Jealous

889 38 3
                                    

.
.
.
.
Naningkit ang mata ko. Naninikip ang dibdib ko. Parang gusto kong basagin lahat ng gamit sa loob ng kwartong to. Fuck.

I clicked the next photo and it made my blood boil. Gigil na dinampot ko ang telepono.

"Hello"

"Sir Vice?"

"Magpabook ka ng flight bukas ng umaga para sa akin"

"Pero sir may meeting pa kayo sa mga...."

"Do what I say if you still love your job"

"Si-sir? Sige po sir"

Pagkababa ng phone ay gigil na sinipa ko ang upuan sa tapat ko.

Why Karylle? Nawala lang ako saglit.
.
.
.
.
.
16 hours na flight but I don't mind. Sinipa ko ang pinto at agad yung bumukas. Tumambad sa aking paningin ang mukha nyang parang anghel na natutulog sa sofa.

Usually sasalubungin ko sya ng yakap pero ngayon ewan ko. May something sa dibdib ko na gustong sumabog. Fuck gusto kong magwala. Tinitigan ko sya. Mariin akong pumikit after. Seeing her kissing other man. Hindi ko kaya. Parang gusto kong makapatay. I trusted her. I love her.
Parang nakikita ko sa harapan ko ang mga nasa picture.

Marahas kong hinila ang kamay nya na agad nyang ikinagising. Agad lumarawan ang saya sa mukha pagkakita sa akin. Akmang yayakapin nya ako pero umatras ako at ibinalya sya paupo sa sofa na hinihigaan nya kanina. Napangiwi sya. Nakaramdam ako ng pagsisi pero agad ding nawala ng maalala ko ang mga nasa picture. Muling bumangis ang mukha ko.

"Ma-may problema ba?"

"Tinatanong mo ako?" Nagsalubong ang mga kilay nya at puno ng pagtataka ang mga mata nya.

"Ahhh oo. Bakit parang galit ka? Tsaka bakit di ka nagpasabi na uuwi ka na?"

"Shut up." Gigil kong sigaw sa kanya. Napayuko sya sa lakas ng boses ko. Bumalatay ang takot sa mukha nya.

"Anong ibig sabihin ng mga to?" Hinagis ko sa kanya ang mga pictures. Maang na tiningnan nya ang mga pictures.

"Niloloko mo ba ako? Lumalandi ka ba sa ibang lalake habang nakatalikod ako?" Sigaw ko. Natigilan sya pero sandali lang at muling tiningnan ang mga pictures. Nanahimik sya. Matagal. Nainip ako kasi parang wala syang balak na magpaliwanag kaya naman inilang hakbang ko lang sya at mahigpit na hinawakan ng mariin ang mga braso nya.

"Ano? Hindi ka ba kuntento sa akin at naghahanap ka pa ng ibang lalake? Bakit ayaw mong sumagot? Siguro totoo ano? Shit akala ko matino kang babae. Dinaig mo pa ang mga prostitute. Oo nga pala, ikaw nga pala ang halos manligaw sa akin noon. Bakit nga ba nagtataka pa ako" muling umangat ang mga mukha nya at tumingin ng diretso sa akin. Biglang kumalma ang nangangalit kong mga bagang ng mapansing kakaiba ang tingin nya sa akin. Nabitawan ko ang mga braso nya. Bakat pa doon ang diin ng pagkakahawak ko.

Tumayo sya at lumapit sa akin gamit ang malamig na ekspresyon ng mga mata nya. Akala ko ay lalapit sya sa akin pero nilagpasan nya ako.

"Karylle!!" Sigaw ko. I don't like this. Nanlamig ako sa mga titig nya na ngayon ay may halo ng hinanakit.

Tumapat sya sa pinto bago nagsalita.

"Lumabas ka" kalmadong sabi nya.

"Hindi pa tayo tapos mag usap"

"Wala na tayong dapat pag usapan pa. Simula ngayon malaya ka na" natigalgal ako. Teka? Bakit parang baligtad?

"What the? Hindi ka man lang magpapaliwanag"

"Hindi ko kailang ipaliwanag ang pakikipagbeso ko sa pinsan ko. Ngayon makakaalis ka na at wag ka ng babalik dito"

"Pinsan?"





Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon