When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Ninth

13.4K 244 28
By pajibar

— Hayley's Point of View — 

                “Ano yun? Sa’kin mo nalang sabihin yung mga sasabihin mo sa kanya.”

                Nanlaki yung mata ng mga babaeng kasama ko ngayon at nag-freeza bigla. Dahil rin sa curiosity na malaman kung sino yun, lumingon din ako.

                “Prince Ken…” sabi ng mga babae.

                Prince? Seriously? Oo alam kong adik ako kay Dylan at pogi si Ken pero kahit kelan hinding-hindi ko sila tatawaging Prince!

                “Hmm? Di’ba may sasabihin kayo sa kanya? Ano yun?” tanong niya ulit habang nakangiti at habang papalapit na naglalakad papunta sa amin.

                Nagtitnginan na yung mga babae at hindi na nakapagsalita pa. Habang ako naman, nakatayo lang dun, pinapanuod sa kung ano ang mga next na pwedengmangyari. Woohooo! Go Ken!

                Knight in shining armor lang ang drama niya ngayon?

                Pinulot ni Ken yung mga gamit na nahulog sa lupa at nilagay ulit yun sa loob ng bag ko. Nang malagay niya na, inabot niya ito sakin.

                Tinignan niya muna yung tatlong babae at nilapitan ito. Kinuha niya yung ID ng nasa gitna at binasa ito. “Sophomores.” Sabi niya.

                “Nakakagulat isipin na ang mga sophomore students natin ditto ay nakakaya ng gumawa ng mga ganitong klaseng bagay. Mga bagay na kahit kaming mga Seniors ay hindi mo makikitang ginagawa.” Sabi ni Ken.

                Ha? Anong klaseng bagay? Anong ibig-sabihin niya?

                “Sophomores palang kayo, pero nagulat ako nang makita kong nakakaya niyong makipag makipag-away sa mga mas nakakatanda sa inyo.” Ohaaaa! Yan! Na-sermonan tuloy kayo! Mwahahaha.

                “Anong gusto mong gawin sa kanila, Hayley?” tanong sakin bigla ni Ken.

                “H-Ha? W-wala naman. Pabayaan mo nalang, hindi naman yata nila yun sinasadya.” Ayt. Anong hindi sinasadya?! Kita mo nang kinakawawa ka na nila kanina tapos papatawarin mo pa sila?

                Eh! Hayaan mo na. Forgive and forget nalang.

                “Sigurado ka?”

                “O-oo.”

                Hindi na nagsalita si Ken. Hinintay rin naming siya sa susunod niyang sasabihin pero matagal siyang natahimik at parang nag-iisip.

                Nagbuntong hininga siya. “Sige, papalagpasin ko kayo ngayon. Iisipin kong walang nangyari at nakita ngayon. Pero sa oras na malaman kong ginalaw niyo nanaman siya, I’m telling you, hinding-hindi na kayo makakapasok pa sa loob ng school campus namin.”

                Oh, pamangkin pala ng principal si Ken kaya naman pwedeng ma-kick out ang mga babaeng to kapag isusumbong sila ni Ken sa tita niya. Wala lang, in-explain ko lang.

                “O-opo.” Nauutal na sabi nilang tatlo. “Sorry, Prince Ken.”

                “Bakit kayo sakin nagso-sorry? Sa kanya kayo mag-sorry.” Tinuro ako ni Ken.

                Nagtinginan yung tatlo. Halatang ayaw mag-sorry sakin. Eh kung pag-umpugin ko kaya kayong tatlo dyan!

                “S-sorry po, ate Hayley.” Shaks! Ate daw oh!

                Woohoooo! Parang ang sarap sa tenga marinig ng word na yun! Atleast alam kong Ate na ko! Haha!

                “Okay lang.” sagot ko naman. Psh, okay lang daw. Hindi kaya.

