Promise by Jiro Wang (Part 2)

1.2K 33 1
                                    

Part II

You haven’t noticed that

I care about you,

I don’t mind

You don’t understand my effort,

I don’t mind that either

When dreams seem distant and

I’m by your side,you can fly high

When I’m with you during good times,

your smile would have twice the amount of happiness

When you are sad,

I will help you wipe away your sorrow,not

allowing you to cry

Ang gaan naman ng lalakeng to. Pansin kong pawisan na sya pero ng tangkain kong tanggalin yung shawl sa leeg nya hinawakan nya ang kamay ko. Parang napapasong inilayo ko ang kamay.

Iinom inom tapos hindi kaya. Pinipihit pihit ko ang seradura ng kwarto nya pero ayaw nung bumukas. I gues wala akong choice kungdi ihiga sya sa sofa.

Dahan dahan ko syang inilapag. Nang maiayos ko sya ay tumayo na ako upang bumalik ng kwarto.

"Ma......." muli ay napalingon ako.

May nakita akong butil ng luha na nalaglag sa mga mata nya. Napakunot noo ako. Umupo ako uli sa harapan nya.

Ilang minuto ko syang pinagmasdan. Di na uli sya nagsalita and he is already sleeping soundly. Huminga ako ng malalim sabay tayo. Again ay napahinto nanaman ako. Tinangka kong tanggalin ang kamay nyang nakakapit sa laylayan ng damit ko pero ayaw nya talagang bumitiw.

Sinipat sipat ko ang mukha nya. Baka kasi pinagtitripan lang ako nito. I sigh ng masiguradong tulog nga ito.

Napaupo na lang din ako sa may gilid ng sofa. Aantayin ko na lang na bitawan nya yung damit ko. Di ko na rin namalayan yung pamimigat ng mga mata ko.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nagising ako na may parang mahigpit na bagay na nakapalibot sa leeg ko. Iminulat ko ang aking mga mata. Medyo nagulat pa nga ako dahil titig na titig sa akin sila Jeremy, Luke at Manager M.

"Oh. Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" sita ko. Wala man lang silang reaksyon.

Naramdaman ko uli yung pamimigat ng leeg ko. Pagbaling sa ko sa aking tagiliran ay nanlaki ang mga mata ko. Si K at yung mga braso nya ay nakapalibot sa leeg ko. Umisod ako pero lalo lang himigpit ang yakap nya. Nagsisimula na akong maging maasiwa sa ayos naming dalawa. Halos nakayakap na kasi sya sakin.

Tinapik tapik ko yung kamay nya upang magising ito pero sadya yatang tulog mantika ito. Tiningnan ko sila Jeremy at Luke na parang nagpapatulong pero pareho lang silang umiling.

"O bakit nandyan kayo? Teka si bakit nandyan si K?"

Nilapitan kami ng tiyuhin ni K.

"K gising. Bakit naman dito ka natulog?" sa wakas ay nagmulat din ito ng mga mata. Nag inat inat pa to ng mga braso.

"Naku kang bata ka. Tara nga sa kwarto mo" bumaling ang tito nya sa amin.

"Pasensya na kayo sa batang to ha. Pag baging gising kasi ito medyo wala pa sa wisyo"

"Tito inaantok pako...." parang batang nagpapadyak pa ito.

"Alam ko pero dun mo na ituloy ang pagtulog sa kwarto mo. Nakakahiya kila Vice."

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now