Title: Almost Indecent
Story: If I Fall
Setting: championship game (Cyrus' "You're worth the embarrassment" speech never happened)
Characters: Barbara Ramirez, Leandro Abarquez
Prompt: boys' locker room after the championship game ; Lean topless
Disclaimer: I wrote this just for fun. Hindi nito nirereflect ang mangyayari sa This Might End Up A Story, ayos ba? (And hindi ko talaga alam kung ganun ba talaga ang katawan ni AA okay? I just used my imagination. Hah.)
***
A harsh grunt came out of her lips when she heard a familiar ringtone.
From: Lean
Wag ka munang aalis after ng game. May pag-uusapan pa tayo.
Napasimangot si Barbs sa nabasa niya. Sobrang saya lang niya a second ago, Charleston Ravens won the basketball championship. Four-peat, baby! And tradition na sa kanila ang magcelebrate sa Pop's right after ng game, champion man o hindi. At dahil panalo sila, libre lahat ni Papi. Eto na ang chance niya para lumamon ng paborito niyang onion rings at milkshake nang libre!
Kaso, buzzkill si Lean.
Ilang araw na siyang kinukulit nito para mag-update ng You're The One That I Want. Dapat nga kinikilig siya, he's her idol for heaven's sake! Whoever thought Mr/s Darcy is a guy, who turned out to be her freaking Creative Writing teacher? Wala sa itsura ni Lean na nagsusulat ito ng Teen Fiction romance stories. Kaya nga naninibago at nagugulat siya sa pagpipilit nito na mag-update siya.
To quote him, "Ibang klaseng thrill ang nararamdaman ko kina Denn and Leiza. Believe me, nakakarelate ako."
Well, she's flattered and weirded out at the same time.
She felt someone snatched her phone from her. Si Wes pala, may hawak na baso, nakangiti sa kanya. "Bawal nakasimangot dito, Barang. Four peat, baby!" sigaw nito sabay angat ng baso sa ere.
"Is that.." Barbs leaned forward to smell Wes' drink. "Putangina, may alcohol ba yan?"
"Ssshh," Wes playfully whispered. "Four peat naman kami! Tsaka konting alcohol lang 'to. Promise."
Barbs surveyed the whole place. Almost everyone's drinking the spiked iced tea, except Vivien and Karl (Bakit nandito si Karl? Wala siya sa game kanina ah?). Nagsimula nang magpatugtog ng party music ang Snerds, at may ilang schoolmates na silang tumatayo sa upuan at sumasayaw. Ang Ravens (kasama na ang best friend niyang si Chester na mukhang tipsy na) ang nagpasimunong sumayaw sa may mini stage. Everyone's getting wild and rowdy, making her the odd one in the room.
Nakita niyang palapit sa kanila sina Janine at Rocky, may hawak din itong baso ng deadly iced tea. "Tomby! Come on, don't be such a grouch!" Janine teased, her voice an octave higher. Hinigit nito ang braso ni Barbs. "Tara na, let's party!"
“Shit, ikaw din?” sinubukang agawin ni Barbs ang baso mula kay Janine pero pinigilan ito ni Rocky. “What the hell, guys! Papagalitan tayo ni Nots nito!!”
Halatang tipsy na ang magbest friend, tawa na lang kasi ang sinagot nila sa kaibigan. “Come drink with us, Barbs! Minsan lang naman eh!” offer sa kanya ni Rocky. Inabutan siya nito ng baso. “Please?”
Alam na niya ang susunod na sasabihin ng mga kaibigan, na three months na lang bago mag-graduation, na time of their lives na. Never pa siyang nakakainom ng alcohol sa four years niya sa high school, part ng pagiging non-conformist niya (Manang move, sabi nina Rocky). Pero ngayong gabi.. she felt a little bit different. Dahil ba sa party songs, energy ng mga tao sa paligid niya o sadyang gusto niya lang na masubukang uminom.. hindi na niya alam.
Bahala na.
“Fine,” she nonchalantly said as she grabbed the cup from Rocky’s shaking hands. A round of applause from her friends cheered her and she took a gulp of the deadly iced tea.
Halos masuka niya ang iced tea nang gumuhit ito sa lalamunan niya. She never thought alcohol would taste like.. pain. “So eto na yung pampamanhid na sinasabi nila ha?” Barbs gingerly thought, suppressing the urge to vomit. Isang lagok lang and that’s it, she’s out.
Todo cheer sina Wes kay Barbs. Minsan lang kasing sumali si Barbs sa mga trip nila. Kahit hindi pa nauubos ni Barbs ang iced tea nito ay may nag-abot na naman ng panibagong baso sa kanya.
Agad na tinanggihan ni Barbs ang bagong baso. “No no no.. tama na yung isa. Papagalitan ako ng nanay ko!” palusot niya.