                Pagkatapos nun ay umalis na yung tatlo. Wew! Buti nalang talaga at dumating si Ken. Kasi kung hindi eh, baka ako pa yung ma-kick out sa school dahil sa pagpapasalvage sa tatlong yun!

                Naiwan kami ni Ken dito sa labas habang nakatayo lang, tahimik.

                “Okay ka lang? Hindi ka ba nila sinaktan?” tanong niya sakin.

                “Ah, oo. Okay lang ako. Wag ka na mag-alala.” Woohooo Hayley ang feeler mo. Kala mo naman nag-aalala siya sayo? Utut mu pakamatay ka na!

                “Good to know. Lagi ka ba nilang nilalapitan? Or ngayon lang?”

                “Ngayon lang naman. Thank you pala sa pagdating ha. Di ko alam kung anong gagwin ko kung hindi ka dumating. Salamat talaga ha.”

                “Sus, wala yun. Ikaw pa, lakas mo kaya sakin.”

                Sheeemay grabe kinikilig ako. Sana si Ken nalang ang naging crush ko at hindi si Dylan. Kasi 101% sure ako na kahit anong mangyari eh hindi niya ako ililgtas sa mga ganitong klaseng bagay. Baka nga tulungan niya pa yung tatlong babae kanina sa pambubully sakin eh!

                Pero seryoso, thankful talaga ako dahil dumating si Ken.

                “Halika na, hatid na kita.” Kinuha niya na yung bag na hawak ko para dalhin ito. Tatanggi pa sana ako kaso, wala na eh, buhat niya na talaga kaya naman hinayaan ko nalang.

                “Basta, sabihin mo lang sakin kapag ginalaw ka ulit nung tatlong yun. Akon a bahala sa kanila.” Nakangiting sabi sakin ni Ken.

                “Galing mo talaga! Kaya idol na idol kita eh! Tinamo, like a boss yung ginawa mo kanina!” masaya kong sabi.

                At ayun, natapos ang isang buong araw na hindi ko nakaka-usap si Dylan. Sa totoo lang, hindi ko nga alam na kaya ko pala yung gawin eh. Buti nalang at nagparamdam sakin si Ken.

**

Next Day

— Ken’s Point of View — 

                Nagulat ako nang pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm naming ni Dylan. Paano ba naman kasi, hinalungkat niya lahat ng gamit niya at kinalat lang sa sahig. Kumusta naman yun para sa dormmate niya?

                “Oh, anong nangyare? Bakit mo nilalabas yung mga gamit mo?”

                Tinignan niya ako saglit at binalik ulit ang tingin sa ginagawa niya. “Ah eto? Hindi ko gamit yan. Mga bigay sakin yan.” Then, gamit mo pa rin yun?

                “Fine, then bakit mo nilalabas yung mga gamit na bigay sayo?”

                “Tatapon ko na.”

                Parang narindi naman yung tenga ko nang marinig ko yung sagot niya. Ha? Itatapon niya na?

                Tinignan ko yung mga gamit na yun.

                Karamihan dun ay galing kay Hayley. At hindi naman ako papayag kaagad nang babalewalain niya yung pinaghirapan ni Hayley. Kahit ganun yun, alam ko namang galing sa puso yung mga binibigay niya kay Dylan.

                “Sigurado ka ba?” tanong ko ulit.

                “Yup,” nilagay niya na sa box yung mga stuff toys, tshirts, picture frames, doodles, fanarts, at iba sa isang box para itapon na. “Tsaka masyado na tayong puno ng gamit dito sa dorm, kaya dapat lang magbawas.”

                Oo dapat nan gang magbawas, pero ughhh. Grabe talaga ang pagkasuplado ng lalaking ‘to.

                Binuhat na ni Dylan yung box at naglakad na papalapit sa pinto. “Ken, pabukas.” Utos niya sakin, hindi niya kasi mabuksan yung pinto dahil may hawak siya.

                “Iwan mo nalang yung mga galing kay Hayley.” Sabi ko bigla.

                Natigilan siya.

                “Psh.” Inirapan niya lang ako.

                “Dylan.” Tawag ko. Kapag sinabi ko na yung pangalan niya, alam niya naman na seryoso na ako.

                “Ano bang problema mo?” tanong niya.

                “Papayag akong itapon mo na yung iba pero itago mo yung mga bigay ni Hayley.” Sabi ko ulit.

                “Bakit naman?”

                “Gawin mo nalang.”

                Tinignan niya muna ako ng matagal at saka pinatong yung box sa sahig.

                “Ayoko.”

                Nang wala na siyang hawak, siya nalang mismo ang nagbukas ng pinto. Ang hirap talaga niyang i-approach.

                “Alam mo bang naaway nanaman siya ng kung sino-sino dahil sa’yo?” dumulas ang dila ko at nasabi ko yun ng biglaan.

                Tumigil siya at lumingon sakin.

                “Ano?”

                “Muntik nang may mangyaring masama sa kanya dahil sa mga may gusto sayo.” Paliwanag ko. “Alam mo bang natawag siya malandi nang dahil sa’yo?”

                “Bakit naman siya tinawag na ganun eh wala naman akong ginagawa?”

                “Ewan ko sa’yo. Bahala ka nalang. Gawin mo kung anong gusto mong gawin. Basta eto lang ang masasabi ko sa’yo, pinaghirapan ni Hayley ang lahat ng itatapon mong yan.”

                Pagkatapos kong sabihin yun ay humiga na ako sa kama at nagpahinga na. Siya nalang ang bahala kung pakikinggan niya ba yung sasabihin ko o magmamatigas nanaman siya.

**

— Hayley's Point of View — 

                Naglalakad na ako papunta sa may National Bookstore kasi may bibilhin akong libro. Bibilhin ko yung full volume ng Diary Ng Panget kasi may budget na ko. Saan nanggaling yung budget ko na yun? Ipapangbili ko sana yun ng something para kay Dylan pero dahil nga hindi ko na siya crush, di ko na siya papansinin.

                Habang naglalakad ako, biglang may tumawag sakin.

                “Hello?”

                “Hoy Lele!”

                “Oh anong problema mo?” tanong k okay Scarlett.

                “Asan ka na?”

                “Bakit?”

                “BASTA NASAAN KA SUMAGOT KA NALANG!”        

                Aba at may plano pa yata ang bruha na basagin ang eardrums ko?

                “Andito, patawid palang sa may ano—”

                Hindi pa ako tapos magsalita pero binabaan na ako ng lukresya. Ano bang gusto nung mangyare? Sasamahan niya ba akong magshopping? Or baka naman magpapalibre?

                Alam niyo na, mas maganda nang naninigurado ka muna.

                Maghintay nalang kaya muna ako dito? Baka nga kasi sundan ako ni Scarlett eh. Sige na nga dito na muna ako. Bestfriend ko naman yun eh (minsan).

                Joke lang sige aalis na ako. Nakakatamad maghintay. Siya ang maghanap sakin kung kailangan niya ako!

                Naglagay nalang ako ng earphones tenga ko para feel ko yung moment! Alam niyo yun, para akong si Dora habang naglalakad dito.

                Tumingin muna ako sa stoplight, naka-red pa para dun sa mga sasakyan kaya pwede pa akong tumawid.

                Ang ganda-ganda na sana ng adventure ko dun sa kalsada nang biglang may narinig akong sumigaw ng….

                “WAAAAAAAAGGGG!”

                Niyakap niya ako para mapunta dun sa gilid na side. At dahil wala ako sa focus nun, napatumba rin ako. I mean, napatumba rin kami parehas. Alam niyo yung nangyayari sa Korean dramas? Eto yun eh.

**

{ facebook ni hayley: facebook.com/hayleynicolegonzales or yung external link nalang. Thank you for reading! } 

Continue Reading

You'll Also Like

91.9K 6K 16
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
16.7M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
39.8K 621 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: