Chapter 29

4.6K 63 8
                                    

<Julie’s POV>

Bukas na ung fourth runway show ko so I’m a little bit busy pero pinatawag ako ni Ms. Beth for an urgent matter.

“Ms. Beth?”

Pagbukas ko ng pinto sa office niya, naabutan ko siyang nakaupo na sa may couch, waiting for me. Umupo ako sa tapat niya when she told me to.

“Bukas na ung runway show mo diba, J.A.?” Kahit si Ms. Beth nasanay na sa pagtawag saakin ng J.A. kahit na Julie ang tawag saakin ng anak niya.

Tumango ako, “Yes po.”

“Alam kong marami kang pinagdaanan these years bago ka makarating sa pwesto mo. And hindi ko alam kung magugustuhan mo ba tong ibabalita ko pero I’m going back to the Philippines next week and I would like you to come with me.” Philippines. My heart suddenly thumps when the word Philippines came. “May bago akong branch na ipapatayo sa Manila and I want you to monitor that branch habang tinatayo siya. Alam mo ang standards natin so may tiwala ako na maitatayo siya ng maayos within your hands.”

Hindi ako puwedeng tumanggi sakanya dahil napaka laki ng utang na loob ko sakanya. Siya ang nagbigay saakin ng pag-asa para magsimula ulit kaya kailangan kong tanggapin iyon.

“I know it’s not easy for you to go back there, but you have to face your fears. And don’t worry, Alden will be going with us.” She smiled at hinayaan kong magrest ung kamay niya sa may taas ng knee ko.

Hindi ako makatulog kinagabihan. Kailangan kong gumising ng maaga bukas dahil may runway show pa ko pero nagigising na lang ako bigla pag naiisip ko na babalik na ko ng Pilipinas. Siguro iniisip niyo na wala akong utang na loob sa baying pinanggalingan ko, pero mahal ko po ang Pilipinas, hinding hindi mawawala sa puso’t isip ko na Pilipinas ang inang bayan ko. Pero ayoko na kasing mabalikan ung mga masasakit na karanasan ko sa Pilipinas. Kaya nga ako umalis dun para makalimot, pero ngayong babalik na ko, ganon pa rin kaya ung sakit?

.

Nagpakita ako sa media pero hindi ako nagpa-interview. Umakyat ako ng runway stage at tumanggap ng mga palakpak at bulaklak after matapos ung show, pero siguro mga five-seconds lang exposure ko sa tv. Naisip ko lang na oras na para magpakita, oras na para ipagmalaki sa lahat na ako si J.A., ayoko ng magtago. And now that they already know me, feeling ko mas magiging mahirap para saakin na gumalaw.

Ngayon pa lang hirap na kong gumalaw dahil pilit na lumalapit ung media pero derecho lang ako sa paglalakad sa tulong ng paghaharang sakanila ng mga bodyguards ng venue.

Pagakyat ko ng driver’s seat ng kotse ko, nagulat ako sa presence ni Alden na nakaupo sa tabi ko.

“Den naman, papatayin mo ba ko sa takot?”

The Unconditional Love (JuliElmo)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu