Music & Hearts|| ViceRylle

By kaname0587

80.7K 1.7K 143

Collection of one shot stories. Lahat tungkol sa Love na hinango ang kwento mula sa mga paborito nating love... More

Baby, I Love your way
Crazy for you
Wherever You Will Go (Part 1)
Wherever You Will Go (Part 2)
Wherever You Will Go (Part 3)
Love's Grown Deep
Stitches and Burn (Part 1)
Stitches and Burn (Part 2)
Stitches and Burn (End)
Manhid Ka
Suddenly It's Magic
Sacrifice (Part 1)
Sacrifice (Part 2)
I Dare You To Move by Switchfoot
DECODE by Paramore
.Radioactive by Imagine Dragons
Promise by Jiro Wang (Part 1)
Promise by Jiro Wang (Part 2)
Momo (Silently) Fahrenheit
Mandy (Kor. Ver. Jang Geun Suk)
Bitter, Sweet
Dear Fandoms
Woman's Cry
Let's Not Fall Inlove by Bigbang
For You by BTS
Oh My Lady by Jang Geun Suk
Hold Me Tight by BTS
Monster
Where You At Taeyang eng ver
Because I Miss You - Jung Yong Hwa
Beautiful by EXO Baekhyun
주영 (JooYoung) - Call You Mine
Starting over again
Save Me by BTS
Fire
Fire (Part 2)
The Runaway Groom
The Runaway Groom 2
Not an update
Jealous
Jealous 2
Runaway Groom Part 3

Whoops Kiri Whoops

2.4K 50 2
By kaname0587

"Girdala, where's my shoes, yung red?"

Nilingon ko si Karylle habang abala sa paninira este paghahalungkat ng shoe rack. Napailing ako ng makita ang ayos nya. Napakabalahura talaga ng babaeng to.

I approach the front door and locked it. Panu na lang pag may biglang pumasok at wala ako?. Habit kasi nito ang maglibot ng kabahayan na tanging tshirt lang ang suot. Minsan pa nga kumakain ito ng nakabra at panty lang.

Ok lang naman sa akin kasu ang ipinag aalala ko ay sya. Panu na lang pag mag isa lang sya dito? Madalas pa naman itong makitulog dito kahit may sarili itong bahay.

"Yung shoes mo ay nasa cabinet mo. Kung san mo lang kasi hinagis kagabi pagdating mo eh.

Napapailing na lang ako habang tinatingnan sya. Abala sya pagsalpak ng kung anu anu sa bagilya nya. Tsk, napaka unorganize talaga.

"Oh yung baon mo, nakapack na. Nilagay ko na yun sa paper bag baka makalimutan mo pang bitbitin ha."

One thing na request nito ay ang ipaghanda ko sya ng pagkain. She really loves my cooking. nagtapos ako ng culinary arts. Mahilig kasi akong magluto. Pero architect talaga ako. Hobby ko lang ang pagluluto.

I love it when people smile after they ate what I've cooked. Karylle use to be my number one fan sa pagluluto.

"O sya Vice aalis na ko ha. And again thanks sa food" Hinawakan nya ako sa balikat at inismack sa lips. 

Suddenly parang biglang tumigil ang mundo ko. Natulala ako. One thing na di ko maintindihan. I am a proud gay since fetus days pa lang.

This is not the first time na hinalikan nya ako. Nagkibit balikat ako. Siguro  wala lang to. Pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

Di pa nga ako nakakapagsimula ng biglang kumatok. Naistorbo man sa ginagawa ay napilitan akong tumayo upang tingnan kung sino yung kumakatok.

Napabuntong hininga ako ng makitang ang mga bekis lang naman ang bwiseta ko. Binuksan ko ng malaki ang pinto upang makapasok sila.

"Oi ateng, sama ka sa rampa namin." sabi ni Donna

"Next time na lang. May tinatapos pa akong floor plan"

"Ay teng, last time yan din yung dahilan mo. Floor plan pa rin. Anong klaseng floor ba yan at di ka makaabante sa bubung" sabat ni Russ

"Ayaw mo ba talaga meme? Sige ka, maggwapo hunting kami dun" pangungumbinse pa ni Buern.

"Di talaga pwede Buern. Next time na lang talaga. See those" itinuro ko pa sa kanila ang working table kung saan nakalagay ang mga ginagawa kong drafts.

"O sya aalis na kami ng maperfect mo na yang floor na yan"

Isa isa ng naglabasan ang mga bekis. Nang akala kong nakalabas na silang lahat ay muli na akong umupo. Bubuksan ko na sana ang laptop ko ng mapatitig ako sa picture frame na may larawan ni Karylle na nakapatong sa working table ko. I remember nilagay ko ito dito katabi ng picture ko.

Ang simple nya sa picture na yun. Walang make up. Natural na natural at napakarefreshing tingnan. Unintentionally ay hinaplos ko ang picture nya na para bang nasa harapan ko lang sya.

"Meme, ano yang ginagawa mo" sa sobrang gulat ay nabitawan ko ang frame, buti na lang at muli kong nasalo iyon.

Asar na tiningnan ko ang taong dahilan ng pagkagulat ko at ng muntik na pagkahulog ng picture ni K.

"Buernnnn. . . ." sigaw ko sa kanya na ikinatakip nya ng tenga.

"Meme, kalma lang. Mababasag ang eardrum ko sayo eh" reklamo nito.

"Eh bakit kasi nanggugulat ka" inis na sabi ko sa kanya sabay batok sa kanya.

"Aray naman..."

"Talagang masasaktan ka pag inulit mo pa ang panggugulat mo sa akin"

"Meme, normal lang ang boses ko kanina, ang sabihin mo praning ka lang kaya ang o.a ng reaction mo"

"Praning? di kaya." tanggi ko.

"Oo kaya."

"Isa, Buern ha"

"Umamin ka na kasi" nagsalubong ang kilay ko.

"Anong aaminin ko?"

"Na may HD ka kay Karylle"

"Anong HD ang pinagsasabi mo dyan. Buern ha umalis ka na nga. Kala ko ba may lakad kayo ng mga kampon mo" taboy ko sa kanya.

"Meme para namang bago ka ng bago dyan. HD as in Hidden Desire. So sige na ichika mo na sa akin yan. Tsaka don't worry, cancel ang rampa namin dahil di ka kasama."

"Ganon pala eh. Umuwi ka na sa kweba mo at may gagawin pa ko"

"Naku bahala ka dyan meme, pag di mo inisplok sakin yang churva mo ipagkakalat ko sa mga beki na pinagnanasaan mo ang picture ni K"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Buern. Anong sasabihin ko? Kahit ako ay naguguluhan.

"Honestly Buern, di ko alam ang sinasabi mo"

"O cge meme, pagbibigyan kita ngayon. Pahiram na lang ng ballpen at papel"

"Bakit? Aanhin mo yun?"

"Natural, meme magsusulat. Yun ang gamit ng mga yun eh. Ikaw, naconfuse ka lang eh nawala na yung common sense mo"

"Pucha ka Buern. Oh ayan" hinagis ko sa kanya ang mga hinihingi nya.

Nagsimula na itong magsulat. Pilit kong sinisilip kung ano ba ang isinusulat nya kasu tinatakpan nya iyon kaya naman inantay ko na lang syang matapos. Mga ilang minuto pa ay inabot nya sa akin ang papel na sinulatan nya. Isa isa ko itong binasa.

"Hey Buern, di ko magets ang mga nakasulat dito"

"If you experience those things na nakalista dyan then I can say it's confirm"

"Confirm what Buern?" lumungkot naman ang mukha nito.

"Nakakalungkot na baka mabawasan ng isa ang federasyon natin ay ok lang atleast libre ka ng pagnasaan"

"Buern umayos ka nga"

"Seriously speaking meme. If those things happen, I'll be happy kasi yung pangarap mong family ay di na drawing. O sya bago pa ko maiyak, aalis na ako"

at ang bastos na bakla ay dumiretso na ng labas. Kunot noong tiningnan ko muli ang papel na inabot ni Buern sa akin. Pwede nga kaya?


1. You will notice every single thing she did even the way she flipped her hair. (May pagkastalker ang dating mo dito)

Kanina ko pa syang pinagmamasdan. Although napakaperfect nya ng tingnan sa suot nya ngayon ay di pa rin ako mapalagay sa ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may noo nya.

"K" tawag ko sa kanya. Agad naman syang tumigil sa ginagawa at lumapit sa akin.

"Yes?" nakangiting tanong nya sa akin.

Di ako nagsalita bagkus ay pinalapit ko pa sya ng todo para mafix ko yung mga buhok na nasa noo nya. Nang makuntento ay nakangiting bumaling ako sa kanya.

"Ayan ok na"

"Thanks" Tumalikod uli sya sakin at bumalik sa harap ng computer.

