Chapter 40

3.8K 76 21
                                    

<Julie’s POV>

Bigla akong nagising sa tunog ng phone ko na nasa purse ko, maliit lang purse ko kaya nakuha ko naman agad ung phone ko at sinagot ito without opening my eyes.

“Hmm?”

“Hmm na ba ang bagong hello ngayon?”

“Maq..”

“Natulog ka ba?”

“Tulog pa ko.”

“Gumising ka na. Nandito ako sa labas ng condo mo so open the door, may dala akong salad. Kanina pa ko nagdodoorbell ah?”

“Wala ako sa bahay. Nandito ako sa office ni Elmo.”

“What?! Diyan ka natulog? Julie! What are you thinking? Alam kong sinabi ko sayo na go for it pero ang bilis mo naman?”

Bigla akong natawa, iba yata ung iniisip nitong babaeng to.

“Ako lang ang natulog, Maq. Nagwowork si Elmo. Okay?”

“I don’t care! Umuwi ka na, ngayon din!”

Dumilat ako at napansin kong dumidilim na pala, kung hindi siguro dahil sa light na nanggagaling sa buwan na nagrereflect sa glass windows ng office niya e wala na kong makita. Tinignan ko ung oras sa phone ko and 8:00pm na pala, napasarap yata ung tulog ko. Bumangon na ko pero biglang may nahulog sa sahig, ung suit ni Elmo. Kinuha ko yun and hindi ko mapigilan na amuyin, ang bango. Ano kaya ung pabango niya ngayon? Hindi na same ung amoy ngayon sa amoy niya dati.

Nagtatalo pa ung isip ko sa kung ano kaya ung pabango ni Elmo nang may biglang tumunog. Yung tiyan ko. Nawala sa isip ko na kape lang pala ung laman ng tiyan ko. Ibinaba ko yung suit niya and tumayo na ko para hanapin siya pero hindi ko siya mahagilap sa loob ng office niya.

The Unconditional Love (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon