Instant Mommy Ako? (PUBLISHED...

By skycharm24

23.9M 386K 32.2K

(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Epilogue
Authors Note
Good news!

Part 57

320K 5.8K 596
By skycharm24

TRISHA

I thought that night, katapusan ko na. Akala ko hindi ko na
sila masisilayan pa. Pero kung mauulit muli ang pangyayaring
’yon, pareho pa rin ang gagawin ko. Ililigtas ko pa rin si Choleen
dahil kapatid ko siya at mahal ko siya.

Nabuhay ako kaya may pagkakataon pa akong ayusin ang gusot sa ’ming relasyon.

“We’re here!” pukaw sa ’kin ng kapre pagdating namin sa
bahay. “Sa lalim niyang iniisip mo, malamang nalunod na ako,” sabi niya sabay kindat.

“Tse! Manahimik ka nga.”
Hinila niya ako palapit sa kanya.

“I love you. Thank you at
hindi mo kami iniwan. Thank you dahil may pagkakataon pa
akong makasama ka, ang gumising ng bawat umaga sa tabi mo, ang mayakap at mahalikan ka, at ang tumandang kasama mo.” I saw tears in his eyes bago niya ako hinalikan.

“Ba’t ang drama mo?” sabi ko na lang pagkatapos niya akong
halikan.

Sumimangot siya. Ang gwapo talaga ng asawa ko kahit
nakasimangot!

“Tara na nga. Mamaya dito pa masundan ang kambal,” natatawa niyang sabi. Baliw din ’to, umiiyak tapos tumatawa.

Sina Mommy, Daddy, at Ate Marga lang ang may alam
na uuwi na ako. Gusto kasi naming sorpresahin si Chloe.
Naging malungkutin nga raw ang bata lately at hindi gaanong nagsasalita. She’d been through a lot.

Masaya kaming sinalubong nina Mommy, Daddy, at Ate
Marga. Pati sina Ally at Suzi, na hawak ang kambal ko, ay
natuwa rin sa pagdating namin.

“We’re glad you’re home, sis. Na-miss ka namin.” Ate Marga
hugged me, sunod sina Mommy at Daddy. Na-miss ko rin
naman sila.

“How are you? How are my babies?” Pareho ko silang
hinalikan, saka ko kinarga si Isha.

“Na-miss ko kayo, anak.”
Pinupog ko siya ng halik. I was so glad that she was now safe.
Pagkatapos ay kinarga ko rin si Ian. “Matakaw ba ang mga baby ko? Bumibigat na kayo, ah,” puna ko. Nang napansin kong wala si Chloe ay nagtanong na agad ako. “Si Chloe po?”

“She’s upstairs. Ikaw lang yata ang gamot sa topak ng batang ’yon, e. Hindi siya nagsasalita. Kasama niya si Jeza, ’yong
tumulong sa inyo, at binigyan namin ng trabaho. Malaking
tulong din kasi siya sa pagkakaligtas ng mga bata,” sabi ni Mommy.

Hinayaan nila akong umakyat mag-isa para kausapin si
Chloe. Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko silang nagdo-
drawing. Nakatalikod si Chloe kaya hindi niya ako nakita agad.

Tiningnan ko ang ginagawa niya at saka napangiti. Hugis puso
ito at may nakalagay na I miss you, Mommy sa gitna.

“I miss you more, baby,” bulong ko sa kanya.Gulat na napalingon si Chloe.

“Mom?” sabi niya sabay yakap
sa akin.

“Yes, baby, I’m here.” Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko.

“You’re awake! You’re here! I’ve missed you,” luhaang sabi
niya.

“I love you too, baby. I told you, ’di ba? Hindi kita iiwan.” Pinahid ko ang mga luha niya saka siya kinandong. Napatingin
ako sa dalagang luhaan ding nakatingin sa ’min.

“Ikaw si Jeza,
’di ba? Maraming salamat.”
Ngumiti ito sa ’kin.

“Salamat din po. Dahil sa pamilya n’yo ay may maayos na akong trabaho. Natutuwa rin po akong ligtas na kayo.”

“Walang ano man, Jeza. Utang ko sa ’yo ang buhay ng mga
anak ko.” Iniwan niya muna kami ni Chloe na hindi na bumitiw sa pagkakayakap sa ’kin.

“Don’t be sad. Mommy’s here na, ’di ba?” Hinawakan ko ang mukha niya.

“I’m glad you’re safe, Mommy.” Mahal talaga ako ng batang
’to na naging dahilan nang maraming pangyayari sa buhay ko.

Ano kaya kung hindi kami nagkita sa mall dati?

“Me too, baby. How are you? How’s school?” Tapos napansin
ko ang mga regalo at paper bags na nakatambak lang sa gilid.

“Wow, ang daming gifts! Galing kanino ang mga ’yon, baby?”

“Don’t mind them po. Galing po ’yan kay Ma— from that
woman.” Parang may nabasa akong galit sa mga mata niya.

“Galing ba ’yan kay Mama Choleen mo?” Tumango siya.

“Peace offering daw po. But I don’t want them. She’s mean, Mommy. I hate her.” Napaiyak itong muli.

“Anak, don’t say that. Mama mo pa rin siya. Marahil may
kasalanan siya sa atin, pero ’di ba dapat handa tayong patawarin siya lalo na kung nagsisisi na siya?”

“Pero siya po ang kumuha kay Isha, and you got shot because
of her.”

“Anak, kalimutan mo na ’yon. May mga bagay talaga na minsan nagagawa natin na hindi natin namamalayang nakasasakit na pala tayo ng iba. Akala kasi natin ’yon ang tama.
Pero minsan dala lang ’yon ng mga pangyayari sa buhay natin.
But it doesn’t mean na forever na tayong bad. Lahat naman
pwedeng magbago, e. Everyone deserves a second chance,”
paliwanag ko sa kanya.

“Tita said she’s your twin. Is that true, Mommy?”

“Oo, anak. Can you give her another chance for me? Kasi
malulungkot si Mommy kapag alam niyang galit ka sa twin
niya. Saka anak, siya pa rin ang mama mo. Kung hindi dahil sa
kanya ay wala ka dito ngayon.”

“Okay…I’ll try. Basta ’wag ka na pong sad.”

“Thank you, baby.” Likas na mabait si Chloe kaya alam kong
susundin niya ako.

We spent the whole afternoon preparing for Noche Buena.
Besides sa first Christmas ’to ng kambal, I wanted this to be
the start of our new life.

I invited my mom and dad, pati na rin si Choleen. Sana pumunta sila. Inaayos ko na lang ang mga
susuotin ng kambal nang may brasong pumulupot sa beywang
ko.

“Happy?” Ang asawa ko pala.

“Oo naman, hon. Pero mas magiging masaya ako kapag
nakapag-usap na kami ng kapatid ko.”

Bigla siyang nanahimik.
Hinarap ko siya at tiningnan nang deretso. “Galit ka pa ba
sa kanya?”

“I have all the reasons to hate her, pagkatapos ng lahat nang
ginawa niya,” seryoso niyang sagot.

“I know, hon, pero gugustuhin mo bang habambuhay na lang
mamahay sa puso mo ang galit, lalo na sa taong nagsilang kay
Chloe? Ina pa rin siya ng anak mo, at kapatid ko rin siya. Tingin
mo sasaya ako na ang asawa ko ay galit sa kakambal ko?”

“Bakit ka ganyan, hon? Paano mo nagagawang alalahanin
siya at patawarin siya sa kabila ng kasamaan niya?”

“Dahil kapatid ko siya, kadugo, at dahil alam ko na ’yon ang
tamang gawin. Kung ang Panginoon nga ay nagpapatawad, tayo pa kaya na tao lang? Paano tayo magiging masaya kung may galit sa mga puso natin? Alam kong hindi ganoon kadali ang magpatawad, pero wala namang mawawala kung susubukan mo, ’di ba? Please, honey ko,” paliwanag ko.

“That’s why I love you so much. Napakabuti ng puso mo.”
Niyakap niya ako nang mahigpit.

Alam kong pagbibigyan niya
rin ako sa pakiusap ko.Dumating nga sina Mommy at Daddy. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Xander at natuloy din daw ang pagiging magbalae nilang apat. Masaya rin sina Mommy na okay na ako, pero mas natuwa ako dahil kasama nila si Choleen. May dala pa
nga itong cake.

“Merry Christmas.” Bahagya siyang nakangiti at parang
nag-aalinlangang lumapit sa ’kin.

“Merry Christmas, kambal.” I smiled at her and opened my
arms para yakapin siya.

“I’m so sorry, Maureen. Patawarin mo ako,” sabi niya saka siya naiyak. Pati sina Mommy at Daddy ay naiyak na rin.

“Napakasama ko sa ’yo. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa inyo dahil sa pagiging makasarili ko.”

“Sshhhh… Napatawad na kita dati pa.” Napahigpit lalo ang yakap niya sa ’kin. “Thank you, Maureen. Napakabait mo talaga kahit ang sama-sama ko sa ’yo.”
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at saka pinahid ang
mga luha niya.

“Tama na. Pumapangit tayo ’pag umiiyak, e,” nakangiting sabi ko.

“Hindi kaya! Maganda pa rin tayo kahit anong mangyari,” sagot niya naman kaya nagtawanan kami.

“Salamat sa pagpapatawad, sa pagliligtas ng buhay ko, at sa pag-aalaga sa anak ko,” she continued.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa bibig niya. “Magkapatid tayo.
Marahil hindi tayo lumaki nang sabay, pero hindi mababago
kailanman ang pagiging magkadugo natin. Ang magkapatid ay nagtutulungan at nagmamahalan.”

Pati sina Mommy at Daddy ay nakiyakap na rin sa ’min.
“Masaya kaming makitang magkasama kayo at magkasundo,”sabi ni Mommy.

“Ang lalaki na ng kambal ko! Marami man tayong panahong
nasayang, may panahon pa naman tayo para bumawi. Mahal na mahal namin kayo,” umiiyak na sabi ni Daddy.

“Yey, yakapan! Sali ako d’yan!” Tuwang tumakbo si Chloe papunta sa ’min.
Kinarga ko siya.

“May gusto ka bang sabihin sa mama mo, anak?” tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito. “Merry Christmas, Mama. I love you.”
At niyakap nito ang ina niya.

“Merry Christmas din, baby. I love you, too. Please forgive
Mama,” naiiyak na sabi ni Choleen kay Chloe.

“You are forgiven, Ma,” sagot naman ng bata.

Choleen then mouthed “thank you” to me habang yakap niya
ang anak niya.

“Tama na ang iyakan at kumain na tayo,” nakangiting sabi ng
asawa ko. Alam kong maging siya ay handa nang magpatawad.

Mahirap magpatawad lalo na kung malalim ang sugat na
nilikha ng mga taong nagkasala sa atin. Pero hangga’t may
pagmamahal sa mga puso natin, hindi ito imposible. Paano tayo
lubos na magiging masaya kung may galit na namamahay sa
puso ng bawat isa? Nabubulag tayo ng poot at galit kaya minsan, pati ang mga magagandang bagay sa paligid ay hindi na natin nakikita.

Naging masaya ang Pasko namin dahil kumpleto kami ng pamilya ko.

Sino ang mag-aakalang matatagpuan ko sila nang
dahil sa isang batang napagkamalan akong ina niya?

At times we are all tempted to make wrong choices na minsan nakakasakit na sa iba pero gaya nga ng sabi ni Trisha, everyone deserves a second chance. Love one another as Jesus loves each one of us.

Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

175K 3.7K 16
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
173K 4.1K 21
Ang akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalid...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
86.6K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...