong sa akin ni Mico habang sinisiko niya ako.

"Teka.. Anong sasabihin ko?!"

"Magsorry ka!"

"Wait!!"

"Ano ba yang bulungan kayo ng bulungan diyan?! Kakairita. Ano ba yun?!" Iritang sinabi sa amin ni Ate. Nagkatinginan na lang kami ni Mico at alam naming nagsisihan kami.

"Ate--"

"Ate, Lola. Sorry na daw sabi ni Hope. Please daw. Wag na kayo magalit. Pleaseeee."

Lahat kami napatulala kay Mico na nagpapacute pa at naka prayer pose pa para lang sabihin na wag sila magalit sa akin. Noong marealize niya na lahat kami nakatitig sa kanya, umubo siya at umayos ng tayo.

"Ikaw na." Bigla naman niya akong tinulak ng malakas! Aray! Bipolar!

Nakatingin sila lahat sa akin. Oh my gosh, nakakilang. Fine. Gayahin si Mico!

"ATE, LOLA SORRY NA! MALI TALAGA AKO AT DI NA MAUULIT. KAHIT GROUNDED AKO NG 1 MONTH SORRY NA POOOO."

Pagkatapos kong magpacute... Nakatitig lang sila sa akin. Tapos lahat sila tumawa.

"OH MY GOD. That was... Annoying." Sabi ni Mico. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Fine. Fine. As if naman forever kaming magagalit sa'yo, Hope. Pero pwede bang ipasok mo diyan sa kokote mo na hindi tama yung ginawa mo?!" Sabi ni Ate.

"Oo. Nagsisisi na talaga ako. :("

"Dapat lang! Pero tapos na yun. Grounded ka ng dalawang linggo! Galit pa rin ako.. Pero wala na akong magagawa kasi tapos na yun kaya halina kayo, kumain na tayo at wag ng gawin to."

Akala ko ba isang linggo lang akong grounded?! :(

Nagkatinginan kami ni Mico sa isa't isa at parehas kami tumawa! Yes! Hindi na galit si Ate! Pati si Lola!

"Nathan, kakain na." Tawag ni ate. Nakita kong lumapit si Kuya Nathan kasama si Enzo na lumapit sa akin.

"How was it?" Tanong ni Enzo.

"Okay na." Ngumiti siya sa akin.

"Lola, Ate Faith. Before we eat... I would just like to sincerely apologize. For letting you worry, and for bringing Hope into this. I'm really sorry. My butler has already bought the guard a new car, okay na din po lahat ng papers. I'm really sorry."

Lahat sila nakatingin kay Enzo. Unang nagsalita si Ate.

"Alam kong gusto ka ng kapatid ko." WHAT! ATE! WHAT! "Pero hindi ibig sabihin noon itatake for granted mo siya. Wag mo na ulit gagawin kay Hope yun kung hindi ako makakalaban mo."

"No, I won't ever do that to Hope again. And.. Hindi ko rin po siya hahayaang mapahamak. You can trust me."

"Oh no, Enzo. Trust? Big word. Hindi pa muna. Lalo na sa nangyari." Mukhang galit pa talaga si Ate sa nangyari.

"Tama na yan. Tapos na yun. Kumain na lang kayo at magpahinga pagkatapos." Sabi ni Lola.

Awkward ang aura habang kumakain dahil sa nangyari, buti na lang nandiyan si Mico. Bakit?

"Ikaw naman kasi Hope eh. Di ka man lang nagtext o tumawag. Wala ka bang load?" Oo. Inaasar ako ni Mico para mawala yung tension. Tumawa lang sina Ate, Kuya Nathan at Lola. Nagkulitan lang kami ng nagkulitan doon ni Mico noong napansin kong tahimik lang na kumakain si Enzo.

"Enzo, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Sinagot naman niya ako ng ngiti. Tumingin ako kay Mico at nagets naman niya kung bakit.

"Yo, bro. Kamusta ang luto ni Lola at Ate? The best di ba?" Sabi ni Mico kay Enzo. Nagthumbs up si Enzo habang nakangiti.

"Oha! Siyempre! Ate at Lola ko pa!" Tapos lahat kami nagtawanan. Tumawa rin si Enzo. Hay, salamat naman.

Matapos namin kumain, nagoffer si Enzo na tulungan akong maglinis ng pinggan. Sina Mico naman nandoon sa may sofa. Nagsisilbing clown kina Lola. Nakikitawa na rin lang ako mula sa kusina, hindi ko alam na ganyan kakulit si Mico! Siguro kasi alam niya na medyo stressed pa rin si Lola.

"So, Mico's really close with your family huh?" Tanong ni Enzo. Napatingin ako sa kanya habang nagsasabon ng pinggan.

"Medyo. Lagi yang naglulunch dito kasi simula noong umalis sina Tita."

"Oh I see." Sabi niya tapos inabot sa akin ang pinggan.

Naglilinis lang kami doon ng biglang..

"I'm really sorry for what happened. I was so selfish. Hindi na kita inisip. Bad first impression tuloy ako sa family mo."

"Wag mo ng isipin yun! Ginusto ko 'to. Isa pa, bad vibes lang sila dahil pasaway tayo pero maayos rin yan! Swear!" Nginitian lang niya ako pero alam kong nagaalala pa rin siya.