Five minutes ay tumigil sya sa pagtype. Nakakunot ang noo nya na para bang may hinahanap. Lingon sa kaliwa at kanan ang ginawa nya.

"Ayun yung ballpen mo K sa ibabaw ng cpu" agad naman nyang tiningnan ang cpu.

"Thanks, but panu mong nalaman na ito yung hinahanap ko?" takang tanong nya.

Di ko rin alam eh. Parang ang dali ko lang nahulaan. Yung feeling na nasense ko kagad kung anu ang kelangan nya, ganun.

"Wala lang."

"Ganon?" obvious sa tono nya na di sya kuntento sa sagot ko pero pinili na lang nyang bumalik sa ginagawa.




2. Malamig naman pero feeling mo ang init pag andyan sya. (In short, namamanyak ka sa kanya)

Lately nag iiba na ang pakiramdam ko. Dati wala lang eh, pero ngayon, iba na. Yung feeling na parang sinisilaban ang pagkatao ko kapag nakashorts sya.

Arghh, magpa albularyo kaya ako. Baka may sumapi lang na masamang espiritu sa pagkatao ko.

Nababaliw na ata ako.

"Oy Vice tapos na akong maligo. Ikaw naman" napahawak ako sa dibdib ng bigla may magsalita likuran ko.

Napaoh my god ako ng makita ang ayos nya. Nakalaylay ang tumutulo pang buhok nito. Nakapaikot ang tuwalya sa katawan nito na umabot lang sa kalahati ng hita nito.

Syet na malagkit. Help me lord to overcome this kind of tukso.

Napasunod ang tingin ko ng suklayin ng kamay nya ang mga buhok na nalaglag sa may bandang mukha nya. Nanlaki ang mga mata ko ng kumalas sa pag kakabuhol ang tuwalya dahil sa pagkakataas ng kamay nya.

Bigla akong tumalikod. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may gustong kumawala sa akin kasabay ng paggising ng isang bahagi ng pagkatao ko na akala kong habang buhay na matutulog.

Oh my gulay, ano itey? Bakit nagrereact si junjun ko?

"Oi Vice grabe ka namang mandiri dyan" ha? Sinong nandidiri? Di ba alam ng babaeng na para akong sinisilihan dito.

"Magbihis ka na nga K."

"Kanina pa kaya akong nakabihis" humarap ako sa kanya. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa batok.

"Ahhhhh. . . . ." isang mahabang tili ang lumabas sa lalmunan ko.

Isang sampal ang nagpatigil sa akin. Asar na tiningnan ko sya ng masama.

"Aray ha, masakit yun"

"eh kasi naman para kang timang dyan."

"Sabi mo nakabihis ka na" nakatakip pa rin ang mga palad ko sa aking mga mata.

"Nakabihis naman na ako"

"Bruha ka. Nakabra at panty ka lang. Matinong bihis ba yan"

"Hahaha nakakatawa ka naman Vice. Itatanong ko lang sana kung maganda ba tong binili kong bikini. So, what do you think?" nakatakip pa rin ang kamay ko.

"Ewan ko sayo Karylle. Basta umayos ka na"

"Ayaw ko nga. Sagotin mo muna ako"

"Karylle. . . . "

"Ayaw mo ha" naramdaman ko na lang ang mga kamay na pilit tinatanggal sa pagkatakip sa mga mata ko.

Nagpambuno kaming dalawa. Nariyang magkandarapa ako sa kakaiwas ka sa kanya. At dahil nga nakapikit pa rin ako ay di namalayang may sofa sa bandang likuran ko.

Sabay kaming napahiga sa sofa. Napamulat ako ng mata dahil may mabigat  sa ibabaw ko. Wow, just wow. What a pose. Sya sa ibabaw ko habang nakabikini lang, habang ako ay nasa ilalim at nakahawak sa hubad nyang bewang.

Saglit akong natulala at di nakapagreact. Nahimasmasan ako ng magsalita sya.

"Vice, if someday you change your mind, gusto ko, ako ang unang makakaalam ha?"

"What do you mean?" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at lalong inilapit ang mukha sa akin. Naamoy ko na nga ang mabango nyang hininga na lalong nagpapagising sa dugo ko.

"Wala lang" yun lang at umalis na sa ibabaw ko. Labo. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makapasok na sya ng kwarto.

