POSSESSIVE 15: Phoenix Martin...

By CeCeLib

46.8M 950K 248K

Phoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in t... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE

CHAPTER 24

1.1M 26.4K 6.2K
By CeCeLib

Hi to Lucy Joy Angel Repayo.

CHAPTER 24

ISANG ARAW na ang nagdaan mula ng huling makita at makausap ni Red si Phoenix. Isang araw na ang nagdaan mula ng huli niyang makausap si Titus dahil kahit ang pagkain niya ay dinadalhan lang siya sa kuwarto dahil bawal siyang lumabas. At isang araw na rin ang nagdaan na walang balita mula kay Nate. Hindi na siya mapakali habang dumadaan ang mga oras. Hindi siya makatulog, hindi siya makakain ng mabuti at wala siya sa sarili.

Ang tanging laman lang ng isip niya ay si Phoenix at kung ano na ang lagay ng binata. Natatakot siya para rito. Hindi niya kakayanin kung may mangyayaring masama sa binata.

Kaagad siyang umupo ng tuwid sa gilid ng kama ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Kaagad na nawala ang emosyon sa mukha niya ng makitang si Rinaldi Ivanov ang pumasok at kasama nito si Titus.

"Good afternoon, princess," bati sa kaniya ni Rinaldi. "How are you feeling today?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "I'm fine." Hindi niya hinayaang makita nito ang emosyong nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. "How about you?" Pormal niyang balik tanong.

"Oh, I am well, princess." Malapad itong ngumiti. "And I actually came here to tell you that his death will never be your fault. It's his choice."

Kumunot ang nuo at kinabahan ng maisip na baka si Phoenix ang tinutukoy nito. "What do you mean? Who are you talking about?"

"You know Phoenix Martinez, right?"

Hindi siya tumango, hindi rin siya umiling. "Why are you asking?"

"I know you know him, you don't have to pretend that you don't. I just want to inform you that he'll be dead before the sun shines tomorrow." Nanatili ang ngiti sa mga labi nito. "I'll make sure of that. My men will kill him. Thirty versus one? What a joke."

Pilit niyang pinapakalma ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi niya hahayaang may makita itong kahit na anong emosyon sa mukha niya. "And if he won?"

Rinaldi smirked and it instantly disappeared. "He wont."

"He will," giit niya.

"Don't let your hopes up, princess. You'll be disappointed."

Red smiled. "We'll see."

"Yes, we shall see." Bumalik ulit ang ngiti sa mga labi nito saka iniba ang usapan. "The wedding is tomorrow morning, so get some rest. I don't want you to look unappealing tomorrow. You have to look beautiful tomorrow. And I also came here to tell you that everything is ready, even the honeymoon room." Mahina itong tumawa saka pinagsiklop ang mga kamay. "So rest, will you?"

Tumango siya. "I will rest."

"That's good to hear, princess."

Pilit siyang ngumiti saka magalang na nagtanong. "Is it okay if I speak to Titus?"

"Of course." Nakangiting pagpayag ni Rinaldi. "I'll take my leave now." Bumaling ito kay Titus. "You two talk. After all, the wedding is tomorrow. Sunday is the best wedding date, they say, that the marriage will be prosperous."

"Yes, patri," sagot ni Titus habang matiim na nakatingin sa kaniya.

Tinanguan siya ni Rinaldi bago ito tumalikod at naglakad palabas ng kuwarto niya. Nang sumara ang pinto at silang dalawa nalang ni Titus, kaagad siyang nagtanong sa mahinang boses.

"Kumusta si Phoenix?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. "Napigilan niyo ba siya?"

Sapat na ang pagtiim-bagang ni Titus para malaman niya ang sagot sa tanong niya.

"Hindi..." Para siyang tinakasan ng lakas. "Hindi puwede..."

Malakas na bumuntong-hinga si Titus, halata ang iritasyon sa mukha nito. "Mamayang hating-gabi mag-uumpisa ang Flamma. Kung kailan 'yon matatapos, hindi ko alam. May walong oras pa si Phoenix bago ang kasal natin. He better win and not die."

Sunod-sunod siyang napailing, parang nanghihina ang tuhod niya buti nalang nakaupo siya. "Hindi ba siya napigilan ni Nate?"

"Hindi na. Huli na si Nate," sagot ni Titus na kumuyom ang kamao. "Pumerma na si Phoenix sa kasunduan ng Flamma. Wala na tayong magagawa, Red. That fucker better win that fight."

Nanunubig ang matang tumingin siya kay Titus. "Sa tingin mo mananalo siya?" Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kakayahan ni Phoenix, talaga lang na nag-aalala siya ng sobra para sa binata.

Nagkibit-balikat si Titus. "Magaling si Phoenix. Pero laban sa trenta katao na magagaling din sa larangan ng pakikipaglaban? I can't say, Red. I can't say."

Tuluyang nalaglag ang luha sa mga mata niya na mabilis naman niyang tinuyo kaagad. "What are the chances?"

"I say sixty-five, thirty-five." Napailing si Titus. "Phoenix is thirty-five."

Malalim siyang napabuntong-hininga saka sinapo ang mukha niya at malakas na nagpakawala ng hininga. "Paano kung matalo siya?" Natatakot niyang tanong.

"Kapag natalo siya?" Tumiim ang bagang ni Titus. "Kung hindi pa siya patay, ako mismo ang papatay sa kaniya."

"Titus!" Pinanlakihan niya ang mga mata nito. "Don't say that!"

Tinalikuran siya ni Titus. "Bukas ng umaga, malalaman na natin ang sagot sa mga tanong natin," sabi nito saka binuksan ang pinto ng kuwarto niya at bumaling sa kaniya. "Magpahinga kang mabuti. Bukas na ang kasal natin."

Tinikom niya ang bibig saka tumango. "Okay."

Tumango si Titus at tuluyan na itong umalis sa kuwarto niya saka isinara ang pinto. At kasabay ng pagsara ay bumagsak ang ilang butil ng luha sa pisngi niya.

Noon, magpapakasal siya kay Titus para matulungan ito katulad ng pagtulong nito sa kaniya. Ngayon, magpapakasal siya kay Titus dahil ayaw niyang mapahamak si Phoenix kapag ito ang pinili niya. The family would not take it lightly. They would kill Phoenix. It was better this way.

She was going to sacrifice herself for his safety and he was just throwing it away. Parang walang halaga rito ang sakripisyong gagawin niya. Hindi ba nito naiisip na ginagawa niya ito para rito? Para hindi ito mapahamak ng dahil sa kaniya?

Why was Phoenix so stubborn?

Pabagsak siyang nahiga sa kama saka napatitig sa kisame ng kuwarto.

Bukas na ang kasal. At mamayang hating-gabi mag-uumpisa ang Flamma.

Mariin niyang pinikit ang mga mata at sunod-sunod na nalaglag ang luha sa gilid ng mga mata niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Takot, pag-aalala, frustrasyon at pag-asa na sana ay manalo si Phoenix.

She was scared. So darn scared.

Napatigil sa pagluha ang mga mata niya ng marinig ang tunog na nanggagaling sa likod ng salamin.

Namilog ang mga mata niya at mabilis siyang bumangon habang umaasa na sana si Phoenix yon para makausap niya ito at mapilit na umuwi nalang sa Pilipinas, pero kaagad na nabigo ang pag-asa niya ng bumukas ang lihim na pinto sa likod ng salamin at sumilip doon si Rhyzk.

"Hey, princess," bati nito sa kaniya ng magtama ang mga mata nila.

"Si Phoenix?" Iyon kaagad ang lumabas sa bibig niya.

"He's unavailable right now, princess," sagot ni Rhyzk saka may inabot sa kaniyang puting papel na nakatupi. "Ito pala, pinapabigay niya sayo."

Kaagad niya iyong tinanggap saka tumingin kay Rhyzk. "Nasaan siya? Anong ginagawa niya? Maayos ba ang lagay niya?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Bakit ba niya ginagawa 'to?"

"He's doing this for you, princess." Napabuntong-hinga ito saka napailing. "Hindi ako payag sa gagawin niya pero kapag gusto niya, gusto niya. Hindi 'yan nakikinig sa iba. Ugali na niya iyan noon pa." Napailing-iling ito saka pagak na natawa. "Wala na tayong magagawa sa katigasan ng ulo niya. Ang magagawa nalang natin ay suportahan siya. Ikaw naman—"Tinuro nito ang relo niya. "Ang maitutulong mo ay huwag huhubarin 'yan para alam niya kung saan siya pupunta pagkatapos ng Flamma."

Nagsalubong ang kilay niya saka bumaba ang tingin niya sa relo niya saka nag-angat ng tingin dito. "Bakit? Ano ba ang mayroon sa relong 'to na ayaw niyang ipahubad sakin?"

May pagdadalawang isip sa mga mata ni Rhyzk bago sumagot. "Nilagyan niya ng tracking device ang relo na 'yan."

Hindi makapaniwalang umawang ang labi niya at namilog ang mga mata niya. "Ano?!"

Napangiwi si Rhyzk ng tumaas ang boses niya at kaagad itong nagpaliwanag. "Ginawa lang naman niya 'yon para daw mahanap ka niya kaagad kapag nababaliw siya sa pagka-miss sayo."

Kaagad na natunaw ang inis niya sa ginawa ni Phoenix saka tumibok ng mabilis ang puso niya. "G-ganoon ba?"

"Yeps." Rhyzk smiled. "Sige, aalis na ako. Don't worry too much. Kapag namatay siya bukas, sasabihan kita kaagad."

Namutla siya sa sinabi nito. "A-ano?"

Mahinang tumawa si Rhyzk saka isinara ang sekretong pinto saka napatitig siya sa salamin at mabilis na binuksan ang nakatuping puting papel.

Sumalubong sa mga mata niya ang pamilyar na sulat-kamay ni Phoenix.

'HEY, BABY. I MISS YOU. HUWAG KANG MAG-ALALA MASYADO SAKIN. ALAM KONG ALAM MO NA NGAYON ANG BALAK KONG GAWIN AT ALAM KO NA RIN ANG SASABIHIN MO. BUT, I WONT LET YOU STOP ME, BABY, BECAUSE I DON'T WANT MY HAPPINESS TO MARRY ANOTHER MAN. YOU'RE MINE FROM THE VERY START. SO DON'T YOU DARE SAY I DO TO TITUS. WAIT FOR ME, BABY. KAHIT ANONG MANGYARI, HINTAYIN MO AKO BUKAS. HUWAG KANG MAGPAPAKASAL SA KANIYA. WALA AKONG PAKIALAM KAHIT NASA SIMBAHAN KA PA, PUPUNTAHAN KITA KAYA HINTAYIN MO AKO. THERE WILL BE NO IVANOV AND MONTERO'S NUPTIAL, BECAUSE GOD KNOWS THAT IT SHOULD BE MARTINEZ AND MONTERO'S NUPTIAL. SO WAIT FOR ME, BABY, AND HAVE FAITH IN YOUR MAN. AFTER ALL, THIS MAN LOVES YOU AND YOU SAID YOU LOVE HIM TOO. SO PLEASE, I BEG YOU, DON'T SAY I DO.

- PHOENIX'

Tinupi ni Red ang sulat saka dinala iyon sa dibdib niya at niyakap iyon.

God bless her man. Sana hindi ito pabayaan ng panginoon. At kailangan niyang maniwala na mananalo ito, na hindi ito mapapahamak. She had to believe in her man.

He was right, she had to have faith in him.

Binasa niya ang nanunuyong labi saka napabaling sa pinto ng may kumatok doon at bumukas.

Pinigilan niyang makita ng bagong dating ang emosyon sa mukha niya ng makitang isa iyon sa mga utusan ni Rinaldi.

Walang imik nitong inilapag ang isang eleganteng wedding gown na kulay berde at yumukod sa kaniya. Kapagkuwan ay lumabas kaagad sa kuwarto niya.

Si Red naman ay napatitig sa wedding gown na kulay green. It was not the traditional color of the wedding gown which was white, hers was light green. Ayon kasi sa tradisyon ng mga Sicilian, kulay green dapat ang kulay ng wedding gown, because it symbolizes fertility and good luck.

Good luck... Wala siyang buhay na mahinang natawa. She hoped it was a good luck in her part.

Ibinulsa niya ang sulat ni Phoenix saka huminga ng malalim at nanatiling nakatitig sa wedding gown na susuotin niya bukas.



KINAKABAHANG NAPABANGON SI Red sa kama ng marinig niyang tumunog ang orasan sa loob ng kuwarto niya. Mabilis siyang bumaling sa kinalalagyan no'n at nilukob ng takot at kaba ang buo niyang pagkatao ng makitang eksaktong hating-gabi na.

The Flamma...

Bumaon ang ngipin niya sa pang-ilalim niyang labi habang nakatingin sa orasan.

Nag-umpisa na ngayon ang Flamma. Ano na kaya ang nangyayari? She wished that she could see Phoenix right now, to make sure that he would be okay, to make sure that tomorrow he'd live.

Dahil hindi niya alam ang gagawin kung may mangyayaring masama rito.

Huminga siya ng malalim saka kumuyom ang kamao niya. Umalis siya sa kama saka hinawi ang satin na kurtina na nakatabing sa balkonahe saka naglakad palapit sa barandilya ng terasa.