"Ano ka ba! Okay lang yun!" Tapos tinusok ko yung side ng bewang niya. Tapos nakiliti siya. O__O HAHAHA. Oh my gosh! May kilito si Enzo. Tinusok ko ulit ng isa pa.. At isa pa.. At isa pa..

"Hope--hahaha-stop--hahaha." Sabi niya na kiliting kiliti. Ang cute niya please! Gusto ko siyang kilitiin. "Hope.. Aaah.. Hope. HOPE!!"

Bigla siyang sumigaw. Napatingin tuloy pati sina Lola sa amin.

"WALANG NANGYAYARI DITO. Naipit lang siya ng... Plato. Oo. Sa kamay. Maniwala kayo." Paliwanag ko. Napatingin ako kay Enzo at bumulong.

"Bakit ka sumigaw?"

"I don't like it when someone tickles me."

"What? Bakit?"

"If I tickle you, will you like it?"

"OBVIOUS BA?!" Nanlaki ang mata niya sa akin. "Na hindi? Siyempre hindi ko magugustuhan! Ano ka ba, Enzo." Sige Hope, palusot ka pa. Yung may hustisya ha.

Nginitian na lang niya ako at tinapos na namin ang paghuhugas ng pinggan. Maya maya lumapit si Mico sa amin.

"Hey poopy face, watcha doin?" Asar niya. Ay nako, bored na naman 'tong si Mico! Clingy na naman niya! :|

"Wala ka na doon. Bumalik ka nga doon." Taboy ko sa kanya.

"I'm so bored. Let's play something." Ito na naman po yung bipolar side ni Mico. Yung isang side niya lumalabas na naman. Yung childish at clingy side.

"Anong play something? Ano ka, 5? Doon ka nga."

"Why are you so snobby? Why? Why? Why?" ANG KULIT! Ano ba Mico Loyola! Sigaw ng sigaw sa may tenga ko!

Kaya nilagay ko ang kamay ko sa faucet, nilagyan ko ng tubig, at sinaboy ko kay Mico na basang basa na ngayon.

"HAHAHA ANG KULIT MO KASI. LARO PA ANG GUSTO MO HA. Ayan! Mabasa ka!" Tawa pa ako ng tawa. Ang sama na ng tingin niy sa akin. Medyo napaatras ako palapit kay Enzo na nanonood lang sa amin.

"LOLA! SI HOPE PO BINASA AKO! LOLA!"

Whatthefreak! What a baby! Magsumbong daw ba kay Lola! Kakainis! Lumapit agad si Lola at Ate.

"Anong nangyayari na naman dito? Nagaaway na naman ba kayong dalawa?" Sabi ni Lola.

"KASALANAN NIYA PO. Ang kulit po kasi niya." Tanggol ko sa sarili ko.

"Lola, nagtatanong lang naman ako if she wants to play. Then bigla niyang binuhusan ako ng water!"

AT AS USUAL LAGING MAS KAMPI SI LOLA KAY MICO KAYA...

"Tama na yan. Hope, Mico wag na kayong magaway." Tapos umalis na siya at sumunod sa kanya si Mico na dinidilaan ako. Isip bata kainis!

"You guys.. Are you always like this?" Biglang tanong ni Enzo sa may likod ko.

"Huh? Ah, oo. Lagi kaming nagaaway ni Mico. Tapos lagi siyang kakampihan ni Lola. Favorite na nga yan ni Lola eh. Di ko alam kung bakit, pero naging malapit na ang loob nila sa isa't isa e--" Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero.. Nakita kong tumamlay si Enzo.

"Oy, okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Nope." Honest much?

"Bakit?"

"Maybe.. I'm just jealous." JEALOUS?! Si Enzo?! Uyyy. :"> Go on...

"I want to be close to your family too. But... They don't like me now. I don't blame them. Sino nga bang matinong lalaki ang hahayaang matulog sa presinto ang isang babae? Now that I think about it.. I'm so stupid and selfish talaga. :("

"Pwede bang wag mong sisihin ang sarili mo? Ginusto ko rin naman yun. Pwede naman akong umalis at iwan ka. Pero hindi ko ginawa kasi gusto kong kasama ka."

"Really?" Nakangiti niyang sinabi. :">

"Yes, really."

Nagngitian lang kami doon. Para kaming mga tanga. Sige. Ngiti pa. Ngiti lang. Ngiti.

"Seriously, you guys look stupid -_-"

SALAMAT MICO SA PAGSIRA NG PAGNGINGITIAN NAMIN! :|

"Anyway, bro. Tita called me, and.. You're not answering your phone. Your ride's outside, and makikisabay na ako pauwi so.. Leggo dude." Sabi ni Mico.

"Okay. Umm, bye Hope. Thanks for the food. Sorry for the mess." Sabi ni Enzo na hinahatak na ni Mico habang nagbbye siya kina Ate at Lola at Kuya Nathan. Nagbye din si Enzo pero mabilis lang kasi hinatak na siya ni Mico. Bago siya makaalis ng pinto...

"Hey Hope.."

"Oh?"

"See you in school." Tapos nagwave siya.

Oo nga. Ang sarap isiping sa Lunes makikita ko na naman siya. :">

Buti na lang may Enzo, may inaabangan ako para pumasok sa school. At for the first time... Hindi imbyerna ang Salitang "Lunes" sa buhay ko. :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
103K 6K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
770K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...