The Unconditional Love (JuliE...

By BabyJustSayYes

267K 3.5K 410

One sided love? It can actually lead you to a marriage. *wink ---- Since I'm a JuliElmo Fan. Here's another J... More

The Unconditional Love
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50: Last Chapter
Epilogue

Chapter 2

6.9K 67 0
By BabyJustSayYes

*Continuation ng flashback ng chapter1* Lol

“Hangga’t maaga pa, tigilan mo na yan Julie. Pwede pang masave yang feelings mo.”

“Maqui. Minsan ka na ring nagmahal kaya alam kong you understand me.”

“That’s why I’m doing this. Ganyan yang mga lalaking yan, pag alam nilang gusto ka nila, makikisakay sila. Tapos pag nagsawa sila, tayo din tong itatapon.”

“Hoy hindi lahat ng lalaki ganyan ah!” Pagtatanggol ni Sef sa sarili.

“Oo nga naman. Hindi lahat ganyan..” Sabat ni Julie sabay sulyap kay Elmo.

“E nasaan ba yang ate mo at iniwan yang jowa niya na nagpapakalasing?”

Umiling lang si Julie kay Maqui nang biglang pumasok sa eksena si Elmo na medyo lasing na.

“May I borrow Julie for a while?”

“Moe, lasing ka na.” sagot ni Maqui.

“Maq,“ saway ni Julie, “I can handle this. Sige na.”

May pagaalinlangan sa mga mata ni Maqui at Sef pero dahil pinapalayas na sila ni Julie ay wala na silang magagawa.

 

“Moe, bakit?”

“Julie. Please help me.”

“Why? What happened?”

“Your sister,” Naluluhang sinabi ni Elmo kay Julie.

Hindi mapakali si Julie, ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mahal niya. Pero mas masakit para kay Julie ung nasasaktan ang taong mahal niya dahil sa pagmamahal nya sa isang taong kailanman ay hindi magiging siya.

Isang buwan lang ang tanda ni Elmo kay Julie. So, that means mas matanda si Lauren ng isang taon kay Elmo, pero kahit ganoon, nagkakasundo pa rin ang dalawa. Ika nga nila, ‘Age doesn’t matter.'

“Huh? Bakit?”

“Nakita niyang may kausap akong girl kanina. She got jealous and inexplain ko naman na pinsan ko lang talaga ung kausap ko pero hindi siya naniniwala. So please, kausapin mo siya. Please?” May luhang pumatak sa kaliwang mata ni Elmo that made Julie’s heart melt.

Hindi pa nakakasagot si Julie nang bigla itong natumba at napahiga sa sahig, nakatulog yata sa sobrang lasing. Dali-daling lumuhod si Julie at tinapik tapik ang mga pisngi ni Elmo.

“Moe? Moe! gumising ka! Huy!”

“Umm..” lamang ang naisagot ni Elmo.

Ikinuha ni Julie ang mga braso ni Elmo at pinatong sakanyang balikat, nang biglang lumapit si Maqui.

“Nangyari?”

“Nakatulog na sa sobrang lasing. Maq, tulungan mo naman akong dalhin to sa kotse ko.”

“Ano balak mo sakanya?”

“Malamang iuuwi ko sa condo niya, alam ko naman kung saan unit niya since I’ve been there once nung may pinakuha sakin si Ate.”

“Sure ka?”

“Don’t worry about me Maq. Sige na, tulungan mo na ko.”

Tinulungan naman ni Maqui si Julie, kinuha nito ang kabilang kamay at ipinatong rin sa sariling balikat, sabay silang tumayo at pilit na kinakaya ang bigat ni Elmo.

“Ang payat payat pero ang bigat. My God!” reklamo ni Maqui.

 

 

Nakarating na sila sa parking lot at naipasok na nila si Elmo sa loob ng kotse ni Julie, sa tabi ng driver’s seat.

“Juls. Sigurado ka ba talaga?”

“Oo nga. Maq, hindi na ko bata nuh.”

“Juls naman, kilala kita, mabilis kang mahulog sa butas.”

“Maq, ihahatid ko lang. Again, ihahatid ko lang.”

“O sige na nga. Ingat ha? Kakukuha mo lang ng license mo ehh.”

“Yes Ma’am!”

Natawa si Maqui sa pagtawag sakanya ni Julie, “O sige na. alis na.”

Ngumiti si Julie sa kaibigan at pumasok na sa kotse, at nagdrive na palayo.

Ilang sandali pa ay nakarating na si Julie sa condo ni Elmo. Dahil hindi niya kaya si Elmo ay napatulong siya kay manong guard na alalayan si Elmo hanggang sa kwarto nito sa condo niya. Mabuti na lang at mabait si kuya, at mabuti na lang at nasa bulsa lang ni Elmo ang mga susi nito sa condo.