Red breath in the fresh air of Sicily. Napakaganda sana ng bansang 'to, pero ang daming niyang hindi magagandang ala-ala sa lugar na 'to. At natatakot siya na bukas, baka madagdagan ang masasama niyang ala-ala sa lugar na 'to. Pero kahit natatakot at nag-aalala, naniniwala siyang mananalo si Phoenix.

She hoped so.

Natigilan siya at kaagad na napalingon sa pinto ng kuwarto niya ng marinig niya iyong bumukas at pumasok doon si Titus. Nang makita siya ng binata sa balkonahe, kaagad itong naglakad palapit sa kaniya saka tumabi ng tayo sa kaniya.

"Nag-umpisa na," anito. "Buti nalang nakapuslit ako sa kuwarto ko para puntahan ka."

Tumango siya habang nakakuyom ang kamao. "Alam ko."

Huminga ng malalim si Titus. "Nalaman ko mula kay Nate na pinasara ni patri ang Ivanov Coliseum. Mukhang doon ginaganap ang Flamma."

Alam niya kung nasaan 'yon, medyo malayo 'yon sa mansiyon at malaking gusali iyon na pabilog na minsan pinagdadausan na magagarbo at malalaking pagtitipon ng pamilya.

"May posibilidad ba na malaman natin ang lagay ni Phoenix bukas bago ang kasal?" Tanong niya.

"Hindi ko alam," ani Titus. "Masyadong mahigpit ang utos ni patri na hindi tayo puwedeng lumabas, lalong-lalo na si Nate. Bukas ng umaga, lalabas lang ako kapag patungo na sa simbahan at ganoon ka rin. Mas lalong humigpit ang bantay sakin ngayon. Buti nga nakatakasan ko sila ngayon."

Tumango-tango siya saka bumuntong-hinga at nagsalita. "Ayokong ikasal sayo, Titus."

"Alam ko," sagot ng katabi. "But do you have a choice? It's either me or Emmanuel. You pick. Phoenix is not part of the picture, alam na alam mo 'yon mula sa simula."

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumango. "Alam ko. Kaya nga sayo ako magpapakasal diba? Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa sakin ni Emmanuel. Hindi man 'yon natuloy dahil dumating ka, pakiramdam ko binaboy pa rin niya ang katawan ko. At mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ang ikasal sa kaniya."

Inakbayan siya ni Titus at masuyo siyang niyakap at hinalikan siya sa nuo. "Tapos na 'yon, Red. Hindi naman natuloy ang balak niyang pag-gahasa sayo."

"Kasi dumating ka." Tiningala niya ang mukha ni Titus. "Iyon yong rason kung bakit hindi ko magawa-gawang talikuran ang pangako ko sayo. You saved me, Titus."

Hinaplos nito ang buhok siya saka niyakap siya ulit. "Huwag mo nang isipin 'yon, akong bahala sayo. Basta sa ngayon, magpahinga ka at huwag mo munang isipin si Phoenix. Namumutla ka na. Kumakain ka ba ng tama?"

Umiling siya saka kumawala sa pagkakayakap ni Titus at tumingin sa siyudad ng Sicily. "Wala akong ganang kumain, T. Kapag pinilit ko naman, sa lababo palagi ang bagsak ko. Sinusuka ko rin kasi yong kinain ko e, kaya mas mabuting hindi nalang ako kumain."

Napabaling siya kay Titus ng nanatili itong tahimik at nahuli niyang nakatitig ito sa kaniya, kunot ang nuo nito.

"Ano 'yon?" Tanong niya.

"Bakit hindi ka nagsabi? Dapat nagpa-check up tayo."

Umiling siya. "Ayos lang naman ako. Sobrang stress lang siguro 'to." Pumasok siya sa loob ng kuwarto dahil sa panlalamig na nararamdaman. "Sige, magpapahinga na ako."

Tumango si Titus saka nang nakahiga na siya, ito ang nagkumot sa kaniya saka hinalikan siya sa nuo. "Good night, Red."

Red tried to smile. "Good night, Titus."

Titus smiled and left her room. At ilang oras pa ang binilang niya bago siya kinain ng pagod at antok. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

19.6M 1M 75
Struggling with commitments, savage and independent Zehannah Sevil is ready to be single for the rest of her life. But as she continuously crosses pa...
1M 6.3K 12
PREVIEW ONLY Complete and uncut story is available on my VIP group. Message us in Facebook, search TheMandieLee.
47.3M 1M 51
Iris Gonzaga-Racini had made peace with her unusual life. Married, but miserable and lonely, Iris vowed to live life to the fullest. When she is invi...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...