~*~
(Cashmere's POV)
Hinawakan ko ang salamin na aking ginawa nang biglang mag-iba ang paligid.
"Cashmere."
Bulong ng pamilyar na tinig. Napangiti na lamang ako at magiliw syang hinarap, ngayong naaalala ko na ang lahat. Handa na akong harapin ang bawat pagsubok na magaganap.
"Total." Bulong ko sapat na upang kanyang marinig.
Tumango tango sya bago ngumiti ng matamis at napabuntong hininga.
"Handa ka nang magbalik?" Tanong nya sa akin bago maglakad patungo sa hardin na liwanag.
Sumunod ako sa kanya ng nakangiti. Ang gaan sa pakiramdam na malaman mong nakabalik ka na. Makikita mo na ulit ang iyong ama na ka'y tagal mong nakalimutan.
Kinalimutan ko ang nakaraan at pati na rin ang aking ama upang mapabuti ako at hindi mapahamak katulad ng nais nila. Si Frank at Ice ay iisa, ang kasa-kasama ko sa pagpupuslit sa aming palasyo upang tumungo sa Akademya at gumaya ng mga kapangyarihang aking nakikita, bakit ko rin sya kinalimutan kung sa sinabi nya na sana wag ko silang kalimutan? Kasalanan ko itong lahat eh.
"Wag mong sisihin ang iyong sarili."
Napaigtad ako ng nakalapit na pala sa akin si Total at marahang hinahagod ang aking likuran.
"Ang iyong utak ang kumalimot ngunit ang puso mo ang hindi."
Nanumbalik ang ngiti sa aking mga labi at hinarap sya.
"Total, nais kong makita ang aking ama, maaari mo bang sabihin sa akin kung anong kalagayan nya?"
"Hindi pa sa ngayon, magpapakita na lamang ako sa iyong panaginip upang sagutin ang iyong katanungan. Humayo ka na Cashmere, naghihintay sa iyo ang iyong matagal na nawalay na kaibigan pati na rin ang iyong kakambal na kasalukuyang pilit na sinisira ang salaming gawa sa yelo. Wag na wag mo muna sya pahintulutang umugnay sa iyo, iyan ang bilin ko. Hindi rin muna sa ngayon."
Tumango-tango na lamang ako sa kanya. "Naiintindihan ko. Maligayang kaarawan Total, bigyan mo kami ng gabay."
Tanging huling ngiti na lamang jya ang aking nasilayan bago ko imulat ang aking mga mata at tumambad ang salaming pilit na sinisira ng aking kapatid.
"Catherine, itigil mo muna iyan. Hindi muna sa ngayon aking kapatid, nais lamang kitang makita." Pagpapatigil ko sa kanya bago hawakan ang yelong aking ginawa.
Bakas naman sa kanyang mukha ang dismaya ngunit maya-maya pa'y tumango na sya at naglaho na parang bula.
Noong panahon, dalawa kaming magkasama ni Catherine sa sinapupunan ni ina ngunit nagkawalay rin kami ng sya ay namatay sa sinapupunan ni Ina at ako lamang ang lumabas na buhay. Naisalin ang kanyang mahika sa akin na salamin, kaya nitong gayahin ang nakikita nyang mahika ngunit gumagana lamang ito kapag kasalukuyang ginagamit ito nang taong iyon. Samantalang ang aking kapangyarihan ay kayang gumaya ng kapangyarihan pag ika'y aking nahawakan. Nagsanib ang aming kapangyarihan nang ako'y ipinanganak. Kaya kong gayahin ang kapangyarihang aking nakikita. Copying Magic. Hindi ako naiiba, sadyang nakuha ko ang kapangyarihan ni Ice noong mga bata kami.
"Cashmere."
Napangiti ako nang marinig ang kanyang tinig.
"Ice."
Hindi ko naiwasan sya'y yakapin ng mahigpit. Hindi ako makapaniwalang nakasama ko na syang muli na nagbalik na ako. At dito sa pinapangarap naming akademya kami nagkitang muli.
"Nagtagumpay ako." Masayang sabi nya na ikinatawa ko.
"Ano pa bang aasahan ko sa'yo? Hindi ka pa nga ata nabigo."
"Nabigo na ako noh! Nung sinubukan kong pumasok sa sarili kong gawang portal para makasama ka." Nakangusong sabi nya na ikinailing ko.
"Feeling ka kasi. Hmm. Nga pala, paano na ngayon sila?" Turo ko sa ibaba kung saan nandoon ang aming mga kaibigan, mga estudyante, mga guro at si Headmaster na nakangiti, malamang alam na nya ang nangyayari. Nagkibit balikat lamang si Ice na ikinabuntong hininga ko.
"Maraming salamat." Bulong ko sa kanya na ikinangiti nya lalo.
"Welcome-------"
Hindi pa man naitutuloy ni Ice ang kanyang sasabihin ng isang ungol ang pumaibabaw sa buong akademya.
"Not again."
Napailing na lamang kami ng mamataan ko na ang halimaw na pilit na gumugulo sa akademya at sinisira ang barrier. Ngunit agad ding nanlaki ang mata ko nang makitang hindi ito pangkaraniwan.
"Uh oh~~this is bad."
Bumaba na kami ni Ice sa phoenix nya at nagtungo na sa mga kasama namin na nakakunot noo sa aming dalawa. Oo nga pala, they need answers but~~
"Magpapaliwanag kami mamaya----" Pinutol na agad ni headmaster ang maaari pang sasabihin ni Ice.
"May halimaw na pilit sumisira sa ating barrier mga bata-----"
*boooggss*
"------and now nasira na nya."
Nagsitanguan kami at mabilis na pinuntahan ang halimaw. Muntikan na nyang kainin ang isang estudyante na nadampot buti na lamang mabilis ang kidlat ni Ferresa at napigilan nya ito.
Isang ungol ang pinakawalan ng halimaw. Galit nya kaming pinatamaan ng kulay berdeng likido. Malapot ito at nakakasuka ang amoy.
"Wag na wag kayong didikit roon kung ayaw nyo pang mamatay." Bilin sa amin ni headmaster.
"Mukhang ito ang first battle mo bilang pagbabalik. Should I help you or not?" May halong pang-aasar na sabi sa akin ni Frank.
Nginisihan ko lang sya. Naaalala ko pa ang mga turo ni ama. Kaya ko na ring gayahin ang mga mahika nila. Naglabas ako ng lightning bolt at tumakbo patungo sa malaking halimaw. Ipinatama ko ito sa kanyang binti at agad na umiwas sa pinakawalan nyang likido. Umungol ito sa sakit na lalong nagpagana sa akin.
Hinayaan na lamang nila ako na lumaban at pinanood na lamang. Gumawa ako ng bolang yelo at hinaluan ng kuryente sa loob. Nang ihagis ko ito, labis na nasaktan ang halimaw kaya itinuloy-tuloy ko ito hanggang sa bumagsak ang halimaw at mawalan ng buhay.
Bumagsak rin ako at nanghina. Nakalimutan ko, masyado kong nagamit ang stamina ko sa pag-alala kanina at ngayon na naman masyado kong nagamit ang aking mahika.
"Magpahinga ka muna." Bulong sa akin ni Ice.
Ilang saglit pa, hinila na ako ng antok kaya napapikit na lamang ako at nagpaubaya rito.
~*~
(Third Person's POV)
Itinuloy ng mga estudyante ang naudlot na kasiyahan bilang pagbibigay pugay kay Total. Samantalang ang magkakaibigan naman ay dinaluhan si Cashmere sa kanilang clinic dito sa akademya.
"Bat kaya hindi mo pa sya gisingin Drei?" Naiinip na pangungunsinti ni Dennis sa nakatulalang si Andrei.
"Hindi sapat ang aking mahika upang gisingin ang isang half dark magician." Buntong hiningang sambit ni Andrei na ikinatigil nilang lahat na naroroon sa silid.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Vanessa.
Magsasalita pa lamang si Andrei nang unahan na sya ni Frank.
"Sya ang prinsesa ng Dark Moon Kingdom." Sabi ni Frank.
Agad syang nakarinig ng mga balikos sa mga kasama lalo na kay Ferresa.
"Paano mo ito nailihim huh Frank? Alam mo bang delikado ang iyong ginawa? Maaaring mapahamak tayo dito!"
"Napahamak ka ba?" Mapanghamong sabi ni Frank na ikinatahimik ni Ferresa, ngunit hindi si Rosby na nag-aapoy rin ang kalooban. Ayaw na ayaw nya sa mga Dark Magicians, masasama ito sa kanyang paningin dahil na rin sa nangyari sa kanyang nakababatang kapatid.
"Napahamak na kami! Siguro aya ang dahilan kung bakit may nakakapasok na mga dark magicians dito sa Akademya! Sya siguro ang nagpapapasok! Masama sya! Ubod ng sama nya! Dapat syang-----"
Hindi pa man naitutuloy ni Rosby ang kanyang sasabihin ng balutin na sya sa katawan ng yelo ni Frank.
"You don't know her. You don't know every single of her!" Galit na sigaw ni Frank.
"We don't know her? YES you're right! Wala akong panahon para kilalanin ang isang tulad nya!" Sabi ng nanggagalaiting si Michelle.
Tanggap ni Michelle si Cashmere pero may nararamdaman sya sa puso nya na hindi nya maipaliwanag lalo na pa't ipinagtatanggol sya ni Frank.
"Walang panahon? O sige, wala rin akong panahon sa isang tulad mo. Ngayon Mich, nagsisisi akong minahal kita, minahal ko ang isang tulad mo na hindi malawak ang pang-unawa. Umalis na kayo, lahat kayo!"
Tila nawalan ng dugo si Michelle sa narinig mula kay Frank. Hindi sya makapaniwalang ang lalaking minahal ay sinabi ang gayong mga bagay. 'Talaga bang ganun na lamang ang malasakit ni Frank kay Cashmere?' Ang tanging naibulong na lamang ni Michelle bago nagmamadaling umalis.
Sumunod naman sa kanya si Michelle at Rosby kasama na rin sina Carlos, Carl, at Dennis.
"Hindi pa ba kayo susunod?" Hindi lumilingon na tanong ni Frank sa mga natira.
"Nais ko pa ng kasagutan." Tanging bulalas ni Jayden na ikinatango ni Frank bago ngumiti at nagpasalamat na mayroon syang mga kaibigan na malawak ang pang-unawa.