 

Nang maibaba na si Elmo ay nagmadali si Julie na kumuha ng plangganang may maligamgam na tubig at tuwalya, umupo ito sa tabi ng nakahigang si Elmo at inilapag ang tubig sa may mesa sa tabi ng kama.

Tinanggal muna ni Julie ang mga sapatos nito, sunod ang medyas. At in-unbuttoned ang butones sa pinakaitaas ng polo ng binata para medyo presko naman.

Kinuha ni Julie ang tuwalya at inilublob ito sa planggana. Piniga niya to para mawala ang tubig at saka ipinunas sa mukha ni Elmo. Sunod na pinunas nito ang mga braso nito. Alam ni Julie ang limitation niya pero di niya maiwasang mapangiti sa tuwing susulyapan niya ang mukha ng binata. Nagulat ito nang malaman o makitang may biceps pala si Elmo.


 

(AUTHOR’S NOTE: ANG SUSUNOD NA EKSENA AY RATED SPG. INUULIT KO, SPG AT HINDI LPG. K KORNI =_= KAYA KUNG MINOR KA PA, PWES LUMAYAS KA NA DAHIL HINDI ANGKOP SAYO ANG SUSUNOD NA EKSENA. NGUNIT KUNG 18 AND ABOVE KA, ENJOY! LOLJK)

Lalong nagulat si Julie nang biglang magsalita si Elmo.

“ANG INEEEETT!!!” sigaw ni Elmo. Parang nananaginip na ewan.

“Ha? Naka On na aircon eh.”

“Sabing mainit ehh!” Sigaw niya ulit sabay hubad ng sariling polo shirt.

Nagulat si Julie sabay talikod, “Woah”

Hindi ready si Julie lalo na’t may abs pala si Elmo. Iiwan na sana niya si Elmo nang maalala niyang naiwan pala sa kama ni Elmo ung bag niya. Nandun lahat ng gamit niya including her phone, money at ung car key niya. Meaning, kailangan niyang harapin ang abs ni Elmo bago niya makuha ang bag niya. Wooo!

Huminga muna ng malalim si Julie bago ulit nilingon si Elmo. Mahimbing na natutulog si Elmo na parang bata kaya naglakas loob si Julie na lapitan ito, I mean ung bag niya na nasa tabi lang talaga ni Elmo.

Lumapit si Julie at dahan-dahang kinuha ang bag niya. Nakuha niya ito ng walang kahirap hirap pero hindi niya akalain na hindi pala un ung challenge, kundi ung abs ni Elmo. Ibaba mo lang ng konti ang tingin mo ay makikita mo na ang . . . . garter ng brief ni Elmo. Kayo ah, anong iniisip niyo? XD

Bumilis ang tibok ng puso ni Julie nang bigla siyang nagising sa katotohanan. Tumalikod na ito at naglakad na ng ilang steps ng biglang siyang hatakin ni Elmo at hinalikan ito. Nabigla si Julie kaya nahulog ang bag nito. Hindi alam ni Julie ang gagawin, gusto niyang bumitaw kay Elmo pero ayaw ng katawan niya, para bang it is asking for more pa. Pinikit na lamang ni Julie ang mga mata at saka pinatulan si Elmo, pinatulan niya rin ng halik ang bawat halik ni Elmo.


 

Ilang saglit lang ay bumitaw na sila sa isa’t isa. Gusto sanang magsalita ni Julie para sabihin ang salitang “I Love You” pero naunahan siya ni Elmo.

“I love you. Please don’t leave me.”

Parang nananaginip si Julie sa saya. Alam niyang lasing si Elmo kaya niya sinasabi ang mga yon, pero sabi nga nila diba? Nagsasabi ng totoo ang mga taong lasing. Sa sobrang tuwa ni Julie ay niyakap niya ng mahigpit si Elmo.

Bumitaw si Elmo at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Julie, “I love you so much. Mahal na mahal kita. Please stay here, Lauren.”

Hinalikan muli ni Elmo si Julie, na inakala niya palang si Lauren.


 

‘Lauren’ ‘Please stay here, Lauren’ paulit ulit na nag echo sa utak ni Julie. Lasing na nga si Elmo. Lasing na siya. Tumulo na lang ang mga luha ni Julie habang hinahalikan siya ni Elmo. Biglang nanghina ang katawan niya.


 

What happened next? ALAM NIYO NA YON WAG KAYONG MAGPATAY MALISYA DIYAN HAHAHAHAHAHA!!!


 

PS. LAHAT NG NAKA ITALICIZED AY FLASHBACK. THANK YOU ;)

Continue Reading

You'll Also Like

35.6K 1.7K 25
Highest Rank Achieved #22 in Teen Fiction Category. This story explores the journey of Celestine, the city girl in the province, where he meets Drav...
258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
2M 21.1K 100
"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with us. And we don't know when the perfect...
317K 13.9K 53
Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin mo ba sa kanya at iri-risk mo yung frie...