New Life Online: Battle Again...

By xxsilentauthorxx

213K 7.8K 723

It started when the lonely boy Ralph met the famous Zed and his gang. Join Ralph and his friends in discoveri... More

Author's Note
Start [Revised 2.0]
Ch. 1: Le Ninja Turtle [Revised]
Ch. 2: Tropa de Puta [Revised]
Ch. 3: The Game [Revised]
Ch. 4: Log-in [Revised]
Ch. 5: Exploring the Game [Additional Chapter]
Ch. 6: Level 5, First Skill
Ch. 7: The Girl in the Woods
Ch. 8: Lycanthrope [Revised]
Ch. 9: Scarlet
Ch. 10: First Murder
Ch. 11: Broken
Chapter 12: Coincidence
Ch. 13: A Glimpse of Future
Ch. 14: Heigl and Mitzuiko
Meet Shadow and Light.
The Surprise
Slay the Nerubians Dungeon Part 1
Slay the Nerubians Dungeon Part 2
New Classmate
Towns, Maps, and Other info
The Black Government
Shinobi
The First Event
The Shinobi and Wizard V.s. The Dragons
Franchelle Angeli Dela Cruz POV
The Palace
The First Level
The 2nd Level
Must Read
The 2nd Boss
The Four Dragon Slayers
Help
The Fallen Prince
The Guardian V.S. The Prince
Valentine's Special Chapter [1.0]
Valentine's Special Chapter [1.2]
Valentine's Special Chapter [1.3]
Valentine's Special Chapter [1.4]
System Update and The O.P. Player
Wind and Destruction
Black Pearl Guild
Shadow Slayer
No. 2 Player
Let's Hunt Some Bird
Let's Play With Fire
Elimination Round
Death Match Part 1
Death Match Part 2
Death Match Part 3
Death Match Part [4]
Death Match Part [5]
Death March [6]
Characters' Profile [1.0]
「Mensahe ni Manunulat」
「Death Match 7」
「Death Match: Final」
「Rewards: Guild House and Skill Book」
「Marriage System」
「Book of OP Skills?!」
xxsilentauthorxx' note
「New Members and Reunion」
「Cyrene's Doubt」
「Clearing the Third Town and Job Upgrade」
「Ruins」
「Gm's Head, Eye Skills」
「Guild Meeting and Tactics」
Announcement and Apology
「The Dark World: King Balthazzar」
「A God Level Quest」
「A GM's Agenda」
「Third Map Cleared, New Updates」
「Third Map Cleared, New Updates」
「The Special Quest」
Author's Note (UPDATED v.01)
「Hisaya Kanae」
SUPER IMPORTANT ANNOUNCEMENT THAT WILL SHAKE THE WHOLE WORLD.UPDATED V.2

Valentine's Special Chapter [1.1]

2.5K 97 2
By xxsilentauthorxx

Enjoy

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chan Pov

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng kotse ko kasama si Ace. Napatingin ako sa kanya at walang ka emo-emosiyon siyang nakatingin sa bintana. Kahit poker face siya, alam kong galit siya sakin. Napahampas nalang ako ng noo nang maalala ko yung nangyari kanina. Damn that bitch.

Flashback

Naka-upo ako sa hood ng sasakyan ko habang hinihintay si Ace. Halos isang oras narin akong naghihintay. Haist. Bakit ba ang bagal ng mga babae kung magpalit or mag-ayos? Mabagal lang ba sila or sadyang mabilis lang kaming mga lalake? Oy hindi hokage ang sinasabi ko ah.

Naputol ang pag-iisip ko ng may narinig akong nahulog. Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita ang seksing babae na nahulog ang kanyang mga libro. Seriously? Naka heels siya ng 3 inches tapos mag bubuhat ng libro? Tanga lang teh? Siyempre gentleman eh kaya naglakad ako papunta sa kanya at nagsimulang pulutin ang kanyang libro. Apat yun. Sabay naming nahawakan ang ika-apat na libro at aksidenteng nagtama ang kamay namin. Siyempre binalewala ko nalang iyon dahil wala naman dapat pagtuunan ng pansin don diba?

Tumayo na ako at ibinigay sa kanya ang mga libro pero naglakad siya papunta sakin at nadapa. Sa sobrang bigat niya ay parehas kaming na out balance at napahiga kami sa lupa. Nadaganan niya ako at naramdaman ko ang kanyang malaking hinaharap at sumaludo si Totoy at handa ng umatake.

Shet!! Tukso lumayo ka!! Chupii. Chupii. Waaah. Ayoko nito.

Lalake ako pero ayokong matukso! Mahal ko si Ace at siya lang. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sakin. Buti nalang at wala masiyadong tao dahil kung hindi agaw atensiyon kami.

"Uhm ate, baka pwedeng tumayo kana at ng maka-alis na ako dito?" Tanong ko sa kanya

Nagchuckle lang ito at tumingin sakin. Isang mapang akit na tingin. Mas binigatan niya ang kanyang sarili at dahil dun mas naramdaman ko ang kanyang mga malalaking pakwan. Sheett. No. No.

"Gusto mo, patayuin ko yan?" Saad niya with her seductive voice.

Magsasalita palang sana ako ng marinig ko ang pagbukas ng gate at nakatingin sa amin si Ace. Kahit expressionless siya, I can tell na nagagalit ito at nagseselos at tinatanong nito kung bakit ganon ang posisiyon namin. Tinulak ko ang babae papunta sa side ko para maka-alis ako. Bastos na kung bastos but mahal ko gf ko at ayokong magalit siya nang dahil sa hindi pagkakaintindihan at mauuwi ito sa awayan.

"Ace." Pagbubuksan ko palang sana siya ng pinto ngunit nauna na itong nagbukas at ibinalibag ang pintuan pagkatapos pumasok.

Hay. Galit na nga. Tsk.

End of Flashback

"Ace look, I--" Bungad ko upang magpaliwanag pero naputol ito ng tiningnan niya ako ng matalim at malamig na mga mata.

"I don't need explanation." Saad nito at tumingin ulit sa bintana.

"Ace naman. Makinig ka muna sakin."

"Shut up you pervert, dick-head, two timer!!" Napahinto nalang ako ng sasakyan ng marinig ko ang mga katagang iyon. Napatingin ako sa kanyang expressionless face.

"You know what?! Pagod na ako. Pagod na ako na laging ikaw nalang ang iniintindi ko. Na ikaw nalang lagi ang tama. Na sa tingin mo mas nasasaktan ka kaysa sa akin. Na sa tingin mo may mahal akong iba. Wala kang tiwala sa akin. Lahat ginagawa ko mapasaya ka lang pero hindi ko man lang makita na ngumiti ka kahit minsan!! Pero pag dating sa mga kamalian ko agad mo iyon nakikita. Pagod na ako Ace!! Pagod na pagod na ako na laging IKAW ang iniintindi ko. Ako? Ni minsan ba intindi mo ba ako?! Ni minsan ba naunawan mo na ba ang sitwasyon ko? Ni minsan ba nagsakripisiyo ka na ba para sa akin?! Now tell me!! Do you really even love me?!"

Singhal ko sa kanya. All this time ako nalang palagi. Ako nalang lagi mali, ako na. Hindi naman ako perpekto eh. Lahat ginagawa ko sa kanya pero mga kamalian ko lang ang nakikita niya. Two years na kami, yet I didn't even feel na mahal niya ako. All this time iniisip ko trip niya lang ako, pero binalewala ko yun at mas inisip na mahal rin niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Pero sobra na. Sobra na talaga akong nasasaktan. Pumatak na talaga ang luha ko na pilit kong linalabanan. Pinunasan ko ito at tumingin sa kanya. Nakayuko siya at natatabunan ng buhok ang kaniyang mukha kaya hindi ko makita ang expression niya.

"Take the car. Leave me alone." Malamig na saad ko rito kasabay ng pagbaba ko sa sasakyan. I need space. I need to cooldown my head. Ayokong makagawa ng isang desisiyon na sisira lamang sa dalawang taon na pinagsamahan namin. Tinanaw ko siya sa loob ng sasakyan sa huling pagkakataon at naglakad palayo.

How happy my valentine's day. Tsk.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ace Pov

Naglalakad siya palayo habang nakayukom ang kanyang mga kamao. Ganun na ba ako kamanhid? All this time, nahihirapan na siya sa sitwasiyon namin pero hindi siya sumusuko. All this time na ang kanyang mga ngiti ay sa likod nito ay ang mga pighati't pagdurusa na kanyang nararamdaman. Manhid nga talaga ako. Mahal ko siya. Yes, I know na mahal ko siya pero hindi ko iyon ipinapakita. Siguro natatakot akong muli. Natatakot ako na baka iwan din niya ako katulad niya. Napayukom nalang ako ng kamao ko ng maalala ulit ang pangyayaring iyon.

3 years ago

Sabado ng umaga, wala si mama dahil may trabaho siya. Office girl si mama ng isang malaking kompanya at nasa mataas siya na posisiyon kaya naman doble kayod ang ginagawa ni mama. Bumangon na ako at nagluto ng kung ano man ang pwedeng makain. Kasabay ko rin ang kapatid ko na medyo baboy, este medyo badboy ang suot niya. Don't get me wrong, babae po siya at may boyfriend na yan. Kita mo? Grade six palang lumalandi na haha.

Napatigil kami sa pagkain ng dumating si papa. Kumuha siya ng plato at kumain narin. Hindi siya nagsasalita. Pagkatapos niyang kumain ay diretso na siya sa kaniyang kwarto.

Hindi ko maiwasang malungkot. Dati rati kasi sabay kaming lumalabas ng bahay at nagba bike. Nagpipicnic. Nagbobonding kasama ang nakababatang kapatid ko and my mom. Aaminin ko na daddy's girl ako kaya aminado akong mas close ko si papa kaysa kay mama.

Gumabi na at nakauwi narin sa mama. Nasa hapag kainan kami at sobrang tahimik. Dati rati nagkukulitan sina mama at papa pero ngayon kung umasta sila parang wala silang nakikita. Nakapagtataka at hindi na sila masiyadong nag-uusap kumpara dati na halos langgamin sila dahil sa sobrang sweet ang mga sinasabi nila sa isa't-isa. Binalewala ko nalang iyon at tumungo sa kwarto ko.

Nagising ako ng mga alas tres ng umaga dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Bumaba narin ako dahil nauuhaw ako. Pagkababa ko ay nakita ko sa papa na nakabihis na at handang umalis. Bumalik ako sa kwarto ko at nagpalit. Susundan ko si papa. Kaya naman dali-dali akong nagbihis at gamit ang bike, sinundan ko siya. Bumaba siya sa tapat ng isang bahay. Ano kaya ang gagawin niya dito? Mula sa gate ay lumabas ang isang sexing babae. Naka bikini lang ito at walang bra. Lumapit ito kay dad at matamang hinalikan. Gumanti si dad at hinila ang babaeng iyon sa loob ng bahay upang gawin kung ano man iyon. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. All this time niloloko niya kami? Kaya pala wala na siyang oras para sa amin. Kaya pala hindi na niya kami pinapansin. Kaya pala hindi na niya kami inaasikaso. Kasi may kabit siya. T*ng ina lang. Mahal na mahal ko siya pero ginago niya lang kami!

Umuwi nalang ako at nadatnan kong naka-impake si mama, pati narin ang kapatid ko. Bakas sa mukha nito ang pagkalito kung bakit nakaimpake sila. Tumingin sa akin si mama. Sa tingin niyang iyon mukhang alam na niya.

"Ace, alam kong alam mo na ang lahat. Nakaimpake na ang lahat. Aalis na tayo rito dahil wala namang saysay kung nandito pa tayo. Lilipat na tayo ng lugar at kalimutan na ang lahat ng mga bagay na narito." Saka siya naglakad paalis.

Umalis kami sa bahay na iyon. Alam kong masasaktan ang mga kaibigan ko kung bakit umalis kami pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan pero alam kong maiintindihan nila ang sitwasiyon ko. Nagtransfer narin ako ng school at sa pagkakataon naman ay nakita ko ang mga kaibigan ko. Ang mga katropa ko. Masaya naman ang pagkikita namin pero may isang bagay silang napansin. Ang pagbabago ko.

Mula sa makulit na Ace ay napalitan ito ng isang cold at emotionless na Ace. Sobrang sakit ang idinulot ng pangbababe ni papa. Sobra. Nawalan ako ng gana sa buhay. Nagsimula narin akong tumahimik. Hindi na ako pala salita. Ni wala kang makikitang reaction sa mukha ko. Galit na galit ako sa kanya. Kinamumuhian ko siya bilang ama. Simula ng umalis ako sa bahay na iyon ay pinutol ko na ang connection namin bilang mag ama. Wala na akong balita kung nasaan na siya at wala akong pake kung namatay na siya. I know it's harsh pero I just don't care anymore.

Mabuti nalang at nandiyan si Chan tuwing malungkot ako. Kahit na expresionless ako ay alam niya ang mga emotion ko. He knew me too much. Kahit simpleng tingin ko sa kanya ay alam na niya ang ibig kong sabihin. May gusto ako sa kanya, dati pa. At simula ng naging cold Ace ako ay nandiyan na siya lagi sa tabi ko. Pinapasaya niya ako. Pero hindi ko magawang ngumiti. Masakit parin eh. Masakin parin sa akin ang mga alala nang punyetang lalaking iyon. Pero may mga times na napapasaya ako but I just can't show him my smile. Pinaninindigan ko na ang pagiging emtionless.

Isang araw nag tapat siya sa akin na mahal niya ako at gusto akong ligawan. I said no dahil natatakot akong magmahal muli at baka iwan din niya ako katulad ng magaling kong tatay. Pero hindi siya sumuko. Araw-araw hatid-sundo niya ako. Binibigyan niya ako ng flowers. Mga chocolate na sobrang sarap. Pati si mama nililigawan niya rin para matanggap siya ng mama ko. And its effective. Sobrang close sila ng nanay ko. Even my sister na minsan lang kumausap sa mga stranger. Hindi niya ako sinukuan. Kahit sobrang cold ko sa kanya ay ipinagpatuloy niya parin ang panliligaw sa akin. And then I fell inlove with him. Sinagot ko siya. Masaya naman ako dahil tama ang naging desisiyon ko. Pinapasaya niya ako and again, I can't show him my smile dahil pinaninindigan ko ang pagiging cold at emotionless at mayroon parin pangamba sa aking puso na baka isang araw ay iwan niya ako katulad ng dati. Sana nga hindi. Sana hindi niya ako iwan.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masiyado na ba akong cold? Masiyado na ba akong makasarili? Siguro. Hindi ko manlang naisip ang kanyang nararamdaman. Hindi ko naisip ang kaniyang sitwasiyon. Hindi ko naisip ang kanyang pagod at sakripisiyo. Hindi ko naisip o mas tamang sabihin na hindi ko inisip. Dahil mas iniisip ko ang nangyari samin ni dad at ang posibilidad na iwan din niya ako.

Sometimes we need to let go to lessen the pain.

Siguro kailangan ko ng kalimutan ang lahat. Siguro kailangan ko ng maglet go. Para saan pa ang pagiging cold Ace ko? Kahit kamuhian ko ang papa ko ay hindi na mababago ang katotohanang iniwan niya kami. Pumikit ako ng mariin. Oras na siguro para ibalik ang dating ako. Oras narin siguro upang kalimutan ang nakaraan. Oras na siguro upang suklian ko ang mga naging pagkukulang ko bilang girlfriend sa kanya.

Oras na para ibalik ang Ace na matagal ng nawala simula ng nawala rin siya sa amin.

Umupo na ako sa driver's seat at pinaandar ko ang kotse. Alam ko na kung saan siya hahanapin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chan's Pov

Nakaupo ako na matamang tintignan ang kaniyang lapida. Napangiti nalang ako ng mapait tuwing maalala ko siya.

"Kung sana nadito ka pa. Kung sana kasama pa kita. Kung sana maibalik ko pa ang nakaraan. Kung sana, sana sa huling pagkakataon masabi kong mahal kita at gusto kong ibalik ang dati. Pero hinde eh. Hindi ko kaya. Mom, tulong naman."

It's been three years simula na mamatay ang mom ko. Sobra siya kung mag-alaga. Sobra siya kung magmahal. Kaya naman sobrang siya nasaktan nung nalaman niyang may kabit and dad ko. She committed suicide. Iniwan na niya kami.

"Mom. Please come back, I need you." Kasabay non ang pagtulo na aking mga luha. Ako nalang mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko. Walang pwedeng kumupkop sa akin dahil nasa ibang bansa ang mga kamag-anak ko. Wala ding nakatutulong sa akin dahil walang may alam sa sitwasiyon ko. Even Ace. Alam ko kung bakit sobrang cold niya dahil iniwan rin siya ng kaniyang ama. Pero swerte siya dahil may mama pa siya. Ako, ni isa wala ng natira. Lagi nalang akong mag-isa. Pinipilit kong ipakitang masaya ako sa harap ng iba kahit sobra na akong nasasaktan. Walang makakatulong sa akin kundi ako lang. Hindi ko na kailangang idamay sila sa problema ko. Ako nalang ang magdurusa.

