Starting over again

1.4K 51 9
                                    

.
.
.
.
.
I met him during his downfall. Nung mga time na akala nya na pinagtaksilan sya ng lahat. Ako. Ako lang ang karamay nya. Sinamahan sya sa lahat.

"Vhong andyan pa ba si Vice?"

"Huh? maaga syang umalis ng office kanina" halatang inaantok pa ito.

"Ganon ba? May sinabi ba sya na pupuntahan syang iba?"

"Wala syang nabanggit"

"Ah o cge salamat na lang. Pasensya ka na kung naistorbo kita ha"

Nanghihinang binaba ko ang phone. Muli akong tumingin sa orasan. Alas dos na ng madaling araw. Malamig na yung mga pagkaing hinanda ko.

I stand up and write something on a sticky note. Inaantok na rin ako. Papasok  na lang ako bukas. Muli kong tinapunan ng tingin ang mesa. Espesyal sana ang araw na to pero mukhang nalimutan nya. I stood up and walk through our room.

NOTE:

Happy second anniversary hon. Pakiinit na lang ng mga ulam in case na dumating ka at nagugutom.

I Love You.

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

"Oh K. Why are you here? Kala ko naka two days leave ka?"

"Wala na rin namang gagawin sa bahay eh so I decided to cancel the leave"

"Di ba anniversary nyu kaya ka nag leave?"

"Hindi umuuwi si Vice this past few days"

Tumayo ito at tumabi sakin.

"Bakit di mo tawagan?"

"He's not answering. Ring lang ng ring ang phone nya"

"Kahit text, wala?"

I nodded.

"I think you need to do something K. Baka nagloloko na ang asawa mo"

Umiling ako. Hindi yun magagawa ng asawa ko. We've been friends since were child. Kilala nanamin ang isat isa at malaki ang tiwala ko sa kanya.

"Hindi nya magagawa yun." Muli akong tumingin sa harap ng computer. Ayaw kong ientertain ang mga negative thoughts.

"Alam ko. Mabait ang asawa mo. Pero kahit kasing laki pa ng eiffel tower ang tiwala mo sa kanya, pero we don't know, baka yung mga nakapaligid sa kanya ang parang anay na sisira sa inyu."

"Ang wild naman ng imagination mo Coleen." Tinawanan ko sya.

Sabay silang napalingon ni Coleen ng may malakas na kumalabog sa table ni Anne. Isa sa mga kasamahan namin dito. Natatarantang pinulot nito ang mga piraso ng vase. Agad ko syang nilapitan at pinigilan.

"Hayaan mo na yan Anne. Ipatawag mo na lang ang taga maintenance para ayusin yan"

"Ah...  hi..hindi na. Ako naman ang nakabasag nito eh"

"Ikaw bahala. By the way, sabay ka na samin sa baba. Coffee break tayo."

"Ah wag na. May inaantay kasi ako."

"Ganon ba? O cge una na kami" hinila  ko si Coleen palabas.

"Hello" I heard Anne says. Napalingon ako. Hindi sa malamang dahilan ay kinabahan ako. May kausap sya sa phone at bahagyang bumubulong. Napajunot noo ako.

Nakatalikod sya sa amin. Hindi ko alam pero iba ang kabog ng puso ko habang nakatingin sa kanya. May humila ng kamay ko.

"Oh Ate K, natulala ka na dyan? Tara na gutom na ko eh"

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now