“Oh shut up, tomby! You can sleep at my place later naman! Come on, drink!!!” pilit ni Janine. Naging attraction tuloy ang pamimilit nila kay Barbs kaya may ibang schoolmates na rin na nakikisali sa kanila.
Tama na, Barbara, yan ang sabi sa kanya ng tiyan at utak niya.
Pero kasalanan ng kakaunting alcohol at low tolerance niya..
She gave in.
***
Boy, was she drunk.
Sabi niya three cups lang ang limit niya for that night. But her countdown was long forgotten after few minutes of drinking. Nasanay na siya sa pagguhit ng iced tea sa lalamunan niya, to the point na nagustuhan na niya ito. She’s lightheaded already; nagiging malamlam na ang paningin niya sa mga kaibigan niya. Her friends’ laughter was the only thing that made her somehow sober. Ibang klase kasi ang tawa ng mga kaibigan niya ngayon, parang mas masaya, mas lively. God, she thought, sana hindi talaga ako lasing para marecord ko ‘tong tawa nila. Will surely miss this.
Kaso may sagabal na naman sa kasiyahan niya.
Yung ringtone na yun.
She completely forgot Lean and their meeting. Dun lang niya narealize na wala pa sa Pop’s ang teacher nila. Muntik pa niyang mabagsak ang phone niya. With one eye shut, she read the text message.
From: Lean
San ka? Dito ako sa may locker room. Wag ka muna umuwi. Hatid ko kayo maya.
Bigla siyang nainis. Ano ba ‘tong pag-uusapan nila? Pwede naman sigurong makapaghintay yun during class hours! Kilala niya si Lean, kukulitin siya nito kapag hindi niya ito hinarap ngayong gabi. Walang pakialam si Barbs kung medyo nahihilo na siya, desidido siyang bumalik sa loob ng campus para kausapin si Lean.
Nagpaalam si Barbs na mag-cCR siya, not knowing na walang nakarinig sa sinabi niya. Tahimik siyang lumabas sa Pop’s. Sinubukan pa niya na maglakad nang straight pero gumegewang na siya.
Pucha, natatawa niyang sabi, lasing na ba ako? Napailing na lang si Barbs at sinubukang maglakad nang matino papunta ng Charleston Academy. Malakas ang kutob niya na bukas pa ang school ngayon, 7:30 PM pa lang naman at narinig niya mula kay Ms. Medina kanina na may faculty meeting sila tungkol sa graduation after ng championship. Ramdam niya na ginamit ni Lean ang free pass nito para hindi makaattend ng meeting.
Instead, he wants to meet with her.
Kelan ka pa nakinig kay Lean ha, Barbara? Lasing ka na. Mas okay pang kina Wes ka na lang magpahatid kahit pare-parehas kayong mga lasing. At least hindi awkward! Aasarin ka lang naman ni Lean na hindi marunong maghandle ng alcohol!
Nagdadalawang isip siyang huminto sa tapat ng boys’ locker room. Papasok na ba siya o kakatok muna?
Wag ka na ngang uminom, Ramirez. Nagiging tanga ka lalo eh.
O tawagan na lang kaya niya si Lean at utusan niyang lumabas na lang ng locker room? Ano ba talaga?
She decided to do the former, slowly turning the doorknob. Patay ang ilaw sa locker area pagpasok niya. Barbs could hear water rustling from the showers.
Shit, nandito ba talaga si Lean o ginu-goodtime lang ako? Parang pang Paranormal Activity ang atmosphere dito?
Kanina lang e ang tapang niyang pumasok sa campus tapos.. nangangatog ang mga tuhod niya ngayon sa takot.
“Lean?” she called out, voice quivering. Tuluyan na niyang sinarado ang pinto at binuksan ang ilaw sa room.
“Barbs! Wait lang, 2 minutes!”
Nakahinga siya nang maluwag. Medyo hinanda pa naman niya ang sarili na sipain kung may manyak mang lalabas sa may shower. Mahina niyang sinasampal ang sarili para hindi siya makatulog. Glancing at her phone, she grimaced when her sister’s name flashed on her screen.
Nasan ka na? Lagot ka sa’king pag-uwi mo ang nakalagay sa preview ng text ng Ate Cielo niya. Magrereply na sana siya nang kumalampag ang shower door sa pinakadulong parte ng locker room.
Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras. “Hoy Leandro!” sinimulan niya ang pagtataray. “Ano bang salti—“
Bilang na bilang ni Barbs ang instances na naging speechless siya. Natural na kasi sa kanya ang mambara kaya madali siyang makarecover. Pero paano siya makakarecover sa isang topless na Leandro Abarquez sa harapan niya?
She has seen many topless men in her life. Lumaki siya sa topless na Hulk Hogan, The Ultimate Warrior at Shawn Michaels. Nainlove siya sa biceps ni John Cena at sinamba ang abs nina Randy Orton, Channing Tatum at Ryan Gosling. Ilang beses na rin niyang nakitang walang suot na shirt sina Wes, Chester at ibang Ravens members.
Sanay na sanay na siyang makakita ng mga lalaking topless, to the point na hindi na siya naeexcite na makakita nito. After all, she’s one of the guys, madali lang para sa kanya ang maging immune sa guy stuff. Vanity ng mga lalaki ang pagpapaganda ng katawan, wala na lang pakialamanan.
Topless lang naman, ibang usapan na pag bottomless.
Pero bakit speechless siya sa topless niyang teacher?
“Barbs? You okay?”
Tinodo na niya ang pagpiga sa utak niya ng maganda at swabeng palusot pero tangina, pati ang neurons niya nakatitig din ata sa katawan ni Lean.
She stifled a scream and shifted her gaze on his face. Malaking katatawanan sa buong campus pag nalaman nila na si Barbara Ramirez, ang maton at astigin ng Charleston.. ay halos sumabog ang utak dahil sa isang hubad na lalaki.
Barbs is fucking blushing because of her topless teacher.
“O-okay lang,” Barbs’ voice croaked. Medyo sumandal pa siya sa pinto, feeling niya kasi hihimatayin siya. Lasing ka lang, Barbs. Imposible namang nakakahilo yang nasa harapan mo ha?
Ang pagkailang niya ay biglang napalitan ng pagkainis. Sinasadya ba niyang magtopless sa harapan ko ha? Ba’t hindi pa siya nagdadamit? Ilang minuto na ring nakaupo si Lean sa bench, hawak ang bag niya. Gusto ni Barbs na siya na mismo ang magsuot kay Lean ng t-shirt nito. Just to stop this fucking madness. Kung ganito rin lang ang magagawa sa’kin ng alcohol, never na talaga akong iinom.
Hindi naman buff si Lean. Katamtaman lamang ang katawan nito. May konting visible cuts ito sa tiyan at may konting chest hair. God I hate chest hairs! Parang hindi dumaan sa evolution ang mga lalaking may ganun! Alam niya na maputi ang teacher pero mas may ipuputi pa ito. Sabi nga ni Lean sa kanila dati, hindi siya fan ng sunbathing dahil sayang ang pagkaputi niya.
Mas nahilo si Barbs nang mapatingin siya sa braso ni Lean. Shit.. this is the alcohol talking.. Ngayon lang niya naappreciate ang well sculpted arms nito. May nabanggit ba si Lean na nag-eexercise ito? Parang wala naman.
Pero damn.. those biceps..
And, she now noticed, Lean has a perfect acromion. Damn sexy shoulders.
She let out a weird laugh and shook her head in disbelief. No doubt Barang, lasing ka nga. Kung anu-ano na naiimagine mo. Si Lean lang yan, hindi si Randy Orton. May masama bang mangyaya—
“Okay ka lang?”
Barbs was too preoccupied to notice Lean’s close stance to hers. She can almost, no, she’s already breathing in his masculine scent. Ba’t parang mas mabango siya pag topless? May gayuma ba yung iced tea na ininom namin? Tama ang desisyon niya na sumandal sa pinto kasi konti na lang, as in konti na lang, bibigay na siya.
“Ba’t ba ang lapit mo?” yan lang ang nasabi niya. She said it too weakly, na parang inaantok na ewan.
Lean shot her a weird look as he sniffed her hair. “Shit. Are you drunk?”
“Hindi ako nalalasing,” Barbs stated, shoving him away from her. That mere skin contact to those chest hairs made her spine shiver. They’re not that yucky at all. In fact, she had this short urge to touch them again. Parang damo lang sa park ang naiimagine niya.
“Amoy alak ka. San ka ba galing?” nginitian lang siya ni Barbs which made him more furious. “Sa Pop’s ba ‘to? Shit, sinong naglagay ng.. what’s that?”
Shaking her head, Barbs shifted away from him and sat on the bench. “Hindi ko alam eh. Pero masarap. And I’m not fucking drunk, Sir. Ano ba yung gusto mong sabihin?”
“Get up. I’m taking you home.”
“Wow.. iuuwi mo ako na wala kang suot na t-shirt? Baka anong isipin ng ate ko niyan,” Barbs snorted. She was too intoxicated to care about her words. Nagsisimula nang umikot ang paningin niya.
Doon lang narealize ni Lean na kanina pa nga siya topless at agad siyang nahiya. Sure, may one of the boys vibe si Barbs, at madalas nilang nakakalimutan na babae ito. Pero babae talaga si Barbs, at ang awkward na pumarada siya sa harapan ng estudyante niya na nakapantalon lang. Mabilis niyang hinablot ang t-shirt niya mula sa backpack niya. “Seryoso Barbs, sino nga nagpainom sa inyo?”
“M-maganda.. pala yang likod mo, Leandro. Parang.. narra.. matibay..” tumayo si Barbs at naglakad palapit kay Lean. Nanlalambot na ang legs niya sa sobrang pagkahilo. “Pasakay naman please?”
“WHAT!?”
A sly smile was formed on her lips. “Saan ka nagg-gym, Sir?” humiga na siya sa bench. “Paano nga pala ulit magpush up? Ganito ba yun?” sinubukan ni Barbs na magpush up pero nahulog siya sa bench. Lean rushed beside her para itayo siya. “No, I can manage. I’m not drunk.”
Itinayo pa rin ni Lean si Barbs. “We’re going home. Now.”
“Alam mo Sir..” biglang napayakap si Barbs kay Lean. Sinandal nito ang ulo niya sa dibdib ng teacher. “Idol na idol talaga kita.. seryoso.. and.. did I mention.. na.. naging.. slight crush kita nung first day?” natawa pa siya nang onti. “Pero.. sakto ka lang pala.. di ka naman pala gwapo.. pero.. sa malayo..” itinulak niya si Lean palayo sa kanya at inexamine ang mukha nito.. “Mukha ka pa lang.. oso.”
Hindi alam ni Lean kung dapat ba siyang maamuse o kabahan sa isang lasing na Barbara Ramirez. Nakakatakot na nga ito pag matino, pero.. mukhang mas ayaw niyang makilala ang lasing na version nito. “Tumigil ka na diyan Barbs. Iuuwi ko na kayo nina Janine. I bet they’re too drunk to go home, too.”
“Putangina sabi hindi nga kami lasing!” she suddenly lashed out. Hindi sinasadyang natabig ni Barbs ang bag ni Lean at natapon ang laman nito. Pinakaunang nahulog mula sa bag ay ang brief ni Lean, correction, ang gamit na brief ni Lean. Bago pa mapulot ni Lean ang brief ay nakuha na ito ni Barbs. “God. Black briefs? Really now?”
“Stop it, Barbara! Not funny anymore!” namumula na si Lean sa sobrang frustration at hiya. Buti na lang at medyo slow ang reflexes ni Barbs kaya naagaw niya agad ito. “Kung ako ang tatay mo grounded ka sa’kin hanggang 35 years old ka!”
Barbs pouted, which made him more furious. “Eh ayaw kita maging tatay.. magiging kamukha ko si.. Yogi Bear.”
“Baliw.” Lean shook his head, though his lip was curled up just a bit in an amused smile.
Hindi namalayan ni Lean na medyo nakataas pala ang t-shirt niya. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Barbs the minute na napatingin siya sa exposed skin ng teacher. What the fuck are you doing, Barbara!? Nakakahiya ka!!!
Suddenly she felt her stomach lurch, a very familiar yet scary sensation for her. The last time na naramdaman niya ‘to… Oh fucking no.
“Barbs? Okay ka lang?” Lean sounded really worried now. Napahawak kasi bigla si Barbs sa tiyan nito. “Seryoso na ‘to, iuuwi ko na kayo. Teka lang.” Inalalayan niya si Barbs para maayos na makalakad palabas ng locker room. Deep inside ay hinihiling niya na sana walang matandaan si Barbs tungkol sa black briefs niya.
“O-okay lang ako Lean,” Barbs whispered, suddenly became self-conscious. Did I just touch his.. brief? Oh dear lord sana siya na lang ang lasing at hindi ako! “Isakay mo na lang ako sa trike—“
“Of course not. Ihahatid ko kayo isa-isa sa mga bahay niyo at isusumbong sa mga magulang niyo.”
“Ano nga yung gusto mong sabihin?” Shit ba’t ba naaalala ko bigla yung braso niya? Kelan ka pa naging manyak, Barbs?
“That could wait.”
“NGAYON NA KASI SABI!!!” Barbs exclaimed, glaring at him as she suddenly got a surprised look on her face.
“What?” nagulat siya nang biglang humigpit ang hawak sa kanya ni Barbs. Konti na lang makakalabas na sila sa room! What now?
“Putangina sorry talaga hindi ko na kaya!” she whined in a very un-Barbs like way. Her stomach couldn’t hold any longer, and she vomited, right ther, all over herself, all over Lean, and all over the shiny tiles on the floor. As soon as she was finished, she got one good look at Lean, covered in vomit, shocked and not at all amused, and she began to sob.
Lesson learned: Barbara Ramirez + alcohol + a topless Lean = not a good combination.
***
Pagpasensyahan niyo na ‘to, sadyang trip ko lang na sumulat ng ganito kasi medyo nag-aadik ako sa writing prompts ngayon. Babawi ako sa susunod! HAHAHA don’t hate me please? XD