POSSESSIVE 16: Titus Morgan

Por CeCeLib

56.1M 1.1M 258K

Titus Morgan had only three important things in his life. His friends, his mother and the wealth that he was... Más

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 1

2.1M 37.5K 11K
Por CeCeLib

CHAPTER 1

"TOTOO ang nasagap nating balita, Macezequeen. Nuong nagdaang araw ang kasal, wala na akong balita maliban sa totoo nga na ikakasal na siya. Wala na ako sa Sicily ngayon kaya hindi ko na alam kung natuloy ang kasal pero napaka-imposible naman kung hindi," imporma sa kaniya ni Gethca ng tawagan niya ito ng tanungin kung ano na ang nangyayari sa pamilyang pinagtataguan niya.

"Ganoon ba?" Nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib pero pinagwalang-bahala niya 'yon. "Mabuti naman."

"After today, no more running," ani Gethca. "Puwede ka nang bumalik sa bansang gusto mo. Puwede ka nang mamuhay ng payapa na hindi tumitingin kung may nakasunod ba o wala."

Kumuyom ang kamao niya ng maramdaman niyang parang may sumasakal sa puso niya sa isiping totoo ang nabalitaan niya.

He was married. After five years, he did find his princess.

Mapait siyang napangiti.

After five years, her heart still ached.

"Macezequeen, nandiyan ka pa ba?" Pukaw sa kaniya ng kaibigan.

"Oo." Tumikhim siya. "Salamat, Gethca. I'll call you as soon as the plane landed." Pagkasabi no'n ay pinatay niya ang tawag at napatitig sa labas ng bintana ng bahay na tinitirhan niya.

She felt the ache in her heart but discarded it immediately. Walang magandang mangyayari sa kaniya kung paiiralin niya ang puso niya, kailangan niyang gamitin ang utak niya, kailangan niyang maging praktikal, kailangan niyang maging matalino. Hindi puwedeng lalampa-lampa siya. May buhay na nakasalalay sa mga kamay niya, hindi lang ang sa kaniya.

Oo nga at alam ng pamilyang yon na nawawala siya pero hindi naman ang mga ito tumigil na hanapin siya at sundan ang mga bakas na hindi niya sinasadyang iwan. There were times when that family came close to finding her but always got away. The family didn't give up until three years ago, when Princess Rhoana Elyzabeth Dadaria Stavros Montero came into the picture.

Dahil kay Princess Rhoana, nagkaroon ng kapayapaan ang buhay niya. Tumigil na ang pamilya sa kahahanap sa kaniya at kahit papaano ay napanatag siya pero hindi iyon naging sapat para tumigil siya sa pagpapalipat-lipat ng bansa para masiguro ang kaligtasan nila. At ngayon nga na kasal na ang isang anak ni Rinaldi Ivanov, matutuldukan na ang pagtatago niya.

Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad papasok sa isa sa dalawang kuwarto ng simpleng bahay na nire-rentahan niya.

"Ace," tawag niya sa pangalan ng anak niya na abala sa pagbabasa ng libro. "Paquete de tus cosas, bebé." Pack your things, baby.

Magkasalubong ang kilay na humarap sa kaniya si Ace. "¿por qué, mamá?" Why, mama?

"Ngayon na ang flight natin, diba sinabihan na kita kagabi?" Inilalabas niya ang isang maliit na maleta at inilapag iyon sa ibabaw ng kama nito. "Sige na, anak, tulungan mo ako sa mga gamit mo."

Kaagad na itinabi ni Ace ang hawak nitong libro saka tinulungan siyang mag-impake.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak niyang abala sa paglalagay ng damit sa maleta. Lumamlam ang mga mata niya habang nakamasid kay Ace. Sa malapit na limang taong nakalipas, walang naging normal na kabataan ang anak niya. Ace's childhood was filled with country hopping, running, escaping and staying in different houses in different countries.

They had no home and she was sorry for that, but it was better this way. Ayaw niyang masira ang buhay ng anak niya sa pamilyang 'yon. Ayaw niyang pati anak niya madamay sa kasamaan ng pamilyang 'yon.

She would die first before it happens.

"Saan tayo pupunta, mama?" Tanong sa kaniya ni Ace ng matapos itong mag-impake.

Umupo siya sa gilid ng kama saka hinaplos ang pisngi ng anak niya. "Gusto kong bumalik sa bansa kung saan kita pinanganak," sabi niya.

Napatango-tango ito na parang naiintindihan ang nararamdaman niya. Maybe, Ace did understand. At the age of three, Ace already learned how to write. At four, to read. He was a smart kid for his age. At lahat ng tinuturo niya rito ay madali nitong natututunan kahit pa nga mahihirap na math problem at formulas. Ganoon ito katalino.

"Mama?"

Nginitian niya ang anak. "Yes, baby?"

"Nandoon ba si daddy?"

Nagbaba siya ng tingin saka umiling. "Wala siya do'n anak. Alam mo naman diba kung bakit? Diba wala naman lihim sayo si mama? Sinasabi ko naman lahat sayo diba?"

Tumango ito saka niyakap siya. "I understand you, mama. Te amo."

"Te amo too, baby. Te amo, too." Hinalikan niya ito sa nuo saka nginitian. "We'll be safe there, I promise."

Ngumiti si Ace saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. "Alam ko, mama, nangako ka e. You always keep your promise to me."

Lumambot ang puso niya para sa anak at hindi niya maiwasang manubig ang mga mata. "I'll keep you safe, always."

Tumango ito saka ngumiti. "I know, mama."

Hinaplos niya ang pisngi nito saka nginitian. "Ready your passport. Mag-iimpake lang si mama sa kabilang kuwarto tapos aalis na tayo."

Tumango si Ace at kaagad na sumunod sa utos niya, kaya naman kaagad siyang lumabas ng kuwarto nito para mag-impake ng gamit niya.

At dahil isang maleta lang naman ang gamit niya, madali siyang nakapag-impake. Inuna niya sa maleta ang mga gamit niya sa pagpinta bago ang mga damit niya. Pero pagkatapos niyang maisara ang maleta, may kumatok sa pinto ng bahay niya.

Nagsalubong ang kilay niya at kaagad siyang nilukob ng kaba dahil ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng bisita pero hindi niya hinayaang kainin siya no'n. Kalmado siyang naglakad palapit sa pinto at sumilip sa peep hole.

Para siyang napasong napaatras ng mamukhaan niya kung sino ang nasa labas.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi! Paano siya natunton ng mga ito? She had been very careful, damn it!

Walang ingay na malalaki ang hakbang na naglakad siya patungo sa kuwarto ng anak saka tinakpan ang bibig nito ng akmang magsasalita.

"Baby, I want you to do something for mama," bulong niya sa anak habang isinusukbit ang magaang backpack sa likod nito. "I want you to exit on the back door, be wary, and careful. Tapos hintayin mo ako sa labas ng gate, okay? Kukunin lang ni mama ang maleta sa kuwarto ko. Kapag may nakita kang lalaki o babae na pakiramdam mo bad person, huwag kang lalapit. At kapag may nagtangkang kumuha sayo, sumigaw ka ng malakas at darating kaagad si mama."

Walang imik na tumango ang anak niya saka maingat na naglakad patungong likod-bahay. Siya naman ay kinuha ang maliit na maleta na puno ng damit ni Ace saka nagmamadaling naglakad pabalik sa kuwarto, pero bago pa siya makalapit sa pinto ng silid ay may tumadyak sa gawa sa kahoy na pinto ng bahay niya at tatlong kalalakihan ang pumasok.

Macezequeen froze on her steps and slowly looked at the men in black suits.

Napalunok siya habang pinapakalma ang sarili. Kaya mo to. Kaya mo sila. Naghihintay ang anak mo sa labas! Pagkausap niya sa sarili saka mahigpit niyang kinuyom ang kamao.

"Are you Princess Macezequeen ___, from the house of ____?" Tanong ng lalaking nasa unahan saka may inilabas itong parang litrato sa mula sa bulsa nito.

The man looked at her and then at the picture. Sapat na ang pagkunot ng nuo nito para masabi niyang hindi sigurado ang lalaki kung siya nga ang nasa larawan.

She smiled inwardly. Mukhang outdated na ang larawang hawak nito.

Matalim ang matang tumingin ulit sa kaniya ang lalaki. "Well, are you?!" Ibinalik nito ang larawang hawak sa bulsa nito. "Answer me!"

Tumuwid siya ng tayo saka taas nuong hinarap ang limang kalalakihan. "No, that's not me. Pero ¿cómo puedo ayudarle, señor?" But how may I help you, mister?

"Liar!" Sigaw ng lalaking nasa harapan na ito at dinuduro siya. "Don't lie to me, woman! Or I'll kill you where you stand!" Singhal nito sa kaniya. "Your hair and eye color might have changed, but you are the princess that I'm looking for."

Kalmado siyang ngumiti. "Why would I lie, mister? I don't even know why you barged into my house unannounced."

Nagtagis ang bagang ng lalaking kausap kapagkuwan ay inutusan nito ang mga tauhan na dakipin siya. "Seize her. She's coming with us. In fretta!" Hurry up!

Mabibilis na naglakad palapit sa kaniya ang dalawang kalalakihan at akmang hahawakan ang braso niya, pero bago pa siya mahawakan, umigkas ang kamao niya at tinamaan sa mukha ang dalawang lalaki, pagkatapos ay tumalon siya sabay sipa sa leeg ng lalaking nasa kanan niya dahilan para bumagsak ito. At mula sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang hahawakan siya ulit ng isang lalaki kaya naman umikot siya sabay sipa ng paa niya sa dibdib ng lalaki at sinegundahan niya iyon ng tatlong malalakas na sipa hanggang sa matumba ito.

"Invalids!" Sigaw ng lalaking nag-utos sa mga tauhan nitong dakipin siya. "Get her! She's just a woman, you morons!" Nanggagalaiti sa galit ang lalaki. "Seize her this instant!"

Nang sumugod ulit ang dalawang kalalakihan, inihanda niya ang sarili. Sinalag niya ang bawat atake ng mga ito, bawat suntok at sipa at nang makasilip siya ng pagkakataon, walang pag-aalangang sinipa niya sa pagkalalaki ang isa sa dalawang lalaki at ang isang natira ay inatake niya ng malalakas na suntok at sipa saka tumalon siya, umikot sa ere at malakas na sinipa sa ulo ang natitirang lalaking nakatayo.

Nang bumagsak ang dalawa sa sahig, hinarap niya ang ikatlo na panay lang ang utos.

"Sei un idiota." You are an idiot, sabi niya sa lengguwaheng Italian na tiyak niyang maiintindihan nito saka mabilis sa kisap-matang sinipa niya ang pagkalalaki nito pagkatapos ay malakas niya itong sinuntok sa leeg dahilan para mapaluhod ito sa sahig hanang sapo ang pagkalalaki.

At habang nasa sahig ito at namimilip sa sakit, dumukwang siya palapit sa mukha nito saka bumulong, "no Ivanov will have me, you fucking bastards."

Nang hindi pa siya makontento, pinagsisipa pa niya ito saka nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya dala ang maleta ng anak niya at sa bintana na siya dumaan kasama ang dalawang maleta para makalabas ng bahay na hindi naman kataasan.

At tulad ng utos niya kay Ace, naghihintay nga ito sa labas ng gate, pero may ilang metrong kalayuan 'yon sa bahay at may pinara na itong taxi para sa kanila.

"Sorry, mama," anang anak niya ng makalapit siya rito. "I just want to make sure that I'll be safe, kaya naman lumayo ako sa gate para hindi sabihing doon ako nakatira."

Malapad siyang napangiti. The perk of having a smart kid. "Good boy, baby." Ginulo niya ang buhok nito saka nagmamadaling pinapasok niya ang anak sa backseat pati ang mga dala nila saka sa passenger seat siya sumakay at sinabihan ang driver na umalis na.

Kaagad namang pinausad ng driver ang taxi at nakahinga lang siya ng maluwang ng makalayo siya sa bahay nila at nakita niyang walang sasakyang sumusunod sa kanila.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Macezequeen saka napatingin sa labas ng dinaraanan nila. She could see the Petronas Tower from where she was. This made her chuckle. Isang taon na rin sila sa bansang 'to pero ni hindi nga niya nakita ng malapitan ang Petronas Tower sa sobrang pag-iingat na walang makakilala sa kaniya.

Pero natapos 'yon ngayon. May nakakita na sa kaniya, nakilala siya at natagpuan siya. Pero paano? Naging maingat naman siya? She made sure not to leave any tracks behind. She made sure that her movements are stealth. Yet they found her. Ganoon na ba kamakapangyarihan ang pamilyang Ivanov para mahanap siya pagkalipas ng tatlong taon?

If they were that powerful now, she had to be more careful. Hindi siya nakakasiguro na sa susunod ay matatakasan pa niya ang mga ito.

Pero ang pinagtataka niya, bakit hinahanap pa rin siya ng mga ito? Shouldn't the wedding supposed to be done by now? Dapat may tagapagmana na ang pamilyang Ivanov. Dapat malaya na siya pero ano na naman 'to? Anong kaguluhan na naman 'to?

Kailan ba siya ng mga ito titigilan? Kailan ba siya matatahimik?

Napatigil siya sa pag-iisip ng may humawak sa braso niya, nang lingunin niya kung sino 'yon, napangiti siya ng makita ang anak niya.

"¿está bien, mamá?" Are you okay? Tanong ni Ace sa kaniya.

Tumango siya. "I'm fine. We're safe now."

Tumango ito saka ngumiti. "Nandoon ba si ninang Gethca sa pupuntahan natin?"

Umiling siya. "Nasa France ngayon si ninang Gethca mo, pero may susundo naman satin. Kailangan ko lang tawagan si ninang Gethca mo para ihatid tayo ng susundo satin sa bahay ng ninong Rios mo."

Nagliwanag ang mukha ni Ace. "Sa bahay tayo ni Ninong Rios titira?" Bakas ang kasiyahan sa mukha ng anak niya. "I'm so excited to see ninong Rios again."

Hinaplos niya ang mukha nito. "Me, too. I miss your ninong Rios too."

Ace grinned. "Me too, mama."

Nginitian niya ang anak saka napabaling sa labas ng sasakyan ng maramdamang tumigil iyon. They arrived in the airport.

Mabilis siyang nagbayad sa driver at lumabas saka inalalayan ang anak niyang lumabas ng taxi bago niya inilabas ang dalawang maleta saka sabay silang pumasok sa loob ni Ace.

Huminga siya ng malalim habang pumipila para makapag-check in ng bagahe sa counter.

"Mama?" Tawag ni Ace sa atensiyon niya.

Bumaba ang tingin niya rito. "Yes, baby?"

Nakatingala ito sa kaniya. "Do you think dad is happy without us?"

Parang may sumakal sa puso niya sa tanong na 'yon ni Ace. "Alam mo ang sagot diyan, anak. Alam mo."

Ngumiti ito kahit nababasa niya ang lungkot sa mga mata nito. "I love you, mama."

Ginulo niya ang buhok nito. "I love you too, baby."

Ilang segundo pa niyang pinagmasdan ang anak bago niya narinig ang salitang 'next' mula sa counter.

Malalim siyang huminga saka nginitian ang babae sa likod ng counter at inihanda ang sarili para sa mga susunod nitong katanungan para makaalis na sila sa bansang 'to.



MARIING IPINIKIT ni Titus ang mga mata ng makitang sira na ang pinto ng bahay na nasa harapan niya, ang rason kung bakit nandito siya ngayon sa Malaysia. Mukhang puwersahan iyong binuksan mg kung sino man at wala nang tao sa loob.

Did Emmenuel get the woman?

"Mukhang maingat siya," basag ni Nate sa katahimikan ng buong bahay. "Wala akong makitang larawan ni isa, walang mahalagang gamit na naiwan at walang laman ang mga kuwarto. Looks like she's lived here for just a while."

Tumiim ang bagang niya. "So she'd been very careful."

Tumango si Nate. "Halata naman. Siguro alam niya na hindi siya titigilan ng pamilya mo, lalo na ngayon na hindi natuloy ang kasal mo. At mukhang nauna si Emmenuel sa'tin. It's either he has the girl or she got away."

Kumuyom ang kamao niya. "Wala akong pakialam kung nasa kay Emmanuel siya o kung nakatakas siya. She's mine. No one will have her, but me."

Tumalikod siya at lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse niya. Nang makasakay si Nate sa passenger seat, pinaharurot niya ang kotse patungo sa airport.

Kung nakuha nga ni Emmanuel ang babae, tiyak na nasa airport na ito ngayon at naghahanda sa pag-uwi.

Mabilis siyang nagmaneho. Halos paliparin niya ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung may pulis na humabol sa kaniya. Kailangan niyang makarating kaagad sa airport.

Malakas na inapakan ni Titus ang brake ng saksakyan ng makapasok sa parking lot ang kotse saka nagmamadali silang lumabas ni Nate at nagtungo sa isang parte ng airside kung saan doon nakatigil ang mga pribadong eroplano tulad ng eroplano niya at ni Emmanuel.

"Look." Turo ni Nate sa eroplanong may nakasulat na Emmanuel Ivanov. "He's still here."

Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa eroplano. Nakasara ang pinto niyon at nakapatay ang makina.

Nagtagis ang bagang niya saka napabaling sa ramp ng airport kung saan nakatigil ang eroplanong naghihintay ng pasahero. Walang ibang eroplanong naroon kundi ang papaalis patungo sa Hong Kong, Philippines, at Singapore.

Paano kung isinakay ni Emmanuel ang babae sa isang pampublikong eroplano para hindi niya malaman at makasunod? Paano kung pinapaikot siya nito at ngayon ay papasakay na sa isa sa mga eroplanong paalis?

"Fuck!" Malakas niyang mura. "That fucker!"

Madilim ang mukha at mahigpit na nakakuyom ang kamao na tumakbo siya patungo sa ramp, mga ilang metro pa ang layo niya ng mapatigil siya sa paglapit at natulos sa kinatatayuan ng ng tumuon ang mga mata niya sa babaeng umaakyat ng hagdan para makasakay sa eroplano.

Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang napatitig sa magandang mukha ng babaeng halos limang taon din niyang hindi nakita. He was not mistaken. He was sure that it was her. Her heart-shaped face, her pointed nose, her sexy curves, her beautiful light brown wavy hair and her lips.Those lips that made him go crazy when she left. Her beautiful face was still carved in his mind. He couldn't forget. He was very sure that it was her.

His fucking ex.

At kahit gustohin niya, hindi niya maalis ang nakapako niyang tingin dito, hindi niya maikurap ang mga mata habang nakatitig sa babaeng may inaalalayang bata sa hagdan.

"Titus, bakit ka ba biglang tumakbo?" Boses iyon ni Nate pero hindi niya iyon binigyang pinansin.

Nakatutok ang buong atensiyon niya sa babaeng umaakyat sa hagdan para makasakay sa eroplano. At hanggang nakapasok na ang dalaga, hindi pa rin siya makaalis sa kinatatayuan.

He was rooted in place, too stunned to move. For the first time in five years, he felt his body burned.

That was a double fuck!

Humugot siya ng malalim na hininga. "Nate."

"Yes?"

"Ready the plane." Tumiim ang bagang niya. "Pupunta tayo sa Pilipinas."

"Huh?" Halata ang kaguluhan sa boses ni Nate. "Bakit? Nandoon ba yong babaeng hinahanap natin?"

"Wala." Pero nandoon yong babaeng may atraso sakin, sabi niya sa sarili saka naglakad pabalik sa pribado niyang eroplano. 


CECELIB | C.C.

Seguir leyendo

También te gustarán

8.8K 222 12
So, finally. I'm done with this. HAHA! I won't guarantee you that this was a good story, so read at your own risk. Thank you!
15M 848K 59
When the honest and kind Ream Oliveros crosses paths with Syl, he thought he finally met his woman. But he can't be more wrong when he finds out his...
2.7K 81 35
Sabi nila "What's meant for you will find you when the time is right" This is the story of two people, who met at an unexpected moment and met again...
140M 3.6M 136
Knight Velasquez would willingly and silently sacrifice himself in order to protect the people he cared the most about, even if it meant endless trou...