Oh My Lady by Jang Geun Suk

1.5K 39 3
                                    

[Beware: Typos everywhere]

"Ipalaglag mo yan" gimbal na tumingin ako sa kanya. Napakalamig ng pagkakatingin nya sa akin. Di gaya noon nung nililigawan nya pa ako.

"A-anong sabi mo"  nanginig ang labi ko

"Bingi ka? Mahirap magpalaki ng bata ngayon. Akong bahala sa gastos" kung sabihin nya yun ay parang wala lang. Parang nag uutos lang syang iligaw ang alaga nyang pusa.

"Ang kapal ng mukha mo"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Ang pakasalan ka? Hindi mangyayari yun. Hindi kita mahal. Ginamit lang kita. Bahala ka kung ayaw mong ipalaglag yan" tumalikod sya at diretsong umalis.

Naghihinang napaupo ako. Totoo ba to?

Cloud

Lagi ko na lang nakikita si mommy na umiiyak. Kasalanan ko ata kasi tinanong ko nanaman sya kanina kung bakit wala akong daddy.

May family day kasi kami next week and for sure yung mga classmate ko dadating yung mommy at daddy nila. Napakagat labi ako. Kung lagi na lang iiyak si mommy sa tuwing hahanapin ko si daddy hindi na lang ako magtatanong. Tutal sya naman ang the best mommy in the whole world.

I tiptoed while walking. Sinilip ko yung mukha ni mommy. Nakatulog na sya. Umakyat ako sa kama at tumabi. Iniyakap ko amg maliit kong braso sa kanya at pumikit.

"Mommy, di ko na hahanapin si daddy. I'll protect you. Aawayin ko ang lahat ng magpapaiyak sayo"

Karylle

Nagising akong may mga maliit na brasong nakapulupot sa leeg ko. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ang anak ko. Gigil na hinalikan ko ang mataba nyang pisngi. Grabe parang lobo ang anak ko. Ang takaw kasi nitong kumain. Dahan dahan kong tinanggal ang braso nya para makapagluto na. Sunday ngayon and it's KC day. Means Karylle and Cloud day. Habit na namin to every sunday. We go out, malling at mamasyal sa kung saan saan. Ganito kami magbonding ng anak ko.

"C, gising na." Marahan kong niyugyug yung balikat nya. Umungol lang ito at inis na hinila ang unan sa tabi at niyakap.

Iritable talaga to pag tulog, parang tatay nya.

Natigilan ako. Bakit biglang pumasok sa utak ko ang herodes na yun. Nagkibit balikat ako at muling ginising si Cloud.

"Anak pag hindi ka pa bumangon dyan, forfeited na yung promise ko sayo" sa gulat ko ay bigla syang umupo at nagkamot. Napataas naman ako ng kilay habang natatawa.

"Mommy naman eh. Promise mo yun. Manunuod tayo ng Big hero. Daya mo" hinampas hampas nya pa ang unan na yakap nya kanina.

"Eh pinahihirapan mo ko. Akala ko ba love mo ko? Bakit ang hirap mo gisingin?"

"Eto na nga po eh."

"O sige maligo ka na. We will eat breakfast first and then we'll go"

"Ok po." Mabilis itong tumungo sa cabinet at kumuha ng isusuot.

"Gusto mo ba ako na magpaligo sayo?" Tumigil ito sa ginagawa at may inis na tumingin sa akin.

"Mommy naman eh. Big boy na ako. Kaya ko na yun" natawa ako sa hitsura nya. Kandahaba ang nguso.

"Okay fine" iniwan ko na sya at niready ang pagkain.

"Mommy bakit nakashorts ka? Atsaka walang manggas yang blouse mo. Magpalit ka po please" para syang malaking mama kung magsalita.

"Anak mainit eh. El nino ngayon." Nagpadyak ito ng paa.

"Ahm pwede magtshirt na lang ako" saglit syang tumahimik at parang nag isip.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now