Chapter 28

4.6K 54 11
                                    

<Author’s POV>

Hindi naging madali ang buhay para kay Julie and Elmo. Pareho nilang mas pinili ang makalimot at magsimula ulit kahit na pareho nilang alam na magiging mahirap iyon since we can’t deny the fact na mahal nila ang isa’t isa.

Sa pagalis ni Julie ng bansa, tinuloy pa rin ni Elmo ang pagaaral sa nasimulan niyang course na engineering. From then on he promised himself to forget Julie and just go on with his own life. May kirot pa rin na nararamdaman si Elmo everytime na naaalala niya ung panahong sinubukan niyang pigilan si Julie pero mas pinili pa rin niyang umalis kasama ang ibang lalaki, na kailan lang din niya nalaman kay Maqui na si Alden pala yun.

Hindi maiwasan ni Elmo na makaramdam ng galit kay Julie, bakit kailangan niyang ipamukha kay Elmo na mas pinili niyang mag bagong buhay kasama ng Alden na yun? Ba’t niya pinapamukha kay Elmo na kaya niyang mabuhay ng wala siya? Pwes, kung kaya ni Julie, kaya rin ni Elmo, at papatunayan niya yon.

After 2 years of continuous studying nakagraduate din siya. He continued being a site manager ng kanilang company and di nagtagal pinromote din siya ng Dad niya sa second to the highest position na Vice President ng kanilang company na HM Enterprise.

Mahigit isang taon pa lang siya sa pagiging VP pero sobrang dami ng mga client ang lumalapit sakanya para imanage ung pagpapatayo ng mga building. Elmo is not afraid of using expensive materials for the clients and un din siguro ung kanyang susi sa success ng mga building niya. Pero kahit na puro mahal ang mga materials, never silang nalulugi dahil based naman sa prices ng mga materials ang binabayad ng mga clients. In fact, tumaas ang sales ng HM Enterprise and pasok pa ito sa top 10 most trusted company sa buong Asia.

.

6 months lang talaga ang kailangan ni Julie sa training pero pakiramdam niya kulang ang 6 months kaya ipinatuloy niya iyon hanggang sa umabot siya ng 2 years. Tama nga si Maqui, gagawa at gagawa si Julie ng paraan para magtagal sa ibang bansa, o di kaya’y baka magstay siya dun permanently.

Sa loob ng 2 years ng training ni Julie, marami na rin siyang nakilala na kilalang designers and with those designers’ help, Julie held her first runway show just 2 months after siyang magsimula as an official designer and not a trainee. She decided to choose J.A. which means Julie Anne as her stage name. Because of the support of her designer friends, naging successful ang kanyang first runway show and na-catch nito ang attention ng media, pero mas pinili niyang hindi magpakilala in person so people only know her designs under the name J.A.

The Unconditional Love (JuliElmo)Where stories live. Discover now