"Mom, alam mo bang nag-away kami ni Ace? Nakita niya kasi ako na nakahiga sa sahig at nakapatong sa akin yung bitch na iyon. Pinapaalis ko iyong babae na iyon pero ayaw niya talagang umalis eh. Seksi yung babae ma, pero mas maganda si Ace dun ma. Mas disente siyang tingnan kaysa sa babae na iyon." Hinaplos ko ang kanyang lapida.

"Miss na kita mom. Wala na akong kasama sa bahay. Please, bumalik kana. Hindi ko na kaya."

Muling pumatak ang luha ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mabuhay. Sobra sobra na ang sakit na aking nararamdaman.

"Mas maganda siguro kung may karamay ka sa problem mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako kung sino iyon. Nakatayo siya at may hawak na basket. Ang mas nakakagulat ay ang kanyang mukha. No, I mean expression ng kanyang mukha. Nakangiti.

"Ace."

Lumapit siya sa akin at inilapag ang basket na kanyang dala at naglabas ng mga pagkain. Nakangiti parin siya.

"Sorry." Tumingin siya sa akin. Ang kanyang mga mata na puno ng lungkot at pagsisisi.

"Sorry kung naging cold ako. Sorry kung hindi ko inisip ang sitwasiyon mo. Soryy kung naging walang kwenta akong girlfriend sayo. Sorry kung naging pabigat ako sayo. Sorry. Sorry kung hindi ko maipakitang masaya ako tuwing magkasama tayo. Sorry. Sorry kung hindi kita nadadamayan sa mga problema mo. Sorry. Sorry sa lahat lahat." Umiiyak siya habang sinasabi ang nga katagang iyon. Napangiti ako sa kanyang mga sinabi.

"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ka naging cold. Sinabi iyon ng nanay mo sa akin. Tanggap kita kung sino ka. Mahal kita bilang ikaw. So be it kung cold ka sa akin. Ang mahalaga ay mahal kita at maipakita kong importante ka sa buhay ko. Hayaan mong ako nalang ang masaktan. Wala namang mawawala sa akin dahil wala nang natitira sa akin. Hayaan mong saluhin ko ang iyong mga lungkot at pagdurusa dahil sanay na ako roon. Ace, hindi mo kailangang humingi ng tawad, kaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Simula ng minahal kita ay binigyan na kita ng karapatang saktan ako." Tumingin siya sa akin. Lumapit siya at niyakap ako.

"Thank you. Thank you dahil pinatawad mo ako. Promise, babalik na ako sa dati. Babalik na ang Ace na masiyahin. Thank you." Saad niya. Inilayo muna siya at nakita ang kanyang mukha. Nakangiti ito. Mas maganda pala kapag nakangiti siya.

"I love you." Saad niya sa akin. Hindi ko siya sinagot kaya naman nakakunot na naman ang kanyang noo.

"Ngayon lang ako mag-i-i love you sayo wala ka manlang sasabihin. Kainis." Saka siya tumalikod. Ihinarap ko siya at idinampi ang aking mga labi sa kanya. Nagulat siya sa aking ginawa pero kalaunan ay tumugon narin siya.

"I can't say I love you cause no words can compare how much love I have for you." Saka ko siya binigyan ng isang ngiti. Namula ang kanyang mga pisingi.

"F-first kiss ko iyon." Ace

"First ko rin iyon haha." Saka ko kinurot at bininat ang kanyang mga pisngi. Ang cute niya hahaha.

"Happy Valentine's Day Ace."

"Happy Valentine's Day too Chan"

And we spent the day together.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

An: oh yeah!! Mahaba habang update. Mga 2.5 k words rin haha. Oy Ace, kung nagbabasa ka man dito sasabihin ko na sayo, story ko ito kaya wala kang karapatang tutulan ako hahaha.

On the serious note: yeyy. Natapos ko na ang isa sa mga special chaps. Marami pa ang kasunod nito kaya dont cha wore. Gift ko na ito para sa inyo.

Ps. Wanted: book cover.

Pps. Salamat sa pagbabasa guys. Umabot na tayo sa 1.26k reads. Yeheyy.. the best kayong lahat.

PPAP ESTE PPPS. Sana nahintay niyo ang update ko. Yaan niyo at naparami ang draft ko kaya naman marami ang iuupdate ko. Yun lang.

Silent signing out.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
764K 30.8K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
148K 5.1K 52
Fight for your life. Yourself is your only ally.