Nang mawala sya sa paningin ko ay syang baba ng tingin ko. Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang may nakatayo. Gosh! Naramdaman kaya nya? Imposibleng hindi. Napaface palm ako dahil  dun







3. Maiinis at mababanas ka kapag may lumalapit sa kanyang ibang adan. (Possessive ang peg)

"Sino ba yang kausap ni Karylle na mukhang kawayan?" tanong ko kay Anne.

"Ah manliligaw nya."

"Anooo. . . ." sigaw ko.

"Ay ano ba? Tama bang manigaw"

"Bakit di ko yata alam yan. Tsaka kelan pa nagkainteres si K sa bisugo."

"Oi, grabe makapanlait. Kanina kawayan, ngayon bisugo"

Hindi ako sumagot. Feeling ko, nasa boiling point ang dugo ko. Parang may gusto akong tirisin.

Sinuri ko yung lalake. May kaputian sya. Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa side mirror ng car ko. Maputi din naman ako. Lamang lang sya ng lets say mga tatlong ligo.

Napangiti ako ng mapunang normal lang ang height nya. Ah dyan ako lamang. Pang basketball player yata ang tangkad ko. Tsaka. .

Bumaba ang tingin ko sa gitnang bahagi ng katawan nya, dun sa pagitan ng mga hita nya. Lalo akong napangisi. Lyamado.

Hep, ano ba tong ginagawa ko? Kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya.

"Nganga ka dyan meme. Bagal mo kasi. Sige ka. Baka maunahan ka" nagulat ako ng biglang nasa tabi ko na si Buern.

"Kabute ka ba? Bigla ka na lang sumusulpot"

"Watch me ateng and learn" naglakad sa malapit sa may paso. Pumitas sya ng isang bulaklak doon. Pagkatapos ay naglakad patungo sa pwesto ni Karylle at nung Kawayan.

Nagulat ako ng akbayan nya si K. Nag init yatang bigla ang dugo ko. Akmang susugurin ko sya ng biglang inabot nya ang flowers kay K. Karylle face change from shock to somewhat amuse. Tinanggap nya ang bulaklak at hinalikan sa cheeks si Buern.

Nakangiting bumalik si Buern sa tabi ko. Sa sobrang asar ko ay binatukan ko sya.

"Aray meme" kakamot kamot sya sa bahaging binatukan ko.

"Siraulo ka. Bakit mo ginawa yun"

"I just want to show you na ang pag ibig ay parang Quiapo. Magulo, masikip at maraming tao. Pag di ka kumilos, mauunahan ka" with matching arte pa tong ginagawa.

Walang sense sa unang dinig pero kung iisipin, may point nga si Buern.






4. Bago matulog at pagkagising sa umaga sya agad ang gusto mong makita (Obsess lang teh?")

Exactly 8:00 a.m na ng nagmulat ako ng mata.

"K" wala sa sariling sambit ko. Huh? Sya agad? aga aga eh. Gumapang ako papuntang bintana. Dugtungan kasi to ng kama ko. Sumilip ako sa katapat na bahay. Agad akong napalunok sa nakita. Dali dali akong nagtalukbong ng kumot.

Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Muli kong tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa aking mukha. Napatitig ako sa malaking poster na nakasabit sa kisame ng aking kwarto katapat ng aking kama.

'Patawarin mu ko Enrique Gil. Di ko naman sinasadya na maging unfaithful sayo pero kasi lately wala ka ng dating sakin. And I think I'm starting to fall in love with my girl bestfriend. Gosh Im sorry talaga.

Makakahanap ka pa naman ng mas deserving saken.

Right there and then. I grabbed a stair and started to remove the poster na nakadikit sa kwarto ko. Lahat as in pati mga collectible items ko na may mga picture nila Sam Milby, Piolo Pascual, Robin Padilla at kung sino sino pang pinagnanasaan ko noon.

Bitbit ang malaking black bag ay lumabas ako ng bahay upang itapon ang mga pinagtatanggal ko. Marahan kong pinagpag ang aking kamay matapos itapon ang mga iyon.

"Vicey. . ."

Bahagya akong nagulat at napaharap. Napapikit ako ng mapagtantong sobrang lapit lang nya sakin. Konting galaw lang at oh my god. Nalunok ko nanaman ang sarili kong laway. Ang bango. . .

"May lakad ka ba mamaya?" tanong nya habang di pa rin nagbabago ang distansya sa pagitan namin. Bawat buka ng bibig nya ay para akong nahuhulog sa balon at napatulala na lang sa kanya.

"Ahm. . " tanging sagot ko.

"Vice, oi. . . " Ang sexy ng boses nya.

"Hey. . . " Lalong nagrambolan ang mga daga sa dibdib ko ng hawakan nya ang balikat ko.

"Ah sorry K. Anu nga  uli ang sinasabi mo?" Ayan nanaman ang pagkatulala ko ng bahagya syang tumawa.

"Ang sabi ko, kung di ka naman busy mamayang gabi ay daan ka sa bahay, magluluto ako ng paborito mo" Agad akong tumango.

"Cge cge. . "

Napapalakpak ito sa sobrang tuwa ko. Ganun na lang gulat ko ng hawakan nya ang mukha ko at halikan. Saglit na tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng maramdaman ang labi nya sa gilid ng labi ko.






Kanina pa akong paikot ikot. Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Moment of truth na mamaya.

Ang pesteng puso ko kanina pang malakas ang tibok. I need something that will calm me. Pagkaisip nun ay dumiretso ako sa  wine cellar. Nagsalin ako ng kalahati sa baso at agad tinungga iyon. Nang ilang sandali pa ay kalmado na ang mga nerves ko ay napagpasyahan ko ng lumabas.

Natagpuan ko syang inaayos ang lamesa. Wala na tong urungan. Dahan dahan akong lumapit sa may likuran nya. Marahil ay naramdaman nya ang presensya ko dahil tumigil ito sa ginagawa.

"I don't know what is it that you did at bigla bigla na lang nawalan ako ng amor kay Enrique Gil." she didn't move so I continue.

"Nagising na lang ako isang araw na naasar sa tuwing nilalapitan ka ng maputlang kawayan" bahagyang yumugyug ang balikat nya tanda na natawa ito sa sinabi ko.

"I know it's unbelievable but K. . . " naputol ang sasabihin ko ng humarap sya at nagsalita.

"I love you. . . " nakangiting sambit nya.

"ah huh?" parang tangang sabi ko

"Sabi ko, I love you. Matagal na"

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga. Akala ko di na magbubunga yung mga pansesduce ko sayo eh."

"K!" namumulang sigaw ko.

Tinawid ni K ang maliit na distansya sa pagitan namin at kumawit sa leeg ko. Marahan syang bumulong na nagpakalat ng bolta boltaheng kuryente sa katawan ko.

"Ready na ba si junjun para sakin?" anas nya sakin kasabay ng pagpasok ng kamay nya sa loob ng tshirt ko at mabagal na humahaplos sa bandang tyan ko pababa.

"K. . . "

"Puro ka K. Tinatanung kita eh" sabi nya habang hinahalik halikan nya ang leeg kong may tattoo. Napapalunok ako sa sobrang antisipasyong nararamdaman.

"Seems like no need for you to answer me. I can feel it"

Napailing ako.

"Grabe ka K. Pag dating sayo, napapawhoops kiri whoops ang puso ko"




Song : Whoops Kiri Whoops by Fruitcake















Up Next:

Featured Song : Sacrifice

Fifteen minutes pa before ng first class ko. Napagpasyahan kong magadvance reading muna. Di sinasadyang napatingin ako sa labas ng class room. Napakunot noo ako ng may makitang matangkad na lalakeng nakaruot ng suit na itim at diretsong nakatingin sa akin.

Bigla ang pagkabog ng dibdib ko.

Tipikal na nakahuli ng tingin ko ang tattoo nya sa leeg. Wala syang kagalaw galaw habang di napuputol ang kanyang titig sa akin. Bumuka ang labi nya. Gumalaw na para bang may gustong sabihin sa akin.

I tried to read the movement of his lips. Kahit anong pilit kong pag intindi ay di ko talaga magetz kung ano yung binibigkas ng bibig nya. Tumayo ako upang lumapit sa kanya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay sya namang pasukan ng mga class mate ko. Kaya naman napabalik ako sa loob. Gayun na lang ang gulat ko ng mawala sya sa kanyang dating kinatatayuan.

Tumingin ako sa kaliwat kanan pero talagang wala. I was wondering, diretso lang ang corridor ng school namin. Walang paliko liko, panung nangyaring nawala agad sya.

"Hey K, What are you doing there" my friend Anne asked me.

"Did you saw the tall guy here a while ago??"

 


A/N:

Sorry kung masyadong napatagal ang update. Kulang lang talaga sa time. Comments and vote naman po jan... Thanks... :)

Continue Reading

You'll Also Like

25.7K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.6M 35.4K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
3.3K 751 147
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
